KIM'S POV
Napalingon uli kame sa direksyon ng kwarto ni Jel. Si Noel yung sumitsit at pinapalapit kame. Padungaw-dungaw sya sa kwarto. Nagkatinginan kame at nagsimula nang lumapit
"Ano?" tanong ni RhekRhek habang papalapit kame
"Shooo!" Nagmustra lang si Noel na be quiet at kumumpas na lumapit kame.
Dumungaw na din kame ni RhekRhek. Nanlaki ang mata ko. Kita ko si Allen na ang lapit ng mukha sa mukha ng walang malay na si Jelo. Parang me sinasabe si Jel at pinipilit pakinggan ni Allen ang sinasabe nya. Napatingen ako kay Noel na nakatingen na saken at sabay kameng napabulong, "Sleep talk!"
Napatingen na din sa amin si RhekRhek, "Ano?"
Umalis na kame sa pagkakadungaw at sinundan nya din kame na umayos na sa pagkakatayo
"Nag-i-sleep talk sya" sabay na pagsagot naming ni Noel sa kanya
"Baka kaya nakaganun si Allen sa kanya e nagsasalita na naman ng tulog tong si Jelo" patuloy na pagsasabi ni Noel
"Siguro nga" pangsang-ayon ko
"E bat naman ganun yung kaibigan nyo? Mukha silang magki-kiss!" sabat ni RhekRhek
"Aba malay ko sa kapatid mo!" sagot ko
Nagbuntong-hininga sya at sumilip ulit, bago kinuha ang cellphone nya at akmang pipicturan sila
"Uy!" pangangalbit ko, "Anong ginagawa mo?" pabulong kong pagtatanong
She just brushed me off, "Wag kang magulo!" at kinuhanan na ang dalawa
Pichi-kik!
Nagulat sya sa sarili nya at umalis agad sa pagkakadungaw, "Shit! Nakalimutan kong tanggalin ang shutter sound!"
Natawa ako, "Patingin nga!" habang dinudungaw namin ni Noel yung picture
Huling huli sa akto! Kaunti na lang maglalapat na ang ilong nila!
Napangiti ako at napatingin sa kanya, "Hmmm… bagay naman sila!" at natawa na
Inagaw ni RhekRhek ang phone nya, "Straight yung kapatid ko!" at pumasok na sya sa kwarto, "Allen! Uuwi na tayo!"
"Ha?" Yun lang ang nadinig kong sagot ni Allen at maya-maya pa ay lumabas na silang dalawa sa kwarto na nakahawak si RhekRhek sa braso ni Allen, kinakaladkad ito
"Baket? Anong nangyari?" tanong ni Allen nung papalampas na samen
"Basta!" sagot ng ate nya
Tumingin na lang sa amin si Allen at nagsabing "Una na po kamI! Pasabi na lang po kay kuya Jelo, sorry!"
Napataas nalang kamay ko at magwe-wave sana pero nakalayo na sila eh. Nadinig na lang naming na umiingit si Jelo kaya pumasok na kame ng kwarto nya. Pagpasok namen, tumingin si Jel at nagtanong, "Anong nangyare saken?" habang nakahawak sa bandage sa me kilay nya at tiningnan kung may dugo.
"Tinamaan ka ng bola kanina at napabarog yang ulo mo kaya ka nawalan ng malay"
"Binuhat nyoko papunta dito?"
"Oo! Alangan namang nagsleepwalk ka papunta dito!" sagot ni Noel
"Luh nakakahiya! Kitang kita ni Allen!"
"Speaking of Allen, andito sya kanina at nagpapaabot ng sorry" sabi ko
"Luh di nga? Tas me pasa pako? Ampanget kong tingnan!"
Nagtinginan kame ni Noel bago ko sinabeng, "Nag-i-sleeptalk ka nga eh! Hahahaha"
"Ha? Di nga?" napahawak nalang sa mukha nya si Jel
Umupo ako sa gilid ng bed, "Oo! Pero wag yun ang problemahin mo. Ayos kanaba?"
Hinawakan ni Jel ang likod ng ulo nya, "Ayos lang. Me bukol sa me batok ko"
"O sya! Ihatid ka na namen sa inyo!" sagot ni Noel
Ngumiti si Jel at inabot kame bago hinug, "Thanks for always being here ha, mga truepa!"
