Chapter 16 - Chapter 16

"Sorry sa ginawa ni Mama. Hindi ka dapat niya pinagsalitaan ng hindi maganda," hinging paumanhin ni Kurt nang pauwi na sila sa mansion nila. Dapat ay tutuloy siya sa ospital pero sinabi nito na sasamahan na lang siya nito bukas na dalawin ang Tito Horacio niya.

Sinulyapan niya ito at malungkot na ngumiti. "Hindi naman ako ang sinaktan niya. Ikaw ang sinampal niya. Masakit ba?"

Akmang hahaplusin niya ang nasaktan nitong pisngi kanina nang pigilin nito ang kamay niya. As if he hated to be touched. "Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Sanay na ako. Manhid na nga ang pisngi ko sa kasasampal niya," kaswal nitong sabi. Na parang hindi nga ito nasaktan kahit kaunti sa pananakit ng ina.

"Ano? Lagi ka niyang sinasampal?" bulalas niya.

"Mula pagkabata ko," kwento nito. "Kapag may nagagawa akong mali, sinasaktan agad niya ako. Noong una, umiiyak ako. Bata pa kasi ako noon. Kapag hindi mataas ang grade ko o natatatalo ako sa competitions, lagi akong nakakatikim ng sampal sa kanya. Maswerte na ako kung sampal lang. Walang kasamang palo o kaya hindi ako tinatamaan ng kung anong mahawakan niya."

"How could she do that?" napakasimple namang bagay ang nagawa ni Kurt para saktan nito. Katulad kanina, pwede naman nitong pagsabihan lang ang binata pero sinampal pa rin nito. How could a mother be so harsh on her son?

"She was hard on losers. Ganoon siya ka-perfectionist. Gusto niya, matutupad lahat ng ambisyon niya. Hindi ko na kailangan pang ikwento sa iyo kung ano ang nangyari kay Papa. She berated him with cruel words when he lost the election."

"Kaya gusto mong pumasok sa politics dahil sa kagustuhan niya?"

"In a way, yes. At gusto ko ring patunayan sa kanya na hindi ako katulad ni Papa na mahina. Matutupad ko ang pangarap ko."

"Pangarap mo o pangarap ng Mama mo?"

Gusto ng Mama nito na maging politician's wife pero hindi ito nagtagumpay. Ngayon ay anak nito ang pinag-iinitan nito. Nakita niya kung gaano kasidhi ang kagustuhan nito na manalo si Kurt at muling mamayagpag ang pangalan nito. Paano magiging disenteng pulitiko si Kurt kung naroon ang Mama nito? All his mother wanted was prestige. While clean politics was all about public service.

"Pareho na rin iyon. Ito lang naman ang kaligayahan ni Mama. Pagbibigyan ko na siya. Baka kasi napapagod na rin siya sa kasasampal sa akin. Ayoko nang dagdagan pa ang sama ng loob niya kung susuwayin ko siya."

Noon niya naramdaman na parang hindi rin masaya si Kurt sa ginagawa. Pero may gusto itong patunayan sa sarili. She couldn't see the ambitious Kurt she hated. She could see the helpless little boy who was tortured by his mother physically and emotionally. That's why Kurt was so hard most of the time. Dahil ayaw nitong ipakita sa mga tao na may sugat sa puso nito. Sugat na nagmula sa walang puso nitong ina.

"Tell your mother that I won't allow her to hurt you anymore."

Gulat itong napalingon sa kanya. "Mukhang imposible ang hinihingi mo. Once you are my wife, the two of you would clash more. Lalo na't hindi ka isang puppet. Malamang sa akin niya ibunton ang galit kapag hindi mo siya sinunod."

Humalukipkip siya at lumabi. "Basta, hindi ako papayag. Magiging asawa na kita at hindi pwedeng tatratuhin ka niyang parang bata. You are already a grown man, Kurt. You are already responsible for your actions."

"Baka naman mas gusto mong ikaw na lang ang pumalit kay Mama sa pananampal sa akin," anito sa boses na may bahid na sarkasmo.

Namutla siya nang maalalang nasampal na niya ito dati. At dahil sa galit niya noon, tiyak niyang kahit sino ay matutulingag sa sampal niya. "I'm sorry, Kurt. I was mad at that time. Ikaw kasi…" Gusto niya itong sisihin pero hindi niya maituloy.

"Maybe I deserve that one," anito at hinaplos ang pisngi. "And like what I told you, I don't really mind if you want to slap me. Manhid na ang pisngi ko. And I won't hit you back if you want to strike. I promise!"

Lalo siyang na-guilty. Saan ba siya nakakita ng lalaki na papayag na sampal-sampalin na lang basta-basta? Definitely not Kurt Rieza. Malayo ito sa imaheng binuo niya sa isip. He was invincible. Pero defense mechanism lang nito ang touch-me-not manner nito. Hindi basta-basta masasaktan ng kahit ano. Iyon pala ay wala na itong nararamdaman talaga dahil bugbog na ito sa sakit.

