"Kumusta ang testing?" tanong ni Skylar kay Dr. Ephraim—ang matandang physicist. Single. Edad forty nine. Humalukipkip si Skylar at pinanood ang ginagawa ng mga staff. Umaalalay sa mga iyon si Norway. Hindi siya pansin ng mga ito dahil abala. Sa loob ng maraming buwan na nagdaan ay doon nila ibinuhos ang lahat. Salamat dahil hinaba-haba ng panahon ay nabuo nila ang time machine. Sa pagkakataon ngayon ay sinusubok na nila iyon gamit ang isang lab rat.
"Hindi pa rin successful. Hindi nakakabalik ang mga lab rat. It seems they were lost in space and time. But don't worry. Everything will be okay. Ganito lang talaga sa simula dahil dinagdagan ni Dr. Ingram ang program. Sinubukan kong i-extend ang oras sa bawat pag-travel. May mga naapektuhan lang na ibang system at tini-trace na iyon ng programmer," paliwanag ni Dr. Ephraim.
Napatango na lang si Skylar. Hindi na niya makuhang magalala dahil sa bawat trial and error testing nila ay naayos naman agad iyon ng mga staff. Hindi na nagawang umalis ni Skylar sa basement dahil pinanood niya ang grupo.
Natigilan lang siya dahil tinawagan siya ng katulong. Mayroon daw siyang bisita: si Donatello. Minabuti ni Skylar na tumangging humarap at nagdahilan na busy. Ayaw niyang iwanan ang ginagawa nila lalo na ngayong tila nalalapit na ang pagkakaayos ng time machine.
Pero hindi nakuntento si Donatello sa dahilan ni Skylar. Tinawagan ulit siya ng katulong at nagpipilit daw itong kausapin siya. Mahalaga raw ang sasabihin nito. Sa huli ay napilitan tuloy si Skylar na umakyat.
"How have you been?" bungad ni Donatello.
Napabuntong hininga si Skylar. "I am okay. Ano ba ang gusto mong sabihin?"
Sumeryoso si Donatello. "You haven't watched the TV? Nahuli na ang killer ni Webster."
Kumabog ang dibdib ni Skylar. "W-What?"
Doon nag-ring ang cellphone ni Skylar. Nakita niyang si Cynthia ang nasa caller ID. Kabadong sinagot niya iyon.
"Y-Yes?"
"Nahuli na nila ang pumatay kay Webster! Itinawag sa akin ng pulis." luhaang bulalas ni Cynthia.
"S-Sino raw?" pigil hiningang tanong ni Skylar. Humigpit ang hawak niya sa cellphone.
"His name was Caesar Kevins. Hired killer daw. Kusa raw siyang sumuko dahil nako-konsensya. Nakapagpa-book na ako ng flight. Uuwi ako agad para maipakulong ang taong iyan! I will see to it that he will rot in jail!" gigil na saad ni Cynthia at naiyak.
Bumigat ang dibdib ni Skylar. Honestly, she didn't know what supposed to feel. Halo-halo. Nabibigla siya. Natutuwa rin dahil magkakaroon na ng katarungan si Webster. But still, there was this tiny voice in her head saying that it was too good to be true. Napakadali lang ba sa isang hired killer na umamin? Totoo ba ang rason na nakokonsensya ito? Napaisip si Skylar. Maraming idea ang naglalaro sa isip niya at kinakabahan siya.
"See you, Skylar." paalam ni Cynthia.
"Okay. Take care." pigil hiningang saad ni Skylar at tuluyan nang nagpaalam. Pagharap niya kay Donatello ay kita niyang napaseryoso nito na halos ikailang na niya.
"Salamat sa pagpunta mo rito para sabihin sa akin ang balita." ani Skylar.
Tumango ito. "You know I'll do anything for you, right?"
Napabuntong hininga si Skylar. "Right. And I don't want you to do that anymore. Donatello, please try to accept it." desperado niyang pakiusap.
"Wala na si Webster pero hindi mo pa rin ako magawang mahalin?" malamig na tanong nito.
Determinado itong tinitigan ni Skylar. "Yes. And I am sorry. He'll forever hold my heart…"
Hindi na mabasa ni Skylar ang reaction sa mukha ni Donatello. Kung nagmanhid na ito ay posible iyon. Sa loob ng napakahabang panahon ay wala itong napala. Napabuntong hininga na lang si Skylar at umasang isang araw ay matanggap ni Donatello ang lahat.
"I need to go. May gagawin pa ako." paalam ni Skylar at tuluyang iniwanan na si Donatello. Sa kuwarto siya dumiretso at doon binuksan ang pc. Hinanap niya sa net ang balita tungkol kay Webster. Hindi nagtagal ay nakita naman niya iyon at napaisip siya sa lalaking si Caesar.
Sino ito? Totoo kaya ang mga sinasabi nito o… may naguutos dito?