Chapter 11 - Chapter 11

"BAKIT ka nakipagkita sa akin?" tanong ni Atasha kay Rohann nang I-meet ito sa isang restaurant. Alas dos ng hapon noon kaya walang masyadong customer. Pero ayaw pa rin niyang mag-take ng chance. "May problema ba sa plano natin? May gusto kang baguhin? You should have called me instead."

"Gusto ko lang ipabigay ito kay Kim," anito at inabot ang kahon ng regalo.

"Sana ipadala mo na lang sa iba."

"Gusto kong matiyak na ibibigay mo iyan. Importante sa akin ang laman ng kahon," seryosong sabi nito.

"Ano ba ang regalo mo?" tanong niya at bahagyang inalog ang kahon. "Bomba? Iyon ba ang plano mo para hindi matuloy ang engagement party ni Ate Kim? Ayoko ng violence, di ba?"

"Hindi ako terorista. Just make sure that she'll see my gift."

"Corny mo! Ano ba ang laman nito?"

Sinubukan niyang tingnan ang laman ng kahon pero pinigilan siya nito. "Huwag mong bubuksan iyan!" saway nito sa kanya.

"Sungit!" Iningusan niya ito at inilagay ang regalo sa bag. "Kung hindi ka lang mahal ng pinsan ko. Ano ba ang nakita niya sa iyo. Lamang ka lang naman ng dalawang tabong kasupladuhan si Kurt."

"Umuwi ka na. Pakiramdam ko may nakatingin sa atin. Make sure na makakarating kay Kim ang regalo ko."

"And make sure to be on time tomorrow. Ayokong mabulilyaso ang plano."

Iyon na ang huling pagkakataon nito para makuha si Kimberly.

Nagliwaliw muna siya sa mall bago tumuloy sa bahay. Kampante siya na walang malalaman si Kurt tungkol sa plano niya. Sinalubong agad siya ng maid at sinabihang pumunta sa library. Nagtaka siya nang si Kurt ang maabutan doon. He was seated at the cherry wood table as if he was the owner of the place.

"Nasaan si Tito Horacio?" tanong niya.

"Ako ang nagpatawag sa iyo," anito at pinagsalikop ang kamay.

She took her seat in front of him. "So what do you want, future cousin?"

"That sounds so fake!" walang kangiti-ngiti nitong sabi.

"Hindi ka ba natutuwa? I am welcoming you to the family," aniya at ibinuka ang mga kamay.

"Are you hiding something?" he asked as he pierced her with his black eyes. Parang binabasa nito ang tunay na laman ng isip niya.

"Ano naman ang itatago ko sa iyo?" inosente niyang tanong.

"May nakakitang magkasama kayo ni Rohann."

Nanlaki ang mata niya. "Are you spying on me?"

"No. May kaibigan ko lang na nakakilala sa inyo," mahinahon nitong sabi. Kaya pala pakiramdam ni Rohann ay may nakamasid sa kanila. Nagkakahinala na ba si Kurt tungkol sa plano nila?

"I just told Rohann to stop bothering Ate Kim," kampante niyang sabi. "Tiniyak ko lang na hindi na siya maghahabol pa. Talagang lalayo na siya dahil gusto niyang mag-concentrate sa career niya. He even wished you luck."

"I hope you are not lying," he said with unwavering eyes.

"Why should I lie?" tanong niya at nilabanan ang tingin nito. Hindi siya sinungaling na tao. Pero ginagawa niya ito para sa kabutihan ng nakararami.

Tumayo ito sa harap niya. "I am the person who values honesty. That's what I like about Kim. Hindi siya naglilihim sa akin. Kaya tinanggap ko pa rin siya kahit na alam kong si Rohann ang mahal niya. I could always see honesty in her eyes."

"At pinalalabas mong sinungaling ako?" tanong niya sa mataas na boses. Subalit mabilis din siyang huminahon. Baka mahalata nito na defensive siya.

Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kanya. "Just a warning. Hindi ko papayagan ang sinuman na sirain ang mga plano ko. Not even you."

Iningusan niya ito. "Sa halip na magpasalamat ka sa pagmamalasakit ko sa iyo, paghihinala pa ang igaganti mo sa akin. Masyado kang paranoid. I can assure you that I won't be a hindrance to your plans. Huwag mo akong pag-isipan ng masama dahil magiging magkapamilya na tayo."

Matiim siya nitong pinagmasdan. "Why the sudden change of heart? Samantalang halos isumpa mo na ako noon."

"You are not that bad, Kurt. Ang problema lang, hindi ka marunong magmahal. Pero mas mabuti na iyon kaysa saktan mo ang pinsan ko."

"I won't hurt her."

She smiled sweetly. "Good!"

Nawala ang pagkabalisa nito. The best talaga ang acting niya. Lusot!

Hindi ka ganoon kasama, Kurt. But you are not meant for my cousin. She deserves the man who loves her.