Atasha double-checked the reminders on her cellphone. Nakalagay doon ang lahat ng number ng mga kaibigan niya na kailangan niyang kausapin pagkatapos ng meeting niya para sa umagang iyon. Dahil baka pagkatapos niyon, tuluyan na siyang pulutin sa kalye.
"Good morning, Miss Gatchitorena. Am I late?"
Nawala ang atensiyon niya sa mga nakasulat sa cellphone at inangat ang tingin kay Kurt. For a moment, she was rendered speechless. Kung wala lang sana itong political ambition, noon pa siya pumayag na magpakasal dito. Nobody could compete with his looks. Hindi niya maikakailang malakas ang aura nito.
Damn! Hindi niya ito dapat na iniilusyon. Kahit na ayaw niya dito, ikakasal pa rin ito sa pinsan niya. Kaya dapat siyang mainis dito at hindi maakit dito.
"No. I am just a bit early." Sinenyasan niya ang waiter. "What would you like to have?"
Um-order ito ng Jamaican Blue Mountain coffee. "Tinawagan ako ng Uncle Horacio mo kahapon. He invited me for dinner tonight."
"That's the reason why I decided to meet you today."
His face became more businesslike all of a sudden. "So tell me, pumayag ka na bang magpakasal sa akin? Are you here to settle the terms? May gusto ka pa bang idagdag na kondisyon?"
"No. I won't be your future bride. Si Ate Kim ang ipapakasal nila sa iyo."
"Good," anitong parang nakahinga nang maluwag. "Horacio told me that she's very docile. I think she's easier to deal with and she's not as stubborn as you are."
"Nandito ako para makiusap sa iyo na huwag mo nang ituloy ang kasal."
He idly drummed his fingers on the table as he looked at her. Ni hindi nito pinansin ang kape na nai-serve na ng waiter. "Are you really willing to beg?"
"Gusto mo bang lumuhod ako sa iyo?" Gagawin niya ang lahat para lang huwag nitong pakasalan si Kimberly.
Itinaas nito ang isang kamay. "You don't have to. Hindi bagay sa iyo. It will ruin your image, my haughty princess. At wala akong balak pagbigyan ka."
"Kurt, please!" mariin niyang pakiusap. "In love pa rin si Ate Kim sa boyfriend niya. Alam ko, hindi siya tututol sakaling magpakasal sa iyo. But she will always love Rohann kahit ilang taon na siyang patay."
"Kung pagbibigyan man kita, saan ka hahanap ng ipambabayad sa utang ninyo? Aminado mismo ang Uncle Horacio mo na hindi niya kayang magbayad. Due to economic crisis, his new business isn't doing well."
"Magtatrabaho ako. A friend told me about a job opening for Afghanistan."
Umangat ang gilid ng labi nito. As if he found his self amused. "Afghanistan?"
"A non-government organization would like to send a group who will help train Afghan women for their livelihood." May background siya doon bilang anak ng isang dating pulitiko. Isama pa ang kursong tinapos niya at diploma course sa Social Work. At tiniyak ng kaibigan niya na malaki ang sweldo. "In a few months, unti-unti ka na naming mababayaran."
"What if your plan fails?"
"Marami pa akong trabahong pwedeng pasukan. I am willing to work. And I will pay our debts even if I have to marry an oil sheik."
"Why marry an oil sheik when you can marry me?"
"Because an oil sheik won't marry me for his political ambition."
"And because I have a political will, that makes me so detestable."
"Look, sa loob ng ilang taon malinis ang record ng pamilya ko pagdating sa pulitika. Kahit ang mismong kalaban namin, walang maibatong putik sa amin. And I won't allow someone like you to taint our name."
"At ano sa palagay mo ang gagawin ko sa gobyerno? I am not corrupt. Hindi ko kailangan ng pera. With my business, kaya kong kumita."
"Huwag mong sabihing gusto mong maglingkod sa bayan kaya mo gustong pumasok sa pulitika," sarkastiko niyang sabi. Malayo sa itsura nito.
"Kasama na iyon sa gusto kong mangyari. But I also want the power."
"Why?" tanong niya nang makita ang apoy sa mga mata nito.
"Hindi ako papayag na tawaging mahina. And I also want to defend those who need me. That may sound fake, but that is what I really want."
She wanted to ask him a lot of questions. Hindi niya maintindihan ngunit nakita niya ang vulnerability sa mga mata nito. As if he experienced a lot of pain before. May nanakit ba dito dati? She refrained from voicing out the question. Baka isipin nito na lumalambot ang kalooban niya dito.
"You don't have to marry an oil sheik. I will marry your cousin."
"She's still in love with her ex-boyfriend," giit niya.
"So?"
"You don't mind?"
His expression remained cold and businesslike. "I won't stop her from loving her ex-boyfriend. She will be my wife in name only. Wala na sa hurisdiksiyon ko kung anuman ang nararamdaman niya."
"She doesn't love you!"
