"Ayoko sa kanya! Si Kimberly ang gusto kong makita. Siya ang gusto kong pakasalan mo!" sigaw ni Lola Anselma mula sa loob ng kuwarto.
Hindi sila nito nilabas ni Kurt nang dumating sila. Ni hindi sila makapasok sa kuwarto nito dahil galit na galit ito. Kaya kahit tapos na ang oras ng tanghalian ay pare-pareho pa rin silang hindi nakakakain.
"Lola, harapin naman ninyo kami ni Atasha. Kilalanin muna ninyo siya bago kayo magalit. She's also nice and…"
"Hindi! Oo, magkamukha at magpinsan nga sila ni Kimberly pero ayoko sa kanya! Kung siya ang pakakasalan mo, kalimutan mo nang lola mo ako. Magpasalamat ka dahil nagkasakit ako noong engagement party mo at hindi ako nakapunta. Kundi ay ineskandalo ko kayo ng babaeng iyan," sentimyento nito. "Hindi din ako pupunta sa kasal mo. Titiyakin akong magkakasakit din ako noon."
Mangangatwiran pa sana si Kurt nang pigilan niya ito. "Hayaan mong ako ang makipag-usap sa kanya."
"Come on, Atasha. That old woman has a temper. Minsan lang siya magalit pero matindi. Kahit akong apo niya, hindi siya basta-basta napapalambot. Naiisip ko tuloy na tumatanda nang paurong ang lola ko."
"Shhh!" saway niya dito. "Lalo siyang magagalit sa atin kapag narinig niya iyan. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya akong kausapin. But I will try."
"I'm sorry. Mukhang pati kay Lola mahihirapan ka."
Nakangiti niyang dinunggol ang braso nito. "Wala kang tiwala sa akin."
"Señorita, heto na po ang susi," anang kawaksi na inutusan niyang kumuha niyon. Hindi na kasi siya umaasa na pagbubuksan pa sila ni Lola Anselma. At nag-aalala siya dahil gutom na ito.
"Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tagasalo sa mga ibabato sa iyo ni Lola," sabi ni Kurt nang mabuksan na ang pinto.
"Kaya ko na iyon," kampante niyang sabi at pumasok sa kuwarto.
Naabutan niyang nakaupo sa tabi ng bintana si Lola Anselma. Ni hindi man lang siya nito nilingon nang pumasok siya. "Kurt, sinabi ko na sa iyong ayokong makita ka at ang babaeng iyan. Bumalik na kayo sa Maynila!"
"Lola, si Atasha po ako," malambing niyang sabi.
Lalong nanigas ang leeg nito sa pag-iwas ng tingin sa kanya. Para itong bata na hindi napagbigyan. She was acting like a spoiled brat. No wonder, malala ang topak ni Kurt. May mga pagmamanahan.
"Bakit ikaw ang pakakasalan niya? Alam mo naman siguro na si Kimberly ang mahal niya. Bakit nagawa mo iyon sa pinsan mo? Hindi ka ba nahihiya?"
Walang kibo siyang lumapit dito at inilapag sa harap nito ang isang maliit na kahon na naglalaman ng hikaw na ibinigay nito sa kanya noon. "Ayoko pong makipagtalo sa inyo. Gusto ko pong ibalik sa inyo ito. Lalabas na po ako."
Palabas na siya ng silid nang tawagin siya nito. "Atasha, paano ito napunta sa iyo? Ipinabalik ba ito ni Kim?" Mangha siya nitong tinitigan. "Huwag mong sabihin…"
"Ako po ang ipinakilala ni Kurt bilang si Ate Kim noong nandito ako," kumpisal niya. "Nasa isang medical mission po si Ate Kim noon. Ayaw po ni Kurt na sumama ang loob ninyo kapag hindi ninyo nakilala ang girlfriend niya. Huwag po sana kayong magalit. Hindi po namin intensiyon na lokohin kayo."
"Bakit ikaw ang pakakasalan niya at hindi ang pinsan mo?"
