Nakatayo si Atasha sa terrace. She loved watching the sunset. Malayo ang ancestral house nila Kurt sa dagat. But the sunset was still a pretty sight. It made her think of the unknown tomorrow. Wala talagang alam kung ano ang maaring mangyari sa hinaharap. "Are you waiting for a call?" untag ni Kurt kay Atasha.
"No. Katatawag lang ni Ate Kim."
"You look so worried. May problema ba?"
She felt the pang of guilt. Gusto kasi niyang sabihin dito ang totoo. Na buhay si Rohann at walang balak si Kimberly na iwan ito. At malaki ang posibilidad na hindi na matuloy ang kasal. Wala siyang karapatang sabihin dito. Gaya nga nang sabi ni Kimberly, ito mismo ang magtatapat kay Kurt.
"Wala. Gusto lang niyang mag-extend ng stay sa Sagada."
"Pero magbabalikan na ang mga kasamahan niya bukas, hindi ba?"
"Oo. Magpapaiwan daw siya."
"Bakit kailangan pa niyang maiwan? Ibig sabihin wala na siyang kasama? Magpapadala ako ng makakasama niya doon."
Akmang tatawag ito sa cellphone para magpadala marahil ng bodyguard para kay Kimberly nang pigilan niya ito. "Kurt, please don't!"
"Bakit?" anitong puno ng pagtataka.
Malaking gulo oras na malamang nitong naroon si Rohann. Hindi magka-karoon nang pagkakataon si Kimberly na maayos ang lahat. All she needed was time to be with the man she loved. "Gustong magpahinga ni Ate Kim. Nasabi niya sa akin na maganda sa Sagada. Safe siya doon. Hindi niya kailangan ng bodyguards."
Matagal na sandali siya nitong tinitigan. "May itinatago ka sa akin."
Napalunok siya. Magaling magbasa ng isip si Kurt. Subalit hindi siya dapat magpahalata. At hindi rin siya dapat na umamin. Kailangan niyang protektahan si Kimberly. "She needed time for herself. Wala na siyang oras para sa sarili niya. At magiging busy siya sa mas maraming charity works kapag bumalik siya. Bukod sa kasal ninyo, kailangan ka rin niyang I-assist sa darating na eleksiyon. Wala naman sigurong masama kung ibibigay mo iyon sa kanya, hindi ba?"
"Sigurado kang iyon lang?"
Napabuntong-hininga siya. "Ate Kim looks submissive. Pero hindi ibig sabihin, buong-buo na ang loob niya na magpakasal sa iyo. Hayaan mo muna siyang hanapin ang sarili niya bago kayo tuluyang magpakasal. Besides, nangako naman siya sa akin na siya mismo ang tatawag sa iyo kapag gusto na niyang umuwi."
She wished that Rohann and Kimberly would patch things up right away. Kung hindi na nito pakakasalan si Kurt, mabuti pang sabihin na agad nito. Para makapag-apply na agad siya sa Afghanistan at makatakas.
"Pumasok na tayo sa loob. Medyo malamig na dito."
Pagpasok sa sala ay hindi niya maiwasang tingnan ang family picture nito at ang iba't ibang plaque at medalya na nakapangalan kay Kurt. Ang ilan pa nga ay mga bagong parangal dito bilang magaling na businessman.
"You are an achiever. Ipinagmamalaki ka sa akin ni Lola Anselma."
"She's my number one fan," anitong hindi maitago ang lungkot sa mata. "And I have to be really good in school."
"Nasabi sa akin ni Lola na teenager ka lang nang mamatay ang Papa mo. It must be tough losing a father at a very young age."
"He was a popular painter during his time and my mother lived a glamorous life. Nang mamatay si Papa, nawala ang lahat sa amin. Kailangan kong magsumikap para ibalik ang lahat. Kasama na ang ancestral house na ito."
Saka niya na-realize na marami pala silang pagkakapareho. "I know how it feels. Losing my parents and losing everything." Dahil iyon ang nararanasan niya ngayon. "Kung buhay lang siguro sila, hindi mangyayari iyon."
"We are different, Atasha. You don't feel the way I do."
Kumunot ang noo niya. Kung magsalita kasi ito ay parang walang makakatumbas ng hirap na naranasan nito. "Masakit sa akin ang pagkamatay ng daddy ko," giit niya. "My father was killed at hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli ang pumatay sa kanya. And my mother followed him after a few months. Unti-unti nang mawawala ang kabuhayan namin. And what? I am in the mercy of a stranger."
"Mine is worse. My father killed his self."
Natutop niya ang dibdib. "Kurt."
