"Ate Kim, you made me so worried," sabi ni Atasha nang tawagan siya nito sa cellphone. "Kanina pa ako tumatawag sa iyo."
"Sorry. Walang signal dito."
Hinabol niya ang flight papuntang Manila. She had been trying to contact Kimberly since then but she was out of coverage area. Gusto sana niya itong bigyan ng babala tungkol sa pagsugod doon ng Tito Horacio niya para bawiin ito kay Rohann. Pero pagdating niya sa Manila, saka rin bumalik si Horacio na galit na galit at hindi kasama si Kimberly.
"Jeez, I thought bibitbitin ka na ni Tito nang nakakadena pabalik ng Manila. What happened?"
"Nalaman niya na buhay pa si Rohann kaya pinuntahan agad niya kami dito. Iyon yata mismo ang gusto niyang gawin. Ibalik ako nang nakakadena sa Manila. Isinama pa niya ang mga bodyguards na bigay sa kanya ni Kurt. But Rohann didn't give me up. Ipinaglaban niya ako. He still loves me."
Napasinghap siya habang iniisip ang scenario. "There was no blood bath?" paniniyak niya. Ayaw talaga niya ng madudugong eksena.
"Not a drop. Ni wala nga kaming gasgas ni Rohann. Na-realize rin ni Papa at ng mga bodyguard niya na hindi ako basta-basta ibibigay ni Rohann. At kaya niyang patumbahin ang sampung malalaking tao nang sabay-sabay. After all, he's a wu shu champion. He will protect me with his own life."
"Kaya pala galit na galit si Tito Horacio." Para itong batang hindi nakuha ang gustong laruan. "Titiyakin daw niya na makakarating ito kay Kurt. And he doesn't take things like this lying down."
"Hindi naman babalik dito si Papa nang wala si Kurt. Alam mo naman si Papa, titiyakin niyang may kakampi siya sa susunod na sumugod siya."
"Wala pang magagawa si Tito Horacio sa ngayon. Nasa Singapore pa si Kurt. But don't be so confident about it." Hindi si Kurt ang tipo na maaring lamangan. "Alalahanin mong may kasunduan pa kayo."
"Hindi ko iiwan si Rohann," matigas na sabi ni Kimberly. "Labindalawang taon na ang nawala sa amin. Daig ko pa ang patay sa loob nang mga panahong iyon. Ngayon ko lang ulit naramdaman na nabuhay ako. I won't go back to that old hell."
"Kurt doesn't accept a 'no'." Hindi nito mapapatawad ang mga taong maaring manakit dito. Hindi rin ito papayag na masira ang mga plano nito.
"He can't force me to marry him either. Mahal na mahal ko si Rohann. And I am willing to face whatever the consequence is."
"May maitutulong ba ako?" tanong niya. Hindi madali ang pinagdadaanan nito. Kurt was a scary enemy. Isama pa na kalaban din nito ang mismong ama.
"Just pray for my happiness."
EXCITED si Atasha habang inaayos ang draft ng article na ipapasa niya para sa Sun Star Davao, isang broadsheet na nagsi-circulate sa rehiyong iyon. Natigilan siya nang marinig ang pagpasok ng sasakyan sa gate ng mansion. Nang silipin niya sa bintana ay nakita niya ang Ford Expedition ni Kurt kasunod ang sasakyan ng mga bodyguard nito. Nag-aalala siya. Kung dumating na si Kurt, baka alam na nito ang tungkol kay Kimberly at Rohann.
Iniwan niya ang article na ginawa at bumaba sa sala. Nagulat siya nang hindi lang si Kurt at ang Tito Horacio niya ang bumaba ng sasakyan kundi maging si Kimberly. "Ate Kim!" tawag niya dito at niyakap ito. "What happened?"
Tulala ito at parang hindi siya nakikita. Namumugto din ang mga mata nito. "Gusto ko nang magpahinga," sa halip ay sagot nito sa matamlay na boses at umakyat sa hagdan.
"Ate Kim!" Tangkang hahabulin niya ito nang pigilan siya ni Bettina.
"Pabayaan mo na muna siya," anito ngunit bakas pa rin ang pag-aalala para sa anak.
"Maghanda ka ng masarap na hapunan, Bettina," utos ni Horacio dito. "Dapat tayong matuwa dahil bumalik na sa atin si Kim. Dito rin maghahapunan si Kurt."
