Chapter 21 - Chapter 21

Pilit na bumangon si Atasha kahit na masakit pa ang ulo niya. May hangover siya dahil sa pakikipagsaya kina Denzel at Ruth. Alas kuwatro na ng madaling araw nang patuluyin siya ni Ruth sa isa sa mga kuwarto sa resthouse nito. Kaya naman mataas na ang araw saka pa lang siya nagising.

Hindi siya dapat magpatanghali ng gising dahil hindi siya nagpaalam sa bahay nila. Tiyak na magtataka ang mga tao doon kung nasaan siya. Maging kay Kurt at hindi niya sinabi sa tindi ng tampo niya dito.

Paglabas niya ng kuwarto ay naabutan niya si Denzel na papunta sa kuwarto niya. "Good morning! Masakit ba ang ulo mo."

"Hindi masyado," kaila niya. "Where is Ruth?"

"Umalis na siya dahil kailangan siya sa restaurant."

"Aalis na rin ako." Wala siyang planong makasama nang matagal doon si Denzel nang silang dalawa lang.

"Kumain ka muna," pigil nito sa kanya. "Nagluto si Ruth para sa atin. Ibinilin niya sa akin na samahan kita dito."

"Thank you," sabi niya at tahimik na dumulog sa breakfast table. Pagbibigyan niya ito dahil ayaw niyang sumama ang loob nito. Nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan nila mula nang ma-engage sila ni Kurt. Ayaw niyang tuluyan iyong masira dahil iilan lang ito sa mabubuting kaibigan niya.

Nangangalahati na siya sa pagkain nang marinig niya ang ugong ng sasakyan sa labas. Bumilis ang pintig ng puso niya dahil alam niyang si Kurt iyon.

Tatayo na sana siya para salungin ito nang pigilin siya ni Denzel. "Ako na lang ang sasalubong," sabi nito at tinungo ang pinto.

Pinigil niya ang sarili na tunguhin ang pinto nang marinig ang boses ni Kurt. "Nandito si Atasha sabi ni Ruth," pormal nitong tanong kay Denzel.

"Ang lakas naman ng loob mo, Rieza. Matapos mo siyang paghintayin nang matagal, kinalimutan mo ang birthday niya, basta ka na lang babalik at sasabihin mong susunduin ka niya? Hindi siya sasama sa iyo."

Napasugod siya kay Denzel. Wala siyang sinabi na hindi siya sasama kay Kurt kungj sakaling susunduin siya nito. "Denzel, hindi naman kailangang…"

"Diyan ka lang! Ako ang makikipag-usap sa kanya!"

"Gusto ko lang makausap si Atasha," malumanay na sabi ni Kurt.

He looked ruffled and tired. As if he had a long night. She wanted to come to him and comfort him. Mukhang malaki ang problemang kinaharap nito nang nagdaang gabi. Pero tuwing maiisip niya na tungkol iyon sa trabaho, muling nananariwa ang sama ng loob niya.

"Ayaw ka niyang kausapin!" kontra agad ni Denzel.

Direkta siyang tiningnan ni Kurt. "Pwede ba?" tanong nito sa kanya. Nakikiusap ang mga mata nito. Hindi nag-uutos.

"Can you leave us for a while, Denzel? I want to talk to Kurt alone."

"Makakausap mo siya pero dito lang ako sa tabi mo," sabi ni Denzel at humalukipkip. Desidido itong magbantay sa kanya.

"I want to apologize for not coming the other night."

"Alam ko naman kung gaano kaimportante ang trabaho mo," sarkastiko niyang sabi at hindi napigilang ibulalas ang sama ng loob. "After all, birthday ko lang naman ang na-miss mo. Naghintay lang naman ako sa iyo nang ilang oras."

"I'm sorry," anang si Kurt at napayuko. "Nagkaroon ng aksidente sa site ng bagong resort na itatayo ko. Nasunog ang barracks ng ilang mga tauhan ko. I have to go there right away."

"May nasaktan sa mga tauhan mo?" bulalas niya. "Are they okay?"

"Yeah. Pero nahirapan kami dahil gabi nangyari ang aksidente. Mabuti na lang at wala sila sa kritikal na kondisyon."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" aniyang may himig paninisi. Hindi sana siya nagalit dito agad. Maiintindihan naman niya ito. Lalo tuloy siyang na-guilty.

"Walang signal doon. Kita mo naman, nakatawag ako sa iyo pero sandali lang. Akala ko makakahabol pa rin ako. I don't want to spoil your birthday."

