Malayong-malayo si Lola Anselma sa inaasahan ni Atasha na madadatnan niya. Ang inaasahan niyang lola ni Kurt ay tulad din nito-isang bugnuting matanda na laging nakasimangot. Sa halip ay masayahin ito at laging may nakahandang ngiti.
"Ito ang picture ng lolo ni Kurt noong kasal namin. Kahawig ni Danilo si Kurt, hindi ba?" ngiting-ngiting kwento ni Lola Anselma. Sa kabila ng edad na otsenta ay malakas pa rin ito. Nakikita niya sa mata nito na marami itong masasayang alaala.
"Opo. Lalo na po ang mata. Masyadong matapang," puna niya.
"Tama. Masyado ngang matapang. Isa siya sa mga sundalong lumaban noong panahon ng Hapon. Matapos ang giyera, dito na kami nanirahan sa Davao. Mama lang ni Kurt ang mahilig sa Maynila. Ayaw niya dito. Iyon namang batang iyon, hindi mapirmi dito sa bahay. Ayaw din niya nang simpleng buhay. Ikaw ba ay taga-Davao din? Parang pamilyar kasi sa akin ang apelyido mo."
"Taga-Davao din po ang pamilya namin. Apo po ako ni Edmundo Gatchitorena," paliwanag niya.
Bumakas ang rekognisyon sa mukha nito. "Oo. Kilala ko siya! Siya ang ibinoto kong gobernador noon. Nakasama pa siya ni Danilo noong giyera. Kumusta na siya?"
"Namatay na po siya noong isang buwan." At doon na tuluyang gumulo ang lahat. Mula sa mga utang na naiwan nito hanggang sa huling habilin nito. Mas magiging simple sana ang lahat kung hindi dahil doon.
"Pasensiya na." Tinapik nito ang kamay niya. "Ganoon talaga pupuntahan naming matatanda. Ako nga, akala ko mamamatay nang hindi nakikitang nag-aasawa ang apo ko. Mabuti at nakilala ka niya."
Ngumiti siya at naipagdasal na nagmukha iyong galing sa puso niya at hindi pilit. Noong una ay nagtataka siya kung bakit gusto siyang makilala ng lola ni Kurt. Iyon pala ay siya ang ipinakilala nitong nobya. Wala siyang planong magsinungaling. Pero wala naman siyang magawa. Inaasahan daw kasi ni Lola Anselma si Kimberly.
"Ang totoo, hindi ko po gusto noong una si Kurt."
"Alam ko, nakaka-intimidate siya. At kung may magkagusto man sa kanya, hindi naman niya gusto. Napakapihikan kasi sa babae. Ang totoo, ikaw ang una niyang nobya. Mataas ang pangarap niya tulad ng Mama niya. Lalong siyang nag-iba nang mamatay ang Papa niya. Pero simple lang naman ang pangarap ko para sa kanya. Ang makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya." Tinitigan siya nito nang direkta sa mata. "Mahal mo ba ang apo ko?"
Pinamanhid niya ang isip at sinalubong ang mga mata nito. "Opo. Hindi po ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal." That was not a total lie. Dahil hindi naman siya ang magpapakasal dito kundi si Kimberly.
Noong una ay puno ng pagdududa ang mga mata nito. Ngunit pagkuwan ay ngumiti ito. "Mabuti naman. Hatakin mo ang drawer sa aparador. At kunin mo ang kahon na nandoon."
Sumunod siya dito. Sa drawer ay may natagpuan siyang antique na jewelry box. "Heto po, Lola." Inilapag niya ang jewelry box sa harap nito.
Binuksan nito ang kahon at kinuha ang isang pares ng antique na jade earrings. "Ito ang pamana sa akin ng nanay ko. Dapat ay ibibigay ko ito sa anak kong si Carolina. Pero marami na siyang alahas. Ibang klase ng disenyo ang gusto niya. Kaya sa iyo ko na lang ibibigay."
"Lola, hindi naman po ninyo kailangang ibigay ito sa akin."
Inilagay nito ang hikaw sa kamay niya. "Sana tanggapin mo. Bilang pasasalamat ko dahil minahal mo ang apo ko."
"Pero nakakahiya naman po kung bibigyan ninyo ako nang ganito ka-importanteng regalo." Wala siyang karapatan doon dahil hindi naman siya ang pakakasalan ni Kurt.
Pinagsalikop nito ang kulubot na palad sa kamay niyang may hawak na hikaw. "Magiging apo na rin kita kaya tanggapin mo. At matutuwa ako kung maipapamana mo rin ito sa magiging anak ninyo."
