Chapter 17 - Chapter 15

Ipinusitsit ni Jimarah ang sanitizer malapit sa mukha ni Rjan. "Ikaw lang ang bacteria dito. Aakyat na ako kahit di mo alalayan."

Napailing na lang sila ni Jeyrick. " Ako na ang mag-aabang sa kaibigan mo. Maglabas ka ng jacket at kapote kung meron. Pwedeng umulan anumang oras lalo na kapag nasa Barlig tayo."

"Pero maganda naman ang panahon dito sa Bontoc," sabi ni Paloma at isinuot ang polarized shades para protektahan ang mga mata sa init n g araw.

"Isang malaking rainforest ang bayan ng Barlig at mas mataas ang elevation. At kapag ganoon ang lugar, mabilis din magbago ang panahon. Bumubuhos na lang ang ulan lalo na kung hapon. Kaya kailangan lagi kang handa."

"Bakit isa lang ang biyahe papunta ng Kadaclan tapos nagsisiksikan pa ang lahat dito sa taas? Overload na tayo. Di ba delikad o iyon?" tanong ni Paloma kay Jeyrick nang makapili na sila ng uupuan sa taas.

Nakataklob na siya ng shawl para panlaban sa init ng araw. Punong-puno rin ng mga tao sa bubong ng jeep at di niya alam kung paano sila nagkasya. Naranasan din naman niyang sumakay sa siksikan na jeep na may mga sabit pero first time niya na sumakay sa ganito ka-blockbuster na jeep.

"Dito sa Mountain Province, limitado lang ang biyahe sa ibang mga bayan. Mahirap kasi ang daan. Hindi kami gaanong napagtutuunan ng gobyerno siguro dahil probinsiya lang kami," anang si Jeyrick sa mapait na boses. "Kung nasa Maynila ito, baka pinatayuan na iyan ng flyover sa bundok. Kaya pakiramdam ko minsan nakalimutan na kami. Kahit na mahirap ang buhay gusto namin na makatapos para may maibalik kami para sa bayan namin."

"Hindi lang sarili mo o ang pamilya mo ang iniisip mo kundi pati ibang tao. That is admirable." Nahiya si Paloma sa sarili dahil madalas sarili lang niya ang iniintindi niya o ang pamilya niya. Wala pa siyang naiisip na kontribusyon sa bayan o sa kapwa.

Makalipas ang ilang minuto ay napansin niya na walang katapusang bangin ang dinadaanan nila. Mas lumalamig na rin ang simoy ng hangin. "Nakakaantok naman ang simoy ng hangin. Palamig nang palamig." Napilitan si Paloma na magsuot ng cardigan. "Mas malamig ba sa Barlig?"

"Yes. Nandoon din ang pangsiyam sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas - ang Mt. Amuyao. Iyon ang hilig puntahan ng mga mountaineers doon. Iyan din ang prime tourist spot sa bayan namin...."

Unti-unting pumipikit ang mata ni Paloma habang bumababa ang fog sa paligid niya. Sumisigid ang lamig sa laman niya. "Gusto ko nang matulog, Jeyrick. Kaso baka mahulog ako o mangudngod ako ."

Tinapik nito ang balikat. "Humilig ka sa akin. Ako ang bahala sa iyo. Hindi kita hahayaang mahulog."

Nilingon niya ang lalaki. Okay lang ba talaga dito na bantayan at alalayan siya? Di ba ito galit sa kanya? Pero nakangiti sa kanya ang lalaki. That same nice smile he used to bestow her. "Salamat," usal niya at humilig sa balikat nito.

She closed her eyes and smelled his scene. She felt protected. She trusted him with her life. He was her partner after all.

A/N: Yung rice terraces sa likod namin, iyon ang rice terraces ng Barlig na nasa sentro ng town

A/N: Yung rice terraces sa likod namin, iyon ang rice terraces ng Barlig na nasa sentro ng town. Kapag nag-stay ka sa Seaworld Inn, pagbukas mo kaharap mo na ang rice terraces. This place is two hours from the center of Kadaclan. Pag ayaw mo ng maraming turista gaya sa Banaue at Sagada, this is where you should go. Unspoiled pa at di crowded.

***

"PALOMA, wake up! You can't miss this! Wake up!"

Naalimpungatan siya nang yugyugin ng kaibigang si Jimarah ang balikat niya. Nakahilig siya sa balikat ni Jeyrick na nakasandal naman sa malaking kahon. Nakatulog na rin ang binata. Naansin niya na nakatigil na ang sasakyan nila at nagbababaan na ang ibang mga pasahero.

Nang gumalaw siya ay bigla itong nagising. "Anong nangyari?" tanong nito.

"Look at the rice terraces. Gosh! It is breathtaking. You can't miss this view," sabi ng babae at sunud-sunod ang pagkuha ng picture.

