Chereads / SKYLAR / Chapter 34 - THE PLAN

Chapter 34 - THE PLAN

"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Skylar kay Webster. Matapos ang mainit nilang pagniniig ay nakatulog si Skylar. Nagising na lang siya na nasa kama na ni Webster at wala ito sa tabi. Agad siyang kinabahan at bumangon. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makitang tahimik itong umiinom ng tsa sa tabi ng malaking bintana. Nasa loob ito ng study room. Mukhang nagiisip ng malalim.

"Come here." anito at kinalong siya. Naginit ang puso niya nang kintalan siya nito ng mariing halik sa gilid ng leeg at sinamyo ang buhok niya. Oh, she missed his sweetness. Sobrang saya niya na nararanasan ulit iyon.

"Tumawag na ang Bureau of Patent. Approved na ang Skylar. Kinausap din ako kung gusto kong ipakita iyon sa market. Pumayag na ako." paliwanag nito.

"Congratulations!" natutuwang saad ni Skylar at hinalikan si Webster.

"Thanks." anito at pinagmasdan siya. Hindi nagtagal ay sumeryoso ito. "I'm sorry if everything turned out this way." masuyo nitong saad.

Nangilid ang luha ni Skylar. "Honestly, noong una ay sumama ang loob ko dahil wala akong alam sa totoo mong reason. I almost died because of that terrible heart ache. But after you died and found out the truth, I felt sorry. Nagsisi rin ako dahil hindi ko inalam ang totoo. Sinaktan pa kita at sinabihang mayroon na akong boyfriend. I'm so sorry about that. I'm sorry for breaking your heart…" nagsisising paliwanag niya.

"Shh…" anito at niyakap siya. "You don't have to feel so guilty. Naiintindihan ko na. Ikaw pa ba? Hindi ko magagawang magalit at sumama ang loob sa'yo. Mahal na mahal kita," masuyo nitong anas.

Naluha si Skylar. "Webster…"

He smiled. "Ginagawa naman natin itong pareho para iligtas ang isa't isa. Now, doon tayo mag-focus okay? Ngayon alam na natin at nagkaintindihan na tayo ng damdamin, kailangan ayusin natin ito." determinadong saad ni Webster.

Sunud-sunod ang naging pagtango ni Skylar. Kinalma na niya ang sarili at tinitigan si Webster. "So what's the plan now?"

"The same. Ang sabi mo, kinagabihan matapos i-announce ang tungkol sa Skylar Time Machine ay binaril ako dito. No force entry na nangyari kaya ibig lang sabihin ay kilala ko ang killer. Pinapasok ko siya. Or puwede ring pumasok siya ng hindi ko alam. Possible iyon dahil may mga times na nakakalimutan kong isara ang gate." ani Webster.

"Oo nga. Kaya nga ako nakapasok ay dahil hindi mo nai-lock ang gate." nakasimangot na ayon ni Skylar.

Mahinang natawa si Webster. "Don't worry. Magiingat na ako." anito.

"Good. So what's next?" udyok ni Skylar.

Sumeryoso na si Webster. "Okay. Let's continue. May naisip akong paraan. Bakante ang bahay sa kabilang compound. Kakilala ko ang nakatira roon. Puwede ko siyang tawagan para doon muna ako mag-stay. Bukod sa mga CCTV, maglalagay din ako ng maliit na camera na hindi niya makukuha at iyon ang gagawin nating ebidensya. Once na may nakita akong trespasser ay tatawag agad ako ng pulis."

Napaisip si Skylar. "Sigurado ka ba rito?"

"Yes. This is the only thing I knew how to change the past. Hulihin sa akto ang taong papatay sa akin." seryoso nitong saad.

Huminga nang malalim si Skylar. "Okay then. Sasamahan kita sa lahat. Nandito pa naman ako hanggang sa mga oras na iyon. I'll disappear once the time has ran out." aniya.

"But I don't want to risk you." seryoso nitong sagot. Kita niya ang pagaalala at takot sa mga mata nito.

Masuyong ngumiti si Skylar. "Webster, I miss you. Please, let me stay with you until my time run out." pakiusap niya.

Napaungol ito. "Skylar—"

"Please? I'll behave." pakiusap niya.

"Pero—"

"Saan naman kasi ako pupunta? Gusto mo bang umuwi ako sa amin? Maloloka ang old self ko kapag nakita ako." natatawang pagdadahilan niya.

Natigilan si Webster hanggang sa napabuntong hininga. "Okay. Let's stay together. Pareho nating hintayin sa kabilang compound ang killer."

"Yes!" natutuwang bulalas ni Skylar at niyakap saka hinalikan si Webster.

Natawa ito. "You really missed me that much?"

Pinanggigilan ni Skylar ang pisngi ni Webster. "Opo!" natatawang amin niya at nakangiting tinitigan ang lalaki. "You just don't have any idea. Its hell when you're not around, baby." anas niya at hinalikan ito.

And Webster responded with equal passion. Natunaw ang puso ni Skylar. At habang magkasanib ang mga labi nila ay lihim nagdasal si Skylar. Sana, iyon na ang huling pagbabalik nila sa past ni Webster para ayusin iyon. Sana, oras na maayos iyon ay tuluyan nang matapos ang gulo.

She wants to live a peaceful life with him. She wants to be with him…