Chapter 14 - Chapter 14

"KUNG natatakot ka sa galit ko dahil sa pakikipagsabwatan mo kay Rohann para itanan si Kim, huwag kang mag-alala," sabi ni Rohann habang nasa hotel suite sila. Bago pa nito harapin ang mga bisita ay pinilit muna niya itong kausapin siya. "Wala akong plano na gawin iyon sa pagkakataong ito. Mas kailangan kong intindihin ang mga taong naghihintay sa akin sa labas at ang kalusugan ng Tito Horacio mo."

"Hindi ako natatakot sa galit mo. Gaya ng sinabi ko, handa akong harapin ang mga consequences ng ginawa ko. Dahil sa akin, muntik nang mamatay si Tito Horacio. Nabilad na rin ang parehong pangalan natin sa kahihiyan. Hindi kita hahayaang humarap sa mga tao nang mag-isa."

"Sasamahan mo akong magpaliwanag?" anito at umangat ang gilid ng labi. "You don't have to worry. I can face them myself."

"Alam ko. But you can't face them without a fiancée. I am willing to trade places with my cousin." She looked at him straight into the eye. "I am willing to marry you, Kurt."

She flicker of surprise shone on his face. "Sigurado ka ba dito, Atasha?" paniniyak nito. "Are you really willing to marry a heartless bastard like me?"

Napayuko siya dahil ginamit nito ang salitang madalas niyang itawag dito. Nakokonsensiya siya nang kaunti dahil masyado siyang harsh sa pagtrato dito. "You maybe heartless but you are not really a bastard, Kurt," she said in a kind voice. "I think I can cope with that."

Humalakhak ito. The first laugh she heard from him. It was suppose to mean bad. Very bad. "I need a willing wife. Hindi isang asawa na napipilitan lang. I know you, Atasha. You are not a meek lamb. And you don't look happy about this. Hindi ko kailangan ng bride na mukhang magluluksa."

"Don't mind me! I must do this. Kasalanan ko ang lahat dahil sa simula pa lang ay tinanggihan na kita. Ako ang sinisisi ni Tito Horacio. Ako ang dahilan kung bakit siya inatake sa puso. Maybe it is my destiny to marry you."

"Just that simple? You'll just accept your destiny? I thought you are the type of person who is willing to defy her fate."

"Tuwing iniiwasan kong magpakasal sa iyo, laging may nangyayaring hindi maganda. Maybe I just have to accept my fate. You need a wife. Hindi mo na ako kailangang pilitin ngayon. Gaya nang ginawa ni Ate Kim noon, kailangan ko itong gawin para sa pamilya ko. Tuwing iniiwasan ko ang destiny ko, laging may nangyayaring hindi maganda."

"You can't get through this if you don't like me. We will be engaged tonight. At titiyakin ko na matutuloy iyon hanggang sa kasal. Hindi ko na papayagan pa na bigyan ng sama ng loob ang Tito Horacio mo at sirain ang mga plano ko. So if you are not up to it, then don't. I can face them alone."

Napayuko siya. "I know. Wala rin akong planong saktan pa siya." Kaya nga ihinahanda na niya ang sarili sa anumang mangyayari. Handa siyang makipagtulungan kay Kurt para maging maayos ang lahat.

"Then we have to work out on our differences. Gusto kong malaman kung ano ang mga problema mo sa akin bago tayo humarap sa mga bisita."

"You don't smile."

"I'll try to smile for tonight."

"Be genuinely happy that you are marrying me, Kurt. Kahit paano, mag-pretend ka at ganoon din ang gagawin ko. Gagalingan kong umarte." After all, that was what their relationship would be all about. It would be just mere acting.

"Okay," anito at pilit na ngumiti. Pwede na rin iyong pagtiisan. Saka na lang niya ito ipa-practice kapag malapit na silang ikasal. "What else?"

Binasa niya ang labi. "I want to know if you are a gay."

Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit mo naisip iyan?" anitong bahagyang may himig ng galit sa boses. "Do I look like one?"

"No. But I want to get it straight from you."

"No," matigas nitong tanggi.

