She was trained by her aunt to always look good and immaculate in front of the people. Walang kaibahan sa motto ni Jimarah na "I woke up like this". She'd be rather caught dead than look less than perfect. Gumigising pa ito nang sobrang aga para lang magpa-make up at magmukhang maganda.
It was a tiring habit. Di naman ugali ni Paloma na mag-make up. She was fine with powder at lip balm. Pero big no-no na makita siya ng iba na di man lang naghihilamos o nagsusuklay. Well, she had an excuse to look less than perfect now. At sa palagay naman niya ay hindi iyon big deal kay Jeyrick.
"Sorry. Tinanghali ako ng gising," sabi niya kay Jeyrick matapos maghilamos. "Di ko narinig na tumunog ang alarm clock. Hindi tuloy ako nakasama sa iyo na mag-sunrise watching."
"Okay lang. Late din naman ako dumating," sabi ni Jeyrick.
"Oo. Mga pasado nang limang minuto sa alas singko," pambubuko ni Rjan na naglinis ng mesa. "Naabutan kong nakatanghod dito habang nakatitig lang sa kuwarto mo at inaabangan kang lumabas. Kaso sarap yata ng tulog mo."
Lalong na-guilty ang dalaga. Mahigit isang oras itong naglakad mula sa bahay nito papunta sa homestay para lang masamahan siyang manood ng sunrise pero tinulugan lang niya ito.
"Sorry ulit," sabi niya.
"Ayos lang, Paloma. Alam ko na napagod ka sa biyahe."
"May maitutulong ba ako?" tanong niya sa lalaki. Napansin niya na nagtatrabaho na ang mga ito kahit umaga pa lang.
Umiling ito pero si Rjan ang sumagot. "Magpakain ng bibe at unggoy."
"Unggoy?" tanong niya. Ngumuso ang lalaki sa kulungan ng mga bibe. Saka lang niya nakita ang tubo sa taas ng kulungan na may bibitin-bitin na unggoy. "Cute." Kumuha siya ng saging sa mesa at inabot sa unggoy. "Anong pangalan niya?"
"RG, kakambal ni Rjan," biro ni Jeyrick.
Nakabiting kinuha ng unggoy ang saging sa kanya. Humagikgik si Paloma. "I can see the resemblance."
"Hoy, kayong dalawa! Narinig ko iyon," sigaw ni Rjan. "Yung mga bibe pakakainin pa. Ang bagal-bagal. Magdidilig pa ng halaman. Mamaya na ang ligawan."
Nagtawanan na lang sila ni Jeyrick. "Mabuti pa maligo ka na. Kumulo na ang tubig mo."
Naging mabilis ang kilos ni Paloma. Ayaw niyang ma-late sa agahan at paghintayin ang mga kasamahan. Sa palagay niya, pati attitude niya at kung paano siya kumilos ay bibigyan ng grado. She would try to adjust herself. Ang problema lang niya ay kung paano tutulungan si Jimarah na makapag-adjust. She was a princess through and through. Hindi nito naranasan na maghirap. Hindi niya kayang alalayan ito lagi.
Eksaktong alas siyete ay nakabihis na si Paloma at naitirintas na rin ang tuyong buhok. Habang gulo-gulo pa ang basang buhok ni Jimarah at nanginginig sa lamig habang namimili ng isusuot na damit.
"I need to find a dress. A really, really nice one," sabi nito habang inilalabas ang mga damit sa maleta.
Kinuha niya ang gray T-shirt at black jogging pants. "Ito na lang ang isuot mo."
Maasim ang mukha nitong nilingon ang damit na napili niya. "I want a really nice dress. Kailangan kong bumawi. I want to look good. Interview iyon, di ba?"
"Relax," saway niya sa kaibigan. Natataranta na ito at di na alam ang gagawin. "Hindi ka naman lalabas sa TV sa interview. Simplehan mo lang ang damit mo. Be practical. Nasa bundok tayo. Di ka naman magmo-mall. Mas unahin mo ang comfort."
Sinapo nito ang pisngi. "Wala na akong oras mag-make up. I don't look that good. I feel bare without make up."
"That's fine. Wala rin naman akong make up. Hindi mo dapat isipin na pangit ka kapag walang make up. That is silly."
"Okay lang talaga na wala akong make up?" tanong nito sa kanya.
"Yes. Tutal papawisan din naman tayo at mahuhulas din ang make up mo. Natural is beautiful. Ang totoong maganda, maganda kahit walang make up," pagpapalakas ng loob niya sa kaibigan. "Be confident."
Lumunok ito. "I will try."
"ANG ganda talaga ng rice terraces ninyo! Ito pala ang pinoprotektahan ninyo dito sa Kadaclan," sabi ni Paloma habang kinukuhanan ng picture ang Kadaclan Rice Terraces. Nasa gilid lang iyon ng daan at hindi nila nakita nang nagdaang gabi dahil madilim na nang dumating sila.
"Ito, ang kultura, ang pananalita, ang mga kaugalian, sinaunang pananamit at mga tradisyon. Kasama iyon sa gusto naming protektahan," sabi ni Jeyrick at inilahad ang palad. "Hindi lang ito natatapos sa rice terraces. Kami mismo bilang taga-Kadaclan, pinoprotekahan namin ang identity namin. Bilang mga Igorot."