"But you did!" sabat ni Denzel sa usapan nila. "Pinagmukha mo siyang tanga. At ipinamukha mo sa kanya na importante pa ang ibang tao kaysa sa kanya. Dahil kung mahal mo talaga si Atasha, walang mas importante kundi ang birthday niya. Ano ngayon kung may nadisgrasyang ibang tao? Pwede namang mga tauhan mo ang umasikaso sa kanila. Hindi mo na kailangan pang pumunta doon."

"Stop it, Denzel!" saway niya dito. Lalo tuloy siyang nakadama ng guilt. Habang puro pagkamuhi sa trabaho ni Kurt ang naramdaman niya, pilit naman nitong sinusuportahan ang mga tauhan na nakikipaglaban kay Kamatayan.

"Totoo naman, ah!" depensa ni Denzel. "Kaya hindi ka niya masisisi kung mas pinili mo akong makasama sa birthday mo kaysa sa kanya."

"Tama ka. Hindi ko nga siya masisisi," sabi ni Kurt.

"Inimbitahan lang namin ni Ruth si Denzel nang hindi ka makarating." Ayaw kasi niyang isipin ni Kurt na niloloko niya ito.

Naging malungkot ang mga mata ni Kurt. Hindi niya alam kung bakit. Noon lang ito nagpakita nang emosyon. "Gusto ko sanang I-celebrate natin ang birthday mo kahit na late na. Akala ko kasi maiintindihan mo ang nangyari. But I guess I am too late." Inilagay ito sa kamay niya ang isang asul na parihabang kahon. "That is my birthday gift. Dapat kagabi ko ito ibibigay sa iyo. Pero hindi ako nakarating. I hope you accept it. Be happy, Atasha. Happy birthday," may kahinaan nitong usal subalit punong-puno ng emosyon.

Tulala siya nang kintalan siya ni Kurt ng halik sa noo at bumalik na sa sasakyan nito. Hindi siya makagalaw sa sasakyan kahit nang humarurot na ang sasakyan palayo. Gusto sana niyang sabihin dito na pinapatawad na niya ito. Gusto niyang mag-sorry sa mga kasalanan niya. Akala niya ay isasama siya nito paalis. Pero bakit basta na lang siya nito iniwan?

"Istorbo!" maangas na tungayaw ni Denzel. "Ituloy na natin ang agahan, Atasha. "Wala na ang asungot."

Walang kibo niyang binuksan ang kahon at tumambad sa kanya ang isang kuwintas na may pendant na lapis lazuli. It was made just the way she liked it. Ipinagawa iyon ni Kurt mismo para sa kanya. Para pasayahin siya sa birthday niya. Pero hungkag ang kaligayahang iyon dahil wala na si Kurt.

Isinara niya ang kahon. "I-I have to go."

"Why are you leaving? Hindi pa tayo tapos mag-breakfast," tanong ni Denzel at mahigpit na pinigilan ang kamay niya.

"Kailangan kong habulin si Kurt."

"Ako na ang pinili mo kaya ka nga hindi sumama sa kanya, hindi ba? Bakit mo pa siya pupuntahan?"

"Pinili? I never choose you, Denzel."

"But you stayed with me," anito sa nanginginig na boses. Hindi maka-paniwalang ni-reject niya itong muli.

"I appreciate your concern. Lalo na nang I-celebrate mo ang birthday ko kasama ako. But I want to make things clear. I love Kurt."

"Galit ka sa kanya kagabi," paalala nito.

"Kagabi iyon."

"Narinig mo lang ang palusot niya, naniniwala ka naman. Can't you see? You don't mean a thing to him!"

Mariin siyang napapikit dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang pakiramdam niya. Despite of the surprises and the efforts, Kurt doesn't love her. "Nothing has changed, Denzel. I still love Kurt and you will always be my friend. At kahit anong mangyari, si Kurt pa rin ang pipiliin ko."

"Sige, habulin mo siya. Tingnan natin kung tanggapin ka pa niya," nakangisi nitong sabi. "I am sure na iniisip niyang may relasyon na tayong dalawa. Hindi ka na niya pakakasalan. Sisirain mo lang ang career niya. Sa akin ka rin babagsak."

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi pa rin kita mamahalin," mariin niyang sabi at iniwan ito. Marami siyang dapat na itamang pagkakamali. Katulad na lang ng pilit niyang paglaban sa nararamdaman niya kay Kurt.

Anuman ang isipin ni Kurt sa kanya, hindi na niya itatago pa ang pagmamahal dito. Handa siyang patawarin ito. Sana lang ay mapatawad siya nito.