"Bakit parang ayaw mong humahalik sa babae? Noong kay Ate Kim, sa pisngi mo lang hinahalikan. Nang magpanggap akong girlfriend mo noon, sa noo mo lang ako hinalikan. How can you convince people that you want to marry me if you don't know how to kiss? Ayokong pagtawanan nila ako. Baka isipin nila na kung hindi ka bakla, bad breath naman ako," maktol niya. Either way, it won't help them. Kung magpapakasal sila, kailangan na nilang plantsahin ang problema ngayon pa lang.

"Halik lang ang problema mo?"

She nodded her head. "Sabihin mo lang sa akin kung hindi mo kaya," may halong paghamon niyang sabi. Dito niya malalaman kung lalaki talaga ito o hindi.

"Tuturuan mo ako?"

Nakagat niya ang labi. "Hindi rin ako marunong." Malaking problema iyon kung pareho silang hindi marunong humalik. "Pwede naman siguro nating dayain."

"Maybe we could practice a little."

He faced her and slid both hands behind her neck, drawing her to him. Practice? Kailangan talaga nito ng practice lalo sa dalawang halik na ibinigay nito sa kanya na puro sablay. Wala na itong mas maganda pang maibibigay bukod doon. Wala na itong pag-asa. He was such a lousy kisser.

But the lips that kissed her were warm and persuasive. It was not the same lips, which were bored her to hell. And the kiss didn't last for a split second like the first two did. It was like going on forever and caught her off guard.

His lips move over hers with a developed technique, tenderly demanding that she respond. Kusa niyang ibinuka ang labi at tuluyang nagpaubaya dito. When his tongue touched hers, daig pa niya ang nadarang sa bolta-boltaheng kuryente.

She wrapped her arms around his back. She had been dreaming about that kind of kiss. Pero hindi niya inaasahang si Kurt ang magbibigay niyon sa kanya. She remembered what she told herself before. That she would probably yawn once he kissed her. She didn't yawn. She felt like swooning.

"Is that enough?" he asked casually then pulled her away from him. Na parang walang anuman dito kung hinalikan man niya ito. "Sa ngayon, ito lang ang kaya ko. If you are not satisfied, saka na lang natin pag-usapan."

"That's enough," mahina niyang usal at napaupo sa pinakamalapit sa sofa.

She was shaking all over. She was not prepared for the impact of that kiss. He was far from boring. Mabuti nga at nakapagsalita pa siya matapos siya nitong halikan. Nainsulto marahil ito sa mga sinabi niya kaya ganoong klaseng halik ang ibinigay nito sa kanya. Kaya sa huli, siya ang nagmukhang inosente.

He looked satisfied. "Good." Good? Nanginginig pa nga ang tuhod niya dahil sa halik nito. Was that supposed to be good?

"What shall we tell them about the sudden change of your fiancée? Baka hindi ko masagot ang tanong nila," pag-iiba niya ng topic. Sa palagay niya ay kaya niyang pangatawanan ang role nila pero wala sa isip niya kung ano ang dapat na sabihin sa mga tao. Kung paano makukumbinsi ang mga ito na gusto nila ang isa't isa.

"Simple lang. We tell them that we are in love."

Napalunok siya. Paano ba magkunwaring in love sa lalaking kinaiinisan niya? Hindi naman siya katulad ng mga babaeng baliw na baliw dito. At ang tanong, kaya rin kaya nitong magmukhang in love sa kanya.

Wala sa sarili niyang natingnan ang malabong repleksiyon sa nakabukas na glass window ng hotel. She looked flush. Malakas din ang pintig ng puso niya. Makakatotohanan ang halik nila pero parang nananaginip lang siya.

Tinawagan nito sa cellphone ang assistant na si Gardo. "Tell the host that there will be changes in the program." Tumingin si Kurt sa kanya. Saglit na natahimik si Kurt. Pinakikinggan marahil ang pagtatanong ni Gardo. Inangat ni Kurt ang kamay na parang pinalalapit siya. She walked towards hi and held his hand. Pakiramdam kasi niya nang mga oras na iyon ay sila na lang ang magiging magkakampi. "My new fiancée is Atasha Gatchitorena."

