Chapter 14 - Chapter 8

"KUYA! Where the heck are you?"

Excited si Ethan nang sa wakas ay nakausap ang nag-iisang kapatid na si Jericho. Nasa labas siya ng kubo ni Doc Tagle nang tawagan ang kapatid gamit ang prepaid sim number na binili niya nang dumating siya sa Calbayog. Di na niya nagamit iyon para tawagan agad ang kapatid. Nagsi-siesta pa si Aurora na napagod sa pagbabantay sa kanya. Lagi itong nakaalalay kahit na kaya na niyang kumilos mag-isa. He loved the attention but he appreciated a little privacy at the moment.

Mas matanda siya kay Echo ng isang taon at kahit kailan ay hindi pa niya ito naringgan ng strain sa boses. He was always fine even if he was struggling. Never a worrywart. That was his job.

Mula nang maulila sila noong disi-otso anyos siya nang lumubog ang yateng sinasakyan ng mga magulang niya sa anniversary ng mga ito, siya na ang nagtaguyod sa noon ay disisais anyos na kapatid. Wala itong kaalam-alam na halos maubos ang ari-arian nila dahil sa na-mismanage ng magulang niya ang kabuhayan ng pamilya dahil sa mga luxury trips ng mga ito at iba pang bad investments. Pumasok siya sa showbiz dahil alam niyang doon siya mas kikita. Sumunod din sa yapak niya ang kapatid niya pero kalaunan ay natagpuan nito ang tunay na calling sa pagiging fashion photographer.

Kaya parang malaking failure sa kanya bilang nakatatandang kapatid nito dahil alam niyang siya ang dahilan ng pag-aalala nito. Bumuntong-hininga siya. "I take it, sinabi na sa 'yo ni Icca ang nangyari?"

"Kaaalis lang niya actually. You're okay though, right?"

"Yes, I'm fine. I've been planning to call you days ago, pero alam kong nasa Europe ka pa kaya ngayon lang kita natawagan. How was Icca by the way? Galit ba siya?"

His ever-efficient manager won't forgive him for this. Dati pa man ay gusto na ni Icca na organisado ang lahat. She hated change of plans. Kapag naka-focus ito sa isang bagay, mahirap itong kumbinsihin na baguhin ang isip nito.

"More like worried. You left in lurch with just a freakin' note. Totoo ba na ginawa mo iyon? That is not so you. Hindi mo basta-basta iiwan ang responsibilidad mo. Bakit ka nga pala bigla na lang umalis? Sana nagsabi pa ka man lang kay Icca."

I tried but she won't listen. Nobody listens. Everyone wants a piece of Ethan Ravales as if I am an unstoppable machine. But I am not one. And I don't always want to be Ethan Ravales. And how he enjoyed being someone else right now.

"I just... I just needed to get away. Take some time off." Kung magpapaalam pa siya kay Icca, tiyak na di siya nito papayagan. Lalo lang dadami ang projects na itatambak sa kanya. At kung magbabakasyon man siya, tiyak na may camera na nakasunod sa kanya. She would do anything to make sure that he won't be out of the public eye. "Go to a place where I can be anonymous. Ayoko munang maging Ethan Ravales."

"Imposible yata iyon. You are Ethan Ravales. Kahit saang sulok ng Pilipinas, kilalang-kilala ka. Even Hollywood is knocking at your door. Good luck finding that place, brother," pabirong sabi ng kapatid.

"Actually, I already did." At ngumiti siya nang maisip paraiso ng puting buhangin at may malinaw na tubig. Malayo sa sibilisasyon, walang telebisyon o internet at higit sa lahat, hindi kilala si Ethan Ravales. "I am here in Calbayog, Samar right now. Mula dito, pupunta ako sa Isla Juventus."

"Isla Juventus? Is it even on the map?"

"Errr... I think so." Kahit na di pa naman niya nakokonsulta ang Google Map.

"How long will you be gone?"

Tumingala siya. "Uhmmm... I have no idea." Hangga't di niya nahahanap ang totoong sarili niya, parang ayaw muna niyang bumalik sa pagiging Ethan Ravales. He was sort of enjoying it right now. Being ordinary. Being a simple man.

"Ayos ka lang ba talaga, Kuya?" puno ng pag-aalalang tanong ng kapatid.

Ngumiti siya. "I'm fine, don't worry about me. I'll contact you again using this number."

"And what do I tell Icca?"

"Just a little favor. Can you get her off my back? Tell her that I am taking a vacation somewhere and she has nothing to worry. Siguro dapat din siyang magbakasyon. Explore something new in her life like I do."

That woman was workaholic. Laging gumagana ang utak. Di ito tumitigil hangga't di naidadala sa tuktok ang talent na hawak nito. At kapag nasa taas na, di ito papayag na bumaba iyon. That would failure on her part. And failure was not in her vocabulary. Nobody could keep up with her. Not even him. Baka sakaling maintindihan siya nito kapag nagbakasyon din ito kagaya niya.

Humalakhak ito. "Gusto mong maghurumentado iyon kapag nag-suggest ako ng bakasyon? And she won't stop until she finds you."

"I know you can handle her." Her brother was good with women. He knew how to sweet talk them. "This getaway really means a lot to me." And my sanity.

"I understand. Take care, brother."

"Salamat." At nagpaalam na siya dito.

