Chapter 14 - Chapter 12

Idinala sila ng sasakyan sa istasyon ng bus. Pawang papunta sa kaibuturan ng Cordillera ang mga lugar na nakapangalan doon. Lumapit sa kanila ang magulang ni Jimarah at kasunod ang dalaga na di maipinta ang mukha.

"Prof, bakit dito tayo nag-meet up? Where is your car?" tanong ni Jimarah.

"Wala tayong private na sasakyan. Magko-commute tayo papunta ng Kadaclan."

Halos lumuwa ang mga mata ng kaibigan sa pagkagimbal. "Commute? What bus?"

"Iyon!" sabi ni Professor Fe at itinuro ang bus na papuntang Bontoc.

"B-But we can use our car. May driver pa po, Prof. You have nothing to worry." Bumaling ito sa ama. "Right, dad?"

Umiling si Mr. Sancha. "Hija, naipaliwanag na sa amin ni Professor Fe kung ano ang sasakyan ninyo papunta sa Kadaclan. Mula sa bus at sa jeep. Immersion iyon kaya ibinibigay na namin sa kanya ang desisyon kung paano kayo makakarating doon. She guaranteed that it is safe."

"Safe in that bus? Parang isang kalawang na lang ang di pumipirma at magdi-disintegrate na. Pa, mate-tetano ako diyan. Maaatim talaga ninyo ako na pasakayin diyan?" maluha-luhang sabi ni Jimarah.

"You can still back out," anang professor sa magaang boses.

"Tutuloy pa rin po ako," giit ni Paloma.

Matalim siyang tiningnan ni Jimarah. "You are not serious, are you?"

"Matagal nang sumasakay diyan ang ibang tao. Pabalik-balik pa. Mukha namang okay lang sila," sabi ni Paloma at ikiniling ang ulo.

"Maybe because they are balat-kalabaw. I am not."

"Maiwan na ang balat-kalabaw. Aalis na kami," anang boses ng lalaki sa likuran nila.

Nang lumingon siya ay ang kamag-aral pala nilang si Rjan ang nagsalita. Kasama nito si Jeyrick na nakasuot ng cream na jacket. Nakatali din ang mahaba nitong buhok. Nag-tumbling ang puso ni Paloma. Nandito rin ang binata.

"Bakit ka ba sumasabat sa usapan nang may usapan? Bakit ka ba nandito?" angil ni Jimarah dito.

Tumikhim si Professor Fe. "Mga kaklase po sila ni Jimarah - si Rjan at si Jeyrick."

"Bakit? Suspended din sila?" nakangising tanong ni Jimarah.

"No. Mga student assistant ko sila para sa leg ng research na ito. Mga scholar sila ni Governor Lumagom at lumaki sa Kadaclan. Malaki ang maitutulong nila sa inyo para mas maintindihan ninyo ang ordinaryong buhay ng mga tao sa Kadaclan," paliwanag ni Professor Fe.

Kinamayan ng dalawang lalaki ang mga magulang ni Jimarah. "Kayo na ang bahala sa anak namin at kay Paloma, mga hijo. Alam ko na marami pa silang kailangang matutunan at maintindihan sa kultura ng mga tao dito. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami. Pagpasensiyahan na lang ninyo ang anak ko," sabi ni Mrs. Sancha. "Di pa kasi iyan nalalayo sa amin mula pagkabata. She's precious."

"Nasaan na po ang mga gamit nila para po maisakay na namin sa bus?" tanong ni Jeyrick.

"Manong Rudy, pakilabas na po ang tatlong maleta. Pakiingatan na lang. Bawal iyan na magasgasan. Those are Goyard," tukoy nito sa mamahaling luggage brand.

"Hindi mo pwedeng iakyat sa bundok ang mga iyan," bulalas ni Rjan. "Nakasilid na ata diyan ang buong bahay ninyo."

"Whyever not? Hindi pwedeng isang linggo ako na malayo sa civilization at di ko dala ang lahat ng iyan. Binawasan ko pa nga." Sinapo nito ang magkabilang pisngi. "Ma, I don't think I can live there for a week without any sense of normalcy. Nasa maleta ko ang lahat ng kailangan ko para maging normal ang pakiramdam ko."

