"What heir?" bulalas ni Atasha. Daig pa niya ang binaril sa ulo sa term na sinabi ni Kurt. Minsan lang sumagi sa isip niya na magkakaanak sila pero mabilis niyang binura iyon sa isip. Dahil imposible. Now he was asking for an heir.
"Our own flesh and blood. Gusto kong magkaroon tayo ng anak. Kailangan ko ng tagapagmana," kaswal nitong sabi na parang nanghingi lang ito ng laruan.
"Pero wala ito sa usapan ninyo ni Ate Kim! No consummation of marriage!" paalala niya. Akala siguro nito ay mauutakan siya nito. Sabi na nga ba't pinagna-nasaan nito ang katawan niya. Kailangan muna siya nitong pilitin bago siya bumigay. Pumayag siyang magpahalik pero hindi niya basta-basta isusuko ang Bataan.
"You want things to change, Atasha. You want to be my partner and mix with my affairs. Iyon ang bagay na kahit kailan ay hindi pinakialaman ni Kim. Wala siyang pakialam sa mga desisyon ko."
"You never asked for an heir before." Naging pabor lang ito sa pagkakaroon ng anak nang mabuntis si Kimberly.
Tumayo ito at nagsalin ng brandy. "It never crossed my mind until Kim told me that she was pregnant. Hindi rin naman kito oobligahin na bigyan ako ng anak. Pero unfair naman kung magde-demand ka ng maraming bagay sa akin pero wala akong hihinging kapalit. Anak lang naman ang gusto ko."
"Ayoko!" tutol niya. She remembered his cold-blooded intention. "Gagamitin mo lang ang bata para sa pansarili mong interes! I hate you!"
A flash of hurt passed through his eyes. Pero dagli ring naglaho iyon. "Make your choice. Give me an heir or don't interfere with my affairs."
"I can still be your wife without producing an heir. Gusto ko pa ring maging ka-share mo sa mga desisyon mo," may hinahon niyang sabi nang makabawi. Sa halip kasi na siya ang magpaikot ay siya na ang napapaikot nito sa palad nito.
"I am very ambitious, Atasha. And I will do everything to make my dreams come to life. Kasama na doon ang pagkakaroon ng tagapagmana na mamamahala sa lahat ng pinaghirapan ko kapag wala na ako. That is my ultimate dream."
She felt a cold air creep through her skin. A little boy flashed through her mind.Isang carbon copy ni Kurt. Did he want an heir who was a cold-blooded as him?
"No way!" mahina niyang usal. Gusto niya ng simpleng buhay. At kung magkakaanak sila ni Kurt ng katulad nito, kailangan din nitong gumawa ng mga desisyon na hindi na kailangang isaalang-alang pa ang damdamin ng iba. Mas gugustuhin pa niyang mamuhay sa tuktok ng Mt. Apo kasama ang anak.
Ibinaba nito ang brandy sa center table at pinagmasdan siya. "You said you wanted to share everything. Then let's make the most out of it if you want this marriage to work out."
Nanlaki ang mata niya nang pagalain nito ang mga mata sa katawan niya. "Not my body!" protesta niya at niyakap ang sarili. Nasty thoughts ran through her mind. Papayag ba siyang basta-basta sumuko dito? It was tempting indeed. Pero hindi pa siya nasisirain para gawin iyon.
Nagsalubong ang kilay nito. "We don't have to consummate our marriage. There are scientific ways like artificial insemination."
Lalo siyang nag-freak out. Hindi ito ganoon kainteresado sa katawan niya. Gusto lang siya nitong maging human incubator. "That is so cold!" bulalas niya. "Palala ka nang palala tuwing mag-uusap tayo, Kurt!" Paano niya ito matatagalang makasama kung beyond normal ito kung mag-isip?
Kinalas nito ang isang butones ng suot na polo. "If you want to go natural, I am willing to oblige you. Walang problema sa akin," sabi nito habang naglalakad palapit sa kanya.
Nanuyo ang lalamunan niya at napaurong. "Huwag kang lalapit!"
"Bakit? Natatakot ka?" tanong nito at ngumisi. Lalo siyang kinabahan sa ngiti nito dahil unti-unting nanlalambot ang tuhod niya. Baka hindi na siya nito kailangan pang pilitin kung sakali. Paano naman ang ipinaglalaban niya?
