Chereads / SKYLAR / Chapter 41 - YOU, ME AND FUTURE (FINALE)

Chapter 41 - YOU, ME AND FUTURE (FINALE)

After one year…

"Maraming salamat dahil hinayaan mong bilhin ng gobyerno ang Skylar Time Machine II. Nasisiguro namin na malaking tulong ito. Hindi lang ito makakatulong na mabawasan ang krimen pati na rin ang mga darating na sakuna." ani General Rodolfo Pantig—ang kasalukuyang Secretary of Defence ng Pilipinas. Matapos i-grant ng Bureau of Patent ang Skylar Time Machine II at i-launch ni Webster ay dumagsa ang napakaraming offers para bilhin iyon. Gayunman, kahit malalaking halaga ang i-offer kay Webster ay mas pinili nitong sa gobyerno iyon ibenta.

Nagkaroon ng product presentation at impressed talaga sila. Tama ito. Kapag mayroong krimen na nangyari ay puwede iyong balikan para mabago o maiwasan. Ganoon din sa darating na mga kalamidad.

At hindi rin naman siya tinipid ng gobyerno. Million ang ibinayad kay Webster at malaki ang naipamahagi nito sa mga kasamahan. Bukod doon ay makakapagpatayo pa ito ng sariling research and development business. Nagkasundo rin ang staff nito na manatili. Handa silang bumuo ulit ng panibagong proyekto.

And Skylar was so proud of her husband. Anim na buwan na sila nitong kasal. Matapos magawa ang bahay nito isang taon nang nakararaan ay inasikaso na nila ang kasal. Isang simpleng church wedding iyon at sa mansion nila ginanap ang reception.

Natutuwa si Skylar dahil magkasundo na ulit ang ama niya at si Webster. Tuluyan nang nawala ang galit ng ama niya. Hindi rin ito tutol sa plano ni Webster na magtayo ng sariling negosyo. Umamin pa itong hanga sa asawa niya at sinusuportahan sila. Hindi na rin siya nito pinabalik pa sa CSRI. Naiintindihan nito na sasamahan niya si Webster sa sariling negosyo.

Wala na talagang mahihiling si Skylar. Malapit na sila makumpleto bilang pamilya. Kanina ay natuklasan niyang buntis siya. Two weeks na siyang delayed. Nakakaramdam na rin siya ng kakaiba sa katawan. Inaantok siya at naduduwal tuwing umaga. Dahil tolerable pa naman iyon ay hindi niya sinasabi kay Webster. Gusto niyang makasiguro. At kanina ay nag-pregnancy test na siya at positive iyon!

"Yes, sir. Gusto ko rin makatulong. Ayoko rin kasing mayroong magaya sa naging experience ko." nakangiting sagot ni Webster at tinapos na ang pagpirma sa kontrata saka iyon ibinigay sa heneral. Isa iyon sa naging kwento ni Webster kaya mas lalong ginustong mabili ng gobyerno ang time machine. What happened inspires them.

Napatango ang matanda. "I commend you for doing that. Hanga ako sa husay mo at kung gaano mo kamahal ang asawa mo." humahangang saad ng heneral.

Ngiti lang ang isinagot ni Webster at inilahad na ang kamay. "Thank you, sir. I will take that as a compliment." anito.

Tinanggap na ng general ang pakikipagkamay ni Webster. Sunod naman siyang kinamayan nito. Ah, she was really proud of her husband. Wala na ang Webster na mahiyain at nerdy noon. He became a man. Her man.

Saglit pang nagkaroon ng kuhanan ng picture at paguusap. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang heneral at umalis na ang grupo nito. Naiwanan ang ilang press na ang-cover ng pirmahan nila Webster at ini-interview ito. Matapos ay nagpaalam na ang lalaki.

"Let's go?" nakangiting aya nito.

"Yes. Nagugutom na ako." reklamo niya.

Napakunot ang noo ni Webster. "Kakain lang natin."

Napangisi si Skylar. "Ganoon siguro talaga kapag buntis. Maraming gustong kainin."

"W-what?" gulat na tanong ni Webster at hinawakan ang dalawang pisngi niya. Natawa si Skylar nang maramdamang nanlamig ito!

"I'm pregnant!" naluluhang deklara ni Skylar.

"Yes!" sigaw ni Webster at niyakap siya. Natawa si Skylar sa nakikitang kaligayan ni Webster. Naiyak tuloy siya sa sobrang tuwa.

Lalo siyang naiyak ng lumuhod si Webster at hinalikan ang puson niya. Wala itong pakialam sa mga tao sa paligid. Basta ito, kinausap nito ang anak nila.

"Just stay there and daddy will do the rest. Okay?" masuyo nitong pangako at hinalikan ang tyan niya.

Niyakap ni Skylar si Webster. Halos hindi na niya ito pakawalan. At habang yakap ito nang mahigpit, doon niya naisip na tama lang na ginawa niya ang lahat. Kundi siya naglakas loob na balikan ito sa nakaraan, hindi siya ganoon kasaya ngayon.

"Magmula ngayon, sa bahay ka lang." seryosong saad ni Webster.

Natawa si Skylar. Pinalo niya ito sa dibdib. "Ano ka ba? Kaya ko ito. Ako pa?" aniya at kumindat.

Napabuntong hininga si Webster. Napabungisngis si Skylar. Ipinatong niya ang dalawang braso sa balikat nito at pinakatitigan. "Tell me. Bakit pinangalan mo sa akin ang Skylar?"

Kumislap ang mga mata ni Webster. At tuluyang timigil ang mundo ni Skylar nang haplusin nito ang pisngi niya. "Because you are my past and my future. Ikaw mismo ang konsepto ng project ko." anas nito at hinalikan siya sa labi.

Kilig na kilig si Skylar. She was flattered she even wanted to cry again. Nakaka-touch ang pagiging sweet ni Webster.

And she was so proud of her husband…

***THE END***