Niyakap niya ito nang mahigpit. "Thank you po, Lola."
Nalulungkot siya dahil kailangan niyang lokohin ang isang napakabait na tao tulad nito. She would really love to have a grandmother like her. Lalo na sa tulad niya na walang kinalakhang lola.Maswerte si Kurt na magkaroon ng lolang tulad nito.
"O, Lola! Bakit nagdadramahan na kayo?" tanong ni Kurt nang pumasok ito sa kuwarto. Napansin niya na kapag nasa harap ito ng lola nito ay may ngiti ito sa mga mata. It was a pure and natural smile. And it changed his aura. Umaamo ito.
Kumalas si Lola Anselma sa pagkakayakap sa kanya. "Saan ka na naman nanggaling, Kurt? Ipinakilala mo lang ang girlfriend mo sa akin, tapos umalis ka na."
"Tiningnan ko lang po ang manggahan, Lola."
Lumabi si Lola Anselma. "Trabaho na naman. Nagtataka ako sa iyo. Noong kami ng lolo mo, halos hindi kami mapaghiwalay. Natatakot siya na baka may kumuha sa akin. Parang hindi mo mahal ang nobya mo," sermon nito.
Inakbayan siya ni Kurt. "Of course, I love her."
"Then kiss her."
"What?" sabay nilang bulalas ni Kurt.
"It is just a kiss. Couples usually do that. And I haven't seen the two of you kiss. Parang hindi tuloy ninyo mahal ang isa't isa."
She and Kurt stiffened. Bahagya siyang pinisil ni Kurt sa balikat. As if telling her that everything was under control. "Lola, mahiyain po siya. Ayaw niyang magiging sweet po kami sa harap ng ibang tao."
"Ibang tao pa ba ang turing mo sa akin, Kurt? Lola mo ako. Hindi naman malaking bagay ang hinihingi ko sa inyo."
Ihinarap siya ni Kurt dito. Mukhang wala rin itong magawa para kontrahin ang gusto ng lola nito. Kung gusto nilang patunayan na mahal nga nila ang isa't isa gaya ng inaakala nito, kailangan na nilang pangatawanan.
Nagbababala niyang tiningnan si Kurt nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Parang libo-libong kabayo ang nagtatakbuhan sa dibdib niya. She felt queasy. "Kurt, hindi ito kasama sa pinag-usapan natin," she whispered with a strained smile. "Actually, wala talaga tayong pinag-usapang kahit ano."
Pinisil nito ang balikat niya at bahagyang ngumiti. "Trust me," sabi nito.
He put his arm around her and drew her close to him. She suddenly tensed. She was not used to kissing someone. Lalo na't may ibang nakatingin.
Mariin siyang napapikit. Subukan mo lang mag-take advantage sa akin, magtatalo tayo sa mismong harap ng lola mo.
Nanlamig ang kamay niya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. Her pulse began to race when his fingers placed along her collarbone and her neck. As if he was preparing her for a hot kiss.
At naramdaman niyang dumapo ang mga labi nito sa kanyang… noo.
Nang dumilat siya ay malayo na ang mukha nito sa kanya. "That's it?" tanong niya sa isip kasabay ng naisa-boses na tanong ni Lola Anselma.
"Come on, Lola," angal ni Kurt.
"Wala na ba akong ibang makikita maliban doon?" tanong nitong bakas ang matinding dismaya sa mukha.
"Enough, Lola," malambing na sabi ni Kurt. "Namumula na si Kim. Saka hindi naman kami bida sa teleserye."
Napayuko siya. Namumula nga siya pero hindi dahil nahihiya siya dito o kay Lola Anselma. Nahihiya siya sa sarili niya. She expected too much. And now, she was utterly disappointed. Damn Kurt! Ganoong klaseng halik lang pala ang ibibigay nito sa kanya. Damn him!
"Señora, oras na po para uminom ng gamot ninyo," sabi ng nurse nang pumasok sa kuwarto.
"Maiwan na po namin kayo, Lola," sabi ni Kurt at hinalikan ito sa noo. Ganoon din ang ginawa niya.
Paglabas ng kuwarto ay hinila agad niya si Kurt sa isang bakanteng kuwarto. "Bakit ipinakilala mo akong girlfriend niya? Paano si Ate Kim?"
"Magkahawig naman kayo ni Kim, hindi ba? Hindi iyon mapapansin ni Lola Anselma. Kausapin mo na lang si Kim tungkol dito."
Hinampas niya ito sa braso. "Malaki ang kasalanan mo sa akin."
"Because I kissed you on the forehead? I thought you wouldn't mind."