"Jimarah, isa na lang maleta ang dalhin mo. Baka hindi mo kakayanin lahat. Wala naman tayong ibang makakatulong. Immersion ang pupuntahan natin," malumanay na paliwanag ni Paloma sa kaibigan. "Paano kung iaakyat mo pa ang maleta na iyan sa taas ng bundok kung sakali?"

"Siguro naman may mga tao doon na handang magbitbit ng gamit ko. I have money..." walang gatol na sabi ng kaibigan. "Don't tell me they don't use money at all?"

"Immersion. It means you have to be one with the locals. Bagamat tutulungan ka naman ng mga tao doon, we discourage the use of money in exchange of help. At nagkausap na kami ng parents mo na gagamitin mo lang ang pera kung emergency," sabi ng professor nila.

"Ito na lang ang dalhin mo, anak," sabi ni Mrs. Sancha na inilahad ang kamay sa luggage bag na may kaliitan. "May strap din iyan kaya pwede mong gawing backpack. Nandito naman ang mga damit na kailangan mo at ang toiletries. Isipin mo na lang na nag-camping ka. It is just for a week. Pagbalik mo, magpapa-spa party ako para sa iyo."

"Hindi ka ba iiyak katulad ng kaibigan mo?" tanong ni RJan sa kanya.

"Hindi. Hindi naman mabigat ang bag ko," sabi niya at in-adjust sa likod ang backpack niya.

"Ako na ang magdadala ng bag mo. Baka mabigatan ka," prisinta ni Jeyrick.

Tipid siyang ngumiti. "Kaya ko na."

"Si Jeyrick ang makaka-partner mo at mag-a-assist sa iyo," sabi ni Professor Fe. "Si Rjan naman ang mag-a-assist sa iyo, Jimarah."

"Itong mukhang talaba na ito ang makaka-partner ko?" anang si Jimarah. "Okay na po ako kahit na walang assistant kung siya lang din naman."

"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko, hijo. Ikaw na ang bahala sa kanya," hinging paumanhin ng magulang ni Jimarah. "Pero mabait naman iyan."

Pilit na ngumiti si Rjan. Ayaw lang may masabing masama kay Jimarah sa harap ng magulang ng kaibigan. Kaya naman habang naririnig niya ang reklamo ng kaibigan kay Rjan na magkatabi sa harapan nila ni Jeyrick, hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin sa sarili niyang assistant. Hindi kasi maganda ang naging huling pag-uusap nila. Magpapanisan na lang ba sila ng laway? Paano kung ayaw siya nitong makasama? Paano kung ayaw din sa kanya ng mga tao sa Kadaclan dahil ang alam nito ay minamaliit niya ang mga tao na mula sa liblib na lugar. It would be an awkward one week for them. Hindi niya alam kung paano siya tatanggapin ng mga tao sa tribo. Iba

"May gusto ka bang itanong?" pagbasag ng lalaki sa katahimikan.

"Ha? W-Wala!" tanggi agad niya at umiwas ng tingin dito.

"Ang sabi sa akin ni Ma'am Fe, kailangan ninyong gawan ng report at reaction paper ang lahat ng malalaman ninyo tungkol sa Kadaclan. Kaya pwede kang magtanong sa akin kung gusto mo," sabi ng lalaki sa magaang boses. Pero di ito ngumingiti katulad ng nakasanayan niya. As if he was just being nice to her. Napipilitan siyang pakisamahan.

"Uhmmm... gaano katagal ang magiging biyahe natin? Nabanggit mo sa akin na malayo ang Kadaclan," sabi niya sa lalaki.

Lumabi ang lalaki. "Dadating tayo sa Bontoc ng alas onse o alas onse."

Nag-compute si Paloma sa utak. "Five to six hours? Paano papuntang Kadaclan?"

"Apat na oras mula sa Bontoc," sabi ng lalaki. "Alas dos ng hapon tayo aalis."

Nahigit niya ang hininga. "Apat na oras. Gabi na pala ang dating natin sa Kadaclan. Saan tayo matutulog?"