"ARE YOU okay? You're not touching your food." untag ni Donatello. Napaigtad si Skylar at lihim na ipinilig ang ulo. Inalis niya sa isip si Webster na ilang beses niyang nakita. Sa tuwing pupunta siya sa salon o mall ay nandoon ito at sasabihing mayroon lang kinausap. Pakiramdam tuloy ni Skylar ay nananadya ito at nagdadahilan lang.
Nakokonsensya rin si Skylar kay Donatello. Dahil sa naging bugso ng galit kay Webster, kung anu-ano ang nasabi niya at idinamay pa si Donatello. Pinalabas niyang boyfriend ito. Nakitaan niya ng sakit at pagkabigla si Webster pero bakit ganoon? Hindi siya masayang nagantihan ito? Hindi magaan sa pakiramdam na naiparamdam dito ang sakit na ibinigay nito?
He broke up with her just like that! After they made love, nagising siyang wala ito sa tabi at pagdating ay seryoso siya nitong sinabihang tapos na ang lahat. Halos maglumuhod siya rito para makipagayos pero ano ang ginawa nito? Nawala ito! Binenta ang bahay at sinira ang pangalan sa CSRI! He destroyed Titanium! Her father hated him to core too. After ten years ay babalik ito? What the fuck was that?
"Yes. I am okay." pigil hiningang sagot niya at napabuga ng hangin.
"Okay. Tapos na ang project namin ni dad. Puwede na tayong mamasyal sa Japan," nakangiting balita ni Donatello at hinalikan ang kamay niya.
Ngumiti si Skylar. Wala siyang nakapang ligaya at excitement. Alam niyang naapektuhan talaga siya sa pagbabalik ni Webster.
Ang buong alam ni Skylar ay nakalimutan na niya ito. Si Donatello ang gumawa nang way para makalimot siya. Kung saan-saan siya nito pinapasyal. Naging patient ito sa mga pagiiyak niya. Doon niya nakita ang mga mabubuti nitong ugali na hindi niya nakita noon. Sa tingin din niya ay tuluyan na rin nitong binago ang sarili. Naging mature ito. Dahil doon ay naging close friend sila.
Pero sa pagbabalik ni Webster, nalito ang damdamin niya. Nabuhay ang sakit at pait. Hindi niya sigurado ngayon kung nandoon pa ang pagmamahal dahil ang mga negatibong damdamin ang nangingibabaw ngayon. Lihim siyang napabuntong hininga. Hindi iyon puwede. Naka-move on na siya. Wala ng lugar si Webster sa buhay niya.
"Kailan ako magpapa-book ng flight?" pinilit ni Skylar na lagyan ng sigla ang boses.
"Tomorrow. We'll spend the whole week in Japan." sagot nito.
"Okay. Let me handle it." nakangiti niyang saad.
"Great!" natutuwang saad ni Donatello.
Kumain na sila. Doon na nila itinuon ang atensyon hanggang sa matapos. Saglit lang silang nagpahinga at nagaya itong manood ng sine. Gabi na nang makauwi sila.
Kinabukasan ay nag-book na lang si Skylar on line at naligo. Matapos ay pumasok na siya sa CSRI. Pagparada ay nagulat na lang siya nang makita si Webster sa parking lot. Galing ito sa CSRI at naglalakad na papuntang itim na SUV habang hinahaplos ang kaliwanag pisngi.
Bigla ang pagsulak ng dugo sa ulo ni Skylar. Pagkatapos na lang nang ginawa nito? Babalik pa ito roon? How dare him! Biglang bumuhos na naman ang isang buong mundong galit dito. Nangibabaw ulit iyon sa puso niya.
And she found herself so angry. Dali-dali siyang lumabas ng sasakyan at nilapitan ito. Hinawakan niya ito sa braso at marahas na ipinihit paharap. Kita niyang nangingitim ang pisngi nito. Mukhang sinapak! Bigla siyang naawa pero agad din niyang inawat ang sarili. Bakit siya maawa rito? Ito ba? Naawa ba ito noong durugin nito nang biglaan ang puso niya? No!
"What are you doing in here? Ang kapal-kapal ng mukha mong bumalik dito! Matapos mong sirain ang pinaghirapan ninyo ni Theodore? Matapos mong sayangin ang gastos ng CSRI sa project ninyo? Babalik ka?! How dare you!" singhal niya sa mukha nito. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang gigil!
At nanginginig si Skylar. Lahat nang nabubulok na galit niya sa dibdib para sa lalaki ay biglang sumabog. May mga pagkakataon noong sumisigaw siya at gusto itong pamukhaan pero wala siyang magawa. Hindi niya ito mahanap. Hindi niya ito makita para masumbatan kung gaano siya nito nasaktan!
"I came here to say sorry to your father." malumanay nitong paliwanag.
Naiyak na si Skylar. Napahagulgol siya sa palad. Ang kapal talaga. Ten years! Ngayon lang nito naisip iyon? Nailibing na sa limot ang mga pangit na alaalang iniwanan nito, bumalik pa ito para ipaalala ulit. Ang sama talaga!
"I told you that you're too late! Hindi ka na lang sana nagpakita!" luhaang bulalas niya.
"God, you're shaking…" nagaalalang anas ni Webster at nagtangka itong hawakan siya.
Pero pumiksi si Skylar. Nangilabot siya nang maramdaman ang init nito. Napakapamilyar pa rin sa kanya at ayaw niyang maalala ang epekto noon.
Isang masamang tingin ang iginawad niya kay Webster. "Get lost! Don't you ever come back here! Ever!" singhal niya at nagtatakbo papasok ng CSRI.
Agad siyang nagkulong sa sariling opisina. Doon siya nagiiyak hanggang sa wala nang mailuha. Matapos ay hungkag na hungkag ang pakiramdam niya. Para siyang nagbalik sampung taon nang nakararaan.
She felt empty again. Damn Webster to make her feel that way…