GUSTO nang wasakin ni Atasha ang cellphone sa sobrang inis. Napu-frustrate na siya dahil ayaw siyang kausapin ni Kurt. Kanina pa niya ito tinatawagan sa opisina at sa cellphone nito pero ayaw nitong tanggapin ang tawag niya.

She felt more dreaded than ever. Mas malala pa sa hindi nito pagpunta sa birthday date nila. Naniwala ba si Kurt na may relasyon sila ni Denzel? Akala ba niya ay hindi siya nito hahayaang mapunta sa ibang lalaki. Bakit wala itong ginagawang hakbang para iyon ang gawin. Ayaw niyang mapunta kay Denzel. Ito ang gusto niya. Pero paano niya ipapaliwanag ang totoo kung ayaw siya nitong kausapin? Kapag hindi siya nakatiis, susugurin niya ito sa opisina nito.

"Where is she? Iharap mo sa akin ang amo mo!"

Napatayo sa kinauupuan si Atasha nang marinig ang boses ng Mama ni Kurt. Kapag ito ang dumadating, malaking problema ang ibig sabihin.

"Ma'am, ayaw po niyang magpaabala," sabi ng dalagitang kawaksi na si Mercedita. Pero sa pakiwari niya ay namumutla na ito sa takot.

Pinandilatan ito ng mata ng mama ni Kurt. "Hindi mo ako kilala? Anak ko ang nagpapasweldo sa iyo. Sa amin ang lupaing ito. Pwede kitang sesantehin ora mismo. Kaya ilabas mo na ang amo mo."

Minabuti niyang sumaklolo bago pa mapaiyak si Mercedita. "Good morning, Ma'am," magalang niyang bati dito.

Napapatda siya nang basta na lang siya nitong sampalin. "Inggrata! Ang lakas ng loob mo na lokohin ang anak ko."

"Hindi ko po niloko si Kurt," tanggi niya. Hindi niya ipinakitang nasaktan siya. In a way, she deserved the slap. Pero hindi sa dahilang sinabi nito.

"Akala mo ba, hindi ko alam? Maraming nakakita na kasama mo ang Denzel na iyon. Masayang-masaya daw kayong dalawa. Sinabi na nga ba't hindi ka mapagkakatiwalaan. Kaya ayoko sa iyo. I'm sure matagal mo nang niloloko ang anak ko. Pera lang ang habol mo sa kanya."

"Hindi po ninyo alam ang totoong nangyari. Kasama namin ni Denzel si Ruth. Ayaw kasi nilang mag-celebrate ako ng birthday nang mag-isa."

"At sa palagay mo maniniwala ako sa palusot mo? Kalat na kalat sa buong bayan ang kalandian mo. Kinaladkad mo sa kahihiyan ang anak ko. Makapal talaga ang mukha mo!"

Gusto niyang depensahan ang sarili sa Mama ni Kurt pero hindi niya alam kung anong klaseng paliwanag pa ang dapat niyang gawin. Kung sasabihin niyang mahal niya si Kurt, hindi ito maniniwala. Walang maniniwala sa kanya.

"Ma, that's enough!" pigil ni Kurt dito at hinila ito palayo sa kanya.

Napako siya sa kinatatayuan. Dumating si Kurt para depensahan siya. Akala kasi niya ay habambuhay itong iiwas sa kanya. Hindi siguro siya nito matiis.

"Ipagtatanggol mo pa ang babaeng iyan? Gusto kong hiwalayan mo siya!" mariin nitong utos. "Simula pa lang, alam kong manloloko ang malditang iyan."

"Kami ang bahalang mag-usap, Ma," mariing sabi ni Kurt.

"Remember this, Kurt! I will never accept that tramp. Sisirain lang niya ang lahat ng pangarap natin. Huwag mong hayaang mangyari iyon."

"Melo!" tawag nito sa family driver nito. "Pakihatid si Mama sa bahay."

"Tayo na po, Ma'am," magalang na sabi ni Melo.

Subalit hindi pa rin siya tinantanan ng Mama ni Kurt bago umalis. "Magsisisi ka sa panghihiya mo sa pamilya namin. Maghihirap ka at wala kang ihaharap sa iba. Doon ka bagay dahil wala kang kwenta."

Ganoon na ba kalaki ang naging pagkakamali niya? Siguro nga. Kung hindi sana siya nagrebelde agad. Kung inintindi lang niya si Kurt, hindi sana magagalit sa kanya ang Mama nito. Hindi sila pagtatampulan ng tsismis. At hindi rin sila magkakasira ni Kurt.

"Sinaktan ka ba niya?" tanong agad ni Kurt at hinaplos ang pisngi niya. "Pasensiya na sa ginawa ni Mama. Hindi ko alam na susugurin ka niya dito. Tiyak na kung anu-anong tsismis na naman ang nasagap niya sa mga amiga niya."

