JELO'S POV
"Ay ang taray! Sana everyday nang di ka nalelate kahit anlapit lapit na naten sa uni mo!"
"Hmmm… Let's see! Hahaha ligo na po ako Ma!"
"O sige, at mag-aabot lang ako ng tinola sa bago nateng kapitbahay. Ano nga ulit pangalan nung kakilala mo dun?"
"Charles po! Kaplatoon namen sya sa ROTC date"
"Sige sige" tugon ni Mama
Pagkatapos ko maligo ay sabay na kameng kumaen ni Mama. "Oh baka gabihin ako ng uwi mamaya. Alam mo na first day namen ngayon sa school, so pag wala pako, ikaw na magluto ng hapunan naten ha"
"Opo Ma!"
"O sya bilisan na nateng kumaen" at inabot na nya saken yung mangkok ng tinola
Ilang minuto pa at naglalakad na kame ni Mama palabas ng subdivision. Nung nasa may gate na kame at nakatawag na si Mama ng tricycle, saka naman hinihingal na tumatakbo papalapit samen si Charles.
"Hoo! Akala ko di ko na kayo maaabutan eh! Good morning Tita!" pagkaway nya ke Mama, "Salamat po sa tinola kanina ha!"
"Walang anuman!" Me tumigil nang trayk at sumakay na si Mama sa loob, "Magsabay na kayo papasok ha!" tapos kiniss nako sa cheeks
"Sige Mama! Babye!" sabay hug ke Mama
Tinanaw namen gang makalayo ang trayk na sinakyan ni Mama bago kame naglakad papasok ni Charles
"Ansarap pala magluto ng Mama mo no? Kinakantyawan ako ng mga kaklase kong humingi pa ng tinola eh"
"Ay bat di kayo humingi? Meron pa dun eh!"
"Nahiya na ako eh! Atsaka nagmamadali akong magprepare papasok"
"Ah anong oras ba klase mo? Sabihin mo lang kung malelate ka na ha, para sabay tayong mananakbo haha"
"9 pa pasok ko"
Napatingen ako sa kanya, "Ha? E bat ka pa nagmamadali kung 9 pa pala?"
"Syempre madami kameng sabay-sabay papasok tapos iisa lang ang CR so unahan na." ngumiiti sya saken, "That, and para masabayan kita papasok" sinabe nya bago nyako akbayan
"Baket? Anong meron?" napakunot noo ako at tumingin ulet sa dinadaaanan
"Wala lang, bawal ka bang makasabay?" ngiting ngiti na naman sya, nakikita ko sa peripheral vision ko
"Hindi naman, sayang lang yung igigising mo nang maaga para makasabay ka saken. Tulog is life"
"Okay lang yun, maaga din kase ako natutulog kaya maaga nagigising" sabi nya habang nasa may gate na kame ng uni at chinecheck ng guard bag namen
"Atsaka you is lifer." Hindi ko sure kung tama yung nadineg ko, andame nang mga estudyanteng nagkukwentuhan eh
"Ano?" pagpapaulit ko
"Wala!" Tinuro nya yung left side from the gate, "Dito nako ha! Sabay uli tayong umuwi mamaya ha?"
"Okay sige!" sabe ko sabay kaway sa kanya habang papalayo sya
Tinatanaw ko pa din sya papalayo nang biglang may umakbay saken, at sumulpot sa magkabilang gilid ko sina Kim at Noel.
"B2, iba talaga ang karisma ng dalaga naten no?" sabe ni Noel ke Kim
"Oo nga B1! Yung pinakastrikto nateng officer at MVP ng basketball, napapalambot nya?" ginulo ni Kim ang buhok ko sabay sabing "Ibaaa!"
Pinigilan ko si Kim sa panggugulo ng buhok ko, "Baliw! Anong pinagsasabe nyo dyan?" habang inaayos buhok ko
"Baket magkasama kayo ni Nars Charles ha? Sya na ba?" tanong ni Noel "Ayiii!"