"Ang mga tito ko po ang may gusto na ipakasal sila ni Ate Kim. Ayaw ko po kasi sa kanya noong una. Pero nalaman namin na in love kami. Kaya nag-decide na magparaya si Ate Kim sa amin," kagat-labi niyang kwento. Sana lang ay convincing siya. Nakaka-konsensiya na magsinungaling dito. Everytime they talk, she always feed her lies. Pero ayaw naman niyang pasamain ang loob nito. Dahil maaring ito lang ang taong totoong pinahahalagahan ni Kurt.
"Totoong mahal mo ang apo ko?"
Nakayuko siyang tumango. "Mahal ko po si Kurt."
Napatda siya nang bigla siya nitong yakapin. "Mabuti at ikaw ang pinili ng apo ko. Noong unang kita ko pa lang sa iyo, gustong-gusto ko na kayong dalawa."
"Hindi po kayo galit?"
"Paano ako magagalit sa babaeng nagmamahal sa apo ko? Huwag kang magsasawa sa pagmamahal sa kanya." Inilagay nito sa kamay niya ang kahon ng jade earrings. "At sa iyo na ito. You are the rightful owner of this earring and my grandson's heart as well. Hindi ako nagkamali sa iyo."
Sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang welcome siya sa pamilyang iyon. Parang bigla siyang nagkaroon ng kakampi. At least, may isang tao siyang napasaya sa pagpapakasal nila ni Kurt nang walang anumang vested interest. All Lola Anselma wanted was Kurt's happiness. Sana nga ay maibigay niya iyon.
"Kurt, pwede ka nang pumasok!" tawag ni Lola Anselma dito.
"Okay na kayo, Lola? Wala na kayong topak."
Hinampas nito sa balikat si Kurt. "Anong topak? Naglalambing lang ako. Alam mo naman ang mga tumatanda."
"Akala ko matitiis ninyo kami ni Atasha," sabi ni Kurt at niyakap ito.
"Huwag ako ang lambingin mo kundi ang girlfriend mo. Gusto kong makita kung mahal nga ninyo ang isa't isa. Halikan mo siya."
"Po?" namumula niyang bulalas.
"Lola naman," angal ni Kurt.
Kinurot nito si Kurt sa tagiliran. "Noong una, pinalagpas ko na basta mo na lang siya hinalikan. Naiintindihan ko na ngayon dahil hindi mo pa naman talaga siya nobya noon. Pero ikakasal na kayo. Walang masama kung makita ko. Sa akin pa ba naman kayo mahihiya?"
Kung noon ay nagagawa niyang ngumiti nang pilit kapag hahalikan ni Kurt, ngayon ay kinakabahan na siya. "Don't be tensed, Atasha. Trust me," bulong ni Kurt sa kanya. She never doubted his expertise. He was a very ardent kisser.
Wala siyang tiwala sa sarili niya. Just a simple touch, a simple kiss, she would explode. Nawawala na siya sa sarili niya. She just let her senses take over.
She closed her eyes when he kissed the corner of her mouth while breathing his name. Tuluyan na niyang ipinaubaya ang lahat dito. She loved the taste of his mouth. The taste of him. She wondered if other men could make her feel that way. Ni hindi niya ma-imagine na kaya niyang magbigay nang ganoong klaseng intensidad sa ibang lalaki. O kung hahayaan niya ang ibang lalaki na halikan siya.
Kurt had branded her. She was exclusively his.
Parang napaso sila at biglang naghiwalay nang tumikhim si Lola Anselma. "Hihintayin ko na lang kayong dalawa sa komedor. Parang hindi ko na kayo mahihintay pa na matapos," nanunuksong sabi nito at lumabas ng kuwarto.
Tuluyan na ba talaga siyang nabaliw? Hindi lang ang mga labi niya ang basta niya ipinamahala dito. She was thinking about surrendering her whole self and her entire life to him. Kailan pa siya naging pag-aari ng iba? At sa harap pa ni Lola Anselma siya tuluyang nawala sa sarili.
