"I am Skylar Wright. Today is July 30, 2018. This is my 1st expedition going back from the past." ani Skylar. Huminga siya nang malalim at ihinanda ang sarili. Matapos mag-undergo ng general check up at makitang physically fit ay agad na niyang ginawa ang plano. Inasistehan naman siya nila Norway.
Huminga ng malalim si Skylar bago nagpipindot sa monitor sa harapan. Isine-set na niya ang date kung ano'ng araw ang gusto niyang balikan. Matapos iyon ay kusang nag-count ang computer. Nang mag-zero ito ay umilaw ang buong loob ng machine. Napapikit si Skylar para hindi masilaw.
Kinakabahan si Skylar nang umuga-uga ang kinahihigaan at nagkaroon iyon nang matinis na static. Ramdam ni Skylar na gumagaan ang pakiramdam niya. Napamulat siya ng mga mata ay nahigit niya ang hininga nang makitang tila bumilis ang buong paligid hanggang sa biglang dumilim.
Nakaramdam ng takot si Skylar. Magpa-panic na sana siya nang biglang unti-unting lumiwanag. Napasinghap siya nang makitang nasa basemet siya nakahiga pero wala na ang time machine at sina Norway! Wala na ang laboratory kundi nandoon ang mga lumang gamit niya!
"B-Bumalik ako…" hindi makapaniwalang anas ni Skylar at iginala ang paningin. Tuluyan na siyang naiyak nang masigurong tama nga ang sapantaha niya. Bumalik siya sa panahong buhay si Webster!
"W-Webster…" wala sa sariling anas ni Skylar. Kumabog ang dibdib niya. Tama. Si Webster! Kailangan niya itong makita para masabihan!
Dali-daling umakyat si Skylar. Pagbukas niya nang pinto ay nakita niya ang old self niya. Bigla siyang nagtago! Kinabahan siya. Pinagpawisan ng malamig. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari oras na malaman nito na galing siya sa past kaya minabuti niyang itago na lang ang sarili rito. Baka mamaya ay mabulilyaso pa ang plano niyang mahuli ang totoong salarin.
Huminga ng malalim si Skylar at muling sumilip. Nakita niyang umalis na ang old self niya gamit ang sasakyan. Mukhang papasok na sa CSRI. Nang maramdamang wala nang ibang tao ay lumabas na siya. Papunta na sana siya sa main door nang biglang may naalala.
Wala siyang pera! Wala siyang pamasahe papunta kay Webster! Wala siyang pera sa bulsa dahil lahat ng iyon ay pinaalis para hindi magkaroon ng problema sa connection ng time machine.
Minabuti ni Skylar na umakyat sa kuwarto at kumuha sa drawer ng pera. Matapos ay lumabas na siya at agad nagpara ng taxi. Habang sakay noon ay kinakabahan siya. Panay ang lunok dahil nanunuyo ang lalamunan. Binabalot siya nang matinding pananabik at antisipasyon.
"Ma'am, nandito na po tayo." anunsiyo ng driver. Agad nagbayad si Skylar at lumabas. Pigil hiningang iginala niya ang paningin. Parang hinahalukay na ang sikmura niya dahil sa napipinto nilang paghaharap ni Webster.
Huminga ng malalim si Skylar bago kumilos. Kakatok na sana siya sa gate nang mapansing nakabukas iyon. Minabuti niyang pumasok na. Mabilis ang naging pagkilos niya para hindi mapansin. Pagdating sa main door ay agad niyang pinihit ang seradura. Lihim siyang napamura nang malamang lock iyon.
Minabuti niyang umikot. Nang makita ang back door ay agad niyang pinihit ang doorknob. Tumalon ang puso niya nang malamang hindi iyon naka-lock. Agad na siyang pumasok at hinanap si Webster.
At nakita niya ito sa studyroom. Nagsusulat ito sa planner. Doon biglang tumigil sa mundo ni Skylar nang tuluyang nakita si Webster…
"W-Webster…" lumuluhang anas ni Skylar. Natutunaw ang puso niya. Lahat ng lungkot at sakit sa pagkawala nito ay biglang lumipad sa ere. Sobrang saya niya. Sa sobrang tuwa, naiyak na siya.
Napalingon ang lalaki at nanlaki ang mga mata. Gulat itong napatayo. "H-How did you know this place?" takang tanong nito at dali-dali siyang nilapitan.
Hindi sumagot si Skylar. Sinugod na lang niya ito basta ng yakap. She hugged him so tight she didn't want to let him go. Napahagulgol siya nang maramdaman ang init ni Webster. God… she couldn't describe how much she missed him. Pakiramdam niya, lahat ng lungkot at kamiserablehan ay biglang nawala ng oras na iyon.
"S-Skylar…" anas ni Webster at tuluyang tumugon sa yakap niya. He hugged her back and kissed her hair. Oh, it was a lovely moment…
"What happened, hmm? What brought you here? Papaano mong nalaman itong tinitirhan ko?" maguguluhan pero masuyong tanong ni Webster makalipas ang ilang minuto na magkayakap sila. Hinaplos nito ang ulo niya para makalma siya. Damn, she missed his touch. She missed the way he caresses her making her pain go away…
Doon kinalma ni Skylar ang sarili. Tama. Mayroon siyang misyon. Dapat ay hindi siya magsayang ng sandali. Buhay ni Webster ang nakasalalay dito! Kailangang makaligtas ito para pagdating sa future ay magbago iyon…
Marahan siyang kumalas at hinarap si Webster. "You may not believe this but you have too…" aniya at pinaliwanag na ang lahat nang nangyari sa future.
Shocked was written in his face after she told that she came from the future…