"Is Mr. Rieza in?" tanong ni Atasha sa sekretarya ni Kurt nang lapitan niya ito. She was in battle mode. Wala pang alas nuwebe ay naroon na siya sa opisina nito at handang makipagtuos.
"Yes, Ma'am," pormal nitong sagot. Mas maaga pa ito sa inaasahan niya.
"May kausap ba siya sa loob?"
"Wala po. His next appointment is an hour from now. I will inform him that you want to see him, Ma'am," anito at akmang kakausapin si Kurt sa intercom.
"Don't bother," aniya at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa private office ni Kurt at binuksan iyon.
"Ma'am, wait!" anang sekretarya na nakahabol sa kanya.
Umangat ang ulo ni Kurt mula sa computer. Nanatiling blangko ang mga mata nito nang makita siya. "Yes?" tanong nito. Ni hindi ito nagulat sa bigla niyang pagpasok. He was cool and confident as ever.
"We need to talk," sabi niya at umupo. She meant business and she didn't want to waste time with formalities. Importante ang sadya niya.
Tinanguan ni Kurt ang sekretarya. "It is okay, Miss Mercado. You may leave us. And bring us whatever Miss Gatchitorena fancies."
"Don't bother," walang emosyon niyang sabi at lumabas ng kuwarto ang sekretarya nito. Ang gusto lang niya ay makaharap si Kurt.
"You look a bit edgy today, Atasha. May problema ba? Is it Kim or is it about your livelihood project?"
"Ikaw ang problema ko, Kurt. Bakit pakakasalan ka pa rin ni Ate Kim samantalang sinabi na nga niyang ayaw na niyang magpakasal sa iyo? Umurong na siya sa kasal ninyo kahapon, hindi ba?"
"She changed her mind."
"She's pregnant with Rohann's baby."
"The more reason why I should marry her. Sinabi niya sa akin na malabong pakasalan siya ni Rohann. I am still willing to marry her and to become the father of her child. Iniisip niya ang kapakanan ng bata. Hindi madaling maging single mother. While I can provide the child everything. A name, a good reputation. The child will be mine and he will carry the Rieza's name."
"Kurt, the child is not yours."
"Tatanggapin ko siya bilang anak ko. Gusto ko ring magkaroon ng anak. At imposible iyon kung hindi mako-consummate ang marriage namin ni Kim."
Naningkit ang mata niya nang maintindihan ang gusto nitong mangyari. "Kaya pala hindi ka umurong sa kasal ninyo. Dahil hindi lang si Ate Kim ang gusto mong gamitin para sa political career mo kundi pati ang bata. That's pretty convenient on your part, Kurt. You are really cold blooded! Wala ka na bang inisip na gawin kundi gamitin ang lahat ng mga tao sa pansarili mong interes? Pati ang isang inosenteng bata idadamay mo. You are impossible!"
"Ginagawan ko ng pabor si Kim. Inaalala ko lang ang kapakanan nila ng magiging anak niya. Naging masama na ba ako dahil doon?"
"You don't care about her. All you care about is your political career and your business empire. All you care about is your self. You will only make Ate Kim's life and her baby miserable."
"Misery?" Napapalatak ito at umiling. "Miserable si Kim dahil magkakaroon siya ng anak nang walang asawa. Dahil hindi na siya mahal ni Rohann. At lilibakin siya ng mga tao dahil lang nagmahal siya. I am trying to pull her out of that miserable life, Atasha."
"No. Hindi mo naiintindihan. Napagdaanan na ito ni Tita Bettina. Ipinakasal siya sa ibang lalaki kahit na buntis na siya sa una nilang anak ni Tito Horacio. Ang una niyang asawa ang kinilalang ama ni Kuya Luigi. Nang magkita ulit sila ni Tito, iniwan niya ang una niyang asawa dahil sila ni tito ang nagmamahalan. Nang lumayo sila, hindi nila nakasama si Kuya Luigi. Naiwan siya sa unang asawa ni Tita. He grew up without knowing his true father and hating his own mother. At kinamuhian din siya ng kinilala niyang ama. Bago pa niya malaman kung sino ang totoo niyang ama, namatay na siya sa isang gulo na pinasimulan ng grupo niya. Si Kuya Luigi ang naging biktima ng lahat ng pagkakamaling iyon."
"Hindi ako katulad ng unang asawa ni Auntie Bettina. Hindi ko man siguro maibibigay ang pagmamahal na hinihingi ni Kim, I'll make sure that she will be well-provided as my wife. Ganoon din sa magiging anak niya."
"Money isn't everything. It is not just money. Iwan mo na siya, Kurt."
"Alam mo kung ano ang sagot ko diyan, Atasha."
