Chereads / SKYLAR / Chapter 40 - SKYLAR II

Chapter 40 - SKYLAR II

Present time...

"WEBSTER!" tili ni Skylar nang magkamalay. Napabalikwas siya nang bangon. Agad naman siyang inasistehan nila Norway at inialis sa time machine. Parang nalunod ang pakiramdam ni Skylar. Naninikip ang dibdib niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Nanunuyo rin ang lalamunan. Pakiramdam talaga niya ay napakalayo ng kanyang nilakbay.

"Are you okay?" seryosong tanong ni Norway. Agad siya nitong inabutan ng tubig. Uminom muna siya para makalma ang sarili. Matapos ay hinang napasandal na lang siya. Muli, inisip niya ang mga nangyari noong balikan niya ang past at bigla siyang kinabahan. Naglaho siya sa oras na natapos ang putukan sa bahay ni Webster. Ano na kaya ang nangyari pagkatapos noon?

"Wait. A-Ano na ba ang nangyari?" kinakabahang usisa ni Skylar kay Norway.

Natigilan si Norway hanggang sa seryoso siyang tinitigan. "Isang linggo kang nawala at naging maganda ang takbo ng data record mo habang nasa past ka. Dahil doon ay nakabalik ka nang maayos. Thanks to Dr. Fereira. Halos hindi siya natutulog habang hinihintay kang makabalik. Oh, he's here." ani Norway at itinuro ang paparating na lalaki.

Maang na napatayo si Skylar. Biglang namasa ang mga mata niya nang makita si Webster na naglalakad papalapit habang hawak ang isang umuusok na tasa. Naamoy niya agad ang aroma nang paborito nitong tea. Bigla siyang pinanayuhan ng balahibo. Everything changed! Nandito na si Webster! Buhay ito!

"Webster!" luhaang bulalas ni Skylar at sinugod ito ng yakap. Hindi ito nakapalag at nakagalaw dahil na rin hawak nito ang tasa na salamat naman ay hindi natapon. Iyak siya nang iyak sa dibdib nito hanggang sa napabuntong hininga si Webster. Marahan nitong ibinaba ang tasa at niyakap siya nang mahigpit.

"Shh… calm down. Everything is okay…" masuyo nitong anas at hinalikan ang ulo niya.

Lalong napabunghalit nang iyak si Skylar. Tunaw na tunaw ang puso niya sa nararamdamang init ni Webster. She really thanked God. Mabuti na lang, mayroong time machine. Kung wala iyon, siguradong hindi niya nabago ang kasalukuyan.

"Tell me. What did you saw in the past?" masuyong anas ni Webster.

Sisinok-sinok na ipinaliwanag ni Skylar ang mga nangyari. Mula sa pagkamatay ni Webster, sa pagkasira ng unang time machine at pagkawala hanggang sa mga sandaling iyon. Napaluha na lang siya nang matapos.

"S-Sobrang saya ko, Webster… n-nabuhay ka talaga…" grateful na anas ni Skylar. Hindi pa siya nakuntento, hinaplos-haplos pa niya ang buhok, pisngi, braso at dibdib nito saka muling niyakap nang mahigpit.

Mahinang natawa si Webster pero gumanti pa rin nang yakap. Hindi siya nito pinakawalan hangga't hindi nagiging okay ang pakiramdam niya. Nang kumalma siya ay doon siya nito tinitigan.

"I believe you," sincere nitong saad at hinaplos ang ulo niya.

Napanganga si Skylar. "W-What? Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Skylar.

Tumango ito at nilingon si Norway. "Leave us alone for now." ani Webster. Agad namang tumalima si Norway. Nang mapagsolo sila ay pinaupo siya nito. Naupo rin ito sa harapan niya saka hinawakan ang kamay niya.

"Naniniwala ako sa'yo dahil pareho tayo nang ginawa noon. Namatay ka at gumawa ako ng time machine para makabalik sa past at mabago iyon. Nagawa ko. Nakausap ko ang sarili ko mismo sa past at sinabi ang mga nangyayari. Dahil doon, nailigtas ka. Ang buong akala ko, okay na iyon pero nagkamali ako. Ako pala ang mamatay noon." seryoso nitong saad.

