"Hindi ka ba napapagod sa pakikipag-usap sa kanila?" nakalabing sabi ni Atasha at umabrisyete kay Kurt. Katatapos lang nitong kausapin ang ilang business man na bisita sa party ng Mama nito.
"Hindi. Sanay na ako."
"Malamang kabisado mo na ang sinasabi nila. Naririndi na ako," mariin ngunit mahina niyang sabi. Kahit ang muscles niya ay ngawit na kangingiti at katatango sa lahat ng sinasabi ng mga ito.
"Paano ka magiging perfect politician's wife kung hindi mo alam paano makikisama sa mga bisita?"
"Makipag-plastikan kamo," pagtatama niya at sumimangot. "Saka pwede bang huwag na lang perfect politician's wife? Wife na lang."
"Don't pout," utos nito sa kanya. "Baka makita ka ng mga bisita. Isipin nila na bored ka na. At baka masermunan pa tayo ni Mama."
Lalo siyang sumimangot. Enjoy na enjoy ang Mama nito sa pagmamalaki sa kape-face lift nitong mukha. Ipinagmamalaki nitong bumata ito ng sampung taon. Kaya sa palagay niya ay hindi nito napapansin ang pagsimangot niya.
"Anong gagawin mo kapag nahuli niya akong nakasimangot?"
"I'll grab you and kiss you. I'll tell her that you are asking for a kiss."
Naniningkit ang mga mata niya itong tinitigan. "Is that a joke?"
"Gagawin ko talaga iyon. Wanna dare?" walang kangiti-ngiti nitong sabi.
She was tempted to accept the dare. Pero parang hindi iyon ang panahon at oras para doon. "Never mind. I am actually bored, Kurt. Nangangawit na akong ngumiti sa mga tao. Ikaw ba, hindi napapagod?"
Hinapit nito ang baywang nila upang lalong maglapit ang katawan nila. Saka ito pasimpleng ngumiti sa mga bisita. "You want to know the truth? I am sick and tired of this party."
"Gusto mo bang tumakas?" she asked with a wicked smile. She had been dreaming of ditching his mother's party right from the start.
"I'd love to. Pero responsibilidad natin na mag-stay dito hanggang makaalis ang mga bisita. Hindi natin pwedeng basta-basta iwan si Mama. At saan naman tayo pupunta kung sakali?"
"Somewhere," walang katiyakan niyang sagot. "This is your territory, not mine. Walang mahalaga sa akin kundi ang matakasan sila. Saka hindi ko alam kung paano tayo makakalayo dito nang naglalakad lang. If we would use the gate, tiyak na makikita tayo ng mga guwardiya at bodyguard. Your mother would freak out!" Hindi talaga ganoon kasimpleng tumakas.
"I think I know a place."
"Saan? Saka paano tayo makakaalis dito nang hindi napapansin?"
Hinila nito ang kamay niya at binaybay nila ang gilid ng mansion. "Stop asking questions. If you want to get away from here, trust me."
Dumaan sila sa masukal na kakahuyan sa likod ng mansion. Kung di sa tulong ng liwanag ng buwan at pag-alalay sa kanya ni Kurt, baka nagkatisod-tisod na siya dahil sa suot niyang high heeled shoes at evening gown. Nakatulong din ang pen light na dala nito para makita nila ang daan. Gusto na niyang umurong. Kung bakit pumayag-payag pa siyang tumakas sa party. Ni hindi niya alam kung saang lupalop siya ng mundo kakaladkarin ni Kurt.
Hinubad nito ang coat. "Use this. Para hindi ka malamigan. At para hindi ka magkasugat sa mga halamang madadaanan natin at hindi ka kagatin ng insekto."
"Thank you," sabi niya. She was touched by his gesture. Unti-unti niyang nakikita kung paanong mag-alala si Kurt sa kanya. At di iyon pakunwari lang.
"Kung nahihirapan kang maglakad, pwede kitang buhatin," alok nito.
"Saka na. Baka hindi tayo makarating sa pupuntahan natin kapag binuhat mo pa ako. Malayo pa ba tayo?"
"Malapit na," sabi nito at inalalayan siyang humakbang sa mga ugat ng puno. Maya maya pa ay narinig na niya ang lagaslas ng agos ng tubig. Bumuglaw sa kanila ang loghouse na nakatayo sa tabi ng ilog.
"Welcome to my haven," anang si Kurt at kinuha sa ilalim ng doormat ang susi. Binuksan nito ang pinto at ini-on ang switch ng fluorescent bulb. Simple lang ang loob ng log house. May makitid na papag at lamesa sa isang tabi. Halatang matagal nang walang tumutuloy doon pero pwede pa rin namang tulugan.
