"Have you watch the TV?" seryosong tanong ni Stephen sa anak. Lihim napabuntong hininga si Skylar nang makita ang disappointment sa mukha nito. Pagpasok niya kanina sa CSRI ay agad siya nitong pinatawag. Mukhang si Webster ang gusto nitong pagusapan.
"Yes, dad." malamig niyang sagot.
Napabuga ito ng hangin. "Pagkatapos na lang nang ginawa niya rito, nakagawa pa siya ng ganoon kagandang machine." naiiling nitong saad.
Napabuntong hininga si Skylar. Hinayang ang nakikita na niya ngayon sa ama na nahahaluan nang inis. Naiintindihan niya. Dahil sa mga ginawa ni Webster ay nasira ang mataas nitong pagtingin pero hindi pa rin nito mapigilang hangaan.
"Dad, let's not think about him anymore. May mga projects naman sina ninong Alfeo at Donatello. Makakagawa rin sila nang higit sa nagawa ni Webster. Tiwala lang," pampalubag lobb niya sa ama.
Malungkot itong ngumiti. "Honestly, ang tagal na ng project nilang travel machine. Sa susunod na taon, kung hindi pa iyon magagawa ay mapipilitan akong itigil na ang pagpi-finance. Masyado nang maraming nagagastos para roon." anito at nahilot ang sentido. Kinalma na muna nito ang sarili bago siya ulit hinarap. "How about you? Kumusta ang pakiramdam mo ngayong nagpaparamdam ulit si Webster?"
I feel like I'm in a roller coaster. Nahihilo na ako sa gulo nang nararamdaman ko. I don't want to think that I still feel something for him. Ayoko nang masaktan ulit, dad… piping anas ng puso ni Skylar. Lihim siyang napabuntong hininga sa dilemma.
"I'm okay. Don't worry about me." simpleng paliwanag niya.
"Good. Because I don't want to see you hurt again, iha." malungkot nitong saad.
Ngumiti siya at niyakap ang matanda. Saglit pa silang nagusap hanggang sa nagpaalam na siyang babalik sa trabaho. Doon na niya itinuon ang atensyon hanggang sa magtanghalian. Sinundo siya ni Aida at sabay na silang pumunta sa canteen.
Pagupo ay napatingin sila sa ceiling mounted na LCD screen. Saglit na nagkaroon nang breaking news. Natahimik ang lahat ng tao sa canteen at nanood.
"DOA sa ospital si Dr. Webster Fereira matapos mabaril sa sentido. Walang kasama ang lalaki kaya walang nakakita kung sino ang pumatay. Sinira rin ang mga CCTV sa bahay nito na tanging makakapagsabi ng buong katotohanan. Bukod doon ay sinira rin ang Skylar Time Machine. Nawawala rin ang blueprint nang naturang makina." anang reporter.
Natulig si Skylar sa narinig. Hindi na niya napansing nabagsak niya ng mga kubyertos at napatayo. Nanlalaki ang ulo niya. Parang binibiyak din ang puso niya. Hindi niya basta matanggap na namatay na lang nang ganoon si Webster!
Natutop ni Skylar ang bibig nang makita ang lalaki. Nakahiga na ito sa stretcher at wala nang buhay.
Bigla ang dagsa nang emosyon kay Skylar. Oo. Galit siya kay Webster pero hindi pa rin niya kinaya ang sinapit nito. Sobra siyang nasaktan at nabigla. Biglang nanaig ang dadamin niya na hindi magawang aminin maski sa sarili. Loosing him made Skylar realized that she loved him still, that her love for him was still greater than her pains. That completely loosing him could still make her world crumble…