"No! Hindi ko kilala ang taong 'yan!" galit na sigaw ni Theodore nang sabihin ng harapan dito na ito ang nagutos kay Caesar para patayin si Webster. Parang maamong tupa ngayon si Caesar na nakayukyok lang sa likuran ng mesa habang nakaposas. Kahit maamong tupa itong tingnan ay nasa mga mata pa rin ang kislap ng kalokohan at pagkatuso.
And in all honestly, Skylar didn't trust any of his words. Nang dumating si Cynthia ay agad niya itong sinamahan para harapin ito kasama ang isang abogado. Kaharap din nila ang mga pulis at pinaliwanagan sila sa salaysay ni Caesar.
Si Dr. Theodore Chaos ang tinuturo nitong mastermind. One hundred thousand daw ang ibinayad nito kay Caesar para patayin at sirain ang time machine. Hindi raw nito sinabi ang rason dahil hindi naman daw ugali ni Caesar na tanungin ang mga rason ng kliyente niya.
"Umamin ka na. Ikaw ang nagutos sa akin. Tinawagan mo ako two nights bago ko puntahan si Webster. Ang sabi mo pa nga, ini-recommend ako sa'yo ng kakilala mo." pagdiriin pa ni Caesar kay Theodore.
Nagdilim ang buong mukha ni Theodore. "Liar! Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang mga ganyang idea pero hindi iyan totoo! Damn you! Hindi ko magagawa ito kay Webster!" galit nitong saad at hinarap nito sina Cynthia at Skylar. Lumambot ang mukha nito. Napalunok si Skylar nang makita ang takot at kawalang magawa sa mga mata ng pobreng scientist. "Come on… don't believe him. Gumagawa lang siya ng kwento. Hindi ko magagawang patayin si Webster! Magkaibigan kami!"
Naiyak na ito at napayukyok sa mesa. Umatungal na parang bata si Theodore. Naiyak na rin sina Cynthia at Skylar.
"Okay, inaamin ko na masama ang loob ko kay Webster dahil sinira niya ang pinaghirapan naming Titanium. Magmula rin nang ma-involved siya sa'yo, parang nawalan na rin ako ng kaibigan. He spent his time on you, Skylar. You see, geek's likes us were losers and no one wants to be with us. Kaya noong naging kayo, nawalan ako ng kasama. And I hate him for that!" luhaang amin ni Theodore at napailing. "I hate him but it doesn't mean I want him to die. I didn't even know where he lived! Paano ko siya matutunton?"
Napahagulgol na si Theodore. Si Skylar naman ay tahimik lang na umiiyak at inalala ang mga nangyari noon. Ngayon niya naiintindihan kung bakit masungit si Theodore. Isa itong kaibigan na pakiramdam ay naiiwanan sa ere…
"Nagsisinungaling siya. Puwede ninyong i-check ang cellphone ko at call logs. Nandoon ang conversation namin." giit ni Caesar.
Nanlaki ang mga mata ni Theodore at galit na tumayo saka binayo ang mesa. Napaigtad silang lahat! "Ikaw ang nagsisinungaling!" galit na sigaw ni Theodore.
Agad inawat ng pulis ang dalawang nang muntikan nang magpangabot. Napatili na lang sina Cynthia at Skylar. Agad naman silang nailayo ng mga pulis sa dalawang lalaki. Hindi nagtagal ay ipinasok na sa kulungan si Caesar at si Theodore naman ay kinausap ng mga pulis for questioning. Tumawag na rin ito ng abogado na tutulong dito.
Sina Cynthia at Skylar naman ay pinauwi muna. Tatawagan na lang daw sila sa magiging balita. Dahil doon ay napilitan silang uuwi. Hinatid na muna ni Skylar sa hotel si Cynthia bago siya umuwi. Pagdating sa bahay ay sinalubong agad siya ni Norway.
"Good news. Nakabalik ang isang lab rat!" masayang balita nito.
Kumabog ang dibdib ni Skylar. Dali-dali silang nagpunta sa basement at nakita niyang masaya ang buong staff.
"Ma'am!" masayang tawag ni Dr. Ingram at agad siyang nilapitan. Binalitaan siya nito tungkol sa magandang pagbabago ng time machine. "Noon, inaabot lang ng oras ang pinakamatagal na expedition, ngayon ay kaya na nito ang 24 hours. Kapag mas early ang taon na gusto mong balikan, mas mahaba ang oras na puwede mong itagal doon. Isang linggo! It's 100 percent accurate!"
"Oh, my God!" tuwang bulalas ni Skylar. Sa tuwa niya, nayakap niya ang matanda. Natawa naman ito at tinapik siya sa balikat.
"Want to give it a try?" tanong nito.
Oh, she was excited! "Ilang araw ang puwede kong itagal sa past kung seven months ago ang babalikan ko?" puno nang antisipasyong tanong ni Skylar.
"Isang linggo pa rin. Iyon ang maximum. Kumain ka sa pupuntahan mo dahil one week ka ring mawawala rito. Normal din lang ang mararamdaman mo sa pagpunta sa past." anito.
"Great! I want to try it." pigil hiningang saad niya.
"Okay. But you need to undergo general check up. Kailangan ay physically fit ka para hindi tayo magkaroon ng problema sa health mo oras na masubukan mo ang expedition." ani Norway.
Tumango si Skylar. Natuwa pa rin siya sa nalaman. Bumilis ang tibok ng puso niya at napatingin sa malaking itim na casket. Iyon na ang bagong itsura ng time machine. Wala pa siyang naiisip na pangalan noon pero saka na nila iintindihan iyon. Namasa ang mga mata niya. Finally. Makikita na niya si Webster!
At malalaman na niya ang totoong salarin sa pagkamatay nito…