"Hindi ka pa ba papasok?" tanong ni Aida kay Skylar. Napabuntong hininga na lang siya at tumigilid nang higa. Wala pa rin siyang gana kaya minabuti ni Skylar na i-extend ang leave. She felt like a hollow man. Nagmamanhid na siya sa mga nangyari.
Paulit-ulit niyang pinanonood si Webster sa video. At habang tinititigan ito sa screen, sobra niya itong nami-miss. Sa sobrang pagka-miss ay naiiyak na lang siya. After crying, she felt numb…
"Hindi pa." malamig na sagot ni Skylar.
Sabay silang napabuntong hininga ni Aida. Saglit pa siya nitong kinulit na pumasok na at lumaban hanggang sa nagpaalaman na. Pagkababa ng cellphone at hinarap na lang ni Skylar ang computer. She played Webster's video again and cried…
"Ma'am, may bisita po kayo." anang katulong at kumatok.
Napasinghot si Skylar at pinunasan ang mukha. "Sino?"
"Dr. Norway daw. Mayroong daw po siyang gustong sabihin." anang katulong.
Natigilan si Skylar at napaisip. Wala siyang maisip na puwede nitong sabihin hanggang sa napabuntong hininga na lang. Minabuti na niya itong harapin. Agad nagayos si Skylar nang sarili at lumbas. Agad naman itong tumayo at kinamayan siya.
"What brought you here?" malamig na tanong ni Skylar.
Huminga muna nang malalim si Norway bago nagsalita. "Gusto ko pong malaman kung nabuksan na niyo ang flashdrive?"
Seryosong tumango si Skylar. Norway's eyes beamed in happiness. Gayunman, nagpigil ito. Nagtanong ulit. "Gusto niyo bang mabuo ulit ang time machine?"
Biglang kumabog ang dibdib ni Skylar. "P-Possible ba?" pigil hiningang tanong niya.
Seryosong tumango si Dr. Norway. "Yes. Hawak ninyo ang flash drive. Pagaaralan iyon ng isang reverse engineer. He will recreate the time machine's programs and reconstruct it. Patented na ang ginawa ni Dr. Fereira at hindi tayo puwedeng gumawa ng clone. Made-demanda tayo dahil wala niya tayong pahintulot. So the best thing we can do is to hire a reverse engineer, rebuild it and add put some add ons or enhance it. I will handle the robotics and the old team will do what they used to."
"P-Puwedeng bumalik ako sa past?" naiiyak na tanong ni Skylar.
"Kung makakagawa ulit tayo ng bago, yes. Puwede mong gawin ang ginawa ni Dr. Fereira para baguhin ang nakaraan." seryoso nitong saad.
She was suddenly consumed by her emotions. Bumukal ang masaganang luha sa mga mata ni Skylar. Halos sumabog na ang puso niya sa magkakahalong tuwa, antisipasyon at pananabik. Damn! Hindi pa ba siya papayag? Mababago niya ang nakaraan! Puwedeng mabuhay si Webster at malaman kung sino ang totoong nagbabalak na pumatay sa kanila.
"A-Are you really sure?" umiiyak na paniniyak ni Skylar. Hell! She wanted to be so sure! Uubusin talaga niya ang oras at pera para suportahan ang proyektong iyon!
"Yes." diretsong sagot ni Norway saka ibinigay ang makapal na folder na hawak nito. "Here's my record. Nagawa man nakawin ng killer ang blueprint ng time machine, nakapag-save ako ng sarili ko. Puwedeng sundan ko na lang ito. Ang magiging problema na lang natin talaga ay isang physicist. Siya ang gagawa ng study para ma-enhance ang time machine at iyon ang susundan ng reverse engineer. But I can arrange that. May kaibigan ako na puwede kong kausapin." paliwanag nito.
Nanikip ang dibdib ni Skylar at binuklat ang records ni Norway. Sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha niya. Base sa mga nababasa niyang data ay posible ngang makagawa ulit sila ng panibagong machine. May mga supplier naman ng mga materials pero budget lang ang kulang. At hindi magdadalawang isip si Skylar na maging financer!
Biglang-bigla, gusto niya itong yakapin. Labis ang pasasalamat ni Skylar dahil sinabi ni Norway ang posibilidad na iyon.
"I'll give you enough time to think. Pagaralan mo ang concept na iyan. Nanghihinayang din naman ako sa project namin ni Webster. Nai-broadcast na ito at hindi man lang mapakinabangan ng iba dahil sinira. Isang reason din na kaya gusto ko itong buuin ulit ay gusto kong ma-acknowledge ang pagod naming lahat dito." seryosong saad ulit ni Norway.
Isinara na ni Skylar ang folder at tinitigan si Norway. "Okay. Hindi ko na kailangang pagisipan ang lahat. I will release a fund for this. Simulan na natin agad ang time machine." pinal niyang saad.
Natulala si Norway. Nang ma-absorbed ang sinabi ni Skylar ay nagliwanag ang mukha nito at napakurap. Namasa ang mga mata nito at nagpigil lang na maiyak.
"Thank you! I-I have to go. Kakausapin ko si Dr. Ephraim. Siya ang naisip kong physicist. I-Inform ko na siya tungkol dito." natatarantang saad ni Norway.
"Okay. Go now. Buuin mo ulit ang grupo. Tomorrow let's meet here. Paguusapan na natin ang project." pigil hiningang saad ni Skylar.
"Yes, Dr. Wright," pigil hiningang sagot ni Norway at kinamayan si Skylar. Hindi na nagtagal si Norway. Umalis na agad ito.
Hinang napaupo na lang si Skylar hanggang sa napahikbi. She was so happy. This time, siya naman ang gagawa ng paraan para iligtas si Webster.