"Am I late?" tanong agad ni Atasha nang makarating sa resthouse ni Denzel. Mula sa airport ay nagpahatid siya sa taxi. Na-delay nang kaunti ang flight niya kaya nag-aalala siyang baka hindi na niya maabutan pa ang contact nito.
"You just came right on time." Idinala siya nito sa terrace kung saan matatanaw ang man-made lagoon. "Take a seat."
Umupo siya sa upuang gawa sa kawayan. "Thank you." Luminga siya sa paligid. "Nasaan na ang contact mo?"
"Parating na siya," sabi nito at umupo sa tabi niya. "Mag-lunch ka muna. Mukhang hindi ka pa kumakain."
"Gusto ko nang makausap ang contact mo, Denzel. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Hahabulin ko agad ang flight pabalik sa Manila."
Hindi siya nagpaalam kay Kurt. Wala ring nakakaalam na pumunta siya sa Davao. Kaya dapat din niyang bumalik agad sa Manila. Lalo na't magtataka si Kurt kung bakit ipina-cancel niya ang appointment niya sa couturier nang araw na iyon.
"Tumawag na siya sa akin kanina. Sinabi niyang paparating na siya."
Naghain pa ito ng pagkain para sa kanya pero hindi niya magawang kumain. She was anticipating for the arrival of his contact. Gusto na niyang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng daddy niya para maipakulong na niya sa bilangguan.
Muntik na siyang mapatakbo sa labas nang marinig niya ang ugong ng paparating na sasakyan. "Are you ready?" tanong ni Denzel sa kanya.
Tumango siya. "Salamat sa tulong mo, Denzel."
"Anything for you," anito at ngumisi. Hindi niya alam kung bakit nagdulot sa kanya ng matinding kaba ang ngiting iyon. Pero mabilis din niyang binalewala. Naroon siya para sa daddy niya at hindi sa ibang bagay.
Nagulat siya nang makitang si Judge Julian, ang judge sa regional trial court ng Davao. "Atasha, nainip ka ba sa paghihintay?"
"K-Kayo po?" bulalas niya. "Anong alam ninyo sa nangyari kay Daddy?"
Hindi siya makapaniwalang ang tinitingalang tao ay miyembro din ang sindikato. Paano ito nasangkot doon?
Natawa ito. "Ano bang sinasabi mo, hija? Napagod ka pa siguro sa biyahe. Magpahinga ka muna saka natin simulan ang kasal."
"Kasal?" aniya sa mataas na tono. "Hindi ko alam kung anong kasal ang sinasabi ninyo. Nandito ako dahil sinabi ni Denzel na kakausapin namin ang tao na may kinalaman sa pagkamatay ng daddy ko."
"Hindi ako ang taong iyon. Pinapunta ako dito ni Denzel dahil hiniling mo daw na ako ang magkasal sa inyo. Sekreto daw muna ang kasalang gusto ninyong dalawa habang inaayos pa ninyo ang ilang problema."
Lalo siyang naguluhan. "Kay Kurt po ako ikakasal," giit niya.
"Hindi na ngayon, Atasha. Dahil nagmamahalan tayong dalawa," sabi ni Denzel at ginagap ang kamay niya. "Sinabi ko naman sa iyo na hindi ako papayag na makasal kayong dalawa, hindi ba?"
"Hindi ito ang usapan natin! Niloko mo ako!" bulyaw niya at pumiksi mula sa pagkakahawak nito. Nandidiri siya dito. "Pinaniwala mo ako na tutulungan mo akong hanapin ang pumatay kay Daddy."
"Oo. Kapag kasal na tayong dalawa. Gagawin mo ang lahat para sa daddy mo, hindi ba?"
Tumingin siya kay Judge Julian. "Walang mangyayaring kasalan. I'm sorry."
Tinangka niyang tumakbo palayo subalit hinarang agad siya ng mga bodyguards nito. Pawang may hawak na matataas na kalibre ng baril ang mga ito. Natigagal siya sa kinatatayuan at hindi makagalaw sa sobrang takot.
