"Skylar?"
Luhaang napaangat nang tingin si Skylar at kita niya si Cynthia na nakatayo ngayon sa tapat. Araw nang libing ni Webster. Nasa private cementery iyon at mas pinili ni Skylar na sa likuran pumuwesto. Habang ibinababa ang casket nito ay hindi niya mapigilang magluksa.
Nawalan nang halaga kay Skylar ang mga ginawa ni Wesbter sampung taon nang nakararaan. Dahil sa pagkamatay nito ay bigla ring naglaho ang galit niya. She was so sad and hurt. She just couldn't control herself for feeling that way. Alam niyang mali pero hindi niya magawang pigilan ang damdamin.
And she realized that's how much she loves him. Natatanong tuloy niya ang diyos kung ano ang purpose ng lahat. Bakit kailangan mangyari iyon? Bakit kailangan niyang masaktan nang ganito?
Her father didn't say anything about it too. Gayunman, alam niyang maging ito ay nabigla rin. Lahat sila ay walang balak pumunta sa libing at burol. Ang dahilan ni Skylar ay hindi niya kayang makita si Webster sa ganoong kalagayan. Ilang araw siyang nagkulong sa bahay. Umiiyak at nagluluksan. Gayunman, sa huling araw ni Webster ay hindi pa rin siya nakatiis. Nagpunta siya sa libing.
"T-Thank you for coming…" malungkot nitong anas at napabunghalit nang iyak. Napatayo siya at niyakap ito.
Nagiyakan silang dalawa. Pareho nilang ramdam ang bigat nang pagkawalan ni Webster. Panay naman ang buntong hininga nang kasama nitong foreigner sa likod na sa tingin niya ay asawa nito. Hindi sila nagbitaw hanggang sa mawala na ang mga tao.
"It's getting dark. I think we should go now." malungkot na untag ng lalaki.
Doon lumayo si Cynthia at pinunasan ang mukha. Ganoon na rin ang ginawa ni Skylar. Huminga siya nang malalim at hinarap ito.
"I'm sorry for your lost." malungkot niyang saad.
Tinitigan siya nito. "I want to say something to you. Puwede ka bang sumama sa bahay? Hindi naman tayo magtatagal. May gusto lang akong ibigay sa'yo." anito.
Huminga nang malalim si Skylar at tumango. "Okay then."
Tumalima na silang lahat. Pagdating sa bahay ni Webster ay nakaramdam nang lungkot si Skylar. She felt nostalgic. Hindi man iyon ang bahay ni Webster na madalas nilang puntahan noon ay pamilyar sa kanya ang ayos ng bahay at mga gamit. He didn't change the interior. Pakiramdam tuloy niya ay nagbalik siya sa dati. Nakakalungkot lang na wala na si Webster.
"Leave us for a while, Howard." malungkot na pakiusap ni Cynthia sa asawa. Nakakaunawang tumango naman ang lalaki at iniwanan sila. Doon na siya hinarap ng babae. "Una sa lahat, gusto kong humingi nang paumanhin sa nangyari ten years ago."
Malungkot na tumango si Skylar. "Tapos na iyon. It doesn't matter anymore."
Napabuntong hininga si Cynthia bago ulit nagsalita. "Galit na galit ako sa ginawa niya noon. I love him but it doesn't mean I will tolerate him. Kaya kinompronta ko siya at pinagsabihan sa maling nagawa. And he told me something. Maybe, he was torn and couldn't hide in anymore. Sinabi niya sa akin na dinalaw siya ng sarili niya galing sa future…" anito at sinabi ang lahat-lahat pati na rin ang pagkamatay niya.
Halos sumabog ang ulo ni Skylar sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala. Nahihilo rin siya sa mga nalaman. Pinanayuan din siya ng balahibo. She really didn't know what to think!
"Wait here." ani Cynthia at tumayo. Saglit itong nawala samantalang lutang si Skylar. Hindi niya lubos maisip kung paano nangyari ang lahat. Kung totoo man iyon, nagtagumpay si Webster na buhayin siya. But it just too bad. He's the one who died.
"Here. Nakuha ko ito sa mga gamit niya. Try to read his planner. Baka dito ay mapaniwalaan mong nag-conduct siya ng study tungkol sa time machine." ani Cynthia at iniabot ang planner ni Webster. Bilang scientist ay kailangan ni Webster na itala ang lahat nang mga gawain para hindi makalimutan.
Sunod nitong iniabot ang isang flash drive. "Ibinigay ni Norway sa akin ang flash drive kahapon. Back up copy 'yan ng Skylar. Noong sirain ng killer ang Skylar, automatic na nag-back up iyon sa macbook ni Webster. Ang sabi ni Norway, ginawa ito ni Webster para kapag mangyari ang ganitong pagkakataon ay may maipapakitang record ang Skylar. But sad to say, it's locked. Nangangailangan siya ng password. Hindi ko magawang buksan iyan. Pati si Norway ay ganoon din. Try to open it. Sa tingin ko, ikaw lang ang puwedeng magbukas niyan." mahabang paliwanag nito.
Napatango na lang si Skylar. Tahimik na lumuluha pa rin. Her heart broke that moment. Pakiramdam niya ay inihahabilin na talaga ang mga gamit ni Webster sa kanya.
"Webster loves you this much, Skylar. Inilaan niya ang buong natitirang oras para gumawa ng isang bagay para maibalik ka…" luhaang saad ni Cynthia.
Napahagulgol na lang si Skylar at niyakap ito. Hindi na niya alam kung ilang oras siyang umiiyak. Hirap siyang maampat ang luha. Sobrang sakit kasi nang mga nalalaman niya. Nade-depress siya.
And she hopes that someday, it will be okay. Ah, she really hopes that…