Atasha silently admired Kurt's resort. Mula sa hangar nito sa Manila ay inilipad sila ng private jet nito papuntang Davao kung saan matatagpuan ang pinakabago nitong resort. Ilang araw mula noon ay ipagdiriwang naman ang Kadayawan Festival. Pero bago buksan ang resort sa ibang guest, gusto muna ni Kurt na makita iyon ng mga kaibigan sa negosyo at pulitika.
"Welcome to Club Paradise!" bati ni Kurt nang salubungin sila nito.
"This is indeed paradise, hijo!" sabi ng Uncle Horacio niya. Kahit ang Auntie Bettina niya ay napahanga ng magandang paligid. White sand beaches, clear blue water, may private airstrip at mula sa kinalalagyan nila ay natatanaw niya ang mga cottage na gawa sa native materials.
"Hindi ka ba napagod sa biyahe?" tanong ni Kurt nang sakay na sila ng Toyota Prado nito papunta sa mismong resort.
"No. The weather is good and knowing that it is a private flight made it more comfortable. Thank you," sagot niya at tumingin sa labas ng sasakyan. Iyon naman kasi ang inaasahan nitong sagot mula sa kanya.
"Why don't you take a rest? Mamaya pang gabi dadating ang ibang mga bisita. Ipapahatid ko kayo sa mga kuwarto ninyo. Then we will have lunch."
Hindi siya nagtagal sa loob ng kuwarto dahil mas gusto niyang tingnan ang paligid. She might have hated Kurt but she loved his paradise.
"You don't like your room?" tanong ni Kurt nang papunta siya sa beach. "Gusto mo bang sa water cottage na lang? Hindi pa siya fully furnished kaya sa seaview room ko muna kayo pinatuloy."
"I love my room. I just want to look around."
"We offer many activities like island hopping, snorkeling, diving, kayaking windsurfing and sailing. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo."
"I love snorkeling!" excited niyang bulalas.
"Pwede kitang samahan mamaya…"
"No, Kurt. Marami kang trabaho. Magpapa-assist na lang ako sa mga tauhan mo dito. You don't have to bother on my account."
"You really don't like me, do you?"
"I am sorry." Hindi niya maiiwasang bumigat ang dugo niya dito dahil hindi talaga maganda ang impression niya dito. She realized that she might be overdoing it a bit. Hindi naman ito ganoon kasama sa kanya.
"You don't have to. Sanay na ako. People hate my guts and my arrogance. Some are intimidated. But I can't help it. This is what I am."
"You are right. And I guess you don't like my stubbornness either. Ayaw mong nawawalan nang kontrol. And I don't want to be controlled." Even if she had to fight her destiny, she would do whatever she wanted.
"At least we have something in common." Tiningnan nito ang eleganteng sports watch. "It is almost time for lunch. Let's go."
Ipina-serve nito ang tanghalian sa isa sa mga open cottages. Gumanda ang mood niya nang makitang puro seafood ang nakahain. May allergy sa seafood ang mommy niya kaya madalang siyang makatikim niyon.
"Who will be your hostess for tonight?" tanong ni Bettina kay Kurt.
"I don't have one," sagot ni Kurt habang tinutulungan siya sa paglalagay ng alimango sa plato. "Si Kim po sana pero nasa Cordillera siya ngayon."
"How about your mother?" tanong niya. Nilasing na sugpo naman ang pinag-interesan niya. Pwede niyang I-consider ang pagiging mabait kay Kurt. Para kapag kasal na ito kay Kim, pwede siyang magbakasyon nang madalas sa resort nito. Ah, that was pure bliss. Para mapakinabangan niya ito.
"Hindi pa tapos ang trip ni Mama around the world kasama ang mga amiga niya. But she will be back next month."
"Atasha can be your hostess," Bettina suggested graciously.
Natigil siya sa pagtatanggal ng shell ng sugpo. "Ako po?"
"Oo. Sanay ka namang mag-host ng party. Madalas mong I-assist ang mommy mo kapag may mga party ang daddy mo. Kilala mo ang lahat ng bisita."
Hindi siya makasagot. Isa iyon sa kinaiinisan niya noong anak pa siya ng isang pulitiko. She hated roaming around those guests. Karamihan kasi sa mga ito ay plastik. Dumadalo lang sa party para sa mga pansariling interes, at kadalasan ay para manira at pagtsismisan ang ibang tao. Kakaunti lang ang naging tunay na kaibigan niya sa mundong iyon.
"Atasha?" untag sa kanya ni Kurt. Nang tingnan niya sina Bettina at Horacio ay may babala sa mga mata ng mga ito. Hindi siya maaring tumanggi.