Nag-init ang pisngi niya nang magkatinginan sila ni Kurt. "I wonder, hindi ka pa naman ganoon kagaling nang una kitang halikan. Saan ka nagpa-practice?"
Pabiro niya itong sinuntok sa sikmura. "Excuse me, ikaw pa lang ang lalaking nakakahalik sa akin. Anong palagay mo sa akin? Kung kani-kanino humahalik? Itutulad naman ako sa iyo na maraming willing practice partner."
"Jealous?"
"Dream on, Kurt! Ilusyunado!" aniya at iniwan itong mag-isa sa kuwarto.
Hindi nito malalaman na nagngingitngit nga siya tuwing maiisip kung sino-sinong mga babae ang nauna sa buhay nito. Pero hindi siya nagseselos! Hindi nga lang niya alam kung ano ang tawag sa nararamdaman niya.
"CONGRATS, Atasha! Nagulat talaga ako nang malaman kong kayo ang na-engaged ni Kurt. You rocked the whole country," excited na sabi ni Ruth nang dalawin siya nito sa hacienda nila sa Davao. In-update siya nito sa mga activities ng grupo nila at inaayos din nila ang mga schedule nila. Habang si Kurt naman ay kausap ang ilang tauhan sa hacienda para tiyakin na maayos ang pamamalakad niyon.
"I was shocked myself. I already gave up on him. Dahil akala ko, wala siyang nararamdaman para sa akin. Akala ko mas magiging masaya siya kay Ate Kim."
"Kung ano-anong hindi magagandang tsismis ang naririnig ko. Nagtataka sila kung bakit ikaw ang pinakasalan ni Kurt sa halip na ang pinsan mo. Ayaw mo kasi kay Kurt noon. But who cares? Love prevails! Good thing you were able to save your love on time. Mahirap kung maikakasal si Kurt sa babaeng hindi niya mahal."
Mahina siyang tumawa. "Hindi ka naniniwala na pinikot ko siya o ginayuma? Iyon kasi ang sinasabi ng karamihan."
"Parang hindi ko kilala si Kurt. Sa akin siya nagtanong tungkol sa mga bagay na gusto mo noong gusto ka niyang ligawan dati, hindi ba?"
"Yeah, my traitor friend," pabiro ngunit sarkastiko niyang sabi.
"Dapat kang magpasalamat sa akin. I squealed the information to the right man. Worth it naman ang pantatraidor ko sa iyo, hindi ba?"
"Hindi ko tuloy alam kung yayakapin kita o sasakalin kita."
"Just don't mind the losers who were crazy over Kurt. Marami ka tiyak na maririnig na pahaging sa mga babaeng iyon sa susunod nating meeting. Hayaan mo na lang sila. Ang importante, masaya ka."
Niyakap niya ito. "Thank you. Basta abay ka sa kasal ko, ha?"
"Señorita, gusto po kayong makausap ni Sir Denzel," anang kawaksi na sumingit sa usapan nila ni Ruth.
"Papasukin mo siya."
"Mabuti naman at nagpakita ang lalaking iyon," sabi ni Ruth. "Wala pala siya sa engagement party mo dahil nasa States siya. Magugulat iyon tiyak."
Isang galit na galit na Denzel ang pumasok sa loob ng bahay. Ni hindi man lang ito nag-abalang batiin silang dalawa ni Ruth. "Anong kalokohan ang ginawa mo, Atasha? Nalingat lang ako sandali, magpapakasal ka na sa iba."
Natigagal si Ruth sa inasal nito. "Denzel, sandali lang…"
"Huwag kang makialam dito!" bulyaw ni Denzel.
"Pumunta ka muna sa kitchen, Ruth. Pakisabi sa kanila na ikuha ng miryenda si Denzel," aniya sa magaang tono. Hindi siya nasindak sa galit ni Denzel.
"S-Sige," anang si Ruth na nag-aalangang iwan silang dalawa.
"Maupo ka," yaya niya kay Denzel nang silang dalawa na lang sa sala. "O gusto mo bang doon na lang tayo sa garden mag-usap?"