"Hindi pwedeng hindi ka magpakasal sa akin, Atasha. Dahil hindi mangingimi ang mga tauhan ko na saktan ka para lang makasal ka sa akin." Inakay siya ni Denzel pabalik sa harap ni Judge Julian. "Simulan na natin ang kasalan."
Nagsimulang magsalita si Judge Julian. Ni hindi man lang ito makakontra sa ginagawa ni Denzel. Tiyak niyang tau-tauhan din ito ng binata. At hindi na rin siya magtataka kung makakuha man ito ng marriage license kahit na wala siyang alam. Mas malakas na ang koneksiyon nito ngayong mayor na ito ng lungsod. At hindi niya alam kung ano pa ang kayang gawin nito.
Todo ang ngiti ni Denzel habang pinakikinggan ang seremonya. It was her fault. Masyado siyang nagtiwala. Pinaniwala niya ang sarili na ito pa rin ang mabuti niyang kaibigan. Pero hindi siya papayag na tuluyang malugmok sa kumunoy. Hindi siya magpapakasal sa ahas na tulad nito.
"Atasha Gatchitorena, do you accept Denzel Hipolito as your lawfully wedded husband in…"
Mariin siyang pumikit dahil masakit sa pandinig niya ang itinatanong ng judge. "No!" mariin niyang sagot.
"Anong sinabi mo, hija?" tanong ni Judge Julian.
Dumilat siya at direktang tiningnan sa mata ang judge. "I said no." Saka niya tiningnan ang namumutlang si Denzel. "Hindi ako magpapakasal sa iyo dahil hindi kita mahal! Kaya tigilan mo na ang kalokohang ito."
Mahigpit nitong hinawakan ang kamay hanggang halos magmarka na iyon sa balat niya. "Huwag mo akong ipahiya, Atasha. Hindi mo pa ako nakikita kung paano ako magalit nang husto kapag napapahiya ako."
"Ngayon pa lang, nakakahiya ka na, Denzel. At hindi ako natatakot sa galit mo. Mas matakot ka sa galit ko. Dahil kahit kailan, hindi magiging legal ang kasalang ito kung matatawag mo ngang kasalan. I was deceived and forced."
"At sino naman ang tetestigo laban sa akin? Wala." Ibinuka nito ang kamay. "Lahat ng taong nandito ang magpapatunay na kusa kang nagpakasal sa akin."
"Hindi pa rin ako magpapakasal sa iyo," mariin niyang wika.
Napapatda siya nang bigla nitong itutok ang baril sa sentido niya. "Sige, subukan mo pang humindi sa akin. Tutuluyan na kita," banta nito. "Sige na, Judge. Ulitin ninyo ang tanong."
Napalunok siya. She had never face death this close. Pero tinatagan niya ang loob. "Atasha Gatchitorena, do you accept Denzel Hipolito as your lawfully wedded…"
"No," walang gatol niyang sagot.
"Hindi ako nagbibiro, Atasha," nanggagalaiting sabi ni Denzel sa pagitan ng ngipin. "Hindi ako mangingiming patayin ka."
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makasama ka."
"Mahal kita. Pero kung hindi ka magiging akin, hindi ako papayag na pakinabangan ka pa ng iba. Lalo na ng mayabang na Kurt na iyon!"
Bumilis ang pintig ng puso niya. Hinihintay na lang niya ang pagputok ng gatilyo ng baril. Subalit sa halip na pagkalabit ng gatilyo ay sigawan ang narinig niya. "Walang kikilos! Ibaba ninyo ang mga baril ninyo!"
Nang idilat niya ang mata ay isa-isa nang nakatutok ang baril ng mga special action force ng pulis sa mga tauhan ni Denzel. Nakataas ang mga kamay ng mga ito. Isa sa mga bodyguard nito ang nakatutok ang baril sa ulo ni Denzel at kinuha ang baril na nakatutok sa kanya. "Sorry, boss! Trabaho lang."
