Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

KIM'S POV

Nagsimula na syang maglakad papunta ng building namen na sinundan ko naman, "Hindi ko lang alam. Kase malamang, wala lang klase yung kapatid nya eh. Which points me to another good news for both of us! Kapatid nya yung kasama nyang magandang babae!"

"Good news indeed! Sabe ko na eh!" Yung pag-ate nyang yun e kapatid nya yung babae eh, "E alam mo naman na pangalan ng ate nya?"

"Yep! Rhek Rhek daw!" ngiting ngiting sagot ni Jel, "Ayii si bes, me target na naman!"

"Ha! Di lang target!" sagot ko habang nira-rub mga kamay ko

"Uy gagu! Ayusin mo ha! Baka madamay kame ni Allen sa pangloloko mo dun!"

"Uy hindi! Grabe ka naman saken Jel! Seseryosohin ko yun gagu!"

"Oo! Dapat lang! Magseryoso ka naman sa paggigirlfriend kahit minsan!"

"Yes boss!" Seseryosohin ko na to!"

"Goodluck to you bes!"

"Goodluck to you din Jel!"

And goodluck to RhekRhek. Dahil paiibigin ko talaga sya. For real!

RHEK'S POV

Di ko alam kung anong mas nakaka-asiwa. Yung init dito sa gymnasium o yung kaharapan ko ng bleacher yung mokong nung kamakalawa. Kung di lang talaga nagtry-out si Allen sa basketball, di ako magcha-tyagang manood dito ngayon at maghintay nang me kasabay akong pauwi. Eto naman kaseng si Allen, masyadong malaro sa katawan. Di na nanawa nang kakagala sa probinsya, ngayon pumasok naman sa sports.

Okay lang naman sana kung di lang dahil sa nasa kabilang side e. Alam mo yung feeling na parang me nanonood sayo. Pagpasok pa lang ng gymnasium nakita ko na sila. Tumango yung chinitong pandak saken, samantalang yung dalawa, nagtutudyuan bago ngumiti yung de-bangs na mokong. Kala mo kinagwapo nya yun. Gusto ko hipan yung bangs nya pataas eh. Tiyak malapad noo nya underneath hahaha. Ang nakakaasar lang everytime na mapapatingin ako sa side nila, nakatingen saken si Bangs at ngingiti sabay kindat, kala nya talaga kinagwapo nya yun eh! Yun namang kasama nyang isa na moreno, nakakaasar din. Parang inaabangan nilang tumingen ako sa kanila, mga hambog! Yung chinitong pandak lang yung mukhang mabait sa kanila at talagang nanonood ng tryout. In all fairness, cute sya; average looking pero appealing dahil chinito. Pero mukha syang bakla. At mukhang into Len sya, wagas makatingen sa kapatid ko eh. Grabe yung ngiti at pagpalakpak sa bawat oras na hawak ni Len yung bola.

Hmmm… Baka naman yung dalawang kasama nya e mga bakla din na naiinggit sa ganda ko? I can't be sure. Alam ko naman sa sarili kong maganda ako at baka naiinggit lang sila saken. At uso naman yung mga bakla ngayon na maton manamit at kumilos pero soft on the inside. Hays! At least yung chinito hindi tinatago pagka-crush nya ke bunso unlike yung dalwang baklang kasama nya na inggit sa ganda ko. Mukhang kelangan na nameng gwardyahan si utol sa mga baklang to. And speaking of that, sana maabutan ko pa si Kuya Frankie bago sila pumunta ni Dani sa shooting range. Matxt nga.

KIM'S POV

Grabe ang tibay talaga netong babaeng to laban sa karisma ko. Kanina ko pa syang pinagmamasdan dun sa kabilang side ng court pero di man lang sya lumalambot. Pag-upo namen kanina, parang asa sauna lang, nakapatong pa magkabilang braso sa magkabilang gilid at nakade-kwatro. Kala mo kung sinong siga. Kanina ko pa hinuhuli ng tingin pero mukang naiinis lang sya. Nung isang beses syang napatingen, ke Jel pa.

"B2, yung chika babe mo nakatingen dito" bulong ni Noel saken

Tumingen ako sa kanya at huling huli kong ke Jel nakatingen

"Tol, mukang si Jelo pa ang trip nya ah" panunudyo ni Noel

"Di yan!" At nung napatingen sya saken, sininghalan lang ako tas nagcellphone na?

"Asan na karisma mo boi? Saklap! Si Jelo ang type!" Pang-iinis ni Noel

"Go Allen!" biglang sigaw ni Jel. Napabalik ang atensyon namen sa naglalaro. Si Allen ang me hawak ng bola

Hinawakan ko sa balikat si Jel, "Jel! Kalma lang ha! Kelangan discreet yung pagsuporta! Okay?"

Tumingin samen si Jel, "Oo sorry! Nagulat din ako sa sarili ko"

Hinawakan ni Noel sa baba si Jel, "Ayiii, si besprend mag-a-out na!"

"Yay? Baliw!" hinampas ni Jel ang kamay ni Noel

"Yung bola! Yung bola!" Napatingen kame ulit sa mga naglalaro, at bago ko pa masangga ng kamay ko yung bola, tumama nato sa may kaliwang mata ni Jel na ikinaumpog nya sa bleachers

RHEK'S POV

"Yung bola! Yung bola!" Yun lang at yung pagpito ng referee ang nadinig ko bago ko nakita na mukhang me tinamaan ng bola sa kabilang side ng gymnasium. Dun sa area nung tatlong bakla. Sana yung hambog na si Bangs ang tinamaan. Tuminga-tingala ako habang pinapanood si Allen na tinutulungan yung chinito na tinamaan ng bola sa mukha at handa na itong buhatin. Sayang hindi si Bangs! Andun sila nung morenong sa magkabilang gilid nung chinito at inagaw ke Allen ang pagbubuhat. Pumito lang yung referee at sumigaw ng "back to the ballgame". Unti-unti nang bumalik sa court ang mga player pero si Allen tumakbo sa side ko.

"Ate! Nakatama ako ng bola" Kinakabahang sabe saken ni Allen

"Ano bang nangyare?"

"Tinry i-steal saken yung bola eh. Tumalsik palabas, tinamaan si Kuya Jelo"

"Kilala mo yun?"

"Oo, sya yung nabangga ko nung first day at natapon yung pagkain"

Ah sya pala yun. "Hayaan mo na, normal yan pag naglalaro"

"Anong hayaan? Sundan mo nga sila sa clinic Ate. Mukhang masama pagkakabarog eh"

"Ha? Bat ako?"

"Bilis na ate…" pagmamakaawa saken ni Len habang hinahawakan kamay ko

"Fine!" Sinukbit ko na ang bag ko at tumayo nang nakasimangot

"Thanks ate! Sunod agad ako pagkatapos na pagkatapos" sabe ni Allen bago bumalik sa gitna ng court.

Naku Allen Michael! Namumuro ka na saken!

Una, di mo dinala baon mo nung first day at ibinili mo ng pagkaen yung nakabangga mo tas makikishare ka saken. Pangalawa, nakilala ko yung hambog na tropa nung nabangga mo. Ngayon, pasasamahin mopako dun? Naku bugbog ka saken mamaya pag-uwi!

Pagdating ko sa clinic, nagpifill-up yung moreno ng forms sa nurse's desk. Nilampasan ko lang sya at magsisimula na sanang hanapin kung saang room dinala yung chinito pero I think nakita nyako kase bigla syang napasigwa ng "Miss!"

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81