"Ano kaya ang password mo?" napapaisip na anas ni Skylar habang nakatitig sa screen ng computer. Three days na niyang sinusubukang buksan ang flash drive pero bigo siya. Sinubukan na niyang gamitin ang pangalan niya, birthday, monthsary pero wala pa rin. Lagi iyong denied. Sinubukan din niyang basahin ang planner ni Webster pero pawang mga activities at important dates lang ang nakatala roon.
At natutunaw ang puso ni Webster dahil nakatala roon ang mga monthsary nila at birthday niya. Kahit wala na sila nito ay naging mahalaga pa rin ang mga dates na iyon dito. Bukod doon, nabasa rin ni Skylar ang everyday activity ni Webster habang binubuo ang time machine.
At iyon ang nagiging motivation ni Skylar. Halos hindi na siya matulog kakasubok. Nasisiguro niyang ganoon din si Webster noon habang binubuo ang time machine kaya dapat lang na tumbasan niya iyon. Wala na siyang pakialam kahit panakitan ng ulo. Ramdam ni Skylar na kaya niya iyong buksan. All she needed was to think hard.
"How about… SkylarWright9002695?" ani Skylar at tumipa. Sinubok niyang idugtong ang badge number.
Napangiwi siya ng hindi umubra. Napasandal siya at nagisip pa. Piniga niya nang husto ang isip hanggang sa napaungol na lang sa desperasyon. Napabuga siya ng hangin ay kinuha na lang ang planner ni Webster. Pinalipat-lipat iyon hanggang sa naginit ang puso niya nang makita ang huling page. Skylar forever ang nakasulat.
Kumabog ang dibdib ni Skylar. Bigla siyang nagkaroon nang idea at sinubukang itipa ang mga letrang iyon hanggang sa tumalon ang puso niya nang ma-grant!
Hindi nagtagal ay lumantad na sa kanyang harapan ang mga video clips, data at lahat ng record ng time machine. Halos maduling si Skylar sa dami noon at hindi tumitigil sa pag-scroll nang kusa ang computer. Matyaga niya iyong hinintay hanggang sa matapos.
Pigil hiningang isa-isang binuksan ni Skylar iyon ay naiyak siya nang makita ang isang video…
"I am Webster Fereira. Today is June 11, 2017. This is my third expedition going back from the past." ani Webster at pumindot-pindot ito sa loob ng time machine. Kasalukuyan na itong nakahiga. Hindi nagtagal ay lumabas ang mga digital time sa gilid ng screen. Tumakbo iyon at nagsimulang tumunog na ang makina. Nakarinig siya ng pagbibilang ng machine hanggang sa mag-zeo. Umilaw ang buong paligid ni Webster at pumikit ito. Umuga-uga ito at nagkaroon iyon nang matinis na ingay. Tila tunog iyon ng isang jet na nagte-take off. Papalakas iyon nang papalakas hanggang sa at nawala ito…
Minuto ang lumipas bago ulit lumitaw si Webster. Hindi maiwasang humanga ni Skylar sa nakita. Tila isang uri lamang ng graphics si Webster na nabubuo hanggang sa maging solidong tao.
Agad nagbukas ang casket at nilapitan ito ni Norway saka sinuri. May doktor ding tumingin dito at kinuhanan ng vital signs. Matapos ay pinainom ito ng tubig. Nang makalma ay napaiyak na lang si Webster.
"Damn it! She died again!" luhaang bulalas ni Webster at naiyak.
"What did you do this time?" seryosong tanong ni Norway.
"Lihim akong nagimbestiga sa nakaraan para malaman kung sino ang may gustong mamatay siya pero bago ko matunton, binaril na si Skylar. Bago pa ako makagawa nang paraan, bumalik na ako dito sa future. Damn it!" ani Webster at napasabunot sa sarili.
Hinawakan ni Norway ang balikat ni Webster. "We'll do better this time, sir."
Natigilan si Webster. Biglang nawala ang galit at sakit sa mga mata. Napalitan iyon ng determinasyon. Tumango na ito at umalis sa puwesto. Nag-dim ang back-ground at lumabas ang napakaraming numero. Algorithms. System failures. Errors. Graphics. Calibration. Lahat ng mga ginawang pagsasaayos ng team ni Webster ay lumabas hanggang sa mag-black ulit ang screen. Nagkaroon lang iyon nang palabas nang sindihan ulit ang camera at lumantad si Webster para sa fourth expedition…
Naiyak si Skylar. Makita lang niya ang mga paghihirap at determinasyon ni Webster ay sumasakit ang dibdib niya. This man did everything! When the time came he must give up, he didn't. When the time came he needed to let go, he stayed. He waited. He patiently repeated everything over and over. Just to save her. Just to make things possible.
Doon niya ito lubusang naiintindihan. Nakakaramdam siya nang panghihinayang at pagsisisi dahil huli na para malaman niya iyon. At galit. Kung sinoman ang pumatay kay Webster, siguradong malalim ang galit at inggit. Pati rin kasi ang pinaghirapan nitong time machine ay sinira. Gayunman, napapaisip siya. Sino ang gagawa noon?
"Ma'am, may bisita ho kayo. Si Sir Donatello…" untag ng katulong.
Natigilan si Skylar hanggang sa napabuntong hininga. Ilang araw na niyang hindi nakakaharap si Donatello. Na kay Webster kasi ang buong atensyon niya.
Tumango si Skylar. "Okay. Lalabas na ako." malamig niyang sagot. Lumabas na ang katulong at nagayos na ng sarili si Skylar. Ilang sandali pa ay hinarap na niya si Donatello.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Isang linggo ka ng hindi pumapasok sa CSRI." seryoso nitong saad.
Napabuntong hininga si Skylar at nangilid ang mga luha. Mabigat pa rin ang pakiramdam. "Hindi lang talaga ako makapagtrabaho nang maayos ngayon."
"Dahil kay Webster," malamig nitong saad.
Bumigat lalo ang dibdib ni Skylar. Naiyak na siya. Hindi na niya napigilang itago ang nararamdaman. "Yes, A-Akala ko, okay lang pero hindi pala. Pakiramdam ko, parang namatay na rin ako noong nawala siya…"
Napahagulgol na lang siya sa mga palad. Panay naman ang buntong hininga ni Donatello hanggang sa niyakap siya nito. "I understand. But always remember, nandito lang ako. I will patiently wait for you."
"D-Donatello…" luhaang anas ni Skylar.
Seryosong tumango si Donatello. "Mula noon hanggang ngayon, gusto pa rin kita. Hindi naman ako magtityaga nang ganito katagal ng wala lang, Skylar." pagtatapat nito.
Napabunghalit na ng iyak si Skylar at nagkadailing. Mula noon at hanggang ngayon ay na-realized din niyang kaibigan lang ang tingin niya rito…
"No… please, don't wait for me. I realized that whatever happens, it was Webster still. Siya lang ang lalaking mamahalin ko ng ganito…" luhaang amin niya.
Pain was written all over Donatello's face. Nagdilim din ang mukha nito at hindi ito masisisi ni Skylar. Donatello did everything for her too and they both ended up that way.
"I'm so sorry…" nagpapakumbabang saad ni Skylar.
"Whatever," malamig na saad ni Donatello at lumabas. Naiyak na lang si Skylar. Guilty talaga siya hanggang sa ipinagdasal na lang niya si Donatello na sana ay makahanap ito ng ibang babaeng totoong magmamahal dito.
Naiyak na lang ulit si Skylar sa mga naisip.