"Ang ganda nga," usal ni Paloma at napatitig sa hagdan-hagdang palayan. Iba iyon sa rice terraces ng Banaue na nakikita niya sa poster. But this one was picturesque just the same. May mga bahayan sa baba pero di nawawala ang ganda ng lugar. Napansin niya ang munisipyo at ang police station sa di kalayuan. "Nandito na ba tayo sa Barlig? Dito na ba ang Kadaclan?"

Umiling si Aiden at tumayo para mag-inat. "Hindi. Stopover lang ito sa baranggay ng Fiangtin. Nasa sentro tayo ng Barlig. Bumaba muna tayo para makakain at makapag-unat-unat. Dalawang oras pa ang biyahe natin."

Napaungol si Jimarah. "That long? Ugh! I think I need a shower. Sinagap ko na lahat ng alikabok sa daan."

Iyon din ang pakiramdam ni Paloma. Nanlalagkit na rin ang buhok niya dahil sa hangin. Naghilamos lang siya at nagsuklay ng buhok sa restroom ng Seaworld Inn na malapit lang sa stopover nila. Sa balkonahe niyon ay tanaw ang rice terraces.

"Kumain ka muna," untag ni Jeyrick at inabutan siya ng sandwich at mug ng mainit na kape.

Nagpasalamat siya. "Ang ganda dito. Nabanggit mo sa akin dati na nagkalat ang rice terraces sa bayan ninyo."

"May madadaanan pa tayong rice terraces sa Lias at sa Kadaclan. Ginawa rin ito ng mga ninuno namin kung paanong ginawa ang Banaue Rice Terraces. Ang kaibahan lang namin, hanggang ngayon ginagamit pa rin namin sa pagtatanim gaya kung paano nagtanim ang mga ninuno namin. Kaya hanggang ngayon ay napapangalagaan pa rin."

"Masarap siguro na tumira dito. Paggising mo sa umaga rice terraces agad ang makikita mo," sabi niya at huminga ng malalim. "I love it."

"Ganyan din sa amin. Tanaw mo ang rice terraces."

"Excited na akong makarating sa inyo."

"I didn't expect that I will like this rustic, far-flung place. Isasama ko sa mga wish list ko. Gusto kong magkaroon ng sarili kong rice terraces," sabi ni Jimarah nang tabihan ito ni Paloma sa mesa.

Tumikhim si Professor Fe. "Para makabili kayo ng lupa dito lalo na ang rice terraces, kailangan muna ninyong mag-asawa ng tagadito."

Hinampas ni RJan ang mesa. "Naku! Hindi kita pakakasalan kahit na paulanan mo ako ng milyon, Jimarah."

Tumirik ang mata ng kaibigan niya. "Duh! As if pag-iinteresan kita. Huwag kang ambisyoso."

"Jeyrick, may rice terraces din ba kayo? Pwedeng mamasyal?" excited na tanong ni Paloma.

"Depende kay Ma'am Fe," anang binata. "Masyado kasing malayo. Baka mamaya hindi ninyo kayanin."

"Kakayanin ko iyan," sabi niya. "Ano pa bang ilalayo nitong napuntahan ko?" Gusto niyang makita kung saan lumaki si Jeyrick. Gusto niyang makilala ang pamilya nito.

Mas mabilis nang nakaakyat ng bubong ng jeep si Paloma. Kahit si Jimarah ay di na rin gaanong reklamador. Mas malakas na ang ihip ng hangin at mas madilim na ang langit na parang maggagabi na. Hinapit niya cardigan sa sarili. Nagsimula na ring bumaba ang makapal na fog at halos wala na siyang makita sa daan.

Nagsisimula na naman siyang makatulog nang maalimpungatan siya sa malakas na dagundong kasunod ng matinis na tili ni Jimarah. "Oh my gosh! Ayoko na. Para, Manong! I can't take this anymore."

Pumitlag si Paloma nang muling pumunit ang kidlat at bumuhos ang malakas a ulan. Nataranta siya at di alam kung paano yayakapin ang bag para di mabasa.

"Nasaan ang kapote mo?" tanong ni Jeyrick.

"Jacket lang na may hood," sabi niya habang malakas ang kabog ng dibdib.

"Hindi iyan." May kinuhang tarpaulin ang binata at itinaklob sa kanila. "Ito na muna ang gamitin natin para di tayo mabasa. Di rin tayo pwedeng gumamit ng payong dahil sasabit sa puno."

Nanginginig siyang yumukyok. "Jeyrick, 'yung kidlat at kulog. Nasa labas lang tayo. Baka tumama sa atin."

They were out in the open. Wala silang kahit anong proteksyon sa kidlat. Mapoproteksyunan sila ng tarpaulin sa ulan pero di sa kidlap. Wala silang kalaban-laban pag sila ang tinamaan.

Napansin niya na kalmado lang ang binata. "Parang wala lang sa iyo ang kidlat."

"Dahil kaibigan ng mga magsasaka ang kidlat. Kapag kumikidlat, lumilikha ng nitrogen oxide sa langit. Kailangan iyon ng mga halaman. Bumabagsak iyon kasama ng tubig at nagiging pataba sa lupa."