Chereads / SKYLAR / Chapter 20 - TITANIUM

Chapter 20 - TITANIUM

"HMM…" UNGOL NI Skylar at yumakap pa kay Webster. Naginit ang puso niya. Ilang gabi na itong natutulog sa bahay niya. Minsan, siya ang umuuwi sa tinitirhan nito. Halos hindi na talaga sila mapaghiwalay.

And that motivates him. Nagtatrabaho siyang maigi para matapos na ang Titanium. Gusto niya, oras na magawa iyon ay magpo-propose na siya rito. Doon niya finally masasabi na mayroon na siyang narating at karapatdapat dito. Hindi biro ang magiging halaga ng Titanium oras na mayroong kumpanyang bilhin ang concept. They were talking about millions there. Bawing-bawi ang limang taong pagbubuo nila roon.

Makakapagpatayo siya nang sariling research and Development Company. Bilang lalaki, gusto niyang itaguyod ang magiging pamilya nila ni Skylar ng hindi umaasa sa ama nito.

Napatingin si Webster sa orasan. It was six in the morning. Sa regular days, gising na nang ganoong oras si Skylar pero sa araw na iyon ng Sabado, himbing pa rin ito. Napuyat ito sa tawanan at kwentuhan nila kagabi.

Doon tumunog ang cellphone niya. Natigilan siya nang makitang si Theodore ang caller. Agad niya iyong sinagot.

"Hello?" anas niya.

"You need to come here," natataranta nitong saad.

"Where?"

"CSRI. Hindi na ako nakauwi kagabi. The programs keep running diagnostic. Nag-defrag ako para mas mapabilis pero mas lalong bumagal. I tried to fix it but until now, I couldn't." worried nitong paliwanag.

"Okay. I'll be there." aniya at ibinaba na ang cellphone. Dahan-dahan niyang iniwanan si Skylar at nagayos. Nagiwan na lang siya ng note para magpaalam. He kissed her goodbye and head out.

Minuto ang lumipas nang makarating siya sa CSRI. Allowed silang mag-over time doon at pumunta sa mga ganoong klaseng pagkakataon kaya hindi siya nagkaproblema sa pagpasok. Nagalala siya nang panay pa rin ang alarm ng testing area. Panay naman ang busisi ni Theodore at pindot sa keyboard ng computer. Ganoon din ang mga technicians na kasama nila at staff.

"Let me see it," ani Webster at naupo. Binasa niya ang pagtakbo ng computer at nagpipindot. He uses complex algorithm until the alarmed stop.

"What the hell…" pigil hiningang anas ni Theodore nang makita ang lumabas sa monitor. Nag-total black out iyon hanggang sa lumabas ang white cursor at nag-blink.

"It stabilzes." ani Webster at tumipa. He entered another program and voila! The mathematical algortithm shows perfectly.

"Maglagay ka ng matandang lab rat. Dali!" utos ni Webster. Agad tumalima si Theodore. Kinuha nito ang pinakamatandang lab rat sa kulungan. Hindi naman ito nahirapang dahil nakasulat sa chart ng daga ang date kung kailan nila ito inalagaan.

Agad nitong inilagay sa loob ng Titanium ang daga. Agad siyang tumipa at nag-type pa ng mga data sa computer hanggang sa pindutin ang start. Umungol-ungol ang daga sa loob ng Titanium. Napatingin sila sa xray ng machine at pinanood ang pagbabago sa daga.

"Oh, my God…" hindi makapaniwalang anas ni Theodore nang makitang nagbabago ang physical appearance ng daga. Lumiliit din ito ng bahagya. Nababawasan ito ng taon kagaya nang gusto nila!

"It's working!" manghang bulalas ni Webster at hinila si Theodore. Pinakita niya ang monitor ng computer. Nag-sipaggalawan ang genetic material sa monitor at base sa pagpapalit ng kulay noon ay indikasyon iyon nang pagbabago. Bumabata ito!

"It's done!" tuwang bulalas nito at nagyakapan sila!

He almost cried! Finally! Mapapakasalan na niya si Skylar! Ito talaga ang naiisip niya sa gitna nang success na iyon!

"I have to go home." pigil hiningang saad ni Webster.

"What?" gulat na tanong ni Theodore.

Napangisi siya at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Magpo-propose ako. Wish me luck!" aniya.

"Webster!" malakas na tawag ni Theodore pero hindi na niya ito pinansin. Dali-dali na siyang lumabas at sumakay sa kotse.

Sa isang jewelry shop siya nagpunta at binili ang pinakamaganda at mahal na diamond engagement ring. He was silently praying Skylar would say yes.

Umuwi na siya. Pagparada niya at agad siyang lumabas ng kotse. Papasok na siya sa bahay nang biglang mayroong humila sa kanya at dinala sa gilid!

"What the hell!" sigaw ni Webster at pumalag. Doon niya nagawang makita kung sino ang pangahas na humila.

"Webster." tawag nito.

Nanlaki ang mga mata ni Webster nang makita ang lalaking kamukhang-kamukha niya. Kumabog ang dibdib niya. Bigla siyang nahirapang huminga. Makapal man ang balbas nito at may kahabaan na ang buhok na mukhang hindi pinagupitan nang maraming taon, nasisiguro niyang siya ito. He was an older version of him. He was a forty year old Webster Fereira.