Chapter 20 - Chapter 20

"Where is my treat?" nakasimangot na tanong ni Kurt nang dumating ito sa loghouse matapos ang kalahating oras. Pawis na pawis ito sa suot na long sleeve polo at slacks. Nakakawit sa daliri nito ang coat at isinampay sa balikat nito. He looked worn out and sweaty. Pero mukhang mabango pa rin itong tingnan. That was what she called a treat.

"Sit and take a rest," utos niya at tinapik ang bakanteng upuan sa porch ng loghouse. Kapag gusto lang niya itong maka-kwentuhan, doon niya ito niyayaya. Lalo na't pressured ito sa trabaho. Mas open na ito sa kanya kahit sa mga problema. Sign iyon na nagtitiwala ito sa kanya at kadalasan ay hinihingan siya ng opinion.

"Make sure that it is worth it. Iniwan ko ang trabaho ko at sinagasa ko ang init para lang makapunta dito."

Kinindatan niya ito. "I'm sure that you will enjoy it." Inilabas niya ang half-gallon ice cream at isang box ng ice cream cone.

"Ice cream?" bulalas nito at napaungol. "Iyan lang ang ipinunta ko dito? Akala ko naman kung ano ang surprise mo."

Magkasalubong ang kilay niya itong tiningnan. "Ayaw mo? Cookies and cream ito," aniya sa boses na parang nang-iinggit. Itinanong niya kay Lola Anselma kung ano ang paborito nito. Tingnan lang niya kung makatanggi ito.

"Come on, hindi na ako bata!" angal nito.

Naglagay siya ng isang scoop sa cone at tinikman iyon. She shrieked in delight. "Kung ayaw mo, umalis ka na lang. Ako na lang uubos ng ice cream."

Walang kibo itong nag-scoop ng ice cream sa cone. Napangiti siya. Sinabi na nga ba't hindi rin ito makakatanggi. "Bakit naman naisipan mo akong I-treat ng ice cream? At dito mo pa ako kinaladkad," sabi nito.

"Sabi ng mga tauhan mo, mainit daw ang ulo mo dahil delayed ang project ninyo. Kailangan mo ng pampalamig. You need to cool down. Baka bigla ka na lang sumabog kung hindi ka magpapahinga."

"Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo…"

"Shhh!" saway niya dito. "Hindi kita idinala dito para I-discuss ang problema mo. Hindi ka ba nagsasawa na puro iyan na lang ang pag-uusapan natin? Sa opisina, nasermunan mo na ang mga tauhan mo. Please spare me! Ayoko yatang makitang masira ang kaguwapuhan mo. So smile!"

"Nakakahalata na lang ako. Lagi mo akong ipinu-pull out sa office tuwing nasesermunan ko ang mga tao ko. Maybe they thought you could pacify the dragon."

Natawa siya. Kakilala niya ang ilan sa mga tauhan nito. Mga matapat na supporters ng Papa niya. Kaya naman namo-monitor niya ang kilos ni Kurt lalo na kung may babaeng umaaligid dito. At dahil binabantayan mismo ng mga ito si Kurt mula sa ibang babae, nangako naman siya na pakakalmahin si Kurt kapag galit ito.

"Maybe," aniya at nagkibit-balikat.

"Nakikipagsabwatan ka sa mga tauhan ko."

Natawa siya. Kahit kailan ay wala siyang maitago dito. Pinisil niya ang pisngi nito. "Huwag kang magalit. Be nice to them. They will be your constituents soon. Kaya nga kailangan nating I-balance, hindi ba? Para hindi nila isipin na masyado kang masungit."

"Nagkakaganito lang naman ako kapag palpak ang trabaho nila. Baka ma-spoiled ang mga iyon dahil akala nila lagi mo silang pagbibigyan."

"O, magkasabulong na naman ang kilay mo." Nilagyan niya ng bagong scoop ang cone nito. "Kumain ka pa ng ice cream. At ngumiti ka naman."

"Bakit naman ako ngingiti?"

"Aren't you glad to see me?" tanong niya na abot tainga ang ngiti.

His free hand sifted through her hair. "I preferred to be kissed than to eat ice cream. Maybe you can entice me to relax that way."

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng pagka-agresibo nang mga oras na iyon. She leaned on him and kissed him ardently. It was supposed to be a short teasing kiss. Pero hinawakan nito ang batok niya hindi niya magawang lumayo dito. His kiss was intoxicating. They had totally forgot the ice cream.

"Does it make you feel better?" she asked teasingly.

"Not enough." Then he claimed her lips once more. She was melting. Like a cold ice cream in his warm mouth. But it felt so good.

"You feel so good, Atasha," he breathed then kissed her again.

Napahawak siya sa braso nito. "Kurt, we have to stop."