Tapos na ang interview nila sa mga taga-Chupac at papunta na sa Ogo-og kung saan nakatira sila Jeyrick. May bahay daw si Professor Fe doon kung saan sila tutuloy. Marami pa siyang gustong matuklasan sa lugar na iyon. Taliwas sa pananaw ng iba na walang alam ang mga Igorot na malayo sa siyudad, matatalino ang mga ito. Mas magagaling pang mag-English sa kanya.
"Maganda siguro we can interview the younger Kadaclanons," suhestiyon ni Jimarah. "Yung iba mas modern mag-isip para maka-relate naman ako."
"Hindi mo naman kailangang maka-relate sa kanila. Kailangan mo lang sigurong ma-appreciate kung ano ang katangian ng ibang tao kahit iba sila sa iyo," sabi ni Paloma at tinanguan ang isang matandang babae na kasalubong nila.
Siniko siya ng kaibigan at bumulong. "Ulitin mo 'yung sinabi mo."
"Alin doon?"
"Yung kailangang ma-appreciate blah blah blah. I want to record it. Ilalagay ko sa report ko," sabi nito at inilabas ang cellphone.
"Hindi lang basta nire-record iyan, Jimarah. Isinasapuso iyan," sabi niya.
"Whatever. You are so melodramatic," anang kaibigan at umismid.
Hindi pa rin nakukuha ng kaibigan niya hanggang ngayon kung bakit sila ipinadala doon. Hindi simpleng report lang sa papel ang hinihingi sa kanila. Layunin ng pagpunta nila sa Kadaclan na ma-appreciate nila ang mga tao sa pagiging iba ng mga ito sa popular na mundo. Kung halos bumula ang bibig ni Jimarah kay Daniel Padilla at Enrique Gil sa mga bashers nito na bahagi ng popular na media, mas matindi naman doon ang pagdepensa ng mga Igorot sa kultura ng mga ito. At marami pa siyang gustong matutunan mula sa mga ito.
Pagdating nila sa covered court ng Chupac ay may dalawang dalagita na naghihintay dito. "Kuya Jey!" tawag ng mas bata. Sa palagay niya ay nasa fourteen na ang babae. Nagmano ang mga ito kay Professor Fe.
"Aba! Malalaki na ang mga kapatid mo, Jeyrick. Sana kasing sipag po rin sila sa pag-aaral," anang guro.
Ipinakilala sila sa mga ito. "Kaklase ko - sina Jimarah at Paloma. Kapatid ko pala si Aiza at Charlene. Dito sila nag-aaral sa high school," pagpapakilala ni Jeyrick sa mga kapatid nito.
"Hello," bati niya sa tatlo at kinamayan ang mga ito.
"Ikaw 'yung kausap namin kagabi. 'Yung tumawag kay Kuya," sabi ni Aiza. "Ang ganda mo naman, Ate Paloma. Pareho pa kayong may dimples ni Kuya Jeyrick."
"Basta bawal pang mag-girlfriend ang kuya namin," sabi ni Charlene na kasunod ni Jeyrick sa magkakapatid. Parang nangmamaliit sila nitong tiningnan ni Jimarah. "Sasama ba talaga siya sa atin sa Ogo-og? Baka di pa nga siya umabot ng Kaleo. Di mo na siya maipapakilala kay Mama."
"Saan 'yung Kaleo?" tanong ni Paloma.
Itinuro ni Jeyrick ang bundok sa harapan nila. "Sa susunod na baranggay na madadaanan natin."
"Ah! Malapit lang pala," sabi ni Jimarah.
Inabutan sila ni Jeyrick ng kahoy. "Gamitin ninyo na tungkod."
"I am not weak. Excuse me," sabi ni Jimarah at umirap.
Kinuha ni Paloma ang tungkod. "Salamat, Jeyrick. Gagamitin ko na."
"Kailangan na nating umalis para di tayo gabihin," sabi ni Professor Fe.
"Ate, tutulungan na kitang magbitbit," alok ni Aiza.
"Hindi. Kaya ko na ito," tanggi ni Paloma.
"Ate naman na kita," sabi naman ni Aiza at kinuha ang ecobag niya na may lamang mga pagkain.
"Kaya ko na iyan," sabi naman niya. Nahihiya siya na mas bata pa sa kanya ang magbibitbit ng dala niya.
"Hayaan mo na siya," sabi ni Charlene. "Sabi ni Kuya gusto daw nilang maranasan kung ano ang pinagdadaanan natin."
"I don't like that girl. She's maldita," bulong ni Jimarah sa kanya. Napilitan kasi ito na bitbitin ang backpack nito. Hindi ito pwedeng maging senyorita lalo na kung gusto nilang maranasan kung paano mamuhay doon.
Alas kuwatro pa lang ng hapon kaya maliwanag pa pero di niya dama ang init ng araw. The view was breathtaking. Mula sa tuktok ng daan ay tanaw nila ang rice terraces. Matarik ang hagdan pero excited siya.
"Sa gitna tayo ng rice terraces dumadaan," excited na sabi ni Paloma.
"Katulad ng Banaue Rice Terraces, di rin gumamit ng modernong kasangkapan sa paggawa ng nito," paliwanag ni Jeyrick.
"Kunan mo ako ng picture dito," sabi naman ni Jimarah kay Rjan at nag-pose sa steel railing nang tumawid sila ng tulay. Her friend was also enjoying the trip.