RHEK'S POV
Paglingon ko, nakatingen nga sya saken at nagsimulang maglakad papalapit saken
"Hi! May kaylangan kaba saken?" Ngiting ngiting pagtatanong ng gago! Isa pang hambog! Sa tingen ba nya lalampasan ko sya kung sya yung ipinunta ko? Duh!
"Hinahanap ko yung tinamaan ng bola kanina"
"Ah! Tropa ko yon!" At naglakad sya papunta sa pinakamalapit na pinto at bahagya itong binuksan tapos minustrahan akong sumilip
Pagsilip ko, andun nga si chinito, nakahiga sa bed habang nililinis ng nurse yung kaliwang kilay nya. Andun sa tabi nya si Bangs na halata ang worry sa mukha. Kinakausap sya ng nurse at tango lang sya ng tango. Isinara na ng moreno yung pinto.
"Okay na ba sya?" tanong ko
"Oo, napabarog lang yung ulo pero na-xray na. Wala namang crack sa bungo at kapiraso lang yung sugat sa me kilay"
"Me maitutulong ba kame ng kapatid ko?"
"Ha? Sinong kapatid?"
"Si Allen, yung chinicheer nya kanina"
"Ahhh!" patango-tangong sagot ni Moreno, "Magkapatid pala kayo ha. Hmmm… ilagay mo dito number mo!" sabay abot saken ng cellphone nya
"For what?" tanong ko
"For future reference!" sagot nya habang nakangiti saken
Kinuha ko ang cellphone ko at tinanggap ang phone nya. I was about to give him Len's number pero nakasilip sya sa pinagkukuhanan ko at pinigilan ako
"Oh teka! Teka! Bat yung sa kapatid mo nilalagay mo?"
"Para sila yung mag-usap. Magkakilala naman sila eh"
"Gusto ko yung sayo!"
"Ano namang mapapakinabang mo sa number ko?"
"For future reference nga!"
I've had enough! "Okay fine! Balik nalang ako dito pag gising na sya!" at nagsimula nakong maglakad papalabas
Iniharang nya kamay nya sa dadaanan ko, "Kelangan mong panagutan ang ginawa ng kapatid mo sa tropa ko"
"Pananagutan naman eh! Ibibili namen syang gamot at kung ano man ang kaylangan nya" at tinabig ko kamay nya bago naglakad nang mabilis
Hinatak nyako at iniharap sa kanya, "Syempre kelangan mo ding managot samen. Di biro ang magbuhat sa kanya. A dinner would be nice" bago sya ngumiti saken
Enough is enough! Napasinghal ako, ngumiti at isinandal ko sya sa pader. Bago binayagan!
"Ahhh!" Napapaluhod sya ng konti at sasapuhin na sana ang balls nya pero pinigilan ko ang mga kamay nya
"You messed with the wrong thug, boi!"
Nadinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas na ang nurse at si Bangs sa kwarto. Napatingen sila samen at nagtanong si Bangs, "Anong ginagawa nyo jan?"
Binitawan ko na sa kamay si Moreno na agad na sinapo ang balls nya habang napapakagat-labi. Lumapit si Kim at ang nurse naman ay nagpatuloy bumalik sa nurse station
"Uy anong nangyari sayo?" hawak ni Bangs si Moreno at pinipilit itong tumayo ng ayos
Napapangibit at nakakagat-labi pa si Moreno bago nakasagot, "Nabayagan ako pre!" at nagpatuloy sa pamimilipit
"Ha?" pagkagulat ni Bangs bago tumingin saken
KIM'S POV
Ipinipilit kong patayuin ng ayos si Noel sa pamimilipit nya. Grabe yung bayagan ka, at ng isa pang babae? Yung magkapatid pa yung nang-argabyado!