"Sya na! Yung bagong kapitbahay namen ni Mama…" sagot ko habang nakatingen sa direksyon ni Charles, "tara na baka malate pa tayo!" at umuna nako sa paglalakad
Sabaw napa-wow sina Kim at Noel bago sumunod saken, "Alam mo bang tinanong pa nya saken kung saan ang bahay mo?" sabe ni Noel
"At naabutan ko sya sa library nagyayaya sa mga kaklase nya na mag-dorm" sabat ni Kim
Napatingin munako sa dalwa bago nagtanong, "And so?"
Napabuntong hininga si Noel, "Ibig sabihin, inalam talaga nya kung tagasaan ka at naghanap ng kakutsaba para makalapit sayo, friend!"
Sumimangot ako, "Baka naman nagkataon lang. Sabe nya saken naghahanap talaga sila ng malapit dito para di na sila mag-uwian eh"
Pinatong ni Kim ang kamay nya sa balikat ko at nagsabeng, "Napaka-pessimistic mo talagang tao ka no?"
"Kesa naman sa umasa ako tas wala lang pala talaga deba?"
Tinapik-tapik ni Noel ang balikat ko, "Hindi lahat kagaya ni Joshua, Okay? Move on na besh!"
Tinanggal ko kamay ng dalwa sa balikat ko, "Alam nyo kayong dalwa ang di makamove-on! Wala na dito yung tao! Yaan nyo na sya!"
"Oho!" umuna sa paglalakad si Noel, "Tara na B2! Iwanan na naten yung friend nateng in-denial!"
"Tara! Tara!" pagsang-ayon ni Kim
"Hoy!" Sigaw ko habang papalayo yung dalwa, "Wag nyoko iwanan!"
Tumakbo pa lalo ang dalwa papalayo gang sa mukha na kameng naghahabulan papunta sa building namen. Paakyat na silang hagdan nang sumulpot si Terror Prof.
"No running up the stairs!" sigaw neto sa dalwa
Napakamot ng ulo si Kim at napapamulsa naman si Noel bago sila sumagot nang, "Sorry, Ms. Jean!"
Tumalikod nako at akmang lalayo na sana nang bigla ulit nagsalita si Terror Prof, "And where do you think you're going, Mr. Estella?"
Humarap uli ako sa kanila at nag-bow, "Ahmmm…Hello Ms. Jean!"
Nagtaas ng kilay si Terror Prof bago bago muling nagsalita, "Get to your rooms! Now!"
Sabay-sabay kameng nag-bow at naglakad paakyat ng building, "Takbo pa more!" bulong ko
Natapos ang araw nang un-eventful at ilang oras pa ay nasa gate na kameng tatlo saying our goodbyes
"Minus pogi points yang si Nars Charles sayo ha! Ikaw pa yung pinaghihintay!" banat ni Noel habang inaayos ang helmet at nakaangkas sa motor ni Kim
"Basta magtxt ka kung 6 na e wala pa din yang Charles na yan ha, nang masundo kita at maihatid sa inyo" sabat ni Kim
"Opo daddies!" pandidila ko sa dalwa
"O sya mano muna!" sabay abot ni Noel ng kamay nya saken, "de! joke lang!"
Ini-start na ni Kim ang motor at bumusina at nagbabye na ang dalwa saken
5:36 na at wala pa din si Charles. Naiinip nakong naghihintay sa may gate at tingen ng tingen ng oras sa phone ko. Umupo nako sa may gilid ng gate at kinutingting yung mga santan. Namiss ko bigla yung ginagawa ko nung bata. Yung pagsipsip ng dulo ng santan. Kaya lang napapagalitan ako ni Lola pag pinuputpot ko mga halaman eh. Come to think of it, buti dipako nahahalata ni Mama at ng family ko noon. Pero kunsabagay, di pa naman ako bakla noon eh. Nung nain-love lang naman ako ke Joshua kaya ko nasabe sa sarili ko na bakla ako eh
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81