"Why should we stop when it's already this good?"

"May dinner date ka mamayang seven, di ba? Hindi ka pwedeng pumunta doon nang ganyan ang ayos mo."

"Damn it!" mahina at mariin nitong usal.

Mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang sekretarya. Mukhang nagalit ito sa kanya. She wanted to have him. Pero kailangan rin niyang isipin ang mga responsibilidad nito. She just wanted to divert his attention for a while. Pero ayaw niyang ubusin ang pasensiya ng Mama nito.

Carolina was right. Walang mas mahalaga kay Kurt kundi ang career nito. It was her role to support him. Intindihin ang mga desisyon nito at suportahan. Wala siyang karapatang mag-demand. Ni hindi niya alam kung pang-ilan siya sa priorities nito. It was okay because they were not in love.

Nakagat niya ang sarili. They were not in love but she forgot the idea entirely. Kurt consumed her. Kung hindi ito tumigil, malabong tumigil siya. If she would give herself to him, they have to cross the boundaries. She might start asking too much. She might fall in love and that was crazy.

Akmang lalayo siya upang ayusin ang damit nang ipatong nito ang kamay sa braso niya. As if he was commanding her to stay still. "Sheena, please cancel my business dinner tonight. Reset it tomorrow instead," utos nito.

"Bakit mo ipina-cancel ang meeting mo?" mangha niyang tanong.

"I want to be with you."

"But your meeting is very important."

"Walang ibang mas mahalaga sa akin ngayon kundi ikaw." Akmang magsasalita siya nang pigilan ng daliri nito ang labi niya. "Stop talking, Atasha. We shouldn't waste our time talking. All we have to do is…"

"…feel," pabulong niyang dugtong.

Iniyakap niya ang kamay sa leeg nito at hinagkan ito. She kissed him as deeply as he kissed her. Their tongue mated as she finally admitted to herself that she was really in love with him.

Parang may sariling isip ang mga daliri niya habang isa-isang kinakalas ang butones ng polo nito. She was so eager to feel his skin. Kurt pushed her hand aside then tossed the garment aside. Kinuha nito ang kamay niya at inilapat sa dibdib nito. He was allowing her to feel him.

She heard then sharp intake of his breath and he caught her exploring hands. "Atasha…" Pagkatapos ay bigla itong tumayo.

Napakurap siya at tiningnan ito. "What's wrong?" May nagawa ba siyang mali? Gusto ba nitong tumigil na sila?

Binuhat siya nito at ipinasok sa loob ng log house. "We are going to make love and I want to take things slowly. But I have to get hold of myself. I am starting to lose control, Atasha. Samantalang nagsisimula pa lang tayo."

"Is that bad?" inosente niyang tanong. She was losing control yet it felt good.

Ibinaba siya nito. "I have to make things slow." His thumb grazed her bottom lip then planted a kiss there. "This is your first time so I should give you time to catch up with me."

Bago pa tuluyang naintindihan ng isip niya ang sinasabi nito ay muli nitong inangkin ang labi niya. It was slow, tender, loving kiss that made her shiver with anticipation. He kissed her eyes, her jaw and her mouth. Then he went on to her throat and traced the slope of her shoulder.

Pero siya ang naubusan ng pasensiya. Dali-dali niyang inalis ang blouse niya. Isa lang iyong sagabal para sa kanilang dalawa.

She heard Kurt's hoarse laugh. "Impatient, are we?"

She was not only impatient. She was also nervous. Ayaw niyang mahalata iyon ni Kurt dahil baka bigla itong mag-backout. But he sensed it and pressed slow kisses to her mouth.

He took of the rest of his clothes. He was more magnificent when naked. Her mouth was cotton dry when she looked at his body.

"Scared?" he asked as if he was giving her time to back out.

"I am not a chicken." Lumapit siya dito at hinaplos ang mukha nito. "You are beautiful, Kurt." She loved the way the setting sun shone on his nakedness. His skin was golden. And he looked like a golden statue of a god.

He released the front catch of her bra. He peeled away the rest of her clothing. His eyes darkened. She trembled beneath the heat of his gaze. It was like a caress. "You are perfect, Atasha," bulong nito. Then he filled his palms with her breast. She instinctively arched her back when he stroked his nipples with his thumbs. And she cried out his name when he lowered her head and his teeth and grazed the sensitive tips.

Muntik nang tumiklop ang tuhod niya sa tindi ng intensidad. Maingat siya nitong ihiniga sa sahig. He kissed her everywhere. She moved against him and brushed her lower body against his. She was prepared for the pain and she trusted Kurt. She knew that he would take care of her.