Naghihinala niyang tiningnan si Kurt. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya dito at hindi na hinintay ang sagot nito. Naglakad agad siya patungo sa garden. Maya maya ay sumunod din ito sa kanya. "Anong ginawa mo kay Rohann at kay Ate Kim?" puno ng akusasyong tanong niya dito.
"Wala. Ibinalik ko lang siya dito," inosenteng sagot ni Kurt.
Naningkit ang mata niya. "Sinaktan mo ba si Rohann? Nasaan na siya?"
Nagkibit-balikat ito. "Wala akong ginawa kay Rohann."
"Sinungaling! Kinidnap mo siguro si Ate Kim. Alam ko na hindi niya basta-basta isusuko sa iyo si Ate Kim dahil nagmamahalan sila. At hindi rin basta-basta sasama sa iyo si Ate Kim maliban na lang kung pinilit o tinakot mo. Ang sama mo!"
"I never resort to violence. May mga bodyguards nga ako pero para lang sa proteksiyon ko. Hindi ko sila ginagamit para pwersahang kunin ang gusto ko at manakit ng tao. Believe it or not, Atasha, it was Rohann who called me."
"What?" bulalas niya. "Don't make up stories."
"Nasa Singapore ako nang tawagan niya ako. Hindi ko nga malalaman na buhay pa siya kung hindi lang siya mismo ang nakipag-usap sa akin. Sunduin ko na raw si Kimberly. Sinunod ko lang ang gusto niya."
"I don't understand," naguguluhan niyang usal. "Mahal na mahal ni Rohann si Ate Kim. Bakit siya pa mismo ang tatawag sa iyo para sunduin si Ate Kim?"
"Hindi ko alam. Kung gusto mo tanungin mo si Kim. I can assure you, hindi ko dala ang mga bodyguards ko nang puntahan ko sila. Kung ayaw sumama sa akin ni Kim, hindi ko siya pipilitin. But later, she realized that it was Rohann himself who wanted her gone."
"Hindi talaga ako naniniwala," naiiling niyang sabi habang puno nang disgusto sa mga mata nang tingnan ito.
Naging malamig ang mga mata ni Kurt nang salubungin ang tingin niya. "You always see me as a bad guy."
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya sinasadyang akusahan ito. "Concern lang ako kay Ate Kim."
"So do I. Huwag mo siyang iiwan ngayon, Atasha. She needs you."
"Mahal na mahal niya si Rohann, Kurt. Masakit sa kanya ang nangyari. Can you forget about the wedding? Hindi na siya ang Kim na nakilala mo. Malaki na ang magbabago sa kanya ngayon."
Matagal na sandali siyang nitong tinitigan. "I won't force her to marry me. Nasa kanya ang desisyon kung gusto niya akong pakasalan o hindi. If there is someone who would back out, it won't be me."
"HOW'S Kimberly?" tanong ni Kurt nang mag-lunch sila ni Kurt sa restaurant ng resort nito. Ilang araw na mula nang makabalik si Kimberly sa bahay nito sa Manila.
"I could say that's she's doing fine. Tumawag si Tita Bettina kanina. Lumabas na raw si Ate Kim ng bahay. Nag-shopping na siya."
"That's a big development," komento nito. Dati kasi ay ayaw lumabas ni Kimberly ng bahay. At siya lang ang kinakausap nito.
"Thanks for not pressing her into marriage. Alam ko na importante sa iyo ang political career mo. She's not prepared to marry you right now. She's not even prepared to talk about anything."
"I am willing to wait until she's ready to discuss it."
"I am starting to believe that you really care for her."
"Hindi lang naman iyon ang reason kaya kita ipinatawag." Mula sa bulsa ng suit ay may inilabas itong sobre at inabot sa kanya. "My donation for the project."
Nanlaki ang mata niya nang mabasa ang halaga. "One million? This is too much, Kurt! At hindi pa naman kami nagpapadala ng solicitation letter." Nag-aagawan pa ang mga miyembro nila kung sino ang personal na magdadala ng sulat dito para mag-solicit nang personal.
"Kailangan ko pa bang tumanggap ng solicitation letter bago ako magbigay ng tulong? Huwag mo nang isipin kung malaki man siya. Ang importante, maraming tao ang matutulungan. Nang sabihin ko na susuportahan ko ang project ninyo, seryoso ako. Naniniwala ako sa kakayahan ng grupo ninyo."