"She doesn't have to love me. All she has to do is marry me. I will protect her and she will be well provided. Mananatili sa inyo ang lahat ng kayamanan ng pamilya ninyo at wala akong hihinging kapalit sa kanya. Just her good reputation, your family's political credentials and her fidelity."
Natigagal siya. "You are worse than I expected." Talagang wala itong pakialam sa pakakasalan nito kundi ang political background na maa-acquire sa pamilya niya. "Are you sure you are a human? May puso ka ba?"
"I'm sorry, Atasha. But I don't have time for your barbs." He impatiently looked at his watch. "We can continue our discussion some other time. I have a meeting at twelve. How about we discuss it tonight during dinner?"
Naningkit ang mata niya. "I am starting to hate you more, Kurt Rieza."
"Why don't you just welcome me to the family?"
"No way, opportunistic bastard!" aniya at ihinagis ang bayad sa in-order niya kanina sa mesa. Ayaw niyang magkaroon na naman ng panibagong utang na isasampal nito sa mukha niya. Mukhang wala na siyang magagawa. He was really determined to marry her cousin.
"I'M sorry, I'm late!" sabi ni Atasha at hinalikan sa pisngi si Kimberly. Ito ang sumalubong sa kanya nang bumaba siya ng sasakyan.
"I thought you are not arriving on time," anito at sinabayan siya papuntang sala. Naroon na si Kurt kasama sina Horacio at Bettina at nagku-kwentuhan.
"We are about to start dinner without you," sabi ni Bettina.
"Sorry. Got trapped in traffic." Akala pa nga niya kanina ay naligaw siya dahil sa dami ng bodyguards ni Kurt na nakabantay sa labas.
"You changed your mind up to the last minute?" tanong ni Kurt. Plano kasi niya na huwag nang sumama sa dinner na iyon gaya ng sabi niya dito nang nakaraang inimbitahan ito ng sumalo sa kanila. Mainit talaga ang dugo niya dito.
"Mami-miss mo ako kapag hindi ako dumating," malambing niyang sabi. Pero ang totoo, ayaw niyang iwan ang pinsang si Kimberly dito.
Last night, Kimberly had a bad dream about Rohann. Twelve years na ang nakakaraan mula nang mawala ang nobyo nito ngunit hanggang ngayon ay napapanaginipan pa rin nito ang gabing mamatay ito. She might not be in good condition to see Kurt. Gusto niyang alalayan ito.
"Dinner is ready," deklara ni Bettina at sabay-sabay na silang pumunta sa dining hall. Nagpatuloy ang discussion sa negosyo at pulitika nina Horacio at Kurt habang silang mga babae ay tahimik. Wala silang hilig sa ganoong topic. And she noticed that Kimberly was quieter than before. Parang malalim ang iniisip nito.
"Invited kayong lahat sa Kadayawan Festival two weeks from now," anunsiyo ni Kurt. "Para makita na rin ninyo ang resort ng family namin sa Davao. Nandoon din ang mga miyembro ng partido. Pag-uusapan kasi namin kung ano ang gagawin naming pag-o-organize sa kampanya. Inaayos na kasi ang line up ng partido para sa dadating na eleksiyon."
"Ang aga naman yata ng kampanya ninyo. May fifteen months pa bago ang eleksiyon. Masyado yata kayong nagmamadali," sabi niya.
"Excited lang siguro si Kurt," tatawa-tawang sabi ni Horacio. "And besides, he also has the wedding to think about. Kaya kailangan nating pumunta sa festival na iyon para suportahan siya."
"I am sorry, I can't come," sabi ni Kim at sumubo ng steak.
Walang buhay ang mga mata nito. Her poor cousin. Mukhang lalala pa ito lalo na't mapapadalas ang pagdikit-dikit nito kay Kurt. Baka hindi na ito marunong ngumiti kapag kasal na ito kay Kurt.
"Of course, Kim is coming," giit naman ni Horacio. Gaya nang dati, hindi nito binibigyan ng pagkakataon na kumontra ang sinuman.
Sa halip na sumang-ayon ay itinuon ni Kim ang tingin kay Kurt. "May charity medical mission ako sa Cordillera kasama ang ibang mga volunteer doctors."
"Sabihin mo sa mga kasamahan mo na hindi ka makakasama," singit ni Horacio. "Kailangan ka ni Kurt sa tabi niya. Ano na lang ang sasabihin ng kapartido at kapamilya niya? Na ikaw mismong girlfriend niya ang wala doon."
"Nag-back out ang ibang mga kasamahan ko kaya hindi ako pwedeng mawala. Importante ang medical mission na iyon dahil marami ang nag-e-expect ng tulong namin lalo na ang mga cultural minorities," paliwanag ni Kimberly. Gusto niya itong palakpakan dahil ipinaglalaban nito ang gusto. Sino ba naman ang gustong sumama sa kay Kurt samantalang mas masaya naman itong tumulong sa ibang tao?
Ngumiti si Kurt. Isa sa mga madadalang na pagkakataon na nakikita niya ang ngiti nito. Kinabahan siya. Hindi maganda ang pakiramdam niya kapag ngumingiti ito. Not that he looked sinister. He looked gorgeous and she hated it.