Hindi na niya kailangang tumakbo mula dito. Handa niyang isuko ang sarili gaya ng pagsusuko niya sa puso niya. Their bodies melted into one. He brought her up to heights. When she cried out his name, he broke his control. He plunged to her one last time and the world around them exploded.

Kurt rolled beside her but his hand was possessive around her waist. He didn't want to let go. She didn't want him to let her go.

He pressed kisses on his shoulder. Na parang iyon lang ang kayang gawin ng natitira nitong lakas. "Thank you, Atasha," he said then smiled gently. "It was the best gift I ever had."

She returned his smile. She was satisfied that loving him could make him smile. "I hope I could see you smile more often, Kurt."

Itinukod nito ang siko upang lalo siyang mapagmasdan. "Will you always kiss me if I promise to smile more often?"

"More than just kisses and more than often," makahulugan niyang sabi.

He was kissing her again when she suddenly laughed. Maang itong napatingin sa kanya. "What's wrong?"

She shook her head. "Nothing. I just realized one thing. If we want to have an heir, we don't have to resort to artificial insemination anymore." Bukod sa magastos iyon, hindi pa enjoy. "I don't want my child to be made out of scientific experiment." She wanted her child to be made out of love.

Nawala ang ngiti sa labi nito. "I don't want to have an heir yet."

"Why? I thought you wanted to have an heir very badly."

"Ayokong ikaw lang ang magmamahal sa kanya. Gusto ko tayong dalawa. At hindi ako papayag nang hindi tayo nagmamahalan kapag nangyari iyon. I want to have a normal family. Iyong nagmamahalan ang mga magulang. Will be patient enough to wait for that time?"

"Yes, Kurt. Even if it takes forever," aniya at niyakap ito. Lalo niyang minahal si Kurt dahil sa sinabi nito. Hindi lang niya masabi dito na mahal na niya ito. Saka na, kapag nasabi nitong mahal siya nito.

"HAPPY birthday!" bati ni Ruth kay Atasha at hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you. Nandiyan na ba si Kurt?" tanong niya habang iginigiya siya nito papunta sa floating restaurant na ini-reserve ni Kurt para sa birthday niya. Si Ruth ang may-ari ng restaurant na kinontrata ni Kurt para sa resort. Kaya di na siya nagtataka kung madalas man magsabwatan ang mga ito para sa kanya.

It was a private affair. Nang nakaraang araw ay nai-celebrate na nang mas maaga ang birthday niya kasama ang mga kaibigan at kapamilya. At gusto ni Kurt na sila mismong dalawa ang magkasama sa birthday niya.

"Wala pa siya. Baka naman na-late. Alam mo naman si boss, laging busy sa trabaho. But it is sweet of him! A dinner for two on your birthday. Nakakakilig!"

"May alam ka bang surprise niya sa akin?" tanong niya. She loved surprises pero minsan ay gusto rin niyang alamin kung agad kung ano ang sorpresa para mas lalo siyang ma-excite.

Kaninang umaga ay talagang ginulat siya nito. She woke up in a room full of flowers. Parang hinakot na yata nito ang lahat ng bulaklak sa Pilipinas. He also cooked breakfast for her. And they made love in broad daylight.

"Sorry, friend. I have no idea. At kung alam ko man kung ano ang surprise niya, wala akong planong maging spoiler."

"Okay," sabi niya. Wala siyang choice kundi magpa-surprise.

Umalis si Ruth subalit pumalit naman ang mga violin player. They played her favorite songs. Lumipas ang halos isang oras. Naubos na yata lahat ng kantang gusto niya ay hindi pa rin dumadating si Kurt.

"Nasaan si Kurt?" tanong niya kay Ruth nang dalhan siya nito ng lahat ng paborito niyang pagkain. Iyon daw ang ipinahanda ni Kurt para sa kanya. "Sabihin mo sa kanya, naiinip na akong maghintay sa surprise niya."

"Wala pa rin siya hanggang ngayon."

Tinawagan niya ang cellphone ng binata pero out of coverage area iyon. Hindi niya alam kung saang lupalop ito nagpunta para mawalan ng signal. Samantalang ang alam niya ay nasa opisina lang ito. Tinawagan din niya ang assistant nitong si Gardo pero ganoon din ang sinabi. Saan kaya nagpunta ang mga iyon?

She felt dreaded. "Kanina pa ako nandito pero hindi pa rin siya dumadating. He is not usually late. Tapos hindi ko pa siya ma-contact."

"Don't worry. He is safe. Dadating siya para sa birthday mo. Gusto mong samahan kita habang wala pa si Kurt?" alok ni Ruth sa kanya.

"Yes, please," pakiusap niya. Ayaw niyang mabaliw sa pag-aalala kay Kurt. Isa pa, kinakabahan pa rin siya dahil baka bahagi lang iyon ng pakulo nito para sa birthday niya. Lalo tuloy siyang na-excite.