"Thanks, Kurt. Ikaw ang unang nagbigay ng tulong sa amin. Sana suportahan mo pa kami sa mga susunod na project namin." Samantalang sa ibang kinukuha nilang sponsor, marami pang kaartehan bago magbigay.
"Give my regards to Kim. At huwag mo siyang pababayaan."
Pagdating sa bahay ay tumuloy agad siya sa kuwarto ni Kim. "Hi, cousin!" aniya pagpasok sa kuwarto nito. "Buti pumayag si Uncle Horacio na mag-shopping ka." Nagulat siya nang makitang umiiyak ito. "Hey, anong problema? May nakita ka bang hindi maganda sa mall? What?"
"W-Wala," kagat ang labi nitong sabi.
She lightly pinched Kimberly's cheek. "Namumutla ka. Siguro dahil hindi ka na nasisikatan ng araw. Dapat payagan ka ni Tito Horacio na bumalik sa pagiging volunteer doctor. Hindi bagay sa iyo ang hindi nasisikatan ng araw."
Umiling ito. "Okay lang ako," sabi nito ngunit lalong napaiyak.
"Tatawagin ko si Tita Betty para kausapin ka."
Pinigilan nito ang kamay niya. "No! I-I can't tell them that I am pregnant," anito sa nanginginig na boses. "Not yet. Natatakot ako."
"Oh, my God!" bulalas niya at pinagmasdan itong mabuti. "Are you sure?"
Idinala siya nito sa bathroom at ipinakita ang resulta ng home pregnancy kit test. Positive ang resulta niyon. "Go back to your bed," malumanay niyang utos Kumuha siya ng baso ng tubig pinainom ito. "Anong gagawin mo ngayon?"
"I can't marry Kurt."
"You shouldn't marry him in the first place. Si Tito Horacio lang naman ang may gusto na magpakasal kayo. The next thing you should do is tell this to Rohann."
"P-Paano kung hindi niya ako kausapin?" Bakas ang takot sa mata nito nang yakapin ang sarili. "Saka hindi ako basta-basta palalabasin ni Papa nang walang mga bodyguard."
"Ano ang ginagawa ko? Ako na ang bahala kay Tito."
MAGKASALIKOP ang palad ni Atasha at umuusal ng tahimik na dasal habang hinihintay ang pagbabalik ni Kimberly. Iniwan niya ito sa loob ng restaurant at kinausap si Rohann. Sa kabila ng santambak na bodyguards ni Kimberly, nagawa niyang utakan ang Tito Horacio niya para huwag silang pabantayan sa mga bodyguards dahil naaalibadbaran siya. Pumayag naman ito sa kondisyon na hindi makikipagkita si Kimberly kay Rohann. Kailan ba siya sumunod sa kondisyon nito?
Maya maya pa ay natanaw niya ang paglabas ni Kimberly mula sa restaurant. Babatiin sana niya ito ng ngiti ngunit tutop nito ang bibig habang umiiyak.
"What happened?" nagtataka niyang tanong nang sumakay ito sa kotse. Akala niya ay maaayos na nito ang problema kay Rohann.
"Hindi ko masabi sa kanya na buntis ako. He looks so happy. Natatakot akong masira ang kaligayahan niya kapag sinabi ko ang tungkol sa bata."
"Pero anak niya iyan." Kahit na anong mangyari, karapatan pa rin ni Rohann na malaman ang totoo. Iyon nga ang dahilan kung bakit sila nag-take risk na makipagkita dito kahit labag sa utos ng Tito Horacio niya.
She dabbed her eyes with Kleenex. "It is no use. Masaya na siya sa buhay niya. And besides, I can take care of my own child," matapang nitong sabi.
"Your façade is a failure, cousin. Halatang nasasaktan ka. Let's go home," malungkot niyang sabi. Hindi kasi niya ine-expect na sa ganoon kalungkot na paraan matatapos ang love story nito at ni Rohann.
Umiling ito. "Not yet. May isa pa akong taong gustong kausapin. Tell Kurt I will meet him in his office. Kailangang sabihin ko sa kanya ang tungkol dito."
"Sasabihin mo nang hindi ka magpapakasal sa kanya." Nang tumango ay saka bumalik ang ngiti sa labi niya. "Mukhang tumatapang ka na ngayon."
"I must do it for my child."