"Basta! Ayoko!" bulyaw niya.
"Ayaw mo ng ano?" tanong nito at umupo sa tapat niya. He just stared at her waiting for her answer. Wala na itong iba pang butones na ibinukas na butones sa polo nito. Iyon lang? Hindi siya nito pipiliting isuko ang katawan dito?
She collected herself right away. "I don't want to have a child with you. Naturally procreated or otherwise. I don't want my child to suffer."
"Bakit mo nasabi iyan? I will provide him everything. Send him to the best schools and…"
"Teach him how to rule an empire the heartless way?" sarkastiko niyang dagdag. "Gagamitin mo lang siya sa ambisyon mo! Paano na siya kapag naghiwalay na tayong dalawa?"
"Sino ang maysabing maghihiwalay tayong dalawa? This marriage will last forever!"
"Oh, no!" bulalas niya at nasapo ang noo. Ang iniisip niya ay ilang buwan o taon lang ang itatagal ng pagsasama nila. Just enough time for him to fulfill his political goals. Pagkatapos ay exit na siya sa buhay nito.
"Hindi magandang tingnan kung maghihiwalay tayong dalawa. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?"
"Matatali na nga ako sa iyo habambuhay, magkakaanak pa tayo. Isipin ko lang ang bagay na iyon, sasabog na ang utak ko." Kapag nagkaanak sila, mas lalo siyang mahihirapang makipaghiwalay dito.
"Hindi ko gugustuhing magkaroon ng anak kung hindi mo sana gustong makialam sa mga desisyon ko. And my child won't be as cold-blooded as I am as long you he would have you as his mother."
Maang siyang napatingin dito. "Paano mo natiyak iyan? You want a copy of yourself and I won't allow that to happen."
"I know. Kung hindi mo pakikialaman ang affairs ko at tatahimik ka lang sa isang tabi, hindi magandang environment iyon na kalakihan ng isang bata. Hindi pwedeng puro ambisyon lang siya. Makakabuti sa kanya kung may inang katulad mo. Poprotektahan mo siya mula sa akin, hindi ba? Para hindi siya tuluyang malunod sa ambisyon. And besides, my child and I would have different mothers. With your guidance, he would grow up just fine. He can still be ambitious and still have a heart. Then things would be different for him. I don't want to have a child when I was with Kim. Dahil tatango lang siya sa lahat ng desisyon ko."
"Pero buntis na siya noon."
"Hindi ko anak iyon. Anak nila ni Rohann. The child may carry my name but I can't erase the fact that I am not the real father."
"At sa akin…"
"I know that you would fight me tooth and nail if I ever do anything to harm our child. Mas matuturuan mo siya ng tama. Hindi ko pakikialaman ang gusto mong maging pagpapalaki sa kanya. I believe that you would be a great mother."
Ilang sandali siyang natahimik. Unti-unti nitong tinanggal ang takot na maging katulad nito ang magiging anak nila. Pero hindi pa rin siya handa. Sa isang relasyong walang pagmamahalan, hindi pa rin patas para sa isang inosenteng bata na lumaki nang walang pagmamahal ang mga magulang sa isa't isa.
"Mamahalin mo ba siya?"
He caressed her face. "That's for you to find out."
Mabilis siyang umiwas dito. "I don't know, Kurt. Masyado pang maaga para pag-usapan natin ang tungkol dito, hindi ba? Gusto ko munang pag-isipang mabuti. Ayokong ipakipagsapalaran ang kinabukasan ng magiging anak ko."
"Bakit? May iba ka bang gustong pakasalan? Is it Denzel?"
She shook her head right away. "No. He is just a friend."
"Are you in love with someone else? Gusto kong sabihin mo na ngayon pa lang. Ayoko nang magkaproblema pa ulit."
"My heart is free. Ayoko nang gawin pang komplikado ang buhay ko." At natitiyak niyang malabo pa siyang ma-in love lalo na't ikakasal na sila. Kahit na hindi niya mahal si Kurt, wala sa bokabularyo niya ang mangaliwa.
"Good. Because I don't intend you share you." She suddenly sensed possessiveness in his voice. As if he owned her. "I was so careless with Kim. Hindi ko alam na buhay pa si Rohann. I was too stupid to make myself believe that Rohann won't go after her. At lalong hindi ko inaasahan na tutulungan mo siya."
