JELO'S POV
Bago pako nakasagot, me tumigil na trayk sa may likod namen. Si Mama bumaba ng trayk
"Hi Mama!" Kinawayan ko sya at lumapit sa kanya "Sorry na. Sabay lang tayo nakauwi"
"Oo nga. Bat ngayon ka lang ha?" sabay kiss sa cheeks ko, "At may kasama kapa"
Nagbow si Allen at bumati, "Hello po ulit Ma'am!"
"Ay ikaw pala yan Allen!"
"Yes po!" nakangiting sagot ni Allen sa kanya
"Teka, magkakilala kayo?" singit ko. Ano to Ma? Aagawan mopako?
"Oo," tumango-tango sya, "Co-teacher ko Mama nya" at tumingin ulit sya kay Allen, "gusto mo muna maghapunan?"
"Hindi na po! Kailangan ko na din pong umuwi"
"Ay sya sige. Say Hi to Ma'am Queen for me ha!"
"Opo sige po. Babye po Jelo and Ma'am Aileen" Pagbababye nya bago umalis
"Babye" wave back namen ni Mama
Sinundan ko ng tingen si Allen habang papalayo sya nang biglang bumulong si Mama, "Ang gwapo nya no? Parang may lahi. Pero pure Filipino yan!"
Napalingon ako kay Mama, "Ano Ma? Nagmumurang kalamias?" at nagsimula nakong maglakad papasok ng sub
"Hindi ko naman sinabeng para saken ah!" sagot ni Mama habang naglalakad ding nakaakbay saken
"E para kanino?"
"Aba ewan ko! Siguro sa tabi-tabi jan!" Natatawang sagot ni Mama
3rd PERSON'S POV
8:17 AM nang lumabas si Jelo mula sa bahay nila pero bago sya tuluyang makalabas ng gate, bigla nyang naalala yung pabaon sa kanya ng Mama nya na maaga umalis papuntang school.
Nang muli na syang lumabas at ilalock na sana ng gate, bigla syang tinawag ni Charles
"Jelo!" pagtawag nya kay Jelo na napalingon sa kanya habang naglolock ng gate
"Yes?" sagot ni Jelo na tapos nang ilock ang gate at nagsimula nang maglakad
"Sorry kahapon kung di kita naihatid ha. Biglaan kase ako pinatawag sa ospital para icover yung shift ng isang nurse dun eh
Napatango lang si Jelo, "Ah! Wala yun!" bigla nyang naalala yung paghahatid sa kanya ni Allen kahapon, "Dapat pa nga akong magpasalamat sayo eh"
"Bakit?" Kunot-noong tanong ni Charles
"Dahil nasagot yung tanong ko" ngiting-ngiting sagot ni Jelo
"Ano?"
"Secret."
"Sabihin mo na!" pamimilit ni Charles na inakbayan pa si Jelo
"Yoko nga!" sagot naman ni Jelo habang tinatanggal ang pagkaka-akbay ni Charles sa kanya
"Nagtatampo kaba?"
"Hindi ah! Wala yun!"
"Yaan mo. Bawi ako sayo next time" At nakalabas na sila sa subdivision na tinitirhan nila
KIM'S POV
"Kakatamad pumasok!" Mahina kong sigaw habang nag-iinat bago pinatay ang alarm clock ko. Third day pa lang pero nakakatamad na agad pumasok. Kakamiss ding gumising nang tanghali na at mag-Dota gang madaling-araw.
Nakaharap ako ng salamin at katatapos lang magtoothbrush nang nagsimula kong i-appreciate ang kapogian ko
"Haaay! Ang gwapo ko talaga!" Tapos napailing-iling na lang ako sa sarili kong kahambugan nang bigla kong maalala yung kapatid ni Allen.