"Baket mo naman binayagan tong tropa ko?" tanong ko ke RhekRhek
"E nambubwiset eh" sagot nya habang binabanat pababa ang blouse nya para matanggal ang gusot bago nagcross-arm, "Gusto ko lang namang kamustahin yung kaibigan nyo eh"
Tumingin ako kay Noel, at tinanguhan nya lang ako
"Tara dito" niyaya ko sya papasok ng kwarto ni Jel, "Nawalan lang sya ng malay dahil nabagok sya, pero wala namang malalang injury"
"Me kaylangan ba syang gamot? Pwede namang kame na bumili" tanong nya nung nasa gilid na kame ng bed ni Jel
"Wala naman. Nagkapasa lang likod ng ulo nya at me kapirasong sugat sa me kilay nya. Pero wala pa ding final say mula sa nurse"
Tumango lang si RhekRhek bago nagsalita, "Mabuti naman"
Nakatingen lang ako sa kanya at napapaisip. Parang wala naman syang pakialam talaga. Tumingen sya saken at marahil e nabasa nya sa mukha ko ang iniisip ko, "Nag-aalala sa kanya yung kapatid ko"
"Si Allen? O ikaw?" pagbe-verify ko. Di ko pa din makalimutan ang pagkakatingen nya ke Jel kanina. Sa buong oras na pinagmamasdan ko sya kanina, nakasimangot sya. Ngumiti lang sya nung nakatingen sya ke Jel bago nagsimulang magcellphone
"Si Allen. Sya yung nakatama e. Hindi naman ako"
Napatango nalang ako, "Okay"
"Pre! Pre!" sigaw ni Noel mula sa labas, halata sa boses nya na namimilipit pa din sya sa saket
"Lalabas na" at nagsimula nakong maglakad papalabas ng kwarto
"Me kaylangan pa daw fill-upan sabe nung nurse. Ikaw muna pre!"
"Sige sige. Ikaw okay kalang jan? Gusto mo ipatingen naten yan sa nurse?"
"At ano? Baka magulat sya sa dragon!" nangingiwing sagot ni Noel na mejo natatawa pa
"Ulol! Gagu!" sagot ko at nagsimula nang maglakad papuntang nurse's station
Nagpi-fill-up nako ng forms nang dumating si Allen na pawis na pawis at naka-jersey pa
"Uy!" at nagtuloy nakong magfill-up ng forms
"Uy Kuya! Nasaan po si kuya Jelo?" tanong nya saken
Itinuro ko yung unang kwarto, "Ayun andun. Asa loob din ang ate mo"
"Sige po salamat"
"Ummm…" Tumango lang ako at di inalis ang tingin sa pini-fill-upan ko. Nadinig ko nalang na binuksan nya yung pinto at pumasok na
Tapos nakong magfill-up nang bumukas ulit ang pinto kaya napatingin nako at lumbas mula dun si RhekRhek at papalapit saken
"Ano? Wala ba talagang kaylangang gamot or anything?"
Umiling-iling ako, "Wala. For release lang yung finill-up-an ko"
"Okay" sagot nya at tumingin na sa malayo
"Tomboy ka ba?" di ko na napigilang magtanong
Tumingin ulit sya saken, "E ano naman kung oo?"
"Kaya naman pala di tumatalab sayo ang pagpapapogi ko eh."
"Huh? Ang tingen mo sa sarili mo, gwapo ka?" Nag-cross arms na naman sya, "Get real dude!"
"Oy ikaw lang ang bukod-tanging nakaresist saken! Alam mo kung ibang babae ka, baka hinimatay ka na sa kinatatayuan mo pag kinausap kita"
Lumapit sya ng konti at mukhang mang-aamba ng suntok, "Ibahin moko sa mga babaeng nagkakandarapa sayo!" at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "Ni hindi ka aabot sa lebel ng kapogian ng kapatid ko"
Napangiti ako, "Pero sinasabe mong gwapo pa din ako?"
"Huh? Anong pinagsasasabi mo jan?"
"Diba sabi mo, di ako aabot? Ibig sabihin pogi pa din ako sa paningin mo!"
"Antipatiko! Ilusyonado! Grrr!" at itinulak nya ako palayo
"Psssttt!..."
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81