"Matagal mo na pala akong inaahas, Alonzo."
"Ikaw ang matagal nang ahas, Denzel!" sabi ng gobernador ng lalawigan. Kasama nito si Kurt at ang provincial chief of police. "Hindi ko alam na ang mismong pinakain namin sa palad ang tutuklaw sa amin."
"Hindi ko alam ang sinasabi ninyo, Gov. Saka wala kayong karapatan na basta sumugod dito sa bahay ko nang walang permiso."
Inabot ng chief of police ng Davao City ang warrant of arrest dito. "Mayor, dinadakip ka namin sa salang pagpatay sa dating mayor na si Ernesto Gatchitorena. Ganoon din sa pagiging sangkot mo sa sindikato ng illegal na droga."
"You killed my father!" Hindi siya makapaniwalang ang taong itinuring niyang kaibigan ang papatay sa sarili niyang ama.
"Hindi totoo iyan!" tutol ni Denzel habang pinoposasan. "Wala kayong ebidensiya. Ginagawa lang ninyo ito para sirain ako!"
Tumayo si Kurt sa tabi niya. "Marami kaming ebidensiya laban sa iyo. Concrete evidences enough to rot you in jail. Napakanta na namin ang mga kasabwat mo. Nahuli na namin sila."
"You can't do this to me!" bulyaw ni Denzel. "Naiinggit lang kayo sa akin dahil malawak ang kapangyarihan ko. Natatakot kayo na mapabagsak ko kayo at ako na ang kukuha ng posisyon mo."
"Dalhin ninyo siya sa presinto," mariing utos ng gobernador. "Ayoko ng white wash sa imbestigasyon. And no special treatment."
Subalit nagpatuloy sa pagtungayaw si Denzel. Pumapalag ito mula sa pagkakahawak ng mga pulis. "Huwag kang maniwala sa kanila, Atasha. Inosente ako! Sa akin ka maniwala!"
Sinampal niya ito dahil rinding-rindi na siya sa kasisigaw nito. Iyon lang ang magagawa niya matapos na tutukan siya ng baril dito para makasal sila at dahil sa pagpatay nito sa daddy niya. "Bakit nagawa mo iyon kay Daddy? Mula pagkabata, itinuring ka niyang anak. Siya pa mismo ang nag-alok at nag-train sa iyo nang pumasok ka sa pulitika. Tapos ganito lang ang gagawin mo sa kanya?"
"Anak? Hindi anak ang turing niya sa akin. Alam mo bang ayaw niya sa akin para sa iyo. Pilit niya akong pinalalayo sa iyo nang malaman niyang miyembro ako ng sindikato ng droga. Gusto niyang mag-resign ako sa pagka-konsehal at iwan ka. Hindi ko magagawa iyon. Mahal na mahal kita."
Nakagat niya ang labi upang pigilang mapaiyak sa sobrang galit. "Mahal mo ako? Kaya pala nagawa mong patayin ang daddy ko. Iyon ba ang pagmamahal? Dahil sa iyo, nawala ang mga magulang ko."
Akmang sasampalin niya itong muli nang pigilan siya ni Kurt at yakapin. "Tama na, Atasha!"
Napahagulgol si Denzel at lumuhod sa harap niya. "Nagawa ko lang iyon para patahimikin siya. Ibubulgar niya ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa akin. Makukulong ako. Paano mo pa ako mamahalin pagkatapos niyon? Ayokong mawala ka sa akin kaya siya na lang ang inalis ko sa landas ko. Dapat kang matuwa dahil hindi na siya sagabal sa mga pangarap natin, hindi ba?"
"At sinadya mo rin siguro na makasama sa mga nasaktan sa pagpatay kay Daddy para maawa ako sa iyo," aniya sa matigas na tinig.
"Ginawa ko iyon para mahalin mo ako. I did everything for you!"