"Iba sya, ang angas nya! Siya lang yung tumanggi saken. Ever! Tsk Hmmm… Yaan mo Kim! Makukuha mo din sya!" kagat-labi akong tumango sa reflection ko sa salamin
Nakamotor akong pumunta ng school nang makita ko sina Charles at Jel na patawid na papunta sa gate ng uni. Iba talaga tong tropa kong to! Kung gano kastrikto tong si Charles samen nung ROTC, sya namang baet nya kay Jel. One time na sinigawan nya to dahil di nakumpleto ang pagtakbo sa running track, yumuko nalang si Jel at sinagot siya nang nangingilid ang luha pero biglang lumapit si Charles at pinatingala bago pinunasan luha ni Jelo. Pigil kameng lahat sa pag aruy kase baka kame naman maputukan ng ibang officers.
Ever since that incident, ewan ko pero naging sweet na si Charles kay Jel. Minsan, sya nalang pinagchecheck ng attendance at nilipat sa first-aid personnel na usually Nursing or Medical students ang members. Minsan pa nga inuutusan ni Charles si Jel na tagapahid ng pawis nya eh. One time, nakita nya kame ni Noel na pinipintahan ni Jel sa mukha for a play, with Noel holding Jel in the hips na pipisilin nya once na gaguhin neto ang pagpefacepaint sa kanya. Kinahapunan, pinagpush nya si Noel nang 200 counts at pinatakbo ng 5 loops sa running track.
Those were the dark days na ingat kame ni Noel sa pagkilos namen around Jel. Ayaw nameng mapagdiskitahan no? Pero ayaw din naman nameng mawala friendship namen dahil sa ROTC. Buti na lang one time, pinakilala kame ni Jel kay Charles bilang bestfriends nya at sinabihan na maging mabait si Charles samen kung hindi naku talaga. Pero lahat ng advances na ginagawa ni Charles, hindi napapansin ni Jel dahil para sa kanya, kinaibigan lang sya neto. Paano kase inlababo sya dun sa Joshua na yun.
"Uy Kim!" kumakaway na pagtawag saken ni Jelo habang papalapit saken
"Uy! Good morning. Anong oras na kayo nakauwi kahapon?" tanong ko habang hinuhubad helmet ko
"Ay di kame magkasama kahapon" sagot ni Jel na ngiting-ngiti, "Me ibabalita ako sayo!"
Napakunot noo ako, "Panong di kayo magkasama umuwi kahapon? E di ba iniintay mo sya dito?" sabay tingen ke Charles
Napakamot-ulo si Charles, "Pinatawag kase ako sa ospital eh. Biglaan."
Tumingen ako ke Jel, "Anong oras kana nakauwi?"
"Mga 6 na ata yun, kaya bilisan mo nang magpark nang makwento ko na sayo yung good news!"
"Okay sige." Nakasimangot kong sagot bago pumasok.
Habang nagpaparada ng motor, naiinis pa din ako. Sana man lang nagtxt sya ke Jel nang di naghintay yung tao. Overprotective na kung overprotective pero para ko nang kapatid sina Jel at Noel. Ayokong naa-argabyado sila. Pagkabalik ko sa may gate, andun silang dalwa nagpapaalamanan.
"Brad, next time itxt mo agad kame ha. Nang nasasamahan namen si Jel pauwi."
Tumango si Charles, "Oo brad. Sige alis nako." At tumango sya bago nagsimulang maglakad papunta sa building nila
Nang medyo malayo na sya, "Hinatak ni Jel yung braso ko, "What was that?"
"Anong 'What was tha'?" tanong ko
"Grabe ka magalit. G na G hindi lang ako nahatid"
Kung alam lang niya. Kaya lang naman namen hinahayaan ngayong umuwi mag-isa si Jel kase nagsabi syang sasabayan na nya laging umuwi eh.
"Wala naawa lang ako sayo. Mag-isa ka umuwi kahapon"
"So yun na nga! Hindi ako mag-isa. Hinatid ako ni Allen pauwi!"
Napamulaga ako sa kanya, "Ha? Si Allen? Paano?"
"Naabutan nyako dito nagkukutingting ng halaman! Tas inofferan nyakong ihatid"
"Naks! Iba rin! So lagi ka na nyang ihahatid nyan?"
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81