Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

JELO'S POV

Nakakaaliw turuan si Allen. Para syang nagpapacute twing nagtatanong at nalilito na sa tinuturo ko. Totoy na totoy pa talaga. Napatingin sya saken

"Baket? Me dumi ba ako sa mukha?" tanong nya habang pinapahiran mukha nya

"Wala naman. Natatawa lang ako sayo. Para kang tuta", sabay pisil sa pisngi.

"Aray!" sumimangot sya at tinundo ako sa tagiliran, "masakit ha!"

"Sorry natutuwa lang ako sayo. Pacute ka eh."

"Anong pacute? Ang cute para sa tuta"

"Okay fine, pogi. Papogi ka eh. Happy na?"

"Ayan! Ayan! Baka nababakla ka na saken nyan ha. Wag po kuya!"

It's my turn para tunduin sya sa noo, "sabe na't wag akong tatawaging 'kuya' eh"

"Sorry po… lolo!"

"Ah lolo pala ha!" sabay pitik ulit sa noo nya, "Oh ayan bless ke lolo!"

Habang kausap ko sya, napansin kong me dalawang babaeng nakatayo sa may bookshelves ang parang nagbi-video samen. Di lang ako sure kung nagkataon lang na andun kame sa direction ng kinukuhanan nila o sadyang kame, pero siguro napansin nina ate na nakatingen ako sa kanila so bigla nilang ibinaba ang mga cellphone nila at kunwari me ibang ginagawa. Napansin naman ni Allen na hindi na ako nakikinig sa kanya so sinundan nya ang tingin ko at nakita din ang dalwang babae.

"Crush mo?" tanong nya

"Ha? Hindi ha!" Ang kulit naman ng batang to! Sabe nang ikaw yung type ko eh!

"E Bat pinagmamasdan mo sila? Ayiie aminin!"

"Sira hindi nga. Naalala ko lang yung librong babasahin ko", sabay hawak sa novel na babasahin ko

"Ay sorry inubos ko na oras mo" Naaalarmang tugon nya

"Hindi naman sa ganun. I-check out ko na lang para mabasa ko pampaantok mamayang gabi"

"Mahilig ka talagang magbasa?" tanong nya

"Oo. Maganda kaya!"

"Ayoko, nakakaantok eh. Tingnan ko pa lang yang hawak mo, napapagod nako eh"

"Simulan mo lang. Malay mo maenjoy mo as you read the story. Simulan mo sa Harry Potter"

Humawak ako sa balikat nya bago tuluyang tumayo, "Teka. Kunin ko yung first book ng Harry Potter. Tiyak maeenjoy mo yun." At nagsimula na akong maglakad papunta sa may bookshelf kung nasaan yung mga babae

"Magpapapansin ka lang ata sa mga chix eh" habol nyang panunukso saken

"Sira! Hindi nga!" sagot ko habang patuloy sa paglalakad

Habang papalapit ako, napansin ko yung dalawang babaeng parang nagtutudyuan. May katangkaran yung babaeng may hawak ng cellphone kanina at nagpipicture, maputi, hanggang balikat ang brown na buhok, maamong mukha overall. Yung kasama naman nya ay mas maliit ng konti sa kanya pero maganda din. Maputi, bilugan ang mata, chubby cheeks.

Tinanguhan ko silang dalawa bago nag-excuse.

"Hello Jelo! I'm Erine and here's my friend Gabby" pagpapakilala nung me hawak na camera kanina nang malapit nako sa kanila, "We're from College of Nursing and part of the Student Org. Nice to meet you!" Nag-offer sya ng kamay na hinandshake ko naman.

"Ah hello! Nice to meet you too!" greet back ko

"May upcoming pageant event kase to be headed by the student org at kailangan namen ng representative from each department and we're scouting for possible contestants. Baka interested kang sumali?"

"Ay no po!" sagot ko habang nagmumustra ng kamay, "hindi po ako sumasali sa mga ganyan eh"

"Ay sayang naman! Nirefer ka din kase ng student rep ng College of Nursing"

"Sino?"

"Si Charles Doloromente"

"Ah si Charles," pagtango-tango kong tugon, "pero sorry, di talaga ako nagsasasali sa mga ganyan eh. Pero punta kayo sa building namen, tiyak me makikita pa kayong ibang pwedeng representative" nakangiting sagot ko

"Ay sige. Pero if ever magbago isip mo, contact moko ASAP ha. Here's my number so call me maybe" sabay abot ng calling card. Erine Enriquez. Secretary, Langdon University Student Organization. 0915870 blah blah blah

"Sana magbago pa isip mo habang nag-i-scout pa lang kame"

"Okay sige" tugon ko habang kunware binabasa pa yung calling card na inabot nya, "Nice to meet you two tho"

"Nice to meet you too" nakangiti sagot saken ni Erine. Ang gandang ngiti, pang commercial ng toothpaste si ate gurl

Pag-alis nila nag-umpisa nakong maghanap ng pakay kong libro na Harry Potter and the Sorcerer's Stone. Nagsimula akong maghanap pero wala ang buong series sa usual spot neto. Shems! Mukhang nasa hiraman pa yung librong yun ah! Inisa-isa ko na yung mga libro mula sa baba pataas. Halfway na pero wala pa din kaya nag-iisip nakong mag-offer kay Allen ng ibang libro.

Robert Landon series kaya? Hmmm… baka malimutan na nya boundary ng history and fiction. Kung Alosha Trilogy kaya? Baka sabihin nya masyadong girly! Alangan naman tong Jack Stapleton at Laurie Montgomery series, baka di nya maintindihan yung medical terms. Hmmm… Ayun!

Above my eye level nako nung nakita ko ang hinahanap ko. Tinry kong abutin pero di ko maabot. Tumingkayad nako pero di ko pa din abot so naplitan akong tumuon sa babang shelf. Maaabot ko na sana pero may biglang kumuha.

Ay ang epal! Uunahan pako netong icheck-out yung hihiramin ko ah!

"Ay wait lang po nauna ako.." sinasabe ko habang papalingon ako nang makita kong si Allen pala yung kumuha, "Ay akala ko naman ibang tao!" sabe ko

"Hindi mo kase abot eh! So tumulong nako" sabe nya

Itinulak ko sya ng bahagya, "Di ikaw na nga ang matangkad na abot lahat! Hmmp.."

"Luh inabot ko na nga para sayo, galet pa!" natatawang sagot nya

"Hehe joke lang! Ayan yung recommended kong basahin mo. Tara icheck out na naten bago pako mainsulto ulit sa katangkaran mo!"

"Yay, ako matangkad lang. Ikaw nga jan yung pansinin eh. Tingnan mo may dalawang babaeng nagpapapansin sayo kanina eh"

"Oi hindi ha! Mga member pala ng student org yung kanina. May event daw, gusto akong kuning rep ng college namen"

"Oh ayaw mo pa?"

"Ayoko, di ako nagsasasali sa extra-curricular na. Nakakapagod lang yan"

"Kunsabagay. Ako nga lage na lang kinukuha sa basketball eh. Anong event daw ba yon?"

"Pageant daw eh!"

"Naks! Ikaw na talaga! How to be you po?"

"Wag ka nga! Nilamon nalang tayo ng Kpop kaya mahilig na ang mga babae sa chinito"

"Hmmm… Chinito ka ba talaga?"at unti-unti syang yumuko at inilapit ang mukha saken. Napaatras ako at napasandal sa bookshelf, "Para namang nakapikit ka lang eh"

Oh my gosh! Masyado na tong malapit Allen! Di ko to kinakaya!

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81