Present time…
"Dr. Fereira?" tawag ni Dr. Norway Capinpin kay Webster. Biglang napamulat siya ng mga mata at lumantad ang puting kisame ng laboratory sa sariling mansion. Ten years ago, nang mamatay si Skylar ay binili niya iyon. Doon niya ginastos ang lahat ng pera na nakuha mula sa pinagbentahan ng bahay at sanctuary. Iyon ang naisip niyang kuhanan din ng pondo para magawa ang project na time machine. Ang time machine lang ang naisip niyang paraan para mabuhay ulit si Skylar.
Skylar's death became his greatest downfall. Sunod na namatay si Stephen dahil naaksidente ang sinasakyan nito. Nabangga iyon ng truck at DOA ito sa ospital. Theodore and his team sue him for ruining Titanium. Galit na galit si Theodore at hindi na sila nagkaayos. Nakipag-settle na lang sila at binayaran ang lahat kaya hindi natuloy ang demanda nito. Matapos iyon ay nawalan na siya ng balita. Tinanggal din siya sa CSRI dahil sa damage of property na ginawa.
Nang mamatay si Stephen, hindi na pinaginteresan ng mga kamag-anak nito sa UK ang CSRI. Ibinenta na lang iyon sa isang business tycoon at ginawa iyong corporation. Ang balita ni Webster ay naging isa sa board of directors ang mag-amang Donatello.
Ang maliit at sariling laboratory na lang ang pinagtuunan ng pansin ni Webster. Tinulungan siya ni Cynthia sa gastusin. Pati ang asawa nito ay nag-invest sa time machine hanggang sa mabuo iyon at gumana. Eighteen months ago, naipa-register na nila iyon sa Bureau of Patent. Naghihintay na lang sila ng notice na ma-grant iyon.
"What happen? Nagkaroon po ba nang pagbabago?" tanong ni Norway. Ito na ang mechatronics engineer niya. Galing pa ito ng America at ihinire ni Cynthia para makasama niya. Mabait, mahusay at maasahan kaya agad din niyang nakasundo. Limang taon nilang ginawa ang time machine. Both of them tried their best to create it.
Bumangon mula sa mala-silver casket si Webster. Kagaya ng Titanium ang time machine. Nasa pinto noon at hinihigaan ang mga detectors, programs at complex algorithm na siyang magdadala sa kanya sa nakaraan. Sa ngayon ay past pa lang ang puwedeng puntahan ng time machine. Doon nag-focus si Webster dahil ang buhayin si Skylar ang priority niya.
Every time na nagta-travel si Webster sa nakaraan ay nawawala siya. Katawan mismo ang dinadala ng time machine sa past at makikita rin niya ang sarili doon. Isang timeline ang binabalikan ni Webster kaya natural lang na makita ang sarili at makausap pa. Mayroong maliit na computer ang time machine at doon ilalagay kung ano'ng taon siya magta-travel.
But there's a catch. Ten years maximum lang ang puwede nilang balikan. Kung gaano katagal ang taon, mabilis lang ang oras niyang manatili sa nakaraan. Ang katumbas ng sampung taon ay thirty minutes. Ang travel time naman ay matagal din kapag matagal ang taon na babalikan. Inaabot iyon ng beinte kuwatro oras.
Norway and Webster tried to lengthen the time frame but the machine couldn't. They used geometries of space and time in order to boost the magnetic forces and mechanics but still, there's nothing they could do. Sa tingin nila ay iyon na talaga ang sagad nitong kakayahan at ayaw naman niyang isakripisyo iyon. Maybe, they could make another better version. In time.
"I don't know for now." ani Webster at tumayo. Nagbukas siya ng computer at kumonekta sa internet. Kung pagbabasehan niya ang itsura ng mansion ay ganoon pa rin naman iyon mula noong umalis siya. Gayunman, gusto niyang makasiguro kung sa pagkakataon ngayon ay mayroon nang nagbago.
"CSRI?" tanong ni Norway nang makita nitong hinanap niya ito sa internet.
"Yes." pigil hiningang sagot niya. He searched about the company and he shivered when he found out that Stephen was still the owner! He was alive!
"D-Dr. Stephen Wright is alive?" gulat na tanong niya.
"Well… yes, sir. Why? Namatay ba siya sa past?" takang tanong nito. Hindi na nagtaka si Webster kung paano nakilala ni Norway si Stephen dahil sikat itong anatomist.
Napatitig si Webster kay Norway. Nangingilabot na siya dahil sa kaalamang ang mga ganoong detalye rin ay napalitan sa memorya ni Norway. Or maybe all people who knew about the incident!
And then he realized something: his old version did what he asked! Binago ng nakaraang Webster ang lahat kaya nagiba ang kasalukuyan!