"Well, I do mind," nanggagalaiti niyang sabi.
"Because I only kissed you on the forehead?" he asked in an amused voice.
Nanlaki ang mata niya. Gusto niyang maghurumentado dahil nalaman nito ang iniisip niya. She wanted to deny it. Sa halip ay nagmamadali siyang lumabas sa kuwarto at iniwan ito. Nasapo niya ang noo. "You'll pay for this, Kurt!"
"HOW'S Davao?" tanong ni Kimberly kay Atasha nang tawagan siya nito sa cellphone kinagabihan. Kaliligo lang niya nang tumawag ito. Malapit na kasing maghapunan. Dapat ay babalik na sila ni Kurt nang hapong iyon sa resort pero nakiusap si Lola Anselma na magtagal pa sila.
"Oh, Tito and Tita love it here. Lalo na ang seafood. The place is a paradise but your boyfriend is a snake!" she hissed. Hindi niya sinabi dito na nasa ancestral house pa rin siya nila Kurt.
"What did he do this time?" nag-aalalang tanong nito. Parang sumasakit kasi ang ulo nito tuwing nagtatalo sila ni Kurt.
"Everybody thought that I am his girlfriend! Nakakainis!" aniya at pinadaanan ng suklay ang basa pang buhok. Subalit hindi na niya naituloy na magsuklay. Sa halip ay pinanggigilan lang niya iyon sa sobrang inis. "And he kissed me!"
Nahigit nito ang hininga. "Sa lips? Torrid? French kiss?"
Napapikit siya nang mariin. "Sa noo lang. Just to please his grandma. Kailan ka ba babalik dito? Naiinis na ako sa Kurt na iyon," aniyang naluluha na. She had never felt humiliated in her life. "This is all your fault! Baka naman hanggang kasal ninyo, ako pa rin ang maging ikaw. Ayoko na."
"I am sorry, Ash. I can't go back yet. Rohann is here."
Natulala siya. "Sa Sagada? Minumulto ka. Oh, no!" Bigla siyang kinilabutan nang maisip na isang haunted na lugar pala ang pinuntahan ng pinsan niya. Doon pa ito sinundan ng multo ng dating nobyo. Naalala niya na ilang beses nang sinabi ni Kimberly sa kanya na sana ay pagpakitaan ito ni Rohann at kausapin ito. "Shall I fetch exorcists and shamans for you?"
"No! Rohann is alive!"
"Uh-oh!" Hindi siya makakibo nang mahabang sandali. Dahan-dahan pang dina-digest ng utak niya na ang namatay na nobyo ni Kimberly ay buhay. Then she realized that it was worse than having a ghost boyfriend. "Is he glad to see you?"
"Well, he hates me." Masyadong malaking gulo ang nangyari labindalawang taon na ang nakakaraan. And Kimberly thought that Rohann hated her when he died. And now that Rohann was alive, Kimberly had to face a twelve years wrath.
"Let him go, Kim," payo niya. "May future na naghihintay sa iyo dito kasama si Kurt. You can get over him. You can't undo the past."
Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Pero para sa kanya, mas mabuti nang kay Kurt ito na walang emosyon mapunta. Kaysa manatili ito sa piling ng lalaking mahal nga nito pero kinamumuhian naman ito.
"Siguro nga hindi ko mababago ang nakaraan. But I can do something for our future. I want to be with him."
"Don't tell me…" That was what she called trouble. Mahal talaga nito si Rohann. Wala na itong pakialam sa kung ano ang mangyayari sa iba. "Paano mo sasabihin kina Tito?" histerikal niyang sabi.
"Ayoko muna. Lalo na kay Papa. I intend to win him back first. He isn't over the past yet. He doesn't forget. The least I could do is heal those wounds."
"At ano ang gagawin mo kay Kurt?"
"I won't marry him anymore."
Nasapo niya ang ulo. "You are making my head ache, Ate Kim!"
Galit siya kay Kurt dahil gagamitin lang nito ang si Kimberly para sa pansariling ambisyon. But he didn't deserve to be left alone. At ganoon din ang iba mismong pamilya nila. Ano na ang mangyayari sa kanila?
"Huwag mong pasakitin ang ulo mo. Problema ko ito. Sinabi ko lang sa iyo dahil may tiwala ako sa iyo. Will you support me?"
"Basta naman sa pag-ibig, suportado kita. Mag-ingat ka."
"Don't worry. I will tell it to them in my own sweet time. Ako mismo ang haharap kay Kurt at kay Mama at Papa. Sa ngayon, kailangan ko munang ayusin ang lahat sa pagitan namin ni Rohann."
"Good luck!"