Tama ito. Hindi madaling magkaroon ng anak nang walang ama. How could Rohann become so stupid? Mahal na mahal ito ng pinsan niya. Men! Dapat talaga sa mga ito ay binabalatan nang buhay.
"It is about time that you tell it to Kurt."
"MAGPAPAKASAL ka kay Kurt? Are you crazy?" bulalas ni Atasha nang makabalik sila sa bahay at ipagtapat nito ang napag-usapan nito at ni Kurt. "Kanina lang, matino ang usapan natin. Na sasabihin mo kay Kurt na hindi mo na siya pakakasalan."
"I did," sabi nito habang nakatingin sa labas ng bintana. "Pero akala ko siya mismo ang uurong sa kasal. He insisted on marrying me instead. Handa daw siyang akuin ang anak ko."
"At pumayag ka naman? Kahit alam mong si Rohann ang mahal mo."
Napayuko ito. "I still love Rohann. But he doesn't love me. I am pregnant and alone and…"
"You are making a grave mistake!"
"Atasha, please!" mariin nitong sabi habang nakapikit. Maging ito marahil ay naguguluhan din sa sariling desisyon.
"I am telling you, you are ruining your life for good. Pag-isipan mong mabuti ang lahat para sa anak mo."
"I am doing this for my child, Atasha," katwiran nito at sinalubong ang mga mata niya. "Ayokong lumaki siya nang walang ama."
"Mas gugustuhin ko pang lumaking walang ama ang anak mo kaysa tumayong ama niya si Kurt." Anong klaseng emotional stability ang maibibigay ni Kurt sa bata? Ni hindi nga normal ang magiging pagsasama ng dalawa.
"Hindi mo ako naiintindihan."
"Naiintindihan kita, Ate Kim. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit gusto mo pa ring pumasok sa kasal na iyan, when you know that it would be doomed from the start. At idadamay mo pa ang anak mo. Think about it."
Sumakit ang ulo niya nang makalabas sa kuwarto nito. It was worse than being pregnant herself. Lalong naging magulo ang lahat. Hindi lang si Kim ang dapat niyang intindihin ngayon kundi pati ang magiging pamangkin niya.
"Atasha, may problema ba?" untag sa kanya ni Bettina nang masalubong niya sa hallway.
Bumuntong-hininga siya. "Can I trust you with a secret, Tita?"
"Sure," anito at niyakag siya sa library. "Sabihin mo kung ano ang problema."
"It is not really a problem. Unless you call it a problem."
"Come on. Worried na ako. Is it about Kim?"
She nodded and held Bettina's hand. Dapat ay sekreto iyon. But she couldn't hide the secret anymore. Karapatan nitong malaman dahil ito ang ina ni Kimberly.
"Tita, Ate Kim is pregnant."
Namutla ito at nasapo ang dibdib. Noong una nga ay naisip niyang baka atakihin ito sa puso. Subalit bahagya itong kumalma. "Is it Rohann's?"
"Of course, Tita. Alam naman po ninyo na walang ibang lalaking minahal si Ate Kim kung hindi siya lang."
"Does he know? Is he marrying my daughter?"
Malungkot siyang umiling. "Hindi alam ni Rohann. Tinangkang sabihin ni Ate Kim pero nawalan siya ng lakas ng loob sa huli. Hindi na daw siya mahal ni Rohann."
"Pero dapat malaman pa rin iyon ni Rohann."
"My sentiments exactly. And worse, Ate Kim wants to marry Kurt."
"But why?" nanlulumong usal nito. "Hindi ba niya naalala ang nangyari sa amin ng Papa niya? Kung paano kaming nagdusa dahil iba ang kinilalang ama ng una naming anak?"
Bagamat buntis na si Bettina kay Horacio sa una nitong anak ay pinaghiwalay pa rin ang mga ito ng kanya-kanyang pamilya at ipinakasal si Bettina sa ibang lalaki. At ang Kuya Luigi niya ay hindi nakakilala ng pagmamahal ng kinikilala nitong ama kundi matinding poot. Di rin nito nalaman ang katotohanan kung sino ang tunay nitong ama hanggang mamatay ito.
"Ask Ate Kim. Baka po sakaling mapagsalita ninyo siya at maintindihan niya kayo. Ayaw na niyang makinig sa akin. Try to reason with her." Tumayo siya. "I have to deal with Kurt this time."