JELO'S POV
Duon na tumulo ang luha ko. All those tears and secrets suddenly pouring out of me at di ko pa rin mawari kung bakit ngayon ko gusting sabihin lahat sa kanya, "Sorry po kung hindi ko sinabi agad, Ma! Ayoko lang kayong madisappoint saken. Alam kong matagal nyo nakong hinahanapan ng girlfriend, kaya sorry po kung wala akong mapikalala sayo, pero lalaki po ang gusto ko eh. Sorry po talaga" Bigla ko nalang naisipang tumakbo papunta sa kwarto ko.
Pagpasok ko duon ko na hinug ang unan ko at humagulhol. Parang nagsimula nang lumabas yung biggest fears ko. Yung sarili kong ina na ikahihiya ako. Na ang mga tao sa paligid ko madidisappoint saken.
Bumukas ang pinto. Si Mama. Umupo sya sa tabi ko. Napabuntong hininga bago nya sinabeng, "Nak, matagal ko nang alam…" at tumingin sya saken, "Amoy kita" bago ngumiti ng bahagya
Naiyak na naman ako at saka sya hinug sa me tyan nya, "Ma, sorry kung di moko makikitang naghihintay sa altar para abangan magiging wife ko ha. Sorry kung wala kang magiging apo saken. Sorry kung nadisappoint ka sa preference ko."
"Shooo… Sinaway nyako sa pag-iyak at itinaas ako mula sa pagkakayapos ko sa kanya. Pagtingin ko sa kanya, naiiyak na din sya. Inayos nya yung buhok kong tumaklob na sa noo ko bago nagsalita, "I love you no matter what. I just want you to be happy and always be who you are. Don't try to be what you're not 'cause I love you no matter what"
Natawa nako habang umiiyak at pinupunasan luha ko, "Ma lyrics naman yan eh!"
Natawa na din sya, "Sorry na! Yan yung pumasok na kanta sa isip ko eh" Pinunasan nya yung nangingilid na luha bago hinaplos ang buhok ko, "Matagal ko nang alam, syempre Mama moko eh. Akala ko mo ba di ko napapansin na masyado kang malinis at maayos sa sarili at sa gamit mo? Yung pagsunod ng tingin mo dun sa makakasalubong nating lalakeng me itsura. Yung pag-iwas mo ng tingin dun sa mga babaeng nagpapapansin sayo. Yung mas marunong ka pa sa pagpili ng bibilhin kong damit…" saka sya humawak sa pisngi ko at ngumiti, "Basta I love you for who and what you are ha! Always remember that!
Napahawak din ako sa kamay nya, "Thanks Ma. I love you!" muli na naman akong naiyak
Naiiyak na din ulit si Mama nang kiniss nyako sa noo, "I love you too din, nak!"
Naghug kameng umiiyak bago kumalas si Mama, "Ano ba yan? Di na ba tayo maghahapunan? Iiyak na lang ba tayo magdamagan?" at tumayo na sya habang pinupunasan luha nya, "Tara nang kumaen!"
Ngumiti ako at tumayo na din. Tinuloy na ni Mama ang ginagawa nya sa kusina at umupo naman nako sa lamesa. Maya maya pa e lumabas na si Mama at naghain na ng sinigang at kanin.
Humihigop ako ng sabaw ng sinigang nang nagtanong si Mama, "So sino ke Kim at Noel ang boyfriend mo?"
Nasamid ako at muntik ko nang maibuga yung hinigop ko, "Ma! Saan galing yang hinala mong yan?"
"O baket? Nalilito ako eh. Parehong sweet sayo yung dalawa eh!"
"Ha? Panong naging sweet yun?"
"Tanda mo one time, nung nag-Enchanted Kingdom tayo? Nakita kong magkaholding hands kayo ni Noel tas ayan pa oh!" tinuro nya yung picture nameng tatlo na nakasabit sa wall, "Nakabackhug pa sya sayo!"
"Yay si Mama! Imagination mo lang yan!"
"O eto pa! Nung sumama si Kim sa clan gathering naten. Tinuturuan ka nyang lumangoy, tapos hinatak ka nya sa malalim. Nagpupumiglas ka non, tas pinipigilan ka lang nya makaahon. Magkanose-to-nose na kayo nung time na yun ah!"
"Ma! Wala lang yun samen! Para na kameng magkakapatid!"
"Baka naman ikaw lang nag-iisip nun? Tapos sa kanila pala may meaning na yun!"
Napakamot na lang ako, "Wala nga yun Ma!"
E etong nasa kabilang pader?" tinuro ni Mama yung side nina Charles gamit yung kutsarang hawak nya, "Iba ang titig neto sayo! Mukhang inlove na inlove sayo eh!"
Natawa ako at tinakluban ko ng mga kamay ko ang mukha ko. Bumuntong hininga muna bago inikom ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi, "Lahat ka na eh Ma! Wala lang yun saken! Wala namang nagsabe verbally na manliligaw sila eh!" at ipinagpatuloy ko na ang pagkaen ko
Napatango-tango nalang si Mama, "Okay sabe mo eh" at kumain na din sya
"Ano pala yung about sa Joshua?" tanong ni Mama after ilang minuto kameng kumakaen nang tahimik
"Pati ba naman yon, alam mo?"
"Natural! Nadidinig ko kayong nagkakasagutan noon ni Kim sa kwarto mo eh! Tapos nung asa may pinto moko, bigla nyang binuksan. Tapos tumango lang sya, at galit na umalis"
"Ahhh…" sagot ko na lang at tumuloy sa pagnguya, "Nagtampo sya noon kase sinabe kong di ko kaylangan ng opinion nya about samen ni Joshua…"
"Sino ba yang Joshua na yan? Nakita ko na ba yan?"
Napabuntong hininga ako bago umiling-iling, "Hindi pa. At di mo na sya makikita, wala na sya dito"
"Ha? Patay na?"
"Hindi! Nasa Canada na sila. Nagmigrate na sila ng family nya dun"
"Ah okay." Ngumiti ulit sya, "E etong anak ng co-teacher ko? Ano naman si Allen sa buhay mo?"
"Crush ko." Sumubo ako ng kanin, ngumuya ng konti at nilunok na, "Di nya pa alam na crush ko sya. Baka naman sabihin mo sa nanay nya ha"
"Hindi naman," humawak si Mama sa kamay ko, "I'm just happy that you're finally opening up to me. No more secrets Nak ha!"
"Opo Mama!"
"Promise?" Inoffer nya yung pinky finger nya saken, na sinagot ko naman ng pagshake using my pinky finger as well, "Promise!"
Natapos na kame kumaen at tinulungan ko na si Mama na maghugas ng plato, "Thanks din Mama, for accepting me ha" sabe ko habang nagpupunas ng plato
Binangga ako ni Mama ng very light, "Oo naman, ikaw pa? Ang aking unico iho! Ay!" lumapit si Mama at pabulong na nagtanong, "O unica iha?"
"Ma! Lalake pa rin ako! Unico iho pa din!"
"Okay! Basta wag kang magbabago ha! Love you Nak!"
"Love you more Ma!"
After a while, we said our goodnights na. Pumasok nako sa kwarto ko at nagmuni-muni. Iba pala ang feeling pag nasabe mo na sa family mo yung secrets mo. No more barrier, no more regrets. Ang gaan lang sa loob na nakapag-open at makakapag-open up nako sa kanya. Ngayon mas kaya ko nang maging mas honest sa kanya on what I feel. No holding back na pag magkukwentuhan kame about sa lovelife ko.
Salamat sa pagtanggap saken Ma.
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81