Malungkot siyang ngumiti. "I can't blame her. She wanted to protect you."

"Pero wala pa rin siyang karapatan na saktan ka. Don't worry, hindi ka na niya guguluhin kahit kailan. Ipinapaayos ko na ang announcement na cancel na ang kasal natin."

Natigagal siya. "What?"

"I want everything to be formal. Para hindi na magugulat ang mga tao kapag nalaman nilang hiwalay na tayo."

"Dahil kay Denzel kaya ayaw mo akong pakasalan? Naniwala ka sa kanya na may relasyon kami? O baka naman sinusunod mo ang utos ng mama mo na huwag akong pakasalan dahil magiging sakit lang ako ng ulo sa iyo."

"Sarili kong desisyon ito, Atasha. I am giving you the freedom to choose. Mali na pilitin ka noon ng pamilya mo na ipakasal sa akin. Dahil sa ambisyon ko, ikaw ang nasasaktan. Kung si Denzel ang mahal mo, hindi kita sisisihin. Mahal ka ni Denzel. He can give you the time, care and love that I can't give you."

"Pero ikaw ang gusto kong pakasalan, Kurt."

"Iniisip mo ba ang utang ng pamilya mo? Bayaran mo iyon kung kailan mo gusto. Kahit na hindi mo bayaran. Wala na akong planong pang bawiin sa inyo. You don't have to sacrifice yourself anymore. Think about your happiness."

"I love you, Kurt!"

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at niyugyog. "Stop fooling yourself, Atasha!" anito sa naghihirap na boses. As if he wanted to believe him but his logic cannot accept it.

"Sino ba ang may sabi sa iyo na gusto kong mahalin ka? Denzel told me that I was a fool to love you. You are starting to act like my father. Laging wala tuwing okasyon. Kaming pamilya niya least sa priorities niya. You are the man that I would never dream of marrying or loving. Ayokong matulad sa Mama ko. Nang pumayag akong magpakasal sa iyo, sinabi ko na hindi ako masasaktan dahil hindi naman kita mahal. Pero nasasaktan na ako sa pambabalewala mo sa akin. Because I love you! And worse, you can't love me back."

Niyakap siya nito. "I'm sorry."

"Don't feel sorry for me. I already feel sorry for myself," she said in a light voice. "Pero hindi ko naman pinagsisisihan na mahalin ka."

"I wish you don't love me. How could I marry you now that you love me?"

"Bakit naman? Hindi ka ba masaya?"

"Sinabi ko na sa iyo noon na huwag na huwag kang mai-in love sa akin. Dahil magiging unfair sa iyo. At magiging selfish naman ako dahil gusto kong maranasang mahalin. I can't help it. Now that I know that you are mine, I won't let you go."

"Then don't. Iyon nga ang gusto kong mangyari," aniya at ngumiti. Kurt kissed her, his mouth was demanding. And she gave everything. Iyon lang naman ang gusto niyang marinig kay Kurt. Na hindi siya nito itataboy palayo.

Hindi na mahalaga kung ano lang ang kaya nitong ibigay. Mas importante na maiparamdam niya dito ang pagmamahal niya. Na di niya ito iiwan.

"Pero paano kung hindi kita kayang mahalin? Hindi ko alam kung paano ba talaga magmahal. I would love to love you but I don't know how. Paano kung akala ko pagmamahal nga ang pinararamdam ko sa iyo pero mali naman? You'll leave me and I will be alone again. What if I am not strong enough to love you? Kaya kitang protektahan at alagaan pero baka hindi kita kayang mahalin."

"Don't force yourself. I am not asking you to love me back. I won't ask you for anything at all. Dahil mamahalin pa rin kita."

Mahigpit siya nitong niyakap. "Nagselos ako nang makita ko kayong magkasama ni Denzel. I thought you wanted out. Na hindi mo na ako matatagalan. Natatakot ako. I don't want to be alone anymore."

She thought she was vulnerable with him. But he was more vulnerable without her. It felt so good that he wanted her to stay as a special part of her life.

"Hindi kita iiwan. Iintindihin ko kapag hindi ka uuwi nang maaga. Kung mag-isa akong magse-celebrate sa mahahalagang okasyon. I won't be so demanding."

Pinisil nito ang baba niya. "At kapag may special occasion na hindi ako makakarating, pipilitin kong bumawi. Promise."

"I am not asking you to promise me anything."

"But I want to commit to you anyway." Kinintalan siya nito ng halik sa labi. "I can't love you yet. But maybe I can carry out a promise."