Chapter 12 - Chapter 12

"Hi! You look so gorgeous, cousin!" puri ni Atasha kay Kimberly nang pumasok siya sa kuwarto nito. Nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng baklang make up artist. "Sana ganyan din ako kaganda kapag ako ang na-engage."

Pinagsalikop nito ang mga kamay. "I am nervous, Ash."

"Give me your hand," sabi niya at kinuha ang nanlalamig na palad nito. Saka niya ipinatong sa kamay nito ang regalo ni Rohann dito. "It is a gift."

"From you? How sweet!" tuwang-tuwang bulalas nito. Maybe her first real smile since she gave up on Rohann.

"Hindi sa akin galing iyan. Inabot lang iyan sa akin ng guard kanina. May nagpabigay daw. Open it!" excited niyang utos. Gusto rin niyang malaman kung anong regalo ang ibinigay ni Rohann at kinailangan pa nitong sumugal para lang maibigay ang regalo.

Napaiyak si Kimberly nang makita ang dream catcher na laman at binasa ang sulat na nandoon. "Hey, what happeped?" tanong niya at binasa ang sulat. Puro naman pala kabaduyan lang ang nakalagay doon.

"It is from Rohann."

"That jerk! Wala na ba siyang ibang gagawin kundi ang paiyakin ka? Tahan na masisira ang make up mo," kunwari ay galit niyang sabi at inagapang dampian ng tissue ang gilid ng mata nito. Nakapa-drama naman ng Rohann na iyon. Sabagay, kahit siguro siya ay maiiyak kung siya ang nasa sitwasyon ni Kimberly.

"Kahit magkahiwalay kami, gusto niyang bantayan ako. He gave this to me to shove the nightmares away. So that I will always have beautiful dreams."

"And Rohann is just a dream. He left you." Para hindi ito makahalata at kumpleto ang drama.

Maya maya ay kinatok sila ni Bettina "Sumunod ka na, anak," nakangiti nitong sabi. Kininditan niya ito. Ibig sabihin ay plantsado ang plano.

Tahimik si Kimberly habang nakaupo sa likod ng Mercedes Benz na maghahatid sa kanila patungo sa hotel kung saan gaganapin ang engagement party. Nasa tabi siya ng driver dahil gusto niyang bigyan ito ng panahon na makapag-isip-isip. Maya maya ay yakap na nito ang dreamcatcher na bigay ni Rohann. Iyon pala ang gustong mangyari ni Rohann. Ang magdalawang-isip ang pinsan niya sa pagpapakasal kay Kurt.

Kaunting sandali na lang ang kailangan mong hintayin, Ate Kim. Makakasama mo na ang lalaking totoong mahal mo. All you have to do is grab the opportunity to be happy and don't let it go.

Idinaan ng driver na si Manong Enciong ang sasakyan sa isang matalahib na lugar upang makaiwas sa traffic. Madalang ang sasakyan na dumadaan dito. Ayon sa hudyat niya ay biglang tumigil ang sasakyan. Bumaba ito at tinungo ang hood ng sasakyan. "Ano pong problema, Mang Enciong?" tanong niya habang pilit nitong inaaninag ang kunwari ay sira sa sasakyan.

"Nakalimutan kong I-check, Ma'am. Baka po may problema sa baterya," sabi nito at binuksan ang hood ng kotse. Kinindatan niya ito at ngumiti naman ito. Wala naman kasing alam si Kimberly sa sasakyan kaya di nito malalaman na wala naman talagang sira ang kotse.

Di nagtagal ay may tumigil na sasakyan sa likuran nila. Bumaba mula doon ang driver at lumapit sa kanila. "Manong, may problema ba?" tanong ng lalaki.

Nakahinga siya nang maluwag nang makitang si Rohann iyon. Sinenyasan niya ito sa mata na okay na ang plano. "Pwede bang humingi ng tulong? Engagement party kasi ng pinsan ko. Pwede bang ihatid mo na lang siya para hindi siya ma-late? Please?"

"Sure," anito na malapad na malapad ang ngiti. Lumapit ito sa windshield ng kinauupuan ni Kimberly. "Hi! Want a hitch?" tanong nito kay Kimberly.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kimberly na may halong kinig sa boses. Di nito inaasahan na makikita si Rohann sa lugar na iyon sa mismong araw pa ng engagement party nito.

"Nagmamagandang-loob lang ako na ihatid ka. Come on. Baka naghihintay na si Kurt sa iyo," magaan ang boses na sabi ni Rohann.

"Sige na. Bilisan mo na!" Lumapit siya dito at hinila palabas ng sasakyan. Niyakap niya ito para iparamdam dito na anuman ang mangyari ay ginagawa niya para sa kaligayahan nito. "Susunod na ako sa party."

