Chereads / SKYLAR / Chapter 21 - THE MAN WHO CAME FROM THE FUTURE

Chapter 21 - THE MAN WHO CAME FROM THE FUTURE

"What the hell…" hindi makapaniwalang anas ni Webster habang nakatitig sa lalaki. Wala siyang idea kung paano iyong nangyari. He was speechless. He didn't know what to say and think! Naguguluhan siya at nangingilabot sa biglaang pangyayari.

Tumiim ang titig ng lalaki. "Listen carefully. I don't have enough time. Kailangan mong malaman ang buong katotohanan. I came from the future. I am your version after ten years. Naimbento ko ng panahong iyon ang time machine. Sa loob nang maraming beses kong pagsubok na baguhin ang nakaraan, hindi nagiging successful. Namamatay palagi si Skylar at—"

"Whoa! Wait!" agad na putol ni Webster sa sinasabi ng lalaki. Hindi niya ma-take ang mga naririnig. Kinikilabutan siya!

Pinagmasdan ni Webster ito. Naghanap siya nang palatandaan hindi siya ito, na isa lang itong baliw na nahahawig sa kanya dahil ayaw na ayaw niya ang mga ganoong klaseng usapan. Gayunman, natigilan siya nang makita ang pendant nito: ang engagement ring na binili niya!

Dali-dali niyang kinuha ang engagement ring sa bulsa at nangilabot siya nang makitang nandoon pa rin iyon. Paano iyong nangyari? Ah! Masisiraan na yata siya kakaisip!

"Wala na talaga akong oras. Isang oras lang ang nakalaan para ayusin ko ang lahat dahil iyon lang ang kaya ng time machine. Kailangang baguhin mo ngayon ang lahat. Don't propose. Oras na mag-propose ka, pupuntahan niyo ang daddy niya para sabihan. Pero sa daan ay haharangin kayo. Ki-kidnap-pin siya. Ipapasira sa'yo ang Titanium pero sa huli ay papatayin pa rin si Skylar!" giit nito.

"What?" hindi makapaniwalang anas ni Webster. Gulat na gulat talaga siya dahil alam nito ang balak niyang pagpo-propose!

Hinawakan ng lalaki ang dalawang balikat niya. "Don't you dare tell this to her. Ginawa ko na rin iyon noong minsang sumubok akong baguhin ulit ang lahat. Noong sinabi ko, nagdesisyon kaming sirain ang Titanium dahil iyon ang pinanggigilan ng mga kidnappers. Pero sa huli, pinatay pa rin siya. Natatandaan ko rin na laging sinasabi ng kidnapper na 'He hated me and Skylar'. Nagbigay iyon sa akin ng idea na galit sa amin ang kidnapper at gusto kaming sirain."

Tiim bagang itinuloy ng lalaki ang kwento. "Kaya nagdesisyon akong ikaw naman ang kausapin ko. I think you need to resign from CSRI, destroy Titanium and break up with Skylar. Sa paraang iyon ay pareho mong mabibitawan ang dalawang bagay na magti-trigger sa mga taong mayroong lihim nag alit sa inyo."

"No!" galit niyang tanggi. "Ayoko siyang isuko ng dahil dito!"

Ah maisip pa lang ay nagdurugo na ang puso niya. Hindi niya kaya. Mamatay siya. Breaking up with her was like killing himself too. Puwede niyang i-give up ang career at imbensyon pero ito? No! Mababaliw siya!

Hinawakan ng lalaki ang kuwelyo niya. Nangangatal na ito. Namamasa ang mga mata. "Please, I'm begging you. Kung hindi mo ito gagawin ay hindi magbabago ang lahat. Mamatay pa rin siya. Oras na bumalik ako sa future at mapatunayang totoo ang sinasabi ko, babalik pa rin ako. This thing will keep on happening until you didn't cooperate. Please, make her live…" pagsusumamo nito.

Nadurog ang puso ni Webster. Ramdam niya ang takot nito at lungkot. And it was contagious. Natatakot na rin siya sa maaring kahantungan ni Skylar.

"P-Pero bakit pati siya?" naguguluhang tanong ni Webster.

"I don't know. Hanggang ngayon ay iyan pa rin ang tanong ko sa sarili ko. Bakit siya pa samantalang puwede namang ako?" naghihirap ang kaloobang sagot ng lalaki.

"Shit…" halos sumabog na ang ulo ni Webster. Gulong-gulo siya at natatakot. Napalingon siya sa loob at nakita niyang bumaba na sa hagdan si Skylar. She was wearing his polo. Umabot iyon sa gitnang hita nito. She looked beautiful. It was a lovely scene to watch.

And it's breaking his heart. He needed to hurt her just to make her live again.

"A-Are you sure about this?" halos pabulong na lang na tanong ni Webster.

"Yes. I guess this will change the future. Nasubok na ang lahat ng paraan at ito na lang ang hindi. Ito na siguro ang dapat mangyari para mabuhay siya…" mapait na anas ng lalaki.

Mariing naipikit ni Webster ang mga mata. Pumatak ang mga luha niya. Pumait ang panlasa. Humigpit ang hawak niya sa engagement ring. Damn it. Bakit kailangang mangyari iyon?

"Please, huwag mong isugal ang buhay ni Skylar sa pagkakataon ngayon. We don't know. Paano kung masira sa pagbalik ko ang time machine? Paano ko pa mababago ang lahat? Please, do this for her…" mapait na pakiusap ng lalaki.

Napatingin si Webster dito. Bigla siyang kinabahan nang makitang nagiging transparent na ito. "W-What happen?" takang tanong niya.

"It's about time. My particles are returning to the future. Go now. Talk to her…" anang lalaki at unti-unti nang naglaho. Napasinghap na lang siya nang tuluyan itong nawala.

Impit siyang napaiyak. Gigil na gigil siya. Sobrang nasasaktan. Pero sa lahat nang iyon. Sinarili niya ang lahat. Kinimkim niya ang lihim na iyon at mukhang dadalhin niya iyon hanggang kamatayan.

Nang wala nang mailuha ay huminga nang malalim si Webster. Parang nagmamanhid na siya sa lahat ng iyon. He was to hurt and pain made him numb. He composed himself and get in. Pinuntahan niya si Skylar at dinurog ang puso nito…