"That would be the last time na sasampalin kita, Kurt. I won't slap you anymore. Hinding-hindi na kita sasaktan."

He suddenly aroused her protective instincts. Kahit kailanganin pa niyang sanggahin ang sampal na para dito sa susunod ay gagawin niya. Natitiyak niya na maraming tao pa ang gusto sumira dito. Magiging asawa na niya ito kaya hindi na siya papayag pa na may manakit dito.

At kapag nagkaanak sila, hindi rin siya papayag na mangyari ang ginawa kay Kurt ng Mama nito. Titiyakin din niya na hindi matutututo ng masamang asal ang magiging anak nila. Kahit siya pa mismo ang magdisiplina dito.

Natigilan siya nang mapansing anak na ang tinatakbo ng isip nila. Kae-engage pa lang nila. Kanina lang ay suklam na suklam siya sa ideyang iyon. Ngayon naman ay anak na ang iniisip niya. Paano sila magkakaanak ni Kurt kung wala silang planong I-consummate ang kasal nila? Kalokohan iyon!

Humimpil ang sasakyan sa harap ng mansion nila. Ipinagbukas siya ng pinto ng bodyguard nito at inalalayan siya ni Kurt na bumaba. "Bukas na natin ituloy ang usapan natin. Susunduin kita bukas para dalawin ang Tito Horacio mo."

She tiptoed and kissed him on the cheek on impulse. Maging siya ay nagulat sa ginawa. "Good night!" usal niya at dali-daling pumasok sa loob ng bahay nang makabawi. Luka-luka talaga siya. Bakit ba niya ginawa iyon? Na-shock siguro si Kurt. Sabi niya ay ayaw niyang magpapahalik dito. Tapos ngayon ay siya pa ang humalik.

Muntik na siyang himatayin sa tensiyon nang mag-ring ang cellphone niya. "Hello?" nanginginig ang boses niyang tanong.

"You don't have to kiss me. Professional ang mga bodyguards ko. Hindi sila katulad ng ibang mga tao na kailangan pa nating gawan ng eksena," sabi nito.

She pouted her lips. "Bakit ba? Gusto kong halikan ka, eh!"

"Why? I thought you don't want to kiss me? And it was unnecessary."

Naitirik niya ang mga mata. Bakit ba kailangan pa niyang magpaliwanag dito? Hindi ba ito pwedeng huwag nang magtanong dahil naiilang siya? Hindi naman kasi siya sanay na basta-basta humalik sa isang lalaki.

"I just want to make it up with you."

"For what?"

"Nasampal ka ng Mama mo dahil ipinagtanggol mo ako. Hinalikan kita para hindi mo na maalalang nasampal ka niya."

Mahina itong tumawa. "Parang gusto kong laging magpasampal sa kanya."

"Abusado!" bulyaw niya. Pero sa huli ay napangiti rin siya.

Kurt was starting to lighten up. Hindi na ito kasing-stiff nang dati. Kung magpapakasal sila, maybe she could help him heal some wounds. As his wife, she would protect him. Kahit na sa sarili pa nitong ina.

"IPINAKITA sa akin ng Tita Bettina mo ang diyaryo. Natuloy pala ang engagement party at ikaw na ang pakakasalan ni Kurt. Mabuti at hindi mo ako binigo, Atasha," sabi ni Horacio nang dalawin niya ito sa ospital kinabukasan.

Mas maayos na ang lagay nito dahil sa magandang balitang natanggap. Ilang araw pa ang ilalagi nito sa ospital at tiniyak ng doctor na patuloy ang paggaling nito kung wala na itong aalalahanin pa.

"I'm sorry, Tito. Hindi ko naman po intensiyon na pasamain ang loob ninyo. Kung alam ko lang, sa simula pa lang pumayag na akong magpakasal kay Kurt," aniya at ginagap ang kamay nito. "Ayoko pong mamatay kayo. Totoo iyon."

"I know. Nasabi ko lang iyon dahil sa galit ko."

"Pinapatawad na po ba ninyo ako?"

Malungkot itong ngumiti. "Ginawa mo na ang responsibilidad mo bilang isang Gatchitorena. Alam ko naman na kahit anong gawin mong pagmamatigas, hindi mo pa rin kami matitiis na kapamilya mo."

"Opo, Tito," mangiyak-ngiyak niyang usal. Malaki ang utang na loob niya dito dahil ito at si Bettina na ang tumayong magulang niya nang maulila siya.

"Pero tiyakin mo lang na hindi ka sisira sa usapan inyo ni Kurt. Huwag mong sisirain ang mga plano natin," mariin nitong babala. "Bigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin. Isipin mo ang pinaghirapan ng mga magulang mo at ng lolo mo. Kung magiging masunurin ka, walang magiging problema."

Pinahid niya ang luha. "Alam ko po ang responsibilidad ko."

Hindi na siya maaring magkamali pang muli. Wala nang patutunguhan ang pagmamatigas niya. Kailangan niyang pangatawanan ang desisyon. Para sa kapakanan ng pamana ng lolo niya at ng mga magulang niya.