"Manloloko ka, Atasha!" sa halip ay sagot nito. Ni hindi ito nailang kung maeskandalo man sila sa sarili niyang pamamahay. "Pinaasa mo ako! Akala ko may pag-asa na tayong dalawa. Pinaglaruan mo lang ako."
"Kailan kita niloko?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"I loved you since we were kids and you know it. Akala ko gusto mo rin ako. Naramdaman ko iyon. Sinabi mo rin sa akin na hindi ka interesado kay Kurt. Pero ngayon, pakakasalan mo na siya. Manloloko!"
"Wala kang karapatang magalit sa akin, Denzel. I made it clear from the start that I only see you as a friend. I never lead you on. Kung nagsinungaling man ako, iyon ay ang pagsasabi kong hindi ko gusto si Kurt. Nagsalita ako ng tapos. Pero hindi mo ako masisisi kung mahal ko siya."
"Mahal? That's crazy! How could you love someone like him? Ikaw na ang nagsabi sa akin na hindi mo siya gusto."
Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Hindi ko naman alam kung bakit basta na lang ako na-in love sa kanya."
"Wala ka ring ipinagkaiba sa mga babaeng baliw sa kanya. What a shame!"
"Kahit ano pang sabihin mong masakit, hindi magbabago ang desisyon ko. I am sorry, Denzel. Bilang kaibigan man lang, sana maintindihan mo."
Nakuyom nito ang palad. "Hindi kita maiintindihan kahit kailan."
"You are special to me, Denzel. At kung espesyal din ang trato mo sa akin, tatanggapin mo kung ano ang makakapagpasaya sa akin."
"If I am really special, you won't love anybody else. Akala ko magugustuhan mo na ako. Na sapat na ang ibinigay kong panahon sa iyo para tanggapin ako. I even planned to propose once I am back from States. Tapos ito lang pala ang maabutan ko," naghihinanakit nitong wilka.
Napabuga siya ng hangin. Sa halip na maglubag ang loob nito ay lalo pang lumala ang sitwasyon. "You are a special friend. But I don't love you," she stated bluntly. Ayaw sana niyang talampakin ito pero iyon lang ang makakagising dito. "I am sorry kung hanggang doon lang ang maibibigay ko sa iyo."
Saglit itong napatitig sa kanya. "At si Rieza…"
"I love him," mahina niyang usal. Hanggang ngayon ay alien pa rin ang emosyon na iyon sa kanya. At kahit na paulit-ulit na niyang nasasabi sa ibang tao, hindi pa rin siya bihasang magsinungaling. Kung nandoon lang sana si Kurt para tulungan siya, mas madali siyang mamo-motivate.
"Liar! You don't love him!" kontra ni Denzel.
"May problema ka ba sa girlfriend ko, Denzel?" tanong ni Kurt na nakatayo sa pinto ng villa. He was a like savior to her and Denzel was the major villain. Mabilis siyang humangos sa tabi nito. Dahil silang dalawa lang ang magkakampi.
"It is really nothing, Kurt," kaila niya. "Dumalaw lang siya para I-congratulate tayo sa engagement natin." Sana lang ay makaramdam si Denzel. Pwede siya nitong sigaw-sigawan pero hindi si Kurt. Hindi niya alam kung hanggang saan ang extent ng temper nito. At ayaw niya ng gulo sa pamamahay niya.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo kay Atasha," anang si Denzel at dinuro-duro si Kurt. "Pero hindi ako papayag na sayangin niya ang buhay niya kasama ka. Gagamitin mo lang siya. Hindi mo siya kayang mahalin."
Nakayuko siyang kumapit sa braso ni Kurt. Totoo ang sinabi ni Denzel pero hindi niya magawang iwan si Kurt nang mga oras na iyon.
"Paano mo natiyak na hindi ko siya mahal?" naghahamong tanong ni Kurt.
