"Magsa-sunrise watching kayo ni Jeyrick? Kayo lang? Ni hindi mo man lang ako niyaya? Parang gusto mo kayo lang ni Jeyrick."
"Well, gusto mo bang sumama? Alas singko pa lang dapat gising na."
Nanghaba ang nguso nito. "That is too early. Nananaginip pa ako no'n."
"Kaya nga matulog na tayo. Pareho tayong pagod. Goodnight," usal niya at pumikit.
Unti-unti na siyang nakakatulog nang marinig niyang nagtanong si Jimarah. "Do you like him?"
"Who?" paungol niyang tanong at di dumilat.
"Jeyrick. Kasi napapansin ko na close na kayong dalawa."
"He is my partner. Dapat lang magkasundo kami kung gusto kong tulungan niya ako sa project ko. Wala naman kaming pag-awayan. Kayo lang naman ni Rjan ang mahilig na magbangayan."
"No. Huwag mong iligaw ang usapan. It is not about me and that barbarian. It is you and that kargador. As if you have a connection. Baka naman mamaya may gusto ka na sa kanya."
Ngumiti siya at pumaling pataliko dito. "Bata pa tayo. Wala pa sa isip ko ang mga ganyan." She liked Jeyrick as a person. Not in a romantic sense. "Saka may limang kapatid pa na pag-aaralin si Jeyrick bago siya mag-girlfriend. He is eldest among six and his focus is finishing school to help his family."
"Shocks! He told you about that? Ganoon na karami ang alam mo tungkol sa kanya, Paloma. You already had that serious talk. And you don't usually care about guys. Di ka interesado sa buhay nila. Remember that you were not impressed with Gordon's European trip? While all of us girls were all glossy-eyed about it."
Hindi na lang sinabi ni Paloma na kapatid ni Jeyrick ang nagsabi sa kanya na bawal pa itong magkanobya. Mas lalaki ang isyu. "Magkaiba sina Jeyrick at Gordon. Si Gordon puro lang tungkol sa yaman at yabang ang nakikita ko. Tanggalin mo ang yabang at yaman niya, sino siya? While Jeyrick is someone who has nothing. Pero doon mo mas makikita ang magagandang katangian niya - masipag sa pag-aaral, may malasakit sa pamilya, gusto niyang iahon ang sarili sa buhay, may pangarap. Di ko tuloy maiwasang itanong kung ano kaya tayo kung wala ang kaginhawahan natin sa buhay..."
"No! Don't even think about it. I don't want to be poor," putol agad ng kaibigan sa mga sasabihin niya. "He is poor, he has character, blah blah blah. Fine. Pero huwag na huwag kang mai-in love sa kanya."
"Ano ba ang problema mo kay Jeyrick?" tanong niya sa kaibigan. "Wala namang ginagawang masama sa iyo 'yung tao."
"Sa akin wala. Pero 'yung kaibigan niya na impakto, salot sa buhay ko." Nang lingunin niya ang kaibigan ay sinasabunutan nito ang sarili. "If you will be close with that kargador, I will also see his friend a lot. Please lang. My patience is hanging by the thread."
"Be nice to Rjan. Maybe he will be nice to you as well. Magkaka-premature aging ka kapag lagi kang galit. Ikaw rin. Goodnight."
Nakangiti niyang ipinikit ang mata at niyakap ang unan. Excited na siya sa sunrise-watching kasama si Jeyrick.
SUNUD-SUNOD na tilaok ng manok ang gumising kay Paloma pati na rin kakaibang huni ng mga hayop. Bahagya siyang dumilat at kinapa ang cellphone sa mesa sa tagiliran ng kama. "Aga-aga naman gumising ng mga manok," ungol niya. Katutulog pa lang niya ay nagtitilaukan na ang mga ito.
Nagimbal ang dalaga nang makita ang oras sa cellphone. "Hala! Six-thirty na? Sersyoso?" usal niya at bumangon. Nag-alarm naman siya pero di niya narinig. Masyado na siyang late para usapan nila ni Jeyrick. Malamang ay tirik na ang araw nang ganoong oras. Kinalabit niya si Jimarah na mahimbing pa rin ang tulog. "Arah! Arah! Gising na! Six thirty na!"
"Yaya, I am still sleepy. Five more minutes," ungol ng kaibigan. "Can you just leave the breakfast and prepare my bath?"
"Hoy! Hindi mo ako yaya," sabi niya sa kaibigan at tinampal ang balikat nito. "At wala ka rin sa mansion ninyo. Nasa Kadaclan tayo. You need to get up. Seven-thirty ang breakfast natin. Wala kang yaya dito."
Dumapa ito at isinubsob ang mukha sa unan. "Can you prepare my dress and draw a hot bath for me? I still wanna sleep like the whole day."
Wow! Siya pa ang ginawa nitong yaya. Wala yatang planong mag-adjust sa buhay ng kaibigan.
"No." Bumaba si Paloma ng kama at iniligpit ang pinaghigaan niya. "You must get up. Pati ang kilos natin bibigyan ng grade," pananakot niya dito at kinuha ang toiletries niya. "I am sorry but you have to fend off yourself for the whole week. Pareho lang naman tayo."
"Don't tell me you are leaving this room like that," nanlalaki ang matang sabi ng kaibigan. "Di ka man lang nagsuklay."
"So?" usal niya at saka lumabas ng kuwarto. Isinuksok na lang niya ang suklay sa buhok. Wala siyang oras sa pagpapaganda ngayon.
Paglabas niya ay naabutan niya si Jeyrick na nakatanghod sa de kahoy na kalan sa tabi ng gripo. Nahihiya siyang lumapit dito. "Hi!"
"Magandang umaga," nakangiting bati ng lalaki sa kanya. "Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?"
"Naku! Huwag na." Siya na nga ang hindi nasipot sa usapan nila, siya pa ang ipagtitimpla nito ng kape. Sumenyas siya na magsesepilyo lang siya.
Napahiyaw siya nang maghilamos sa gripo. Nangilo siya sa lamig ng tubig. Malamig din ang tubig sa Baguio pero may heater naman sila.
"Di ka muna dapat naghilamos. Nagpapainit pa naman ako ng tubig."
Nag-thumbs up si Paloma. "Ayos lang ako. Para magising."
"Nasa bukid pa sila Professort Fe. Tinatanong niya kung gumising na ang mga prinsesa natin. Dapat daw isasama niya sa bukid para manguha ng gulay. Baka naman mamaya pang tanghalian babangon ang mga iyon," walang prenong sabi ni Rjan na may dalang timba. Napaurong ito nang makita siyang nagsesepilyo. "O! Gising na pala si Paloma. Hindi kita nakilala. Nagugulo rin pala ang buhok ng mga prinsesa."
"Not a princess," sabi niya at ipinagpatuloy ang pagsesepilyo. Akala ba ng mga ito ay di nagugulo ang buhok niya? She didn't really care much if she didn't live up to her princess-like appearance in the morning. It was actually liberating.