Sa ngayon ay ang kapatid lang ni Ethan ang mapagkakatiwalaan niya sa sekreto niya. Bumalik muli ang excitement niya sa nalalapit na biyahe sa Isla Juventus. Bukas daw ng alas sais ang alis nila. He wanted to see the island paradise. At higit sa lahat, excited na siyang makasama si Aurora. Noong una ay mukhang tutol ito sa pagsama niya sa isla dahil siguro maraming kulang na facilities sa isla. Really backward. Pero kalaunan ay masaya daw ito na tanggapin siya bilang bisita sa isla.

I can't believe that I will sail to an isolated island just to be with a girl. I am Ethan Ravales. Handang maglakad sa ibabaw ng dagat ang mga babae makuha lang ako.

Pero hindi siya si Ethan Ravales ngayon kundi siya si Alvaro Baltazar. An ordinary man who would pursue this girl. Wala ito sa plano niya.

"Handa ka na ba sa biyahe natin?" tanong ni Doc Tagle nang lapitan siya. "Hindi na ba ganoon kasakit ang sugat mo?"

"Hindi na po gaanong makirot. Maraming salamat po sa pag-aalaga sa akin."

Umupo ito sa kawayang upuan. "Alam ko naman na ang mga katulad mo ay sanay sa mga modernong ospital at de-lisensiyang mga doktor. Pero noong unang panahon naman hindi kailangan ng lisensiya para manggamot. At ang mga gamot na puro kemikal ngayon mas nakakasama pa nga sa mga tao. Kaya nagsaliksik na lang ako ng sarili ko kaysa ituloy ang pag-aaral ko ng Medisina. Tingnan mo naman. Gumaling ka naman."

"Naniniwala naman po ako," wika niya. Icca would raise the roof once she finds out that a quack doctor treated him. Pero malakas ang pakiramdam niya. Nakabuti ang mga dahon-dahon na itinapal sa kanya at ininom. Siguro nga ay mas may epektibong paraan ang kalikasan sa panggagamot.

Magaan na tinapik ng matandang lalaki ang balikat niya. "At hindi rin ako naniningil ng mahal. Kung ano lang maibigay sa amin gaya ng bigas o kaya gulay o isda, tinatanggap ko. Mahihirap lang din naman ang mga tao dito. Anong gagawin kung walang pambayad sa ospital? Kaya nga sa mga isla-isla iniimbitahan din akong manggamot dahil di naman sila inaabot ng mga doktor doon."

"Pati po sa Isla Juventus?"

"Lalo na sa Isla Juventus. Natitiyak ko na maninibago ka sa ganoong lugar. Mukhang may kaya ka. Bakit doon ka pa magbabakasyon? Madami namang ibang lugar diyan?"

"Gusto ko pong makadiskubre ng bagong lugar at makakilala ng mga bagong kaibigan."

"Gaya ni Aurora?"

Itinago niya ang ngiti. "Kung mabibigyan po ng pagkakataon, bakit po hindi?"

"Naku! Mabait ang batang iyon. Masunuring anak. Matapos ang sampung taon, ngayon nga lang siya tumapak sa Calbayog. Doon na naglagi sa Juventus dahil ayaw magpaiwan ng tatay niya. Madami din manliligaw iyon pero pihikan."

"Ano po ang gusto niya sa lalaki?" tanong niya.

"Aba'y baka kasing guwapo mo," pabirong sabi ng matandang lalaki. "Gusto mo ba siyang ligawan?"

"K-Kaibigan lang po ang turing ko sa kanya." Ang totoo ay di niya alam kung paano manligaw. Hindi sa pagyayabang, mga babae ang nanliligaw sa kanya. He was used to being propositioned wherever he goes. Interesado siya kay Aurora pero titingnan pa niya kung anong posibleng mangyari sa Isla Juventus.

"Kahit naman magustuhan mo si Aurora, di ka basta-basta papasa sa tatay niyang si Gener. May galit ata sa mga taga-lungsod ang isang iyon. Saka baka di ka rin tumagal sa isla. Nakow! Baka magmakaawa kang sumama agad pabalik ng Calbayog."

He hoped not. Ngayon pa lang niya mararanasang maging malaya. Ngayon pa lang niya mararanasan ang maging ibang tao. Ang maging si Alvaro Baltazar.

No. He was not someone else. Hindi ibang tao si Alvaro Baltazar. That was another side of him. Isang tao na di pinagagalaw ng showbiz. Hindi niya kailangang umarte. Dinidiskubre lang niya ang sarili niya na matagal na niyang di naririnig dahil nalunod na siya sa pagiging Ethan Ravales.

"Maari po nang humingi ng pabor sa inyo, Doc Tagle?"

"Kung kaya ko bang ibigay," anang matandang lalaki.

"Gusto ko sana na magrenta ng sariling bangka papuntang Isla Juventus. Magpapabili din ako ng supplies sa isla."

Lumabi si Doc Tagle. "Malaking halaga ang pinag-uusapan natin dito."

"Hindi po problema ang pera. Ayoko namang maging pabigat sa kanila habang nasa isla ako."

Ngumisi ang matandang lalaki. "Sabihin mo lang kung ano pa ang kailangan mo. Ako na ang bahala."

Ito na ang simula ng buhay niya bilang si Alvaro Baltazar. At nasasabik na siya kung ano ang naghihintay sa palalakbay na ito.