"Magpahinga ka na muna." awat ni Webster kay Skylar. Nginitian lang niya ito at umiling. Inaayos lang niya ang wires ng computers. Hindi naman iyon nakakapagod pero ganoon na lang kung utusan siya nitong magpahinga. Parang nakapabigat nang ginawa niya.
Kasalukuyan silang nasa kabilang compound. Nag-set up na sila ng mini camera sa lahat ng sulok ng bahay ni Webster. Nai-connect na iyon ni Webster sa computer at sa ngayon ay malaya nilang napapanood ang loob ng bahay. Pansamantalang pinauwi muna ni Webster ang katulong para hindi ito madamay sa magiging gulo.
Malaki ang pasasalamat nila sa may-ari ng bahay. Agad naman itong pumayag sa set up. Bilang ganti ay binayaran iyon ni Webster. Parang lumabas na nag-transient lang ito doon. Nagrason na lang ito na mayroong darating na kaanak at doon mamalagi.
"Come on," angal ni Webster.
Natawa na si Skylar. "Matatapos na. See?" aniya at itinurong maayos na ang pagkakatali ng mga cable ties ng computer. Tumayo pa siya at namaywang para ipagmalaki ang ginawa.
Nahigit ni Skylar ang hininga nang yakapin siya sa baywang ni Webster. Agad lumapat ang katawan niya rito. She suddenly smelled his muscular scent making it hard for her to breathe. His warmth made her heart warm too. She really loves to stay close to this man. Masarap sa pakiramdam ang pagkakalapit nila.
"Will you be okay in here?" seryosong tanong ni Webster.
Tumango si Skylar. "Yes."
"Sure?"
"Yes. We will end this together. Okay?" positibo niyang saad at hinaplos ang mukha nito. Napangiti siya nang pumaling ito para halikan ang palad niya. "You're so sweet. Sa tuwing ganyan ka, lalo kong napapatunayan sa sarili ko na tama lang ang ginawa kong pagbalik."
"Oh, Skylar… Ano ba ang nagawa ko para bigyan ng Diyos ng isang babaeng kagaya mo? I'm so lucky! Hindi na kita talaga pakakawalan. I promise, when everything is over, I will marry you."
Natulala si Skylar. "W-Webster…"
Natutop niya ang bibig ng kuhanin ni Webster ang kuwintas nito at nakitang engagement ring ang pendant. Hindi niya iyon napapansin dahil nasa loob lagi iyon ng collar nito.
"Marry me. Please?" masuyong tanong ni Webster. Puno nang pagasa at pag-ibig ang mga mata nito. Tatanggi pa ba siya? No way!
"Yes! Let's get married!" naluluhang bulalas ni Skylar at niyakap ng mahigpit si Webster. Sobrang gusto niyang maikasal dito. Kung suwerte ito, aba'y suwerte rin siya. Makakasama niya habang buhay ang lalaking kayang magbuwis ng oras at panahon para lang mabuhay siya…
"God, I love you, Skylar…" masuyong anas ni Webster at siniil siya nang halik. Halos muntik na siyang mawala sa sarili. His lips have the capacity to lose her mind! Mabuti na lang, bago pa sila matangay ay kusa na itong lumayo.
"I need to get ready. Pupunta na ako sa Bureau of Patent para kunin ang papeles ng Skylar Time Machine. After that, may mga kakausapin pa ako tungkol sa machine. Hindi ko sigurado kung ano'ng oras ako makakauwi." paalam ni Webster.
"It's okay. I will stay here and watch you." aniya at itinuro ang monitor ng computer at TV.
Hinalikan ulit siya ni Webster. Matagal iyon at mainit. Halos hindi na niya maramdaman ang labi nang tuluyan nitong lubayan. Bago pa ito umalis ay masuyo nitong hinaplos ang buhok niya. Her heart melts all over again.
Napahinga na lang nang malalim si Skylar nang mapagisa. Hindi nagtagal ay nakita na niya si Webster sa monitor. Naupo na lang siya at pinanood ito hanggang sa tuluyang umalis. Nagmatyag pa rin siya sa monitor pero wala na siyang nakitang kahina-hinala. Doon niya inubos ang oras. Hindi naman niya problema ang pagkain dahil iniwanan siya ni Webster nang makakain.
Hapon na ng dumating ulit si Webster. Mayroon itong kasamang mga kalalakihan at kinuha ang Skylar Time Machine. Hindi nagtagal ay pasimple siya nitong pinuntahan.
"We're leaving for an interview. Kumain ka na ba? Kumusta ka rito?" sunud-sunod na tanong ni Webster saka siya nito hinalikan sa noo.
Napangiti si Skylar sa pagiging sweet at maalalahanin ni Webster. "Okay lang ako rito. Kumain na rin ako."
Napatango si Webster. "Okay then. I really have to go. Take care, okay?" anito.
Hinalikan muna siya nito sa labi bago tuluyang iniwanan. Napangiti na lang sa kilig si Skylar habang nakahawak sa labi. Pakiramdam niya ay nandoon pa rin ang labi ni Webster.
Makalipas ang maraming minuto ay binuksan ni Skylar ang TV. Napangiti siya nang makitang ipinaliliwanag na ni Webster ang imbensyon. Oh she was so proud of him! She knew she could really make something this big.
Hindi nagtagal ay iba na ang lumabas sa balita. Pinagtuunan niya ulit nang pansin ang monitor. Wala naman siyang napansing kakaiba hanggang sa maggabi at dumating na si Webster kasama ang time machine. Ibinalik iyon ng mga kalalakihang staff ng isang TV network. Nagbihis muna si Webster sa sariling bahay at pasimpleng lumipat papunta sa kanya.
"I brought some food." anito saka inilapag sa mesa ang mga biniling pagkain. Agad lumapit si Skylar. She gave him a back hug.
"I miss you," lambing niya.
Mahina itong natawa. "Me too." anito at humarap saka siya ginawaran ng halik sa noo. "I miss my Skylar."
Napahagikgik siya at sumandig sa dibdib nito. Napapikit siya nang marinig ang mabilis na tibok ng puso nito. She knew his heart was only beating for her. Ganoon din naman siya rito.
"Come on. Let's eat. We'll have a long night, right?" anito at pinaupo na siya. Nagsimula na silang kumain hanggang sa matapos. Si Webster na ang naghugas ng pinggan at pinabantay na lang sa kanya ang monitor.
Doon itinuon ni Skylar ang attention. Habang tumatagal, kinakabahan siya. Doon na siya hindi mapakali. Pakiramdam niya, anumang sandali ay mayroong hindi magandang mangyayari.
"What's the matter?" masuyong tanong ni Webster at naupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at napabuntong hininga ito dahil naramdaman ang panlalamig niya. "Kinakabahan ka."
"Pakiramdam ko, anytime ay darating na ang killer." pigil hiningang saad ni Skylar.
"You need to rest." anito at tumayo. Igigiya siya nito papuntang kama pero tumanggi siya.
"No. Let me stay. I want to be part of this. Please?"
"But—"
Biglang tumalon ang puso ni Skylar nang makitang mayroong tila gumalaw sa monitor. Hindi na niya pinansin si Webster dahil nilapitan na niya ang computer. Parang umakyat sa ngalangala ang puso niya nang makumpirmang mayroong tao sa loob ng bahay ni Webster!