"You are sick, Denzel! Nagawa mo kaming paikutin. Noong una, naa-appreciate ko pa ang pagmamahal mo. Pero hindi na ngayon."
Yumakap ito sa binti niya. "Patawarin mo ako, Atasha. Gagawin ko ang lahat para patawarin mo ako."
Hindi niya ito tiningnan habang nagmamakaawa ito. Pakiramdam niya ay manhid na ang puso niya nang mga oras na iyon. "Hindi ko alam kung kaya ko pang gawin iyon. Una, pinatay mo ang ama ko. Pangalawa, pinilit mo akong gawin ang bagay na ayaw ko. Ang ilayo ako sa lalaking mahal ko. At hinding-hindi ko mapapatawad ang pagsira mo sa buhay ng maraming tao. You can't repair that damage anymore. Mapapatawad lang siguro kita kapag naibalik mo na ang lahat ng sinira mo."
"ATASHA, are you okay?" untag ni Kurt sa kanya hanggang makarating sila sa resort. Hindi kasi siya kumikibo mula nang umalis sila sa resthouse ni Denzel.
"Okay lang ako," aniya at lalong humigpit ang yakap dito.
"Bakit kanina ka pa nakadikit sa akin? Ni ayaw mong humiwalay sa akin," sabi nito at inalalayan siyang umupo sa divan na nasa terrace.
"Natatakot ako na mawala ka na naman."
She just had a traumatic experience. Nobody could blame her. Muntik na siyang maipakasal sa lalaking hindi niya mahal. At nalaman din niya na ito pala ang pumatay sa daddy niya.
Pinisil nito ang pisngi niya. "Sino ba ang matigas ang ulo na nakipagkita pa rin kay Denzel?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Sino ba ang nauna sa atin?"
"Ikaw. Sinabihan na kitang huwag lalapit sa kanya pero hindi ka sumunod. Sinabihan kita na huwag aalis ng Manila pero lumayas ka pa rin. You just put yourself in danger. Kahit kailan talaga, matigas ang ulo mo."
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at sinuntok ito sa braso. "Ibig sabihin matagal mo nang alam ang tungkol kay Denzel pero hindi mo sinabi sa akin."
Hindi niya maiwasang maghinanakit. Bakit kailangan nitong ilihim sa kanya ang ganoon kaimportanteng bagay? Muntik na tuloy siyang mapahamak.
"He was under investigation when I asked you to stay away from him. May hinala na kami noon na siya ang miyembro ng sindikato. Mataas ang pangarap niya. Lalo na nang siya na ang umupong mayor nang mag-resign si Mayor Santiago dahil sa pamba-blackmail. Sino pa ba ang makikinabang kundi siya?"
"Dapat sinabi mo sa akin!" paninisi niya dito.
"You will blow everything up in no time. Aandar tiyak ang pagka-impulsive mo. Ikaw mismo ang kukompronta kay Denzel and he will just deny it. Magkakaroon pa siya ng idea na may sumusubaybay na sa kanya. Mapapahamak ka lang. Kaya nga hindi kita isinama dito noong meeting namin dahil ayaw naming gamitin ka niya laban sa amin."
"Ibig sabihin, babalik ka na sa Manila kapag nahuli na siya?"
No wonder he was too busy the other day. Wala na itong time na kausapin siya dahil pinag-uusapan ng mga ito kung paano dadakipin ang taong pumatay sa daddy niya. At muntik pang masira ang diskarte ng mga ito dahil sa kanya.
Niyakap siya nito sa baywang. "Now you know," nakangiti nitong sabi. "Hindi mo na kailangang magtampo sa akin, hindi ba?"
"How stupid!" bulalas niya at itinulak ito palayo. Lalo kasi siyang nainis dito dahil ayaw niya nang pinaglilihiman. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Alam mo ba na muntik na akong makasal sa impaktong iyon? At kung di kayo dumating sa tamang oras, wala ka nang babaeng pakakasalan. Malamang sumabog na ang ulo ko."