"I can't imagine you in a place like this, Kurt." He was always elegant and she thought he only belonged to fine places with lots of servants. Or in a posh resort with all the modern amenities. He was totally out of place in that log house. "Ano naman ang gagawin mo sa ganitong klaseng lugar?"
Umupo ito sa terrace na gawa sa kahoy na nakaharap sa ilog. "Marami. I spent most of my childhood here. Dito ako tumatakbo kapag nasasaktan ako ni Mama. Dito ako umiiyak dahil walang nakakakita sa akin dito. Walang magsasabi na mahina ako. Until I stopped crying. I also stopped coming here," kwento nito.
"Bakit?"
"Dahil namatay si Papa. Nawala rin sa amin ang lupaing ito. Mula noon, kinailangan kong maging matatag at matapang. Gusto kong ipakita kay Mama na malakas ako. Hindi ako katulad ni Papa na tinakbuhan ang problema. The last time I was here, I vowed to myself that I would do everything to take this place back. At gagawin ko ang lahat para maabot ang pangarap ko. Wala nang makakaalala na anak ako ni Romualdo Rieza, isang artist na nabigo at nagpakamatay. Makikilala nila ako bilang si Kurt Rieza na walang sinuman ang maaring manakit."
"Pero kailangan mo bang patigasin pati ang puso mo?" malungkot niyang tanong. Naiintindihan niya kung bakit kailangan nitong tuparin ang ambisyon nito. Pero marami namang taong natupad ang pangarap nang hindi tuluyang nakakalimutan kung paano makaramdam.
"I have to, Atasha. Dahil kung magiging malambot ako at gagamitin ko ang puso ko, magiging mahina rin ako tulad ni Papa. Pagtatawanan at tutuyain rin ako ni Mama. Gusto kong ma-recognize niya ako."
May gusto itong patunayan. To the point that he devoid his self of emotions just to protect his self from further pain and humiliation. Para sa kanya ay isa iyong kalupitan sa sarili.
She held his hand. Gusto niyang iparamdam dito na handa siyang harapin ang lahat ng nararamdaman nito nang walang panghuhusga. Na hindi niya ito pagsasalitaan ng masakit kung sakaling may kahinaan man ito. "Right now, you don't have to turn yourself numb. It is okay to use your heart. Okay lang din na magpakita ka ng emosyon. Don't treat me as your enemy and don't treat your emotions as a threat. I won't use it against you. It is okay to get mad. It is okay to show the world that you are hurting. All you have to do is feel, Kurt."
"Feel?" usal nito at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya. "Like this?" tanong nito at kinintalan siya ng halik sa labi.
Napasinghap siya. She was not expecting that. Hindi ito humahalik sa kanya nang walang dahilan at nang silang dalawa lang. Yet it felt so good. So natural. Natanggal ang coat nito na nakapatong sa balikat niya at mahigpit siyang napahawak sa manggas ng long sleeve polo nito. "Kurt," she whispered in delight.
"Not a bit scared of me?" he asked as his thumb caressed her lower lip.
Mangha siyang napatingin dito. "Am I supposed to feel scared?"
Paano siya matatakot sa isang bagay na gustong-gusto niya. It was such a sweet sensation to feel his lips on hers even for just a moment. And she wanted to taste him again… and again… and again.
He framed her face on his hands and stared at her intently. "Ako ang natatakot sa iyo."
Naningkit ang mata niya. "Do I look like a monster to you?"
"I could face a monster but I am not ready for what I feel for you. You make me lose control. You make me feel things I am afraid to feel. You simply make me feel. Sometimes, I can't help but smile when I see you smile. Or get mad when you are defying my orders."
"Does it mean that you feel bad about me?"
"I could say that it was bad. But it felt so good," he said and smiled a little. Pero mabilis din nitong pinalis ang ngiti.
"Don't!" utos niya dito. "You can smile if you want. Laugh if you want. There is nothing wrong with it. You can even fall in love if you want."
"Do you believe that a cruel and cold-hearted bastard like me could fall in love?" tanong nito na parang napaka-imposibleng mangyari niyon.
Tumango siya at humilig sa balikat nito. "Everything is possible, Kurt."
Akala niya noong una ay wala itong pakialam sa ibang tao. That he was born to be ambitious and unfeeling. Pero nakikita niya nang unti-unti ang tunay nitong pagkatao. Kahit anong pilit nitong tago, nararamdaman niyang mabuti itong tao. Mali lang ang naging trato dito ng sarili nitong ina. Idagdag pa ang pagkamatay ng sarili nitong ama. He was just a victim.
"Is it possible for you to fall in love with me?"
Sumasal ang kaba sa dibdib niya nang marinig ang tanong nito. She boldly pressed her lips to his and smiled. "Maybe."
