Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

JELO'S POV

Kring! Kring!

Nawala ang atensyon ko sa mga bulaklak nung nadinig ko yung bike bell. Napatingin agad ako sa guard house baka akala nung guard pinuputpot ko yung halaman.

Kring! Kring!

Hinanap ko yung pinanggagalingan ng tunog. Si Allen papalapit sakeng nakabike! Napatayo ako habang pinagmamasdan syang papalapit. Tumigil sya sa may gilid ko at tumango sa aken, na sinagot ko naman ng pagba-bow

"Hello Kuya Jelo!"

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa that moment. Yung kuya ang tawag sayo ng crush mo? Anona?

Lumapit ako at tinundo ng hintuturo at hinlalato ng kanang kamay ko ang noo ni Allen. Yung ginagawa ni Itachi kay Sasuke sa anime series na Naruto? Out of kainisan

"Ohh!" Nagulat si Allen at napahawak sa noo nya, "Aray!" halata sa mukha nya ang paghahanap ng sagot kung bakit

"Ikaw kase eh! Ang kulit mo! Sabe nang wag mokong tawaging kuya eh!"

Ngumiti na si Allen at tinaggal ang kamay nya sa noo nya, "Ay oo nga pala! Sorry Kuya! Ayy!" Pumikit sya, umiling at napaturo, "Jelo?! Jelo!" at napahawak ulit ang kamay sa mga handle ng bike, "Sorry na po, di ako sanay na hindi nangungupo eh"

"Well, masanay ka na, kahit saken ka lang di tumawag ng kuya"

Ngumiti lang si Allen at nagsalita, "Sige Ku—"

Inambaan ko sya ng dalwa kong daliri

Tinaas nya kamay nya na parang iilag habang tawa nang tawa, "Haha Jelo! Jelo! Ano ba! Jelo na nga ang kulet ko"

Binaba ko na kamay ko, at ibinababa na din nya ang kamay nya at muling humawak sa bike, "Pasaan ka na nyan?"

"Pauwi na" sagot ko

Napatango-tango sya at muling ngumiti, "Gusto mo sumabay kana saken? Iangkas kita hanggang sa inyo" pag-ooffer nya

Ramdam ko yung tenga ko na napakislot. I have this mannerism na pag naoverwhelm ako o kahit nagulat lang e napapagalaw ko tenga ko. Yung parang pagpapalaki ng butas ng ilong. And this offer is pasok sa banga. Both nakakagulat and overwhelming.

"Ha? Sure ka?" Pagveverfiy ko sa offer nya

"Opo!" Tumango-tango ulit sya, "Malapit lang naman ata ang sa inyo dito? Nakita po kita nung first day, nananakbo ka lang papasok ng gate. Ibig sabihin malapit lang sayo dito"

"Oo nga, malapit lang. Dun lang kami sa subdivision, 3 blocks from here."

"Ah yayamanin pala si Kuya Jelo eh"

Huli na bago nya narealize na natawag nya ulet akong kuya, nahampas ko na sya

"Ay sorry! Jelo pala!" Mejo late na din nya nataas ang braso nya pangsalag

"Hindi naman. Nangungupahan lang kame dun ni Mama"

"Ah ang samen mejo malayo pa eh. Tatlong kanto pa mula sa inyo"

"Kaya pala lage kang nakabike"

"Opo" sagot nya bago tinap yung angkasan nya, "Angkas ka na Jelo!" pag ooffer nya ulit

Shems kinikilig nako sa kakaisip kung aangkas bako o hindi. Hindi talaga ako marunong umangkas ng bike, ni magbike hindi. Umaangkas lang ako sa motor ni Kim pag nasa gitna nila ako ni Noel dahil alam kong safe ako pag sila kasama, at kahit ganun, kapit-tuko ako sa bewang ni Kim. Ayaw ko ding si Noel magdadrive dahil alatag na nya akong pakabahin pag biglang bibilisan pagmamaneho.

