JELO'S POV
"Ahhh! Push mo yan bes! Pero patapusin mo munako sa pangongopya ko"
After class, nagyaya na si Kim lumabas at dinala kame sa Registrar Office.
"Bat tayo andito? Magdadagdag kaba ng subject pre? Magpapakadalubhasa kanaba?" naiinis na tanong ni Noel
"Tutulungan naten si Jelo na hanapin ang course at section ng Allen nya" sagot ni Kim
Napatango-tango ako at tumingin ke Noel, "Tapos after that, hahanapin naman naten ang course at section ni Ate Rhek for our Kim"
"Para-paraan e no bro?" pabirong tugon ni Noel saken
"Gusto mo bang mahanap o hindi?" tanong saken ni Kim
"Gusto! Eto na maghahanap na kame for Allen and Ate Rhek"
"Maka-ate wagas ah!" sabat ni Noel, "Feel na feel ang pagiging sister-in-law besh?"
"Che! Wag ka magulo! Tara na maghanap!"
Nagsimula na kameng maghanap ke Allen at Ate Rhek sa list ng students na nakapaskil sa dashboard at ilang minuto pa e nakita na namen ang names nina Allen at Ate Rhek. Buti na lang uncommon ang apelyido nila, letter A lang tapos na agad. Si Allen BS IT, si Ate Rhek naman sa BS Architecture. Sosyalin yung mga course nila kakaloka. Mayaman siguro sila.
"Hello po!"
Nagulat ako sa familiar voice. And sure enough, paglingon ko, si Allen nga! Lagot! Huling huli ako sa akto!
Ngumiti sya, "Hello Jelo!"
Binitiwan ko na yung list, "Ha….Hi Allen…"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya
Di ako makatingin ng diretso sa kanya nakakaloka, "Me tiningnan lang kame sa registrar. Ikaw? Bat ka andito?"
Napakamot sya sa ulo, "Hehe Kailangan ko kase magdagdag ng subject na Advance English Grammar. Pasang awa lang ako sa English Proficiency Test, mahina ako sa English eh"
Inakbayan ako ni Kim, "Alam mo, pwede kang magpaturo dito kay Jelo pagdating sa English. Magaling to sa English, promise!"
"Oo! Sya grammarian namen sa mga projects and researches namen. Magaling to tol!" Singit ni Noel
Napatingin ako sa dalwa, "Hoy! Anong pinagsasabe nyo jan?"
Napapangiting sumagot si Noel, "Magaling ka naman talaga sa grammar ah! Turuan mo na sya!"
"Oo nga! Share your blessings," sabe ni Kim
"Naku wag na po!" singit ni Allen, "Wala kase akong pambayad sa tutor, tapos baka malaman ni Mama kay Mam Mhina. Masesermonan ako, anak pa man din ako ng teacher"
"Uy hindi! Don't worry, di ko sasabihin kay Mama" sagot ko
"Atsaka kung gusto nyo, dito na kayo mag-review sa uni," sabe ni Kim
"Pero required ka nga lang ihatid sya pauwi" sabat ni Noel
Natataranta nako sa dalwang to, "Hoy! Nung pinagsasabe nyo jan?"
"Syempre gagabihin kayo ng uwi. Baka mamaya mapaano ka pa jan" sagot ni Noel
Si Kim naman sinabihan si Allen, "Alam mo kase etong si Jelo, sya yung dalaga namen so we don't want him na gabihin sa daan"
"Ah okay lang po. Hindi naman po kame papaabot ng dilim sa daan, at willing naman akong ihatid si kuya pauwi" sagot ni Allen sa kanya
Tinundo ko ulit sa noo si Allen, "Sinong kuya ha?"
Napahawak sa noo nya si Allen at nagtawanan ang dalawa ni Kim at Noel, "Ate Jelo kase dapat" sabe ni Noel
Hinampas hampas ko si Noel, "Isa ka pa! Kung ano ano tinuturo nyo sa bata" gigil pero mahinang pagsasalita ko
"Ay oo nga pala, hehe. Sorry na. Di ako sanay na walang paggalang" sabe ni Alleen habang hinihimas himas noo nya
"Mas magagalang moko kung di moko tatawaging kuya" sagot ko
"Kung gusto mo, ako na lang tawagin mong kuya, bilang crush ko naman Ate Rhek mo" sabat ni Kim
"Totoo ba talaga yan Kuya Kim? Mabangis si Ate" sagot ni Allen
"Oo. Single naman kami pareho ng ate mo, at mabait naman ako. Kahit itanong mo pa sa dalwang to"
Nagtaas ako ng kamay at sumabat, "Di ako sure about sa pagiging mabait"
Sinuway ako ni Kim, "Shhhhh!" tapos kinausap nya ulit si Allen, "Wag ka palang maniwala sa dalawang yan"
"Haha okay Kuya. Walang sisihan ha" natatawang sagot ni Allen
"Oo naman. Tapos simula ngayon, bayaw na itawag mo saken" sabe ni Kim sabay kindat ke Allen, "Pahingi na ding cellphone number nya" at inabot phone nya
"Sige, pero wag mong sasabihing saken mo nakuha ha. Papagalitan ako nun" sabe ni Allen habang nagtatype sya sa cellphone ni Kim
"Oo naman bayaw" at kay Allen naman sya umakbay, "Basta wag mo ding sasabihin na ako secret admirer nya ha"
Napangiti at napatingin si Allen sa kanya, "Naks secret admirer! Good luck kuya ha!" at nag-apir silang dalawa.
"Sya sige po! Pasok napo ako sa loob papadagdag subject" tas nakipag-apir sya sameng tatlo, ako yung last.
"Chat mo lang ako pag free ka for a tutor session ha" sabe ko
"Sige Jelo. Salamat" At pumasok na sya sa loob.
Pinitik ko sa ilong si Kim
Napahawak sya sa ilong nya, "Aray! Inaano ka?"
"Ang smooth ng pagkakakuha mo ng number ni Ate Rhek eh."
"Oo nga! Sa sobrang smooth, hindi na nakuha ni besh yung number ni Allen" sabe ni Noel
"True!"
Nangiti sya, "Ay oo nga! Hehe sorry na, nakalimutan ko"
"Oo! Leshe ka!"
Tinapik tapik nya yung balikat ko, "Okay lang yan. Itututor mo naman sya eh, me tagahatid ka pa"
"Tingnan naten kung maaalala."
"Tiwala lang bes. Mukha namang seryoso sya sa pagpapaturo. Malay mo, dun sya mafall sayo
"Malay lang. Malabo pa sa tubig-kanal"
Binatukan ako ng dalawa, "Ang nega mo talaga eh!"
Ginulo ni Kim buhok ko, "I-claim mo na kase. Positivity attracts positivity"
Inaayos ko ang buhok ko. Deep inside, excited talaga ako. Sana magkatotoo talaga. Sana maging close kame ni BabyBoy during the tutor session.
Natapos ang klase at wala namang masyadong happening. Pumunta na kameng tatlo sa library para magreview for the upcoming exam pero wala ako sa mood mag-aral so iniwan ko yung dalawa at pumunta sa fiction section, maghahanap ng mababasa. Found this novel Cure by Dr. Robin Cook.
Uy! May continuation pala yung Jack Stapleton at Laurie Montgomery series, sabe ko sa sarili ko habang naglalakad, nakatungo at pabalik na sana sa table namen nina Noel para magbasa nang me humawak sa magkabilang braso ko
"Oh! Mabubunggo ka na naman nyan" Pagtingala ko, si Allen pala
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81