Hindi niya alam kung makakaramdam ng awa o inis dito. Si Kurt na mismo ang nagsabi na hindi nito kayang magbigay ng pagmamahal. At hindi maaring magsakripisyo sina Kim at ang bata para lang sa kapritso nito. Wala itong pakialam kung pinabababa man nito ang sarili para lang sa pangarap nito. He didn't have pride at all. He would go through lengths just to get a political seat.
"Why don't you find your own happiness? Get a life!"
"Kahit kailan, hindi ko pa binago ang mga plano ko. Kung gusto mo, kumbinsihin mo si Kim na umurong sa kasal namin," suhestiyon nito.
Napipilan siya dahil siya mismo ay mahihirapang gawin iyon. Tuluyan nang nalunod si Kim sa patibong na ihinanda ni Kurt. Emotionally unstable si Kim ngayon at wala sa sarili kapag nagdedesisyon. Hindi na ito nakikinig sa kanila ni Bettina.
"I already did," aniyang may bahid ng panlulumo. "But she wouldn't listen. Kaya nga ako ang nakikiusap sa iyo."
"If Kim already made a decision, then there is nothing you can do about it."
"Damn you, Kurt!" she said through gritted teeth and stormed out of his office. Wala talaga siyang maasahan dito. She should have known, hindi niya ito pwedeng maidaan sa pakiusapan. Lalo siyang naging desperada. Paano niya sasagipin ang pinsan niya?
"NAGKAUSAP na ba kayo ni Kurt?" tanong ni Bettina kay Atasha nang bumalik siya sa mansion. Mainit pa rin ang ulo niya dahil sa sagutan nila ni Kurt. Kung isa lang itong ipis, kanina pa sana niya ito tinapakan para di na makapanggulo.
Ihinagis niya ang bag sa kama niya. "Alam niyang buntis si Ate Kim pero mas naging pursigido siyang akuin ang bata. Wala siyang planong umurong sa kasal."
"Isa lang ang naiisip kong rason. Baka mahal niya si Kim…"
Nanlaki ang mata niya. "That's impossible, Tita! Walang inisip ang lalaking iyon kundi ang ambisyon niya. All he wants is an heir for his empire."
Nanlulumo itong napaupo sa couch. "Mas malala pa ito kaysa sa naisip ko. Hindi ko ma-imagine ang anak ko na magpapakasal sa ganoong klaseng tao. Magiging miserable lang siya tulad ko."
"Pero anong magagawa natin, Tita?"
Mukhang desidido na talaga si Kurt. Hindi ito ordinaryong lalaki. Kapag may desisyon itong nabuo sa isip, hindi na nito binabago. At mas mahirap kumbinsihin si Kimberly dahil ang iniisip na nito ay kapakanan ng anak nito.
"Hindi ko rin alam." Isinubsob nito ang mukha sa palad. "Ayokong matulad siya sa akin. Ayokong matulad ang magiging apo ko sa anak kong si Luigi. Si Rohann lang ang minahal ni Kim. Doon lang siya magiging masaya."
She could see everything clearly. Hindi malabo na dumating ang panahon na muling magkita sina Rohann at Kimberly. Sasama ulit si Kim dito. Ano ang mangyayari pagkatapos? Ano na ang gagawin ni Kurt?
Pinisil niya kamay nito. "Huwag kayong mag-alala, Tita. There must be some way to change history."
"WE MEET again, Miss Gatchitorena!" nakangiting bati ni Rohann nang I-meet niya ito sa isang Italian restaurant. "Are you a real reporter this time?"
She smiled grimly. Iyon kasi ang ginamit niyang rason para kausapin sila nito ni Kimberly noon. She used a friend's name para tiyaking pagbibigyan siya nito. Baka hindi siya nito kausapin kapag nalamang pinsan niya si Kimberly.
"I was never a reporter." Nagkibit-balikat siya. "But it worked anyway. I want you to meet Mrs. Bettina Gatchitorena."
Bahagya lang yumukod si Rohann bilang pagbibigay-galang at inabot ang kamay. "It is a pleasure to meet you, Ma'am." Kung nagulat man ito sa pakikipagkita sa nanay ni Kimberly, hindi mababakas sa mukha nito.
Nakataas ang kilay lang na tiningnan ni Bettina ang nakalahad na kamay ni Rohann. "Let's skip the formalities, Mr. Madrigal. I came here because of Kimberly."
She saw a flash of concern in his eyes."How is she? The last time I saw her…"
"You are asking me how she is when you broke her heart!" anang si Bettina na hindi napigil ang pagtaas ng boses. "At ngayon, magpapakasal na siya sa lalaking hindi niya mahal dahil itinaboy mo siya."