"Ihihiwalay mo ba ako sa boyfriend ko kung mayroon ako?"
"No. I hate interfering with other people's love affair. Malas iyon. And besides, hindi ko saklaw ang nararamdaman mo. So from now on, I won't allow you to meet other guys. Bago ka pa tuluyang ma-in love sa iba."
"I don't have the right to fall in love?"
"You can. But I won't allow extra-marital affairs. Kaya kung may gusto kang iba, kalimutan mo na. Hindi rin iyon magma-materialize."
"Rest assured, walang lalaking magtatanan sa akin kung sakali. Pero hindi rin kita papayagan na mambabae. Malilintikan ka sa akin!" Hindi siya papayag na may dumikit din na ibang babae dito. Guguwadiyahan niya ito.
"Hindi ako interesado sa mga babae. At lalong hindi ko hahayaang sila lang ang humadlang sa ambisyon ko. Don't worry. I will have my eyes on you from now on," he said in a sensual voice. Na parang siya lang ang babae sa buhay nito. It was suppose to sound businesslike but it caressed her heart.
"Mukhang sa lahat ng pinag-usapan natin, doon lang tayo nagkasundo."
"It is a deal then?"
"Yes."
"Good," he said then pulled her against him. His teasing mouth kissed her sensually. Did he find out her weakness? Alam na ba nito na tuwing hahalikan siya nito ay nawawala siya sa sarili at pwede siya nitong pasunurin sa lahat ng gustuhin nito nang hindi siya tututol? Hindi na siya papayag na iyon ang mangyari. She needed her senses back. O wala siyang maihaharap na mukha kahit sa sarili niya.
Itinulak niya ito palayo. "Don't you think that is too much? Hindi dahil hinalikan kita kahapon, papayag na akong laging magpahalik sa iyo."
"It is a part of the deal," he uttered casually.
"I want to put it on paper!" gigil niyang sabi. Dapat ay may quota ang paghalik-halik nito sa kanya. He shouldn't have unlimited access.
"Don't worry. Everything's stored here." Itinuro nito ang sentido. "Kapag may nilabag ako sa kasunduan, I will grant you an annulment."
"At kung ako naman?"
"Matutupad ang ambisyon mong mag-Afghanistan. I'll even give you a one-way ticket to get there."
"Ipapadala mo pa rin ako sa Afghanistan kahit na may anak na tayo?"
"Saka na natin iyon pag-usapan kapag nakapagdesisyon ka na tungkol sa bata. Hindi naman kita pipiliting magkaanak kung ayaw mo. I am just thinking that a child would do both of us good."
"I think so." Baka sakaling mas mag-mellow ito kapag may anak na sila. Na hindi na ito tuluyan na malulunod sa ambisyon. Maybe he would somehow learn to love. Mukhang imposible pero sa tingin niya ay may pag-asa pa si Kurt.
"Ihahatid na kita sa inyo. Take a rest. Kapag lumabas na ang Tito Horacio mo sa ospital, pupunta tayo sa Davao para dalawin si lola."
HULING araw ni Horacio sa ospital. Binigyan na ito ng clearance ng mga doctor para lumabas. Nang pumasok siya sa kuwarto ni Horacio ay natutulog ito habang si Bettina naman ay may kausap sa phone. "Atasha, Ate Kim mo," anito at mabilis na ibinigay sa kanya ang phone.
Excited niyang sinagot iyon. "Hello, Ate Kim! Kumusta na kayo ni Rohann?"
"We are okay. Nasa Sagada kami ngayon. Gusto na sana naming magpakasal pero gusto kong makasama muna namin sila Papa kaya tumawag ako. Bilang respeto, gusto ko pa rin silang makasama sa kasal ko. Kahit civil lang muna."
"Nagkausap na ba kayo?"
"Oo. Hindi ko na raw kailangang magtago sa kanya. At kung ikakasal kami ni Rohann, gawin na naming magarbo ang kasalan sa simbahan. Wala na siyang tutol kung si Rohann man ang mahal ko."
Namangha siya sa nalaman at napatingin sa natutulog na si Horacio. "Talaga? Pumayag na si Tito Horacio? Excited na tuloy ako sa kasal ninyo."