"Don't tell me magdadrama ka na naman!" at pinisil ang bukol nya
"Oo nga! Bawal madrama dito!" pagsang-ayon ni Noel na pinisil din ang bukol
"Araaay!" pagsigaw ni Jel
JELO'S POV
"Nak naman eh! Ayaw namang mag-iingat eh!" Naiiyak na sabe ni Mama habang hawak nya sa mga kamay nya ang magkabilang pisngi ko
Humawak na din ako pabalik, "Nagkabukol lang ako Ma. Chill!"
"Chill chill ka jan!" Pinisil nya ang mga pisngi ko, "Kase naman, ayaw mag-iingat"
"Aray Ma!" napahawak ako sa pisngi ko
"Kasalanan ko po to Tita. Ako yung nagyayang manood ng basketball" pagsasalita ni Kim na nasa may likod ko
"Pasensya na Tita ha. Di na po yan mauulit, promise!" pagsabat ni Noel
Nagcross-arm si Mama, "Ay naku! Alam nyo namang napakalamya ng kaibigan nyo"
Natawa nalang yung dalawa. Totoo naman. Bata pa lang ako, hikain nako at mabilis magkasakit. Hindi active sa sports, maghapon sa bahay
Nag-bow nalang nang bahagya si Kim, "Sige po tita. Babalik pa po kame sa school para kunin ang motor at umuwi"
"Magdidilim na. Safe pa ba para sa inyo ang magmotor pauwi?" tanong ni Mama
"Opo naman! Malakas to!" sagot ni Noel habang pineflex muscle nya
"Safe… So long as hindi ikaw ang magdadrive," sagot ko habang inaapiran ang dalawa na paalis na din
"Babye Jel"
"Bye besh! Bye Tita!"
Pumasok nako sa loob at naghubad na ng sapatos. Pagpasok ni Mama, tumabi sya saken at nagtanong, "Okay ka lang ba talaga?"
"Opo Ma," sagot ko habang patuloy sa paghuhubad ng sapatos, "Nangyayari naman yun sa mga laro"
"Ayun na nga eh! Di ka naman naglalaro dati eh. Nagsorry man lang ba yung nakatama sayo?"
"Di ko na naabutan e. Kakaalis lang daw nung nagising ako"
"Di ka man lang inintay magising? Wala man lang kaconcern-concern sayo? Sino yan at mapuntahan sa school bukas!"
Napatingen ako sa kanya, "Ma! Di nako bata para magsumbong pa sayo!"
Marahil nagulat si Mama dahil napatigil sya ng ilang segundo bago tumayo at nagpuntang kusina, "Magluluto nako ng hapunan"
Lagot! Nagtampo na si Mudra! Tumayo ako at sinundan sya sa kusina, "Ma sorry kung nasigawan kita," sabe ko habang nasa me bungad ng pinto ng kusina
Matunog yung pagkuha nya ng plato at malakas ang paglagaslas ng tubig. Nagdadabog si Mama.
Lumapit nako at ipinatong ang noo ko sa batok nya bago sya binack-hug
"Ma, sorry na…" pabebe kong paghingi ng sorry
Tuloy lang sya sa pagdadabog, "Para saan pa? Hindi mo na naman ako kaylangan. Matanda ka na para pakelaman ko pa buhay mo!" pinipilit nyang kumawala sa hug ko
"Ma, hindi!" hinigpitan ko lang hug ko, "Ayaw ko lang mapagalitan mo sya"
Ibinagsak na nya yung mga platong hawak nya sa lababo at tuluyang nakawala sa hug ko, "Sino ba kase yan at masyado mong pinoprotektahan?"
Napayuko ako, "Si Allen po…"
Halata sa mukha ni Mama yung confusion, "Ano?"
"Wag napo kayo magalit sa kanya"
"Bigyan moko ng magandang rason kung bakit!"
Tumingin nako sa kanya, "Crush ko po sya"
"Ano?!" mas confused pa si Mama ngayon. Bat nga bigla na lang lumabas sa isip ko yung words na yun?
Bumalik ako sa pagkakayuko, "Ma…Bakla ako."
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81