Nawalan ito ng pagpipilian kundi sumakay sa kotse ni Rohann. Kinunutan siya nito ng noo at nilakihan ng mata. Ngumiti lang siya dito. "Pupunta ako sa engagement party mo pero hindi ikaw," mahina niyang usal. "But I'm sure you will be happy with your new life."

"Ma'am, okay na po ba?" tanong ni Mang Enciong.

Tumango siya at tinapik ito sa balikat. "Mission accomplished. Salamat po sa tulong, Mang Enciong."

"Ano po ang gagawin natin? Tatakas po ba tayo?" anitong bakas ang takot. Alam nito kung paano magalit ang Tito Horacio niya at natatakot marahil ito na mawalan ng trabaho.

"Huwag po kayong mag-alala. Ako po ang haharap sa kanila. Bumalik na po tayo sa hotel. Hinihintay na nila tayo."

Pagdating sa hotel ay mukha pa namang normal ang lahat. Tumuloy sila sa suite ni Kurt dahil doon din naghihintay sina Bettina at Horacio.

"Nasaan si Kim?" tanong agad ni Horacio nang mapansing wala ito.

Nakagat niya ang labi. "W-Wala po… Kasi…" Hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag nang maayos. Kinabahan siya nang mapansin ang matatalim na tingin ni Kurt sa kanya.

"Anong wala? Imposibleng wala! Ano iyon? Naglaho na parang magic?" mataas ang boses na tanong ni Horacio.

Nanlalambot siyang umupo sa isang tabi at umiyak. Iyon na lang ang magagawa niya nang mga oras na iyon para hindi siya masyadong putukan ng galit nito. "Kinuha po siya ni Rohann!" aniya at humagulgol.

"Paano siyang nakuha ng Rohann na iyon?" mataas ang tonong tanong ni Horacio. "Basta mo na lang siya ibinigay?"

"Nasiraan po kami ng sasakyan nang dumaan ang sinasakyan ni Rohann. Sumama po si Ate Kim sa kanya at wala kaming nagawa."

"Iyon ba talaga ang nangyari?" pormal na tanong ni Kurt. Kitang-kita niya sa mga mata nito na wala itong tiwala sa kanya.

"Oo naman! Why should I fabricate it?"

"Dahil kung totoo iyon, sana tinawagan mo agad kami."

"Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil nalilito ako!" inis niyang bulyaw dito at nakalimutan ang pag-iyak. Bakit ba hindi ito madaling utuin?

May sasabihin pa sana ito nang mag-ring ang cellphone nito. "I think this is Rohann Madrigal," sabi nito at di agad sinagot ang tawag.

"Gusto ko siyang marinig!" sabi ni Horacio. "Ako ang kakausap."

Kurt switched to loud speaker mode saka nito sinagot ang tawag. "Hello." Mukha itong kalmante. Pero malay ba niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

"Hello, Kurt!" Tama ang hinala nito. Si Rohann nga ang tumawag. "I'm sorry, I kidnap Kim and I won't bring her back unless we are married."

Hinawakan ni Horacio ang cellphone at halos iduldol ang bibig doon. "Madrigal, ibalik mo ang anak ko! Harapin mo kami!"

"Here. She wants to talk to you," anang mahinahong boses ni Rohann.

"Kurt, I'm sorry," boses na ni Kimberly ang sumagot.

"I understand," he said in crisp, contained voice. Wala siyang mahimigang galit o paghihisterya man lang. He was so controlled. Ni hindi yata ito marunong mag-panic kahit sa magugulong sitwasyon. Inaasahan nga niya ay parang bulkan itong magagalit. Na tatawagin nito ang mga bodyguards at ipapabaligtad ang buong Pilipinas para hanapin si Rohann at maibalik dito si Kimberly.

"Look, I am willing to face the damages. Magbabayad ako. Ang mga utang ng pamilya namin…"

"You don't have to, Kim. Just be happy." Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito sa babaeng muntik nitong pakasalan. Just be happy? Ganoon lang? Ni hindi man lang ito nagalit. Kinabahan siya lalo. "Pwede bang makausap si Madrigal?"

"Ako ang kakausap sa walang modong lalaking iyan," nanggagalaiting sabi ng Tito Horacio niya. "Kung isinuko mo na ang anak ko, hindi ako!"

"Hayaan muna ninyo akong kausapin siya," sabi ni Kurt at binalikan si Rohann na siyang nasa kabilang linya. "Alam ko na mahal mo si Kim, Rohann. And it took you a long time before you take her back. Take care of her."

"Yes. I will take care of her. Sorry for the bother. Are you sure you don't want any public apologies? I owe it to you."