"Pero ikaw naman ang inaalala ko," anito sa malungkot na boses. "Nabasa ko sa diyaryo ang tungkol sa engagement ninyo ni Kurt. Pinilit ka ba niya na maging kapalit ko? Bakit ka pumayag?"
"Ate, idea ko ang tungkol doon. Handa namang harapin ni Kurt ang mga tao at sabihin na hindi na tuloy ang engagement ninyo. Pero naisip ko si Tito Horacio. Sensitibo ang kalagayan niya. Iyon lang ang naiisip kong paraan para maging maayos ang lahat. Panahon na para gawin ko ang responsibilidad ko sa pamilya natin. Matagal nang dinala ni Tito Horacio sa dibdib niya ang mga problema. Maganda naman ang resulta, hindi ba? Hindi na mawawala sa atin ang kayamanan ng pamilya at hindi na rin niya kayo guguluhin ni Rohann," aniya sa pilit na pinasayang boses. Gusto niyang maramdaman nito na masaya siya sa ginawa.
"Nagi-guilty tuloy ako," naiiyak nitong sabi. "Dahil sa amin ni Rohann, muntik nang mabingit sa kamatayan si Papa. Pati ikaw kailangang magsakripisyo."
"O, huwag kang umiyak. Makakasama sa inyo ng baby. Maybe I am destined to marry Kurt. Sana nga noon pa ako pumayag magpakasal sa kanya."
"Maybe everything was destined to happen. Kung hindi ka tumangging pakasalan si Kurt, hindi ako pababalikin sa Pilipinas ni Papa. Hindi kami magkikita ni Rohann. Everything happens for a reason."
"I am glad that you are happy now." Kaya naman siya nagsakripisyo para sa kaligayahan nito. Kahit paano ay hindi nasayang ang paghihirap niya.
"You should also try to be happy." Bigla ay ito na ang nagpapayo sa kanya.
Tumawa siya nang pagak. Hindi kasi niya ma-imagine kung magiging masaya nga siya sa lalaking hindi niya mahal. "Ikaw ba, naisip mong magiging masaya ka kay Kurt noong naiisip mo na pakakasalan mo siya."
"I was so in love with Rohann. Paano ko maiisip na magiging masaya ako sa iba? Pero ikaw na rin ang nagsabi na walang masama kung susubukang magmahal. Make the most out of a bad situation."
Kurt was a bad situation indeed. "I can't see myself falling in love with Kurt." She would fall in love with a venomous snake but not with Kurt.
"He is not a bad person. He may be ambitious but he is not as bad as you thought. He is a very lonely man. Baka kailangan lang niya ng isang taong magmamahal sa kanya."
"I may not be the right woman for the job."
"What if you are? May dahilan siguro kung bakit siya ang pakakasalan mo. Don't hate Kurt. Beyond his political ambitions, there's a good man inside. Kailangan lang niya ng isang babae na makaka-recognize niyon. A woman who would teach him how to love. Too bad, I am so in love with Rohann. Kung hindi, baka ako mismo ang gagawa ng paraan para ma-in love sa akin si Kurt. He is gorgeous."
"Ibig sabihin, baka na-in love ka kay Kurt kung sakali?"
"Kung naramdaman ng puso ko na hindi na buhay si Rohann, I would love to teach that heartless man to fall in love."
She was speechless. Naalala niya ang malupit na trato kay Kurt ng Mama nito. Kung paano kahit minsan ay hindi ito nagmahal ng babae. Sinabi nito sa kanya noon na wala itong alam sa pagmamahal. He was alone with his cold-blooded ambitions. He wanted to have a child to pass his ambitions to.
Bumigat ang dibdib niya dahil nakadama siya ng lungkot para dito. Maybe deep in his heart, he also longed to be love.
"Sa palagay mo ba iyon ang misyon ko sa buhay?"
"Who knows? Minsan, galit na galit tayong mapasok sa isang sitwasyon na ayaw natin. Hindi natin nakikita ang positive side. We tend to hate the people who are involved. Akala natin pinahihirapan nila tayo. Pero baka tulong at pagmamahal lang ang kailangan nila. Tulad ni Kurt. Try to like him to start with."
Like Kurt? She liked his kisses. Madalas na nga niya iyong napapanaginipan. Is that a good ground to start with?