Pilit niyang nilibang ang sarili sa pakikipag-kwentuhan kay Ruth. Inaliw niya ang sarili sa magandang musika, masarap na pagkain at sa hampas ng alon sa dagat. But her smile was void. Dahil gusto niyang kasama si Kurt.

Mag-aalas dose na ng hatinggabi nang makatanggap siya ng tawag mula dito. "Kurt, nasaan ka? Kanina pa ako naghihintay sa iyo dito." She silently prayed that he would tell her that he was coming.

"I'm sorry, Atasha. Nandito pa rin ako malapit sa site. Nagkaroon ng problema at…" Na-cut na ang connection di pa man nito natatapos ang sasabihin.

"Hello, Kurt?" pasigaw na niyang sabi. "Kurt!"

"Where is he? Parating na daw ba siya?"

Malungkot siyang umiling. "Nasa site pa rin daw siya. Tapos basta na lang na-cut ang connection. Basta ang naintindihan ko, may problema. At hindi daw siya makakarating." Mas importante dito ang trabaho kaysa sa birthday niya.

"Paano ngayon iyan?" tanong nito.

Napabuntong-hininga siya. Sinenyasan niya ang violin player na tumigil sa pagtugtog at nagpasalamat ang mga ito. Kahit paano ay sumaya ang birthday niya. Pero hindi sapat iyon dahil wala si Kurt.Magkahalong pag-aalala at ngitngit ang naramdaman niya. "I don't know. All I know is that he is not coming."

"I'm sorry," hinging-paumanhin ni Ruth sa kanya.

Niyakap niya ito. "Thanks for spending my birthday with me."

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na lang," aniya at pilit na ngumiti.

"You don't have to go. We can still celebrate your birthday."

"What for? Kurt is not here." Ito lang ang makakapagpasaya sa kanya. At sira na ang birthday niya dahil dito.

"Baka nakalimutan mo na may maganda ka pang kaibigan," anito at namaywang. "Nagse-celebrate ka naman ng birthday mo dati kasama ang mga kaibigan mo, hindi ba?"

PAGAK ang tawa ni Atasha habang nakikinig sa kwentuhan nina Ruth at Denzel. Ang binata lang kasi ang naimbitahan ni Ruth na sumama sa kanila. Nasa resthouse sila nila Ruth tulad ng nakagawian nila dati noong mga bata pa sila.

"Speech naman para sa celebrant," request ni Ruth.

"Thank for coming. Kahit na late na, nakarating pa rin kayong dalawa. Lalo na ikaw, Denzel. Mabuti ka pa…" Subalit hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil lalo lang tumitindi ang sama ng loob niya kay Kurt.

"Baka may emergency. There was even a time that he forgot his own birthday. Ipinaalala lang sa kanya ng assistant niya."

"Kung mahal niya si Ash, hindi niya pagmumukhaing tanga," kontra ni Denzel at napamura.

"Siguro nga may dahilan siya," aniya at napabuntong-hininga. Galit siya kay Kurt pero pilit niyang iniintindi. Alam niyang trabaho ang priority nito.

"He doesn't care for you," mariing wika ni Denzel at sinalinan ng brandy ang sariling baso. "Birthday mo pero inuna niya ang trabaho niya. Ngayon pa lang ganyan na siya. Paano kapag kasal na kayo? You don't deserve him."

Images of her mother flashed through her mind. Kung paano itong maghintay tuwing may mahahalagang okasyon at hindi makaalis ang Papa niya sa tambak na trabaho sa munisipyo. Kung paano ito magmukmok sa isang tabi at pilitin ang sarili na maging masaya para pawiin ang lungkot niya.

She suddenly saw her self. History was repeating itself. Matutulad siya sa Mama niya. Lagi na lang maghihintay. Mapait siyang ngumiti. "You know what? I promised myself that I wouldn't love someone who is like my father. Iyong laging busy sa trabaho at ako ang nasa least ng priorities. Ayokong matulad kay Mama."

"Ganoon naman pala. Bakit mo pakakasalan si Kurt?"

"Because I love him," mapait niyang amin. She was willing to sacrifice everything for him. Kasama na ang mag-self pity at magpakamartir sa isang tabi. She couldn't compete with his dreams and career. Alam niya ang lugar niya.

Lumungkot ang anyo ni Denzel. "Kung ako na lang sana ang minahal mo…"

She clincked her glass with his. "Uminom na lang tayo. Ayoko nang isipin pa ang sama ng loob ko. I just want to be happy!"

Ayaw na niyang bigyan pa ng pag-asa si Denzel. Lalo na't alam niyang kay Kurt na ang puso niya ngayon.