"Fourteen ako noon. May nag-udyok sa kanyang tumakbo bilang mayor. Ayaw sana ni Papa pero pinilit siya ni Mama. Pero kahit sikat siya, he lost the election. His detractors and his lack of PR factor were the reasons. And besides, this is a place of political dynasties. He couldn't stand a chance. My mother never forgave him for his loss. Perfectionist kasi si Mama. My father is very sensitive. He took the blow very badly. He took his life."
"You were so young to experience something horrible."
"But young enough to learn my lesson. I have to be strong to survive in this world. Dahil kung mahina ka, hihilahin ka nila pababa."
"Kurt, your father is not fit in politics. Dahil sa mundong iyon, hindi mo kailangan nang emosyon. Dapat matatag ang sikmura mo na humarap sa kahit anong pagsubok," paliwanag niya.
"That's why I'm perfect for it. I don't have any emotions," kaswal nitong wika.
"Hindi ako matutulad sa Papa ko na tuluyang hinila pababa ng mga taong mas malakas sa kanya. Nang patayin ni Papa ang sarili niya, mahina na rin ang tingin sa akin ng mga tao. I want to erase that stigma, Atasha. I don't want to be a loser. I don't want to be called weak."
Ngayon niya naintindihan kung bakit masyado itong matigas. Dahil sa murang edad ay naranasan na nito kung gaano kalupit ang mundo sa mga mahihina. Kaya pala ayaw nitong matatawag na mahina kahit kailan.
"What if you lose? Paano kung matulad ka sa Papa mo?"
"I'll make sure I won't lose," mariin nitong sabi. Determinado talaga itong maabot ang gusto.
"Politics is not a playground where you can prove your masculinity. Kapag gusto mong makakuha ng posisyon sa gobyerno, kailangan mong isipin ang mga taong umaasa sa iyo. It would be unfair for them kung pera at kapangyarihan lang naman ang gusto mo. If you are going to be a part of my family, I want you to have my father and my grandfather as an example. Minahal nila ang mga constituents nila. Kahit halukayin mo ang mga records nila, wala kang maibabatong mali sa administrasyon nila. They were true publics servants. Kaya minahal sila ng mga taong nasasakupan nila. I hope you do the same."
Pinisil nito ang balikat niya. "Don't worry. I will. You can always help me in my campaign. Pwede kitang gawing assistant ko."
Itinaas niya ang dalawang kamay at umiling. "No thanks. Wala talaga akong hilig sa politics. Gusto ko lang sabihin sa iyo ang opinyon ko."
May bumakas na panghihinayang sa mata nito. Hindi niya alam kung para saan iyon. "Pupuntahan ko lang si Lola sa kuwarto niya. Malapit nang mag-dinner. Gusto mo bang samahan akong sunduin siya?"
"Sure." Natigilan siya sa paglalakad nang may maalala. "Kurt, wait!" Inilabas niya sa bulsa ang hikaw na bigay ni Lola Anselma. "Gusto kong ibalik ito."
"What is this?"
"Your grandmother gave it to me. Akala kasi niya ako ang papakasalan mo."
"At bakit mo ibinabalik sa akin? Hindi naman ako ang nagbigay."
"Because I am not your future bride."
Tiningnan nito ang hikaw subalit hindi kinuha sa kanya. "Keep it."
"I can't. Dapat kay Ate Kim ito. Baka mamaya hanapin niya ito kay Ate Kim kapag kasal na kayo…"
"Ikaw ang pinagbigyan niyan ni Lola. Take it as a token because you are so nice to her and you made her happy. Kung wala ka, tiyak na malulungkot siya dahil hindi niya nakilala ang papakasalan ko. Ingatan mo na lang."
Bahagyang lumambot ang puso niya para kay Kurt. He was not as hard and as cold as he showed. He was just a survivor of a tragedy. But she felt an impending doom. With Rohann back in Kim's life, how would Kurt handle it?
NAGULAT si Atasha sa mga bisitang naabutan sa villa ni Kurt nang isama siya nito para sa Kadayawan Festival. Puro mga karaniwang tao lang ang nandoon at walang mayayaman at maimpluwensiya.
Hindi naging mahirap sa kanya na makihalubilo sa mga ito. After all, mas gusto niyang kasama ang mga ito dahil mas totoong tao kaysa sa mga mayayamang kilala niya. Subalit nagtataka siya kung bakit ang mga ito ang imbitado at hindi ang mayayamang kadikit ni Kurt.
"You look natural," sabi ni Kurt nang lapitan niya ito. Nakatayo ito sa terrace habang pinapanood sa pagkain ang mga bisita.
"What do you mean natural?"
"Hindi ka naiilang makihalubilo sa kanila."
