RHEK'S POV
Tahimik akong iniangkas ni Allen sa bike nya papasok ng uni. He's giving me this cold shoulder since yesterday nung pinagsabihan ko syang lumayo sa baklang chinitong yun.
*****FLASHBACK*****
"Ate, bakit kaba nagmamadali? Ano bang nangyari?" tanong ni Allen habang kinakaladkad ko sya papunta sa parking lot
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya, "You tell me what's happening!" Pinull-up ko sa phone ko ang picture nilang dalawa ni Jelo at inilapit ito sa mukha nya, "Explain this!"
Mejo iniatras nya ang mukha nya at kinuha ang phone ko. Pinagmasdan nya ang picture
Nainis ako nung di nya naibigay yung reaksyon na hinahanap ko, walang pagkadiri sa nakita nya. Hinalbot ko na ang phone ko, "So ano? Baket may paganyan ha?"
"Wala lang yan ate. May sinasabi sya eh. Di ko marinig kaya tinry ko basahin yung buka ng lips nya."
"Kahit na!" sumisigaw nako sa inis. How can he be this so naïve. "Di mo man lang ba naisip na baka may ibang makakita sa inyo at gawan kayo ng issue?"
"Wala naman kameng dapat iexplain eh. Wala syang malay, hindi ko lang sya maintindihan. Ganun!"
Lalo nakong nanggigil. Masyadong inosente susmio. "Naku Allen Michael! Isusumbong talaga kita kay Ate Chezka!"
"Bat mo naman ako isusumbong kay Kuya Frankie e wala naman akong ginagawang masama?"
"Basta! Lumayo ka na sa baklang yun!"
"Oo na!" Kinalas na nya yung lock ng bike nya at umupo na sya dito, "Angkas na!"
*****GOING BACK TO THE PRESENT*****
And ever since, hindi na nya ako kinibo. Pagdating namen sa parking lot, bumaba na ako at sinimulan na nyang ilock ang bike nya
"O ang pinag-usapan naten ha?"
Tumingin lang sya saken na waring magtatanong
"Lumayo ka dun sa baklang chinito"
Yumuko lang sya ulit at tumango bago pinagpatuloy ang pagpapadlock ng bike nya
"Uuna nako" Tango lang ulit ang itinugon nya. Nagsimula na akong maglakad papunta nang building namen.
Halatang pissed off si bunso. Mabait naman talaga sya. Masunurin. Masipag. Palakaibigan. Minsan lang kase ayaw nya na dinidiktahan sya. Kahit naman siguro sino ayaw na dinidiktahan sila sa kung anong gagawin nila sa buhay nila at kung sino kakaibiganin. Pero tama na yung isang myembro ng LGBT+ sa pamilya namin. Tama nang si Ate Chezka na lang ang tomboy.
Malapit nakong makalabas ng parking space nang nakita ko si Kim na katatapos lang ipark ang motor nya. Sa lahat ng pwede kong makasalubong, yung antipatiko pa. Tuloy na nga lang sa paglakad, dedma ke Bangs!
"Hi Miss Beautiful!" bati nya saken
In-snob ko sya at patuloy lang ako sa paglalakad
Sumunod sya sa likod ko at tinanong, "Bat naman dimoko pinansin? Ang ganda ganda na nga ng bati ko sayo eh"
"Maganda ang pagbati o nambabastos? Magkaiba yun!" Tuloy lang kame sa paglalakad
"Okay sige. Miss Rhek?"
"At saan mo nakuha name ko? Family ko lang pwedeng tumawag saken ng ganyan"
Binilisan nya ng konti at hinalbot ang ID ko, "Oh so Erika? Rhoane Erika?"
Hinatak ko pabalik ang ID ko, "Ano ba? Kahapon ka pa ha!"
"Im just trying to be close to you. Me problema ba dun?"
"Yes there is! Ayaw ko sa kagaya mong antipatikong impakto!" Binangga ko sya at patuloy lang sa paglalakad
Muli syang humabol ng paglalakad pero dinedma ko na lang sya, "Ganto na lang kaya. Tulungan mo na lang kaya akong maging close ang kapatid mo at ang bestfriend ko?"