"Ma'am, you don't understand. Ginawa ko lang kung ano ang makakabuti para kay Kimberly. She was living in the past. She couldn't get over me. It is time na makalimutan na niya ang guilt na nararamdaman niya para…"
Natigil ito sa pagsasalita nang dumapo sa pisngi nito ang palad ni Bettina. "How dare you! How dare you think that what my daughter felt for you as an emotion as base such as guilt? Minahal ka niya. Muntik nang masira ang buhay niya dahil sa iyo. Kinalimutan niya kaming pamilya niya. At sasabihin mo sa akin ngayong guilt lang ang nararamdaman niya."
"Tita," pagpapahinahon niya dito. Nakakuha na sila ng atensiyon ng mga tao ngayon. Subalit walang pakialam si Bettina. Natural iyon na reaksiyon ng isang ina.
"Gusto ko lang matiyak na magiging masaya siya. I love Kim. Pero ayokong gumising siya isang araw at naisip niyang hindi na siya masaya sa akin. Dahil na-realize niya na hindi pala pagmamahal ang nararamdaman niya."
"At ngayong ikakasal siya sa lalaking hindi niya mahal at magiging miserable siya habambuhay, masaya ka na?" kuyom ang palad na sabi ni Bettina. Halatang pinipigilan lang nito ang sarili at mukhang gusto pang sundan ang sampal na ibinigay kay Rohann. Noon lang niya ito nakitang nagalit nang todo.
Napayuko si Rohann. "Maybe it is for the best."
Nahigit ni Bettina ang hininga. "Mataas ang tingin ko sa iyo dahil may magaganda ka daw na katangian na minahal ni Kim. Pero hindi ko akalaing duwag ka pala. No, you are worse than a coward. Napagdaanan ko na ang ganitong sitwasyon. Pero maipagmamalaki ko ang asawa ko dahil ipinaglaban niya ako. Kahit na pinaglayo kami, pilit pa rin siyang gumawa ng paraan para muli kaming magkita. Wala kang karapatan sa pagmamahal ng anak ko. Walang karapatan na…"
Pinisil niya ang balikat ni Bettina. "Tita, that's enough," malumanay niyang saway dito. Bilang pagpapaalala din niya dito na hindi ito dapat na magpadala sa emosyon. Muntik na kasi nitong masabi ang tungkol sa pagbubuntis ni Kim.
Wala silang balak na ipaalam iyon kay Rohann. Tiyak na itatanan agad nito si Kim. Kung magsasama man ang mga ito, iyon ay dahil mahal talaga ni Rohann si Kim at hindi dahil buntis ito. But Rohann still failed. Mukhang buo na ang paniniwala nito na mas mapapabuti si Kimberly kay Kurt.
Taas-noo itong pinagmasdan ni Bettina. "Hindi ka niya dapat na minahal. Pinababa mo lang ang tingin ko sa iyo. Don't worry, Kim can survive without you. At sana balang-araw makalimutan na niya ang guilt niya sa iyo."
"Sayang, Rohann. Akala pa mandin namin, ikaw ang makakapagpasaya kay Ate Kim. But I guess, we are wrong. Goodbye, Rohann. We won't bother you again." Tinapik niya ang kamay ni Bettina. "Tita, let's go."
Rohann looked like an authentic loser as she gave him one last look. Bagsak ang balikat nito at parang pasan ang buong mundo. Maybe he really loved Kimberly. Pero hindi iyon sapat. Kung kasing-tapang lang sana ito ng katulad ng nakikita niya kapag lumalaban ito sa mga competition, hindi sana ito masasaktan at si Kim.
Nakalabas na sila ni Bettina ng restaurant nang marring niya ang pagtawag ni Rohann sa kanila. "Wait!" anito at humarang sa dadaanan nila.
"Ano pang kailangan mo?" mataas ang boses na tanong ni Bettina. "May ipapasabi ka pa ba sa anak ko? Na dapat ka na niyang kalimutan? Makakarating."
"No, Ma'am. I want you to tell her that I love her. And I am willing do everything for her to marry me. Babawiin ko siya kay Kurt. Kahit na ilang bodyguards pa ang kailangan kong harapin. Kahit na hindi na niya ako mahal. Sa palagay ko, hindi ko na kaya pang mabuhay nang wala siya."
"B-Babawiin mo ang anak ko? Mahal mo siya?" naluluhang tanong ni Bettina. She was really a sucker for romance.
Napangiti siya nang makita ang tapang at sinseridad ni Rohann. Tinapik niya ang balikat nito. "No more action flicks this time, Rohann. We will do things quietly. Tutulungan ka namin na bumalik sa iyo si Ate Kim."