Pumasok si Kurt at tumayo sa likuran niya. "Tapos na ang visiting hours. Aalis na po kami. Magpagaling kayo, Uncle Horacio. Para naman mayaya ko kayong mag-golf paglabas ninyo ng ospital."

Mahinang tumawa si Horacio. "Kailangan kong magpagaling agad para naman matalo na kita sa wakas sa golf."

Matapos magpaalam sa tiyahing si Bettina ay umalis na sila ni Kurt. "Kurt, ayoko munang umuwi. Kailangan nating mag-usap."

"Okay," anito at nagbigay ng instruction sa driver.

Maya maya pa ay humimpil sila sa isang building sa Bel-Air sa Makati. Sumakay sila ng elevator at pinindot nito ang buton ng penthouse.

"Saan tayo pupunta, Kurt?" tanong niya.

"Sabi mo gusto mong mag-usap tayo," anito at bumukas ang pinto ng elevator. Iginiya siya nito papasok sa isang eleganteng penthouse condo. Namangha siya dahil sa kakaibang disenyo at mamahaling painting at muwebles na naroon. Pati ang interior ay moderno rin. Simple lang kung tutuusin pero eleganteng tingnan ang lugar. "Dito ako tumutuloy kapag nandito ako sa Manila. Dito ka na rin tutuloy kapag kasal na tayong dalawa."

"Ibig sabihin wala kang planong kumuha ng bahay dito sa Manila?"

"Our family has a villa in Alabang. Pero makakasama mo si Mama."

"Ayaw mong doon tayo tumuloy kung sakali?"

"Mawawalan ka ng privacy at independence. Iyon ba ang gusto mo? Dahil kapag nandoon tayo, de numero ang kilos natin. Lahat ay pupunahin ni Mama. Masasakal ka lang. It is her territory after all. Magtiis ka na lang muna dito. Kapag maayos na ang lahat, saka tayo hahanap ng magandang villa. Saka mas madalas kang mag-I-stay sa Davao kaysa dito kapag congressman na ako," paliwanag nito.

Hindi na masama kung doon sila sa condo nito. Kaysa naman makasama niya ang Mama nito. Ayaw pa mandin niya sa lahat ay namamanduhan.

"Bakit dito mo ako idinala?" tanong niya.

"You will own this place soon. Dapat maging familiar ka na. And we have privacy here. I guess the things you wanted to discuss with me needed some privacy?" paniniyak nito.

"You are right."

"Drinks?" alok nito.

"I want familiarize myself around here. Ako na ang kukuha," aniya at tinungo ang refrigerator. Napangiti siya nang makita ang tomato juice. "Perfect!"

"I guess we should start discussing…"

"About what?" tanong nito at nilingon siya. Seryoso na naman ito.

"About the terms of this marriage."

Nagkibit-balikat ito. "Wala pa ring magbabago. I will marry you and you will retain your riches. Wala na kayong magiging utang. Tutulungan mo ako na manalo sa eleksiyon sa tulong ng impluwensiya ng pamilya ninyo at ipagpapatuloy ko naman ang kagustuhan ng lolo mo na buhayin ang political dynasty ninyo."

"But I am Atasha. I am not my malleable cousin, remember? I won't easily bow down to everything you want. Alalahanin mo na ayokong maging puppet. At gagawin ko pa rin kung ano ang gusto kong gawin."

"Sinabi mo nga kay Mama kahapon." Humalukipkip ito. "What do you want?"

"As your wife, may karapatan ako na pakialaman ang mga desisyon mo."

Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit ka magde-demand niyan? Alam mo bang ayoko sa lahat ay pinakikialaman ang mga desisyon ko? Sure, you can suggest but you can't order me around."

Umiling siya. "When it comes to politics, ako ang magsasabi kung ano ang dapat mong gawin. Alam ko kung ano ang makakabuti at makakasama sa iyo. Kaya kung may plano kang masama, kalimutan mo na. I don't want shady deals. Dahil ako mismo ang makakalaban mo!"

"Natitiyak mo ba talaga na gagawin ko iyon?"

"It is just a warning, Kurt. Dahil kapag gumawa ka ng kalokohan, ako mismo ang sisira sa mga ambisyon mo." Malay ba niya kung anong klaseng politics ang gusto nito at ng Mama nito. "My family's reputation is at stake here." Isa rin iyon sa dahilan kung bakit okay lang sa kanya na pakasalan ito. Para ma-monitor niya ang lahat ng kilos nito at tiyakin na hindi ito didikit sa masasasamang elemento.

"If you want to be my partner, so be it. But it means we have to revise some terms in our agreement.If you want to be my partner, we have to share everything."

"Everything?" mahina niyang tanong.

"No more secrets," sabi nito. "And I want you to be more honest with me. If you are after my shady deals, then you have to reveal your plans to me. No more attacks behind my back, Atasha. I hate that."

Tumango siya. "Okay."

"Another important thing." He tilted her chin up. "You must give me an heir."