Tumigil ako at humarap sa kanya, "Nahihibang ka na ba? Di ko ipagkakalulo ang kapatid ko sa mga baklang gaya nyo!"
"Oy hindi ako bakla no?"
Napamewang ako, "Oh really? E bat lagi mong kasama yung chinitong yun? Birds of the same feather flocks together"
"Bawal na bang makipagkaibigan ang isang straight sa isang bakla?" tanong nya pabalik saken, "Hindi ako bakla no! Gusto mo halikan pa kita jan eh!"
"Eeew! To see is to believe!"
"Ano bang gusto mong makita?" lumapit pa sya ng konti sabay pagalaw ng kilay at kagat-labi
"Eeew! Get away from me, you psycho! Tatawag ako ng pulis!" kinuha ko na ang phone mula sa bulsa ko na timing na nag-aalarm. Ibig sabihin me 10 minutes nalang ako para umabot sa first class ko. Tumalikod na ako at magsisimula na ulit maglakad nang hinablot naman nya ngayon ang phone ko
"Ano ba? Magnanakaw ka ba? Kanina ka pa ha! Akin na yan!" Pagtatry kong agawin pabalik ang cellphone ko
Itinaas lang nya kamay nya na me hawak ng phone ko at nagdial sa phone ko bago inabot saken uli, "O eto na! Baka umiyak ka pa!"
Tiningnan ko kung anong ginawa nya. Nag-outbound call sya, "Sinong tinawagan mo?"
Nilabas nya ang phone nya, "Sarili ko. Para alam ko na number mo"
"Grrr!"
"Haha! Para makocontact kita kung me ipaplano ako para ke Allen at Jelo"
"Bahala kayo jan!" Tumalikod nako at nagsimula nang maglakad
"Wala ka bang nakalimutan?" tanong nya
Wala akong maalalang me iba syang hinalbot saken maliban sa phone ko at ID ko. Tumingin ako sa ID ko. Detachable nga pala yung mismong ID sa lanyard. At paglingon ko, hawak na ni Bangs yung ID.
"Aken na ang ID ko!"
"Tulungan mo muna ako sa dalawa!" sabe nya habang nilalayo saken ang ID ko
"Oo na!" Patuloy ako sa pag-agaw pabalik ng ID ko
"Walang bawian ha!"
"Oo na nga!" Sumuko nako
"Sabe mo yan ha!" inabot na nya saken ang ID ko at tumalikod nako, nagsimulang maglakad
"Bye Rhoane Erika! See you later!"
Akala mo tutulungan kita? Kayo ng tropa mo? Humanda kayo! Isasabotage ko lahat ng plano nyo!
JELO'S POV
Nagmamadali nakong kumopya ng assignment sa first subject namen nang dumating si Kim
"Oy pre? Me assignment ka na? Pabagal bagal ka pa jan ah? Bilisan mo nang kumopya dito!" sabe ni Noel sa kanya
"Meron nako pre!" Sagot nya habang papalapit sya samen at sinimulan na nyang guluhin buhok ko, "At ikaw Jel, bat ngayon ka lang naggagawa ng assignment? Model student ka pa naman tas nangongopya ka ngayon sa pinakabulok nateng kaklase!"
"Ulol! Bulok your face!" sagot ni Noel
"Nawala sa isip ko eh! Ang ganda na kase ng nangyayare sa Fairy Tail!"
"O ayan Fairy Tail pa more!" umupo na sya sa tabi namen, "Bilisan mo. Need na nateng magplano"
"Patapos nako. Para saan yung plano?" tuloy pa din ako sa pagsusulat
"Pagpaplanuhan naten kung paano kayo magiging close ng Allen mo"
Napatingin ako sa kanya, "Ha? Baket? Bat mas pursigido ka pa kesa saken?"
Lumapit nang bahagya si Kim, "Coz getting you close to Allen means getting me close to his sister"
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81