JELO'S POV
Sobrang biglaan yung pagtitig ni Allen saken, at napatitig na din ako sa kanya. Anlapit ng mga mukha namen ni Allen sa isa't isa. Naninikip ang dibdib ko, at bawat tibok ng puso ko ay dumadagundong sa kaba at excitement. Napapatingkayad nako sa pagkakasandal sa bookshelf para makaatras. I know may crush ako kay Allen pero di naman ako ready sa gantong kaclose sa kanya. Di ako prepared mga mamsh! Nawala ang focus namen sa pagtititigan nang me parang ipit na tili na sabay nameng nilingon.
Paglingon namen, andun sina Erine at Gabby, at hawak na naman ni Erine yung phone nya, mukhang nagrerecord. At bigla ata nilang narealize na nakatingen na kame sa kanila kaya biglang nagtago.
"Ano kaya yun?" nasabe ko na lang
Pag-alis nila, nagkatinginan ulit kame at ngumiti si Allen bago nagsabeng "Parang nakapikit ka lang naman lagi eh"
"Oo na! Ako na yung maliit ang mata! Ikaw na yung malaking mata!"
"Oy di malaki yung mata ko! Expressive lang!"
"Ano namang gusto i-express nyan ngayon?"
Ngumiti ulit sya pero napapatingen sya sa gilid ko this time. Baka me nakita syang familiar na libro sa shelf so lilingunin ko na sana, kaya lang bigla nyang ipinasok yung librong hawak nya sa siwang ng mga libro
"Gusto netong i-express na tara na icheck-out na naten tong libro para masimulan ko nang basahin" at parang biglang nag-iba ang timpla nya, parang nawala sa mood.
"Ahmmm okay sige." Ang sya ko na lang naging sagot sa kanya. At nagsimula na kameng maglakad papunta sa librarian para magcheck-out.
RHEK'S POV
Sinundan nameng tatlo nina Kim at Noel si Allen nang sumunod sya kay Jelo sa bookshelves. Kita namen nang inabot ni Allen yung libro na pilit inaabot ni Bakla at mukha silang nagkakabiruan nang biglang yumuko nang bahagya si Len at inilapit ang mukha sa kausap, at sumandal naman si Bakla sa mga libro. Titig na titig kame sa kanila nang biglang may tumili sa tagiliran at napalingon kame, pati sina Bakla at Allen napatingen din. Ayun yung mga babaeng nilapitan at kinausap ni Bakla kanina, na biglang nahiya at nagtago sa gilid ng bookshelf at nagsimula nang umalis na nagbubulungan at parang pigil na kinikilig hanggang sa makalampas sa shelf na tinataguan namen.
Hindi na 'to nakakatuwa! Hinuli ko ang tingin ni Allen at napatingen naman sya saken. Nag-cross arms ako at tinitigan syang mabuti. Lilingon na si Bakla nang pinasakan ni Allen ng libro ang siwang.
"Aba!" napalakas kong sabe at agad tinakluban ni Kim ang bibig ko. Shhhh!!! pagmumustra nya. At hinatak nila ako ni Noel na magtago sa kabilang side ng shelf habang dumaan yung dalawa sa other side. Pagkalampas nila, binitawan nako ni Bangs!
"What was that for?" tanong ko, naiinis sa pagkaka-invade nya sa personal space ko
"Ang usapan diba pagmasdan lang sila? Bat ka magrereact at nagpakita sa kanila?" tanong nya pabalik saken
"Aba malamang kapatid ko yung binabakla nyo eh! Atsaka kita naman na yung kaibigan nyo yung nag-initiate! May pagpisil-pisil pa si pisngi ni Len"
"Pero yung kapatid mo yung nagpapacute," sabat ni Noel, "Kita mo yung mga ngitian nya? Yung pagpapout? Yung mga pagtitig? Kung di pagpapacute ang tawag dun, hindi ko na lang talaga alam!"
Hindi ko matatanggi na para ngang nagpapacute si Len. Hindi sya ganung makipagbiruan sa mga tropa nya. Ganun lang yun samen pag hihingi syang baon samen o magpapaalam gumala kay Mama.
"O diba? Narealize mo din?" sabe ni Kim nang mapansing natahimik ako sa point nya, "Kailangan mo nang tanggapin na nagpapapansin din talaga yung kapatid mo sa bestfriend namen"
"He! Di ako papayag na maconvert sya sa mga kabaklaan nyo no! Nag-iisa yang lalake sa amin, kailangang may magtuloy ng lahi namin"
"O e di tayo na lang magtutuloy!" tugon nya
"Wow! Nice boi! Ang smooth nun ah!" sabe ni Noel, sabay highfive kay Bangs
"Anong smooth kayo jan! At bat ba sabat ka nang sabat?" naiinis kong pagtatanong sa kanya
"Aw sorry ha! Yaan nyo, pag me inaawrahan nako, hu u na kayo saken!" at nagwalk-out na sya
Sinundan namen sya ni Kim ng tingin bago muling nagsalita si Kim, "Alam mo ang savage mo! Pero okay lang yan masosolo na kita ngayon," sabay ngiti saken at kindat
"Eew!" sabay tulak ko sa kanya, "What's your problem dude? Lumayo ka nga sa aken!" at ako naman ang nagwalk-out
Nakita ko pa sila Jelo at Len na nakapila sa check out counter, bago ako umalis e sinigurado kong nakita ni Allen na I'm pissed off.
Dumiretso nako sa last class ko for the day at pinilit magfocus sa klase, pero I cant stop thinking of the recent events. Una, nung inilapit ni Len yung mukha nya kay Jelo habang natutulog to sa clinic. Pangalawa, yung kanina. Nung yumuko sya bahagya. At kung pagbabasehan ko yung pwesto nila at yung tili nung dalawang babae nakakita sa kanila kanina, shocks! Baka nga nagkiss na yung dalawa ah!
"No! Hindi to pwede!" Napalakas kong sabe at natigilan ang lahat at napatingen saken
"Alin ang hindi pwede, Miss?" tanong ng prof namin
"Ahmm wala po ma'am!"
"Ano nga yon? You might wanna share it to the class para after e makapagfocus ka na sa class ko?" pamimilit nyang pagtatanong
"Nothing miss. I just suddenly remembered something I left at home" pagsisinungaling ko. Syempre alangan namang i-share ko yung gayshit problems ng kapatid ko sa kanila.
"Can you wait until this class ends before you worry about it?"
"Of course, Miss. I'm really sorry"
"Okay class, going back to our topic" Blah blah blah at nagpatuloy ang klase. Darn it! Mapapahamak pa ako kakaisip! Nababakla na nga kaya si Allen? I have to stop that! Naconvert na si Ate Chez, hindi pwedeng pati ang nag-iisang lalake sa amin e makoconvert din!
Hanggang sa natapos ang klase ay sina Allen at Jelo pa din ang nasa isip ko. Bakit kase hinayaan ni Allen na maging close sa kanya yung bakla na yun, at baket kinukonsinte ng mga kaibigan niya sya? I have to stop this!
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81