Tumango si Skylar. "Kaya ako naman ang nag-finance para gumawa nang panibagong time machine. Iyan," aniya at itinuro ang pinanggalingang time machine.

Tumango si Webster. "Yes. I know. You told that to me in the past. Pinuntahan mo ako at sinabi ang mga nangyari. Kaya nga nahuli ang totoong nanloob. Nakakulong na siya. Si Theodore."

Kumabog ang dibdib ni Skylar. "So it's really him!" aniya at ipinaliwanag kay Webster na kung hindi nabago ang past, si Theodore ang mahuhuli.

Napailing si Webster. "So I guess siya ang gagawing sacrificial lamb nila Donatello. Him and his father admitted that they used Theodore. Hindi mo na naabutan dahil nawala ka na noon. At kahit nakaharap ang old self mo noon, hindi mo na ito matatandaan. Dahil sa time machine, kahit nabago ang past ay magkakaroon ka ng skip sa memory." paliwanag nito.

Napatango si Skylar. "How about Caesar? Bago ako gumamit ng time machine ay nakakulong din siya at idinawit si Theodore."

"Nakakulong siya. Siya ang binayaran nila Donatello para magmanman sa akin at binilhan ng baril si Theodore. Inamin niya iyon sa korte. Dahil din malakas ang ebidensya, nagkulong agad sila." anito at kinuwento ang pagkamatay ng mag-ama at ang naging buhay nila after noon. "Magmula ng mangyari iyon, hindi mo na ako iniwanan. Nagkaayos na tayo pati na rin ang daddy mo. Inalagaan mo ako sa ospital hanggang sa gumaling. Dito na muna ako tumira kasama mo dahil under renovation ang bahay ko. Maraming tama ng baril iyon at pinalalakihan ko rin ang laboratory."

"Webster…" naluluhang anas niya. Ang bilis-bilis nang tibok ng puso niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari.

"Thank you, Skylar. Kundi ka bumalik noon, hindi tayo magkakasama ngayon. At naalala mo ba ang huli kong sinabi bago ka nawala?" masuyo nitong tanong.

Nagsipatakan ang mga luha ni Skylar at tumango siya. "You told me 'see you in future. Let's get married there…'" sagot niya at itinaas ang daliring mayroong engagement ring. Nanayo ang balahibo niya sa mga nangyayari.

Nakangiting tumango ito. Puno ng pag-ibig ang mga mata. "Right. Hinintay ko lang ang time na magtagpo tayo sa panahong ito. Kaya ikaw ang pinasubok ko sa Skylar Time Machine II matapos naming ayusin nila Norway. Nagpatulong din ako kay Norway na maghanap ng reverse engineer para mas ma-polish pa ang makina—si Dr. Ingram at pati na rin physicist para maka-brainstorm ko sa magiging enhancement ng machine—si Dr. Ephraim. Gusto ko, sa pagbalik mo mula sa nakaraan ay magtagpo na tayo."

"Webster!" luhaang bulalas ni Skylar at niyakap ito. Hindi niya sukat akaling magiging ganoon ang takbo ng lahat. Naging skip man ang ilang detalye ng timeline nila dahil sa pakikialam sa nakaraan, hindi na iyon naging mahalaga. Ang importante ay nabago nila iyon at buhay pareho ngayon.

Mahigpit naging pagganti ni Webster. Hindi siya nito pinakawalan. They just both enjoyed that moment.

"I love you." anas nito.

"And I love you like crazy," luhaang bulong ni Skylar.

And she kissed him with so much passion. Ganoon din si Webster. Hindi na nila pinansin ang mga staff sa basement niya dahil nasa kanila lang ang atensyon nila. They were too busy kissing and enjoying that wonderful moment.

And Skylar thanked God. Sa wakas ay nagtagpo rin sila ni Webster.