"How could I believe you? First, you were supposed to be engaged to her cousin. Now you are marrying her. That's lunacy. Hindi ko alam ang totoong istorya kung paanong kayo ang ikakasal ngayon. Pero natitiyak ko na hindi mo mahal si Atasha. Malamang, pinaikot at inuto mo lang siya."
"Stop it, Denzel!" Ayaw na niyang galitin pa nito si Kurt. Baka masabi na naman ni Kurt na mahal siya nito kahit na di totoo.
"Pabayaan mo siyang magsalita, Atasha," malumanay na utos ni Kurt sa kanya. Ni hindi man lang ito natinag sa mga paratang ni Denzel kahit na totoo.
"Mahal ko si Ash. Handa akong patunayan iyon. I can make her happy," matatag na sabi ni Denzel.
"It doesn't matter if you love her and you can make her happy. It is my job now. You lost your chance, Denzel. Nagdesisyon na si Atasha. Ako ang pakakasalan niya," deklara ni Kurt at inangat ang kamay niyang may suot na engagement ring saka mahigpit iyong ginagap pagkatapos.
Hindi niya matagalang tingnan ang bigong anyo ng kaibigan at napayuko siya. Hindi man niya mahal si Denzel pero kaibigan pa rin niya ito. Ayaw niyang masaktan ito. "I'm sorry, Denzel," mahina niyang usal. "Makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sa iyo. Magkaibigan pa rin naman tayo…"
"That's bullshit! Hindi ako masisiyahan na maging kaibigan mo lang!"
"If you are man enough, you have to accept defeat," payo ni Kurt at mahigpit na iniyakap ang braso sa balikat niya.
Umaalimpuyo ang galit sa mga mata ni Denzel nang magpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa ni Kurt. As if he wanted to hit the two of them but he can't. Kurt would never allow that. "You'll regret this, Ash! Dahil ako lang ang totoong lalaking magmamahal sa iyo. Pero binalewala mo lang ako. Tinitiyak ko sa iyo na hindi ka magiging masaya sa lalaking iyan. Magiging akin ka rin!"
Kinilabutan siya sa huling salitang iniwan ni Denzel sa kanya bago umalis. Hindi niya inaakalang doon magtatapos ang pagkakaibigan nila.
"Denzel, wait!" sabi ni Ruth at nagmamadali itong hinabol.
"I hope that he would be okay," sabi niya at lalong isiniksik ang katawan kay Kurt. Parang ito lang kasi ang nakakaintindi sa totoong nararamdaman niya.
"Kasama niya si Ruth. Denzel would be okay. Malay mo, magiging masaya din siya para sa atin kapag nahulasan na siya."
"I hope it would work that way. At makahanap na rin siya ng ibang babaeng magpapasaya sa kanya. Para hindi na siya masaktan," hiling niya.
"Nagsisisi ka ba dahil ako ang pinili mo at kailangan mong magsinungaling sa kanya na mahal mo ako?"
"I refused his love a long time ago. Wala nang bago doon," aniya sa pilit na pinagaang boses. "Kahit na ikasal pa ako sa iyo o hindi, hindi ko siya kayang mahalin. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."
"I'm sorry. Baka hindi kita kayang mahalin tulad ng sinasabi natin sa kanila."
"I am not obliging you. Tulad ng hindi mo pag-oobliga sa akin na mahalin ka." At least hindi ito katulad ni Denzel na ipinipilit ang sarili sa kanya.
"Hindi kasama sa pangarap ko na may babaeng magmamahal sa akin o kung magmamahal rin ako. Imposible iyon. Kalokohan na magmahal nang walang kapalit. I am afraid to take something because I don't have anything to give. So don't commit the stupid mistake of falling in love with me."
Mahina siyang tumawa. "Masyado ka namang seryoso."
Subalit nanatiling seryoso ang anyo nito. Nakadama siya ng lungkot para dito. You have something to give, Kurt. Natatakot ka lang. O baka hindi mo alam sa kaibuturan ng puso mo na kaya mo. Maybe if I could learn to love you a little, you could learn. I hope I could.