Umiling si Kurt. "Hindi na kailangan. Just have a good life with Kim and the baby. Best wishes. Too bad, hindi ako imbitado sa kasal ninyo."

"Thanks! Makakabawi rin ako sa iyo," pagkuwan ay mensahe ni Rohann kay Kurt. He looked genuinely happy. Hindi nasayang ang sakripisyo nila.

Nagpaalam na si Kurt na lalong nagpaapoy sa damdamin ni Horacio. Inagaw nito ang cellphone at nagpatuloy sa pagsigaw kahit wala nang kausap.

"Hindi ako papayag na maging masaya kayo!" sigaw ni Horacio. "Babawiin ko ang anak ko. Gagamitin ko ang lahat ng koneksiyon ko para ibalik siya."

"Tama na, Horacio!" saway ni Bettina dito. "Pabayaan mo na ang anak natin."

"Hindi ako papayag." Tinawagan nito ang numero ni Rohann. "Madrigal! Gusto kong makausap ang anak ko!"

"Hello, Pa?" anang alanganing boses ni Kim. May rason ito para matakot dahil kakaiba ngang magalit si Horacio. Hindi nila alam kung ano ang maari nitong gawin.

"Anong ginagawa mo kasama ang lalaking iyan? You have an engagement party to think of. Bumalik ka dito, Kimberly! Or I will disinherit you!" banta nito. "Hindi na kita kikilalaning anak."

"Ganyan din ba si lolo sa inyo ni Mama noon nang pinaghiwalay kayo kaya gumaganti kayo kay Rohann, Papa?" malambing na tanong ni Kimberly. "I am pregnant. Magiging lolo na kayo."

"M-Magiging lolo na ako?" Biglang bumagsak ang mukha nito. Naisip marahil nito na malabong mabawi pa si Kimberly. "Sinira ninyo ang lahat ng plano ko! Bakit nagawa mo ito sa akin?" angil nito.

"Bakit hindi ninyo kami hayaang maging masaya?" bigla ay pumalit ang boses ni Rohann. "Iingatan ko ang anak ninyo at ang magiging apo ninyo. I will make sure that your daughter will be happy."

"Baliw ka ba? Wala kang mabuting naidulot sa anak ko sa simula pa lang. Hindi ko alam kung paanong nasikmura ng anak ko na sumama sa lalaking kapatid ng pumatay sa Kuya Luigi niya. Maghihirap kayong dalawa hanggang magmakaawa ang anak ko na bumalik sa akin! Hindi kayo magiging masaya!"

"I love you, Pa. But I am not your little girl anymore!" sabi ni Kimberly saka naputol ang tawag. Tinawagan ulit iyon ni Horacio pero naka-off na ang cellphone.

"Peste!" anito ang ihinagis ang cellphone ni Kurt sa carpeted floor. Parang inahing manok na di mapakali si Horacio na palakad-lakad sa kuwarto. "Makikita ng dalawang iyan! Malalaglag rin sila sa kamay ko. Babawiin ko ang anak ko," paulit-ulit nitong sabi.

"Stop it, Tito!" sigaw niya dito. "Masaya na si Ate Kim."

Matiim ang anyong nilapitan siya ni Kurt. "Sabihin mo ang totoo, Atasha. Tumakas ba sila ni Rohann o kusa mo silang pinatakas?" direktang tanong nito.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" mangiyak-ngiyak niyang tanong. Sana lang ay convincing ang acting niya dahil nanginginig na siya sa takot sa matalim na mga mata nito. Mas kaya niyang harapin ang galit ni Horacio kaysa dito.

"Oo," walang kagatol-gatol nitong sabi.

Awtomatiko siyang napaiyak dahil mukhang sa kanya natuon ang galit nito. At sa kauna-unahang pagkakataon ay natakot siya dito. Those cold piercing eyes sent chills to her bones. Naalala niyang galit ito sa mga sinungaling and he could easily tell one. For the first time she was rendered speechless. "K-Kasi… Ah…"

"Sabihin mo na ang totoo," mariin nitong sabi. "Kasabwat ka ni Rohann para maitakas si Kimberly."

Mariin siyang pumikit. "Oo na! Sinungaling na ako! At ako ang gumawa ng paraan para magkasama sila," amin niya.

"Kasabwat ka nila?" nagngangalit na sabi ni Horacio at akmang susugurin siya. "How could you do something crazy, Atasha? Where is your mind? Ikaw ang inaasahan kang tutulong para ilayo si Rohann kay Kim pero ganito ang ginawa mo."

Pinigil dito ni Bettina. "Calm down, Horacio."

"Walang mali sa ginawa ko. I just did what I thought is best for her!" katwiran niya. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang nalusaw ang takot niya.