"S-Sure," napipilitan niyang sagot at itinuon ang atensiyon sa pagkain.
"Thank you, Atasha," sabi ni Kurt at bahagyang ngumiti. Parang ipinagma-malaki nito na ito ang hari sa lugar na iyon. Na kahit na anong gawin niyang laban, ito pa rin ang papaboran.
Nagkukwentuhan ang mga ito habang kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Kurt. He excused his self for a while and left them on the table.
"Tita, why did you do that?" tanong niya kay Bettina.
"What?" inosente nitong tanong at sumubo ng salad.
"Ipinain ninyo ako kay Kurt. I don't have a plan to be his hostess. I came here to relax. Not to be a substitute for Kim."
"You have to guard him, Atasha," anang si Horacio sa seryosong boses. "Maraming babae ang interesado kay Kurt. They will do everything to get him. At sasamantalahin nila ang pagkakataon na ito."
"And now I am his baby sitter," usal niya at inikot ang mga mata.
"You are not going to marry him. You will just be his hostess. Our family will be in jeopardy if it isn't Kim whom he will marry," paliwanag ni Horacio.
"Okay. I'll do this for the family." Hindi nga naman masama kung magiging hostess siya nito. After all, it would only be for a night and not forever. All she had to do was keep her hands to herself so she won't strangle his neck.
"And Atasha, please be nice to him," pahabol ni Bettina.
ATASHA'S smile was strained as she walked beside Kurt. It looked like everybody was having fun at the party except her. Hindi siya komportable habang nakahawak si Kurt sa baywang niya. She silently cursed Kimberly. Hindi sana niya kailangang pagdaanan ang ordeal na iyon kung naroon lang sana ito.
"Kurt, nice party you got here!" bati dito ni Governor Felicito Davide.
"Thank you, Gov!" sabi ni Kurt at kinamayan ito. "Mabuti at nakarating kayo."
"Good evening, Ninong," bati niya sa gobernador. Pawang ninong at ninang niya sa binyag ang mga kapartido ng daddy niya dahil karamihan sa mga ito ay kaibigan nito mula pagkabata. Mga may lahing pulitiko rin kasi ang mga ito.
"Atasha!" Hinalikan siya nito sa pisngi. "I thought you are in Manila."
"Kurt invited me." Naghihinala nitong tiningnan ang kamay ni Kurt na nakahawak sa baywang niya. "Ninong, it's…"
"You don't have to explain anything," nakangiti nitong sabi. Alam niya ang ibig sabihin ng ngiti nito. Na may relasyon sila ni Kurt.
"But Ninong…"
"Why don't you check the other guests, Atasha?" malambing na sabi ni Kurt. "May pag-uusapan lang kami ni Governor."
"Excuse me," aniya at iniwan na ang mga ito.
Saka lang siya nakahinga nang maluwag dahil nakalayo siya kay Kurt. But she was infuriated at the same time. Masama kasi ang tingin sa kanya ng mga babaeng guest na dati ay itinuring siyang kaibigan. Ngumiti lang siya sa mga ito. After all, iyon naman ang isang dapat gawin ng isang magaling na hostess. Dapat ay marunong siyang makipag-plastikan.
Tsine-check niya kung ano sa mga naka-serve na pagkain ang kailangang I-refill nang lapitan siya ni Denzel. "Ash, pwede ka bang makausap?" tanong nito at walang sabi-sabi siyang hinatak palayo sa mga bisita.
"Anong problema" tanong niya nang maamoy niya na nakainom ito ng alak. Wala pa namang insidente na naging bayolente ito pero hindi rin siya sanay na kausapin ito nang nakainom.
"You are with Kurt," pabulong ngunit pagalit nitong sabi.
"I am his hostess. So what?"
"I thought you don't like him. Pero ngayon, ikaw na ang nagho-host ng party niya. At nabalitaan ko pa na magpapakasal na kayo." Hinaklit nito ang braso niya. "I thought you are different. Pero katulad ka rin pala ng ibang babae na magpapakamatay at ibebenta ang kaluluwa nila para kay Kurt. Shame on you!"
Isa palang ipokrita ang tingin nito sa kanya. She must admit that she was physically attracted to Kurt. Pero hindi pa rin siya katulad ng ibang babae na nagkakandarapa dito. At kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang malayo dito.
"It is my cousin who is marrying Kurt and not me," she said in a cutting voice.
"P-Pinsan mo?" nakatigagal na sabi ni Denzel.
"Nasa Cordillera lang si Ate Kimberly ngayon. Nagmagandang-loob si Auntie Bettina na ako ang iprisintang hostess ni Kurt."
Napayuko ito. "I just heard other people talking about you and Kurt. It was suddenly too much. Kaya tinanong kita."