"Natural talaga ako. Dahil mas gusto ko silang kasama. Espesyal ang trato nila sa akin at mas totoo sila kaysa sa ibang anak ng mayayaman na nakakasama ko kapag parties." Hindi na siya maiiba sa mga ito kapag sakaling hindi natuloy ang kasal ni Kurt at ni Kimberly. Magiging ordinaryong tao na lang din siya. "Ikaw, bakit sila ang inimbitahan mo?"
"I do this every year. Tradisyon na ng lolo ko na imbitahan ang tauhan niya at ang pamilya niya kapag fiesta. Like we are a big family. Tama ka. Totoong tao sila. Dahil hindi nila kami iniwan kahit nang naghirap ang pamilya namin."
"And you kept the tradition?"
Tumango ito. "Hindi na kasi sila iba sa akin. Kaya tuwing fiesta, imbitado ang lahat. Hindi lang ang mga empleyado namin at ang pamilya nila kundi kahit sino."
She caught another glimpse of the real Kurt. Hindi isang ambisyosong pulitiko ang tingin niya dito nang mga oras na iyon. Maybe he still had the chance. Maybe he really cared about those people.
"Kapag nasa Kongreso ka na, mas marami pa dito ang magiging bisita mo."
"I just hope that my future wife will understand me."
"Of course. Maiintindihan ka ni Ate Kim. Sa Africa nga, mga AIDS victim pa ang inaasikaso niya pero hindi siya natatakot. Medyo tahimik nga lang siya."
"My mother doesn't understand. Kapag ganitong okasyon, ayaw niyang nandito sa bahay. Hindi niya matanggap na kailangan niyang makihalubilo sa mga taong hindi niya kauri. Katulad ngayon, nasa ibang bansa siya. I want my future wife to understand what I am doing."
Tinapik niya ang kamay nito. "Don't worry. Hindi kami lahi ng matapobre."
"I know. Asikasuhin na natin ang mga bisita." Hinawakan siya nito sa baywang at iginiya patungo sa mga bisita.
"Sir Kurt, ang ganda naman po ng mapapangasawa ninyo," puri ni Aling Lita.
"Siyempre, pipili ba naman si Sir Kurt ng pangit," sabi ni Mang Kanor.
"Naku, lalaki po ang ulo ko niyan," sakay niya sa biruan ng mga ito. Kahit paano, sanay na siyang magpanggap bilang girlfriend ni Kurt.
"Sir Kurt, request naman po diyan! Isang kiss naman!" sabi ni Mang Baldo, isa sa mga supervisor ni Kurt sa manggahan. At nasundan pa iyon ng maraming kantiyawan.
"Paano ba iyan?" bulong ni Kurt sa kanya.
Binigyan niya ito ng nagbababalang tingin. "Sabi mo, iyong halik mo sa akin kay Lola Anselma ang pinakahuli," paalala niya.
"Iba kay Lola Anselma, ibang request din dito."
Ngumiti siya para hindi mahalata ng mga tao na nagtatalo sila. "Ayoko!" mahina pero matigas niyang tutol. Maghahalo ang balat sa tinalupan kapag itinuloy nito ang paghalik sa kanya.
Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. "Come on, Atasha. This is the last one. Tomorrow, we will be back to our normal lives. You won't see me for sometime because I have a business trip abroad."
"Last one," paalala niya dito at ipinikit ang mata. Ipinauubaya na niya dito ang lahat. Her heart was beating triple time when she felt his warm breath.
Ayus-ayusin mo ang paghalik sa akin. Kundi, malilintikan ka.
Parang pangangapusan siya ng hangin nang dumampi ang labi nito sa labi niya. Naghihintay pa siya ng kasunod pero wala na siyang naramdaman hanggang magsigawan ang mga tao. May kasunod pa ba? "Open your eyes, Atasha," malambing na utos ni Kurt. "It is through."
Gulat siyang napadilat. "Tapos na? Iyon lang?"
It was just a simple kiss. Akala niya ay mas malupit-lupit na halik ang ibibigay nito sa kanya kaysa noong sa harap ni Lola Anselma. Halos wala naman palang ipinagkaiba. And she was totally disappointed. Is that it?
Kumunot ang noo ni Kurt. "Gusto mo pa ng kasunod?"
Namumula niyang iniwas ang tingin dito. "Ayoko na. Huli na iyon."
Saka niya nakangiting kinausap ang mga bisita. Naiinis na talaga siya kay Kurt. Ganoon lang ba talaga ito humalik? Sayang naman ang mga sensual mouth nito kung iyon lang ang halik na kaya nito. Malas naman ang mapapangasawa nito. Plain kisses like that can't create a life.
Kung siya ang mapapangasawa nito at hindi si Kimberly, hindi siya papayag sa ganoong halik lang. Dapat mas torrid para mas enjoy. Hindi iyong nabibitin siya…
Namula siya sa naisip. Pinagnanasaan niya ito. She must be crazy!