"Paano ang pamilya natin? Hindi mo na ba naisip ang kahihiyang haharapin natin. Ano ang sasabihin ng mga tao? At hindi mo ba naisip kung ano ang mangyayari sa atin matapos ito?"

"Mas mahalaga pa ba ang kahihiyan at kayamanan kaysa sa kaligayahan ng anak ninyo?" mariin niyang sabi habang kuyom ang palad. "Hindi na kayo natuto sa leksiyon na nangyari sa inyo ni Tita Bettina nang magkahiwalay kayo. Gusto ba ninyong sapitin ng apo ninyo ang naranasan ni Kuya Luigi?"

Bahagya itong natigilan at napatitig sa kanya. "Magkaiba iyon."

"Paanong nagkaiba iyon kung nagmamahalan din sila? Karapatan nilang ipaglaban ang pagmamahalan nila!"

Itinaas ni Horacio ang kamay at akmang sasampalin siya. "Suwail!"

Mabilis niyang natakpan ng palad ang mukha habang hinihintay ang pagsayad ng sampal nito sa katawan niya. "Horacio!" takot na sigaw ni Bettina.

Nang tanggalin niya ang takip sa mata ay nakita niyang nakahandusay sa sahig si Horacio habang sapo ang dibdib. Mabilis itong dinaluhan nina Bettina at Kurt. While she stood in horror as her uncle's face wretched in agony.

Kinalas ni Kurt ang necktie nito. Dumilim ang mukha nito nang makita siyang nakatayo lang sa isang tabi. "What the hell are you doing there? Call the paramedics," anito at bumalik sa paglalapat ng pangunang lunas sa tito niya.

Nanginginig ang kamay niyang tumawag sa front desk ng hotel at humingi ng tulong. Nangako ang mga ito na magpapadala agad ng tulong.

"P-Parating na daw sila," natataranta niyang sabi.

Dumilat si Horacio at pilit na itinuon ang paningin sa kanya. "This is your fault, Atasha," anito sa hirap na hirap na boses. "Kung pumayag ka sanang magpakasal kay Kurt sa simula pa lang, hindi babalik ang anak ko sa Pilipinas at hindi sila magkikita ni Rohann."

"T-Tito?" aniya sa nanginginig na boses. Parang tinadyakan siya sa dibdib. Gusto niyang tumutol pero hindi niya magawa.

"Huwag ka nang magsalita," pakiusap ni Bettina. "Lalo ka lang mahihirapan."

"Ngayon naman tinulungan mo silang tumakas," pagpapatuloy ni Horacio. "Sinira mo ang plano ko para kay Kimberly. Nawala na rin pati ang nag-iisa kong anak. Ang masakit, ikaw na itinuring kong sarili kong anak ang nagtraidor sa akin. Gusto mo talaga akong patayin, Atasha. Sa tingin mo ba ay matutuwa ang mga magulang mo sa ginawa mo?"

Napayuko siya. "I'm sorry, Tito." Hindi siya nagsisisi na pinatakas niya sina Rohann at Kimberly. They deserve to be happy. Hindi lang niya inaasahan na mapapahamak ang tito niya.

"Hinding-hindi kita mapapatawad," mahina nitong sabi. Saka dumating mga medics at inilagay ito sa stretcher upang maisakay na sa ambulansiya at maisugod na sa ospital.

Napaiyak siya habang inilalabas ito. pero parang hindi niya magawang humakbang mula sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung susunod pa dito matapos ang masasakit na salitang sinabi nito.

"Atasha, let's go," untag sa kanya ni Kurt.

"Kailangan ba ako sa ospital? Hindi kaya lumala lang kondisyon niya dahil sa akin? Kasalanan ko ang nangyari, hindi ba?"

"Ginawa mo ang iniisip mo na tama. Hindi mo lang alam na ganito ang magiging resulta," malumanay nitong sabi.

"Hindi ka ba galit sa akin?" tanong niya. Sa halip kasi na hindi siya nito pansinin ay binibigyan pa siya nito ng suporta.

"Hindi ito ang panahon para harapin mo ang galit ko. Pero huwag kang mag-alala. Dadating din tayo diyan," anito at hinila siya kamay upang sumunod sa ospital kung saan ihahatid si Horacio.

Mas matinding takot ang naramdaman niya lalo na't hawak nito ang kamay niya. Parang hawak din nito ang buhay niya. Anong naghihintay sa kanya? Kaya niyang harapin ang galit ng Tito Horacio niya. Pero hindi niya alam kung paano haharapin ang galit ni Kurt. Parang gusto na niyang maibaon ng buhay bago pa dumating ang panahong iyon.