At doon napatunayan pa ni Webster ang isang bagay: dahil sa nangyari ay nagkaroon din siya ng skip sa memory. Kung ano ang nasa memory niya mula noon ay iyon lang ang alam niya. Ang mga nabago sa timeline ay wala na siyang idea.
But it doesn't matter to Webster. Balewala na sa kanya ang mga ganoong detalye dahil ang mahalaga ay nagawa niya ang misyong buhayin si Skylar.
"Dr. Fereira!" takang tawag ni Norway nang bigla siyang tumayo at lumabas. Sumakay siya sa itim na SUV. He drove while his heart was beating so damn wild. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi si Skylar. Gusto niyang siguruhing nabuhay ito.
Panay ang busina ni Webster sa mga kasalubong. Halos hindi na siya makahinga sa lakas nang kabog ng dibdib. Nang tuluyang pumarada sa tapat nang dating tinitirhan ni Skylar at parang maiiyak siya sa sobrang saya.
Galing si Webster doon dalawang buwan nang nakararaan. Sa sobrang lumbay at pangungulila, pumarada lang siya sa tapat ng bahay ni Skylar at tahimik na lumuluha. Tahimik na tahimik ang bahay nito. Nagmistula na nga iyong hunted house dahil walang nagmantini. She was dead for ten years but his heart was still breaking. Dahil doon ay mas naging pursigido siya at tuluyang natapos ang time machine.
But now, the house became a home. Napakalinis noon at naka-trim pa ang mga halaman. Nakaparada na rin doon ang dalawang naglalakihang sasakyan. Ibig lang sabihin ay mayroon nang nakatira roon.
Si Skylar pa rin ba ang nakatira? Ah, hindi niya alam. But he was hoping that it was her.
Napaigtad si Webster nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Skylar. His heart beats so damn crazy. Tila biglang tumigil sa pagtakbo ang oras at panahon. Natulala siya habang nakatitig sa magandang babae na malaki na rin ang pinagbago.
Humaba na ang buhok nito at summer wave na ang style. Umabot iyon sa gitnang likuran. Medyo pumayat ito pero maganda pa rin itong tingnan.
Wala sa sariling bumaba si Webster ng sasakyan at napatingin si Skylar. Parang umakyat sa ngalangala niya ang puso dahil sa kaba.
And he thought Skylar would smile at her but no. Tumigas ang mukha nito. Nakitaan niya ito ng inis at humalukipkip.
"What are you doing here?" maaskad na tanong nito.
"I… I just came here to check on you." pigil hiningang sagot ni Webster. Halos sumabog na ang ulo sa mga nangyari.
Nagtiim ang bagang ni Skylar at napatingin sa malayo. Nagalala si Webster sa naging reaksyon nito hanggang sa naalala niyang hiniwalayan niya ito sampung taon ng nakararaan. Obviously, iyon ang dahilan kung bakit ito galit.
"Ten long years, Webster. Ngayon mo lang naisip na kumustahin ako?" napapailing nitong sagot.
Napayuko siya sa kumpirmasyon. It breaks his heart into tiny little pieces. "I'm so sorry…" anas niya. God… he wants to hold her but he couldn't. Mas lalo iyong dumurog nang husto sa puso niya.
"You're ten years late, Webster. Umalis ka na." taboy nito. Kita niya ang matinding pagpipigil na huwag siyang singhalan.
"I'm so sorry, Skylar…"
"Umalis ka d'yan. Baka masagasaan kita. Magkikita pa kami ng boyfriend ko." malamig nitong saad na gumimbal sa puso ni Webster.
"B-Boyfriend?" hindi makapaniwalang anas ni Webster. Namasa ang mga mata niya sa sobrang sakit na naramdaman.
Tiningnan siya nito nang masama. "Yes. Sa kabila nang binigay mong sakit, nagka-boyfriend pa rin ako. Donatello made me realized that it was still possible for me to fall in love. Siya ang boyfriend ko. Pinakita niya sa akin na hindi siya kasing sama ng iniisip ko. He showed me that he was way better than you!" inis nitong saad at dinuro siya. "Get out of my way."
"Skylar…" nanghihinang anas ni Webster pero sumakay na ito sa sasakyan. Kusang bumukas na ang gate. De remote control iyon at mukhang ginamit na ni Skylar para mabuksan. Hindi nagtagal ay umalis na ito at naiwanan siyang lumong-lumo.
Yes. Skylar live. She was living a good life now. But she was living a life without him and it broke his heart. Naisip niya kung tama ang ginawa. Nabuhay nga ito pero galit na galit sa kanya.
And he bitterly smiles. Nadudurog ang puso niya sa reyalisasyong kahit sobrang sakit ng kinahantungan ng lahat, ang mahalaga ay buhay si Skylar…