Mga ilang segundo siguro ang lumipas habang nag-iisip ako dahil napatingen na parang nagtatanong si Allen, "Me problema ba Jelo?"

"Ah" napakamot ako sa ulo ko, "Hindi kase ako marunong umangkas ng bike eh. Sa mga kaibigan ko lang ako umaangkas ng motor tas dapat asa gitna ako"

"Upo ka lang dito," pagtatawag ni Allen na ginawa ko naman, "Tapos kapit ka lang saken"

Ramdam ko yung tenga ko namumula na, "Okay" Umupo nako sa angkasan at humawak sa magkabilang side ng bewang nya

Napatingen sya sa magkabilang gilid, "Hindi ganyan," kinuha nya kamay ko at pinaghawak mga kamay ko sa harap ng tyan nya. Gosh! Hindi ko kinakaya to!

"Komportable kana sa upo mo?" tanong nya saken

"Ahmmm…oo" Pagtango-tango ko habang nakayuko

"O sya tayo na!" at nagsimula na syang pumadyak

Mejo malayo na kame nung bigla syang nagsalita, "Okay ka lang ba jan? Antahimik mo eh"

Tumango ako, "Oo, hindi lang ako sanay na nakaangkas. Atsaka wala akong masabe"

"Hmmm… nasaan pala ang Papa mo? Hindi mo sya nabanggit kanina"

"Hindi ko naman kase sya kilala. Hindi namen napapag-usapan ang tungkol sa Dadi ko eh"

Tumango sya, "Ah okay. Sorry nanghihimasok na yata ako sa buhay mo"

"Hindi naman. Wala lang talaga ako masasabi about sa tatay ko." Bigla kong naalala yung babaeng lagi nyang kasama, "Nasaan pala yung girlfriend mo?"

Napalingon sya saglit at nakakunot-noo, "Ha? Sinong girlfriend?" Umiling-iling sya habang paharap na sa unahan, "Wala akong girlfriend"

Shems! Good news! Kalmahan mo self! Pinipigilan kong ngumiti at nagtanong, "E sino yung kasama mo nun sa pantry at yung inangkas mo pauwi kahapon?"

"Ah si ate RhekRhek? Kapatid ko yun!"

Ang hirap magpigil ng ngiti. "Weh? Kapatid mo yun? Bat di mo kamukha?"

"Nagmana kase sila kay Mama, ako naman kay Papa" sagot nya

"Ahhhhh… Ano yun may boyfriend na?"

"Baket? Crush mo?"

"Hindi no!" Ikaw yung crush ko jan! Wag kang ano! "I think crush sya nung bestfriend ko, si Kim? Yung kasama ko nun sa pantry"

"Ha! Goodluck sa kanya! Ansiga kaya ng ate ko!"

"Parang hindi naman! Ang amo nga nya tingnan eh!

"Akala mo lang! Mas maton pa sila ni Kuya Frankie kesa samen ni Papa."

Frankie? Pogi din kaya yun? Kuya so mas matanda sa kanya. I made a mental note na usisain pa si Allen about dun sa Frankie, "So tatlo kayong magkakapatid at ikaw ang bunso?"

"Oo – Ay opo pala"

"Okay lang kahit di ka na mangupo saken. Pabor yan pati di mo pagkuya saken"

"Okay" at tumigil sya sa pagbabike saka lumingon saken, "Andito na tayo!"

Hindi ko napansin na asa tapat na agad kame ng gate ng subdivision namen, "Oo nga no? Ambiles!"

"E diba nga malapit lang ang sa inyo"

"Onga naman!" Bumaba nako at nagpasalamat, "Salamat sa pag-angkas saken pauwi ha"

"No problem po," sabe nya at ngumiti saken, "Ingat kapo papasok Jelo ha. Goodnight"

Bago pako nakasagot, me tumigil na trayk sa may likod namen. Si Mama bumaba ng trayk

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81