He covered her mouth with his own. His tongue met hers with velvet roughness. Then he showered light kisses all over her face. Hindi pa siguro siya handang mahalin ito. Love was something so intense and deep.
What she felt for him at the moment was also intense and deep. Enough to let him rob her off her senses. Enough to let him take over her life if he wanted to. But not yet her heart.
Ayaw niyang magsalita nang tapos na hindi siya mai-in love dito. She never knew the extent of her emotion. Kung gaano iyon kadaling magbago. She never knew, she might find herself falling for him overnight and she couldn't do anything about it. It was like falling at the edge of a cliff and there was nothing to hold on to. And that's how she felt when he kissed her again. Falling….
"HELLO, Kurt! Are you busy?" tanong ni Atasha habang nakatayo sa terrace sa hacienda nito. Dinalaw niya si Lola Anselma at kasalukuyan nang nagpapahinga.
"I am always busy, Atasha."
"But not too busy to neglect me, of course. Nag-promise ka na magdi-dinner tayo, di ba?" paalala niya.
"Hindi ba bukas pa iyon?"
"Hindi ba pwedeng ngayon lang?" ungot niya. "Hindi na nga tayo nakapag-lunch kahapon, hindi ba? Pinagbigyan na kita. Ako naman pagbigyan mo ngayon."
May mga pagkakataon na hindi ito nakakarating sa usapan nila. Pero tinitiyak niya na makakabawi rin ito kinabukasan. At alam niyang di siya nito matatanggihan.
"Gusto ko sana pero…"
"Tinanong ko ang sekretarya mo kung ano ang schedule mo ngayon. Alam ko na wala kang meeting hanggang seven. Samahan mo naman ako bago iyon."
"Okay. Saan tayo magkikita?"
"Sa log house," sagot niya.
"Papupuntahin mo ako sa loghouse ngayon? Masyadong malayo. Bakit hindi na lang tayo magkita sa Marco Polo?" tukoy nito sa isang hotel sa siyudad.
"Ayoko nga. Basta gusto ko pumunta ka dito. May reklamo?"
"Wala. Paalis na ako," napipilitang sabi nito.
Awtomatiko siyang napangiti. Naaliw siya kapag napapasunod niya ito. Madalas nga ay nauuto niya ito pero hindi nito magawang kumontra.
"Bilisan mo, ha? Ayoko nang pinaghihintay," kunwa'y masungit niyang sabi.
"Atasha, tandaan mo na lang na wala akong planong magpa-under sa iyo kapag kasal na tayong dalawa," mariin nitong sabi. Mukhang napipikon na ito.
"Tell it to my face," hamon niya dito.
"Si Kurt ba ang kausap mo?" tanong ni Lola Anselma at lumapit mula sa likuran niya. "May date ba kayo?"
"Opo. Kukunin ko lang po ang ipinatago ko sa ref," aniya at hinalikan ito sa pisngi. "Surprise ko po ito sa kanya."
"Saan naman kayo magde-date?"
"Sa tabi-tabi lang po," pasekreto niyang sabi.
"Minsan naman isama ninyo ako sa date ninyo, Atasha."
"Opo, Lola. Next time po. Pero sa ngayon, kami lang pong dalawa." Palabas siya ng bahay nang makasalubong niya ang Mama ni Kurt. "Hello, Tita!"
"Dinalaw mo pala si Mama," nakaismid nitong sabi. "Bakit hindi ka na lang sumama sa mga lakad namin ng amiga ko? Hindi iyong nagpapakabulok ka dito."
"Mas gusto ko po dito." Wala siyang planong dumikit sa mga trying hard na socialite na tulad nito. Kahit pa nga magiging biyenan na niya ito. "I have to go, Tita. Magkikita pa po kami ni Kurt."
"May date kayo ngayon?" nakataas ang kilay nitong tanong. "Masisira ang schedule ni Kurt kung lagi mo siyang yayayaing lumabas. He is running a business empire, remember? He doesn't have time to play with you."
"Hindi ko naman po siya inaabala kapag may meeting siya at busy sa work. Kaya ko lang po siya nayaya ngayon dahil hindi po siya masyadong busy."
"Ayoko lang masanay ka na mag-demand sa anak ko. Priority niya ang career niya. Hindi ka niya laging makakasama."
"I'll take that in mind," aniya at nagpaalam dito.
She cared about Kurt's career. Pero dapat din itong maglibang. Dahil kapag kasal na sila, ayaw niyang sa career lang mababad ang oras nito. He also had her to take care of. Dapat nitong malaman na may buhay pa ito bukod sa career nito. Kailangan nitong ma-enjoy ang buhay.
'Hindi ko hahayaang pati ako makontrol mo. At hindi ko hahayaan na patuloy na makontrol si Kurt ng mga pangarap niya. I want him to live a normal life.'