PASILIP-SILIP si Atasha sa maliit na siwang ng pinto ng ballroom kung saan ginaganap ang engagement party. Karamihan sa mga guests ay naiinip na dahil magdadalawang oras na silang atrasado. Nagtitiis lang ang mga ito dahil isang malaking event ang mangyayari. Everybody wanted to be a part of it. Lalo na ang mga personalidad na gustong makita ang sarili na naka-plastada ang picture sa society pages ng magazine at diyaryo sa susunod na mga araw.

"Nervous?" tanong nito habang nasa labas pa sila ng ballroom at hinihintay ang pagtawag sa kanila ng host.

"Sino ba ang hindi kakabahan? This is my engagement party after all."

"Aren't you excited? That's what every girl should feel."

"Come on, Kurt. You know how dreaded I am. Bukod ako ganoon kahanda para sa engagement na ito, iniisip ko rin kung ilang babae ang sasabunot sa akin kapag nalaman nilang ako ang pumalit sa pinsan ko."

She could imagine tons of women who were after him. Ang mga babaeng kinaiinisan niya dahil patay na patay dito. Alam ng karamihan sa mga ito na ayaw niya kay Kurt. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito kapag nalamang siya ang pakakasalan ni Kurt?

"You should feel proud being my future wife," he whispered and held her hand tightly. Eksaktong narinig nila ang pagpapakilala sa kanila ng host at binuksan ang pinto ng ballroom para sa kanila.

Every one in the room was in awe. She even caught Kurt's mother with her mouth and eyes wide open. Inaasahan kasi ng mga ito na si Kurt ang papasok. Kinakabahan siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Kurt. She also forced herself to smile. Kailangan niyang magpanggap na masaya. Dahil ginagawa niya ang lahat para sa pamilya niya. She wanted to make her cousin happy so she must pay the consequences.

Tumutok sa kanila ang mga camera gayundin ang lahat ng mga tao. Napapitlag na lang siya nang maramdaman ang malamig na bagay na inilagay ni Kurt sa daliri niya. It was a diamond ring. It looked perfect as if it was made just for her. Maybe it was really fate.

"Like it?" mahinang tanong ni Kurt.

He smiled when she nodded. Then he pulled her against him. He fastened his mouth to hers. His kiss was tendered but masterful. Na parang ihinanda talaga para sa sandaling iyon. Dapat ay maramdaman niyang parang nananamantala ito. She didn't feel plundered but discovered. The crowd drowned around them. Mahigpit siyang humawak sa balikat ni Kurt nang maramdaman niya ang panlalambot ng tuhod niya. They could go on kissing forever and won't mind at all.

Bigla siyang nagising dahil sa malakas na palakpakan ng mga tao. It was final and it was a nightmare. She would really marry this cold unfeeling man and pretend that she loved him. She would also have to spend the rest of her life with him.

Nakangiting niyakap si Kurt ng Mama nito na si Carolina. "Congratulations, hijo! I'm happy for you!" she said in a very cultured voice.

"Thanks, 'Ma," pormal na sabi ni Kurt. Parang isang karaniwang kakilala lang nito ang ina. Pati ba sa nanay nito ay wala itong maipakitang affection?

"Hija," todo ang ngiting sabi nito at niyakap siya. She was not her favorite person. Hindi niya type ang maarteng socialite na tulad nito. Another nightmare. Magiging biyenan niya ang ambisyosang tulad nito. "Welcome to the family! Finally, magkakaroon na rin ako ng anak na babae."

"Thank you po," malambing niyang sabi. Kaya pa rin naman niyang makipag-plastikan. At dapat na rin siyang masanay dito dahil katulad ni Kurt, habambuhay din niya itong makakasama.

"Marami tayong kailangang pag-usapan," she hissed with a silent warning. Nang lumayo ito sa kanya ay nakangiti ulit ito. She even gave her a champagne glass and tossed with her and Kurt. "Cheers!"

Parang masisiraan siya ng bait sa mag-inang ito. Kung sino pa ang mga taong iniiwasan niya, iyon pa ang makakasama niya. She suddenly hated her fate.