"Bakit naman sasabog ang ulo mo?"
"Dahil hindi ako magpapakasal sa kanya."
"Hindi ka tatamaan ng bala. Matigas ang ulo mo." Kinintalan siya nito ng halik sa noo. "Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil masyado kang matapang. Paano kung tuluyan ka niyang pinatay?"
"Paano niya ako papatayin kung nanginginig ang kamay niya? Hindi niya ako kaya. Magaling siyang mag-utos pero ayaw ni Denzel madumihan ang kamay niya."
Niyakap siya nito. "Sa uulitin, susunod ka na sa utos ko. Lahat naman ng ginagawa ko, para sa kabutihan mo lang."
Nakonsensiya at napayuko. "Sorry. Wala akong tiwala sa iyo. Akala ko kasi hindi mo inaasikaso ang kaso ni Daddy. Na ako ang huli sa priorities mo."
"Kaya kaunting bola lang ng Denzel na iyon, naniwala ka agad."
"Sorry na nga!" Lalo niyang hinigpitan ang yakap dito. In a way, parang pinagtaksilan na rin kasi niya ito. "Sa susunod kasi sasabihin mo na ang mga plano mo sa akin. I really hate surprises."
"With your volatile nature, I prefer to keep things secretly. Iyong solve na bago ko sabihin sa iyo. Makikialam ka lang kasi. You have to be more patient, Atasha. At hindi totoong ikaw ang least sa priorities ko."
"Talaga?" It sounds music to her ears. Ngayon kasi niya naramdaman ang pagpapahalaga at pagprotekta nito sa kanya.
"Yes. Because I love you. And I promised myself that I will do everything to make you happy."
"I am happy, Kurt. Very happy."
"At kahit na hindi ako tumakbo sa eleksiyon, okay lang sa akin. Basta iyon ang hihilingin mo sa akin."
"Why would I do that?" Nasisiraan na ba ito ng bait? Kasama iyon sa mga pangarap nito. Ang magkaroon ng mataas na posisyon sa gobyerno. Bakit nito isusuko dahil lang sa kagustuhan niya?
"I want to do the biggest gesture. Ang bagay na hindi naibigay ng Daddy mo sa mommy mo. To tell her that he would quit."
Tumawa siya nang malakas dahil masayang-masaya siya. Napatunayan niyang mahal nga siya nito. "Crazy! Why would you quit when I am not asking you to? Mas gusto kong pagsilbihan mo ang mga taong mahal ko. This country and its people need you. Dahil hindi lang pansariling interes ang iniisip mo kundi maging kapakanan ng iba. They are expecting you to help them, Kurt. Don't fail them. And don't you dare fail me."
"Pero ayaw mong maging politician ang mapapangasawa mo, di ba?"
"Noon iyon. Hindi ko pa naiintindihan ang klase ng paglilingkod ng daddy ko. Hindi ko pa rin kung paano magmahal ng tulad sa mommy ko. Na handa siyang magsakripisyo at intindihin ang ginagawa ni Daddy. Naiintindihan ko na ngayon."
Hindi na siya magtatampo kung sakaling hindi ito magpapakita sa kanya dahil may importante itong meeting. Hindi na siya magagalit kung hindi man siya nito isama sa mga lugar na pupuntahan nito. Alam naman niyang lahat ng gagawin nito ay para sa ikabubuti niya at ng nakararami.
"Don't expect too much from me. I might fail you."
Tinapik niya ito sa balikat. "Huwag ka ngang magdrama. Ipakita mo sa akin ang kompiyansang ipinakita mo sa akin nang sabihin mong desidido ka na ako ang pakakasalan mo. That you would make me say yes. Alam ko na kaya mong gawin ang lahat. I am here to help you to be a good public servant."
"Hindi mo ako iiwan?"
She nodded then kissed him. "You are not alone anymore, Kurt."