"Bumalik pala si Webster," ani Donatello. Natigil si Skylar sa paghalo sa kinakain hanggang sa kinalma ang sarili. Umasta siyang balewala ang narinig kahit ang totoo, naapektuhan siya.
Lihim na napahinga nang malalim si Skylar. Halos isang linggo na ang nakakalipas magmula nang magkita sila ni Webster sa parking lot at masabi niya ang galit dito pero hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam niya.
"Oh, yes. I'm sorry kung hindi ko nasabi na dumaan din siya sa bahay noong isang araw. Humihingi ng sorry. Nakalimutan ko na rin kasi. Masyado akong nag-enjoy sa naging lakad natin sa Japan. You know? He's not that important anymore kaya hindi ko na siya naalalang ikwento." naiiling na paliwanag niya. Lihim siyang nagdasal na huwag siyang tamaan ng kidlat sa pagsisinungaling. Not important? Sino'ng niloko niya? Affected pa rin siya kay Webster!
But she's not going to admit that! Mamatay muna siya bago malaman ni Webster iyon! Damn him!
Tumango si Donatello. "Nakwento lang ni tito Stephen na pinuntahan din siya. Galit na galit pa rin si tito."
"I know." naiiling niyang sagot. Nakwento rin ni Stephen na sinapak nito si Webster at iyon ang nakita niya noon sa parking lot. Galit na galit ang daddy niya at mukhang hindi nakapagpigil nang makita si Webster. Ang kwento ng daddy ni Skylar ay hindi naman daw ito lumaban. Panay lang ang sorry nito sa mga nagawa.
"Hindi ko rin maintindihan si Webster. He has everything but he ruined it. Hindi rin ganoon ang pagkakilala ko sa kanya." anito at tinitigan siya. "I'll be honest to you. Noong nagkakaigihan kayo ni Webster, pinagiinitan ko siya sa department. Binu-bully. Hinihiya. Nilalait ko ang Titanium at ang concept niya. I was so immature then and I am sorry for that…"
"W-What? Pero wala siyang sinasabi…" hindi makapaniwalang saad ni Skylar.
"See? Wala siyang sinasabi dahil hindi niya ugaling magsumbong at magpaawa. Sa loob ng ilang taong nakasama ko siya sa department, nakilala ko siyang matyaga, mahaba ang pasensya at hindi basta-basta nag-gi-give in sa mga pangpo-provoke ko. That's why I used to hate him. He was almost perfect. Kaya nang malaman ko ang ginawa niya, nagtaka talaga ako. Until now, napapaisip pa rin ako." napa-puzzle nitong paliwanag.
Skylar was so speechless. Hindi niya alam kung ano na ang mararamdaman. Nabibilib siya dahil sa taas at tindi ng tolerance pala nito noon kay Donatello pero may bahagi ng puso niya ang nalulungkot at nagagalit.
Anuman ang rason ni Webster ay balewala na kay Skylar. Nasaktan na siya ng husto. Maraming nasaktan at naapektuhan sa ginawa ni Webster. Masagot man ang mga tanong, hindi na magbabago ang lahat. Hindi na magbabago kung ano na sila ngayon.
"Coffee?" nakangiting alok ni Skylar matapos kumain. Pinilit niyang pasiglahin ang boses at ibahin ang topic.
"Sure." ani Donatello.
"Hintayin mo na lang ako sa sala. Ako na ang bahala rito." ani Skylar at nagaayos na ng mesa. Tumalima naman si Donatello. Matapos magayos si Skylar ay nagtimpla na siya nang kape at dinala iyon sa sala. Nadatnan niyang nanonood si Donatello. Muntik na niyang mabitawan ang tasa nang makitang si Webster ang nasa screen. Nasa evening news ito at kinuhanan ito para sa isang exclusive interview.
"Meet the man behind Skylar Time Machine." anang announcer at pinakita ang mala-silver Casket. Kasalukuyang product demonstration ang pinakikita sa TV.
Napamaang si Skylar nang buksan iyon pa-side at umusok dahil sa pressure. May mga ilaw, at kung anu-anong automation devices ang pinakikita at pinaliliwanag kung paano iyon gagana. At sa lahat ng iyon, iisang impormasyon ang nakapagpawindang ng hust kay Skylar.
"S-Skylar?" hindi makapaniwalang anas niya. Ipinangalan ni Webster ang imbensyon sa kanya!
At nanlalaki pa ang ulo niya nang marinig ang patuloy na paliwanag ni Webster kung paano gumagana ang time machine. One hundred percent accurate iyon dahil na-try na daw nito mismo iyon.
Nangingilabot tuloy si Skylar. Nanlalaki ang ulo niya sa nagawang imbensyon ni Webster. Kasabay din noon ay humanga siya dahil nakagawa ito ng isang bagay na tatak sa buong kasaysayan ng siyensya!
"He's… he's incredible…" hindi makapaniwalang anas ni Donatello. Nakanganga rin ito sa TV kagaya niya.
Wala sa sariling tumango si Skylar. Aminado siya roon. Webster was really remarkable. At alam niyang taon, patience and determination ang punuhan nito para makagawa nang ganoong klaseng proyekto.
Napaigtad sila nang tumunog ang cellphone ni Donatello. "It's dad. Excuse me." paalam nito at sinagot iyon. Si Skylar naman ay nanood ulit ng TV. Kasalukuyan na itong inuulan ng tanong. Nahigit niya ang hininga nang makita ang malaking pagbabago nito. Hindi na ito ang may kapayatang nerdy na naging boyfriend ni Skylar.
Nagpagupit at bagong ahit si Webster. He was wearing coat and tie. Sakto lang iyon dito kay halatado ang magandang hubog ng katawan. He looked clean, manly and gorgeous. Siguradong maraming babae ang pumipila ngayon rito.
And it broke her heart. Why does this man left her just like that?
"Pati si dad, gulat na gulat sa nabalitaan," bungad ni Donatello at naupo sa tabi niya. Kinuha na nito ang remote at nilipat ang TV. Hindi na rin napansin ni Skylar na tapos na ang balita dahil nakatanga pa rin siya at tinatanong ang sarili.
Napailing na lang si Skylar. Useless nang magtanong pero hindi niya pa rin mapigilan. Ah, sana ay matigil na ang ganoong klaseng pakiramdam.