"You didn't ask me, Denzel. Nanunumbat ka na. You know what? I thought you are my friend. But you are worse than those who made up that rumor. Naniwala ka sa kanila nang hindi ako tinatanong nang maayos. At kung ako man ang pakakasalan ni Kurt, wala kang karapatang pagsalitaan ako nang masakit. You have no right. Because I will live my life the way I want to," mariin niyang sabi at binawi ang kamay niyang hawak nito.
Pinigilan siya nito nang tangkain niyang maglakad palayo. "I am sorry, Ash. Concern lang ako sa iyo."
"Thanks for the concern. Can I have my hand back?"
He refused to let her go. "Sabihin mo munang pinapatawad mo ako."
Hindi niya alam kung ano ang dapat na sabihin dito. She was not ready to forgive him. Gusto man niyang bawiin ang kamay, ayaw naman siya nitong bitiwan.
Nawala ang atensiyon niya kay Denzel nang marinig na may tumikhim di kalayuan sa kanila. Namutla siya nang makitang nakatayo si Kurt sa di kalayuan. Naglakad ito palapit sa kanila. "Excuse me, Denzel. I am here to fetch Atasha. Hinahanap siya ng Auntie Bettina niya kanina pa. It is very important. Something that concerns Kimberly," Kurt said in a firm voice which nobody could refuse. Walang tutol na binitiwan siya ni Denzel.
"I'll ask someone to bring you coffee, Denzel," she said sweetly. Gusto pa rin niyang magmukhang normal kahit na hindi niya alam kung hanggang saan ang nakita o narinig ni Kurt. Kanina pa ba ito doon?
"Trouble in paradise?" tanong ni Kurt habang naglalakad sila pabalik sa party. "I thought you don't want to be a politician's wife."
"I still don't want to be one."
"Then why Denzel?"
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. "He is just a friend."
"Mukhang hindi lang kaibigan ang turing niya sa iyo. And he was a bit possessive back there."
"Tell me the truth. Talaga bang ipinapahanap ako ni Auntie Bettina o nag-uusyoso ka sa amin ni Denzel? Ano ang narinig mo?"
"I was looking for you. You are my hostess after all. Maraming guest ang nagtataka kung nasaan ka na. Hindi ko sinasadyang makita kayong…"
"Denzel is just my friend, alright!" putol niya sa iba pang sasabihin nito. "Nanligaw siya sa akin pero hindi ko siya boyfriend. At kung maging boyfriend ko man siya, at least I know that he wants me for what I am and not as…"
"An object he could use to uplift his political status unlike me," dugtong nito.
"Look, I…" Gusto sana niyang magkaila ngunit alam na agad nito na iyon ang idudugtong niya. The word chilled her. Bakit iba ang pakiramdam kapag dito galing ang salitang iyon? Nakakakonsensiya. "I'm sorry," sa halip ay nausal niya.
"You shouldn't say sorry to something you really mean. If there is one thing I like about you, you hate sugarcoating. Sinasabi mo kung ano ang nararamdaman mo at hindi ka natatakot."
Nakagat niya ang labi. "I didn't hurt you?"
"I am not capable of feeling, remember? I am cold and reserved. Sa mundong ito, dapat masanay ka nang maging manhid. I don't have time to be a sissy."
He was a tough guy, inside and out. Hindi niya alam kung may kahinaan ito. Nagtataka siya kung paano ito naging matigas.
"I still don't want to be a politician's wife. Denzel is my friend and I don't love him. And I still won't allow anybody to control me."
"Good. Denzel is not fit for you. You need a tougher guy. Someone who is capable of holding you down."
"Hindi ko kailangan ng isang lalaki na kokontrol sa akin. I just want somebody who will love me."
"You are still a woman after all," he said softly. "No matter how stubborn you are you still want everything in pink."
"Everybody needs love." Tiningala niya ito. "Ikaw, ayaw mo bang ma-in love? Naranasan mo na bang ma-in love?" Dahil kung naranasan na nitong magmahal o kung plano nitong ma-in love, he might not be hopeless after all.
His expression became grim. "Please do me a favor. Don't ask me anything about love."
"Why? You are not interested?"
"I know nothing about it. I hate things beyond my control."
Napipilan siya. It was something she didn't expect from him. Sarcastic siya kapag sinasabi niyang hindi ito marunong magmahal. But she felt sad when she proved that she was right. Hindi niya ma-imagine ang isang taong walang alam tungkol sa pagmamahal. Paano ito magiging masaya?
"Please do me another favor," sabi nito bago nila lapitan ang mga bisita. "Sumama ka sa ancestral house namin bukas."
"Bakit?"
"My grandmother wants to meet you."