"Sasabihin ko sa mga kapartido ko na hindi ka makakasama. Mas gusto kong ipagmalaki sa kanila na hindi makakarating ang future wife ko dahil abala ka sa pagtulong sa ibang tao. Kaysa naman tinalikuran mo ang mga nangangailangan dahil lang gusto mong magsaya. Matutuwa ang mga constituents ko."
Naitirik niya ang mga mata at pinigil na mapaungol. It was his political will again. Kung ano ang makakabuti sa standing nito bilang isang pulitiko, iyon ang sinusuportahan nito. Her uncle was a tyrant but Kurt was worse. Hindi niya ma-imagine na ganoon ang kababagsakan ni Kimberly. From a tyrant to another. She wondered if Kimberly would really feel the real independence with Kurt.
Isa pa rin itong hayop na nakakulong sa hawla at ino-obserbahan ang kilos. What if she committed a mistake? Gigilitan na lang ba ito sa leeg?
"Thank you for understanding, Kurt. I am sure the festival can survive without me. Ihingi mo na lang ako ng sorry sa Mama mo," malambing na sabi ni Kimberly.
"No problem. Basta makakabuti sa pangalan at reputasyon mo ang ginagawa mo, okay lang. Next time, doon naman kayo sa province namin mag-medical mission. Maraming mga kababayan natin ang nangangailangan ng medical attention doon lalo na sa mga liblib na lugar."
"Sure. I will tell my colleagues."
Politics. Politics. And more hypocrisy. Sinasakyan ni Kurt ang pagiging likas na matulungin ni Kimberly. Well, her cousin would be the perfect politician's wife. Gumagawa man ito nang paraan para makawala kay Kurt pero parang ginawan lang ito nang mas malaking hawla. Dahil sakop pa rin ito ng kapangyarihan ng binata.
Tumikhim si Horacio. "Hindi yata ninyo napag-uusapan kung kailan ang engagement party ninyo. Naiinip na ako."
"Gusto pa po naming makilala ni Kim ang isa't isa," sagot ni Kurt.
"Paano ninyo makikilala ang isa't isa kung hindi naman kayo nagkakasama?" tanong ni Bettina. May punto doon si Bettina. Kahit siya ay napapansin niya na parang nag-iiwasan ang dalawa. Kim never really cared about Kurt's personal life. Gaya nang hindi pakikialam ni Kurt dito.
"Mas nakikilala ko si Kim kapag nakikita ko kung paano siya tumulong sa ibang tao. Madali na lang ang ibang bagay kapag kasal na kami."
"Tama si Kurt, Ma," sang-ayon ni Kimberly.
Tumayo si Kurt. "Paano, aalis na po ako. May imi-meet pa akong Chinese clients sa Manila Hotel."
"Magkita tayo bago ka pumunta sa Singapore bukas. And expect us to be at the Kadayawan. Gusto ko ring makita ang resort mo," sabi ni Horacio at kinamayan ito. Kung may mabubuo mang magandang relasyon, iyon ay kay Horacio at kay Kurt. But she doubted it if he could have a happy married life. At lalong wala silang magiging magandang relasyon bilang cousins-in-law.
"Siguro naman sasama si Tita Bettina at si Atasha," magalang na sabi ni Kurt.
"I can't!" kontra agad niya. "I have…"
"You are going to Afghanistan that's why you can't come?" nakakunot-noong tanong ni Kurt.
"Afghanistan?" bulalas ni Horacio. "Anong gagawin mo sa Afghanistan?"
"Maybe she wanted to reform the bandits and the rebels."
Matalim ang mata niyang tiningnan si Kurt. Ipinaalala kasi nito ang plano niyang pagtatrabaho doon para lang mabayaran niya ang utang dito. "What a joke! That's not funny!" aniya at tinalikuran ito.
"Of course, we are coming," narinig niyang sabi ni Bettina.
Nagkulong siya kuwarto niya. Mula sa bintana ay nakita niya si Kimberly na ihinahatid si Kurt. Maya maya pa ay hinalikan ni Kurt si Kimberly sa pisngi. Muntik na niyang iumpog ang ulo sa malamig na salamin ng bintana.
"Oh my ass, Kurt!" she whispered to herself. "You make me hate you more!"
Lumabas siya ng kuwarto para kausapin si Kimberly. Eksakto namang papasok ito sa kuwarto nito. "Iyon ba ang pakakasalan mo? Wala man lang kabuhay-buhay humalik. Sa pisngi!" aniya at sinapo ang noo.
"Kurt knows where he stands. Marriage for convenience lang naman ang mangyayari sa amin at hindi niya kailangang maging sweet sa akin kung wala namang audience," sabi nito at pumasok ng kuwarto nito.
Sumunod siya dito. "Kahit na. Siya na yata ang pinakawalang-kabuhay-buhay na lalaki na nakilala ko. Wala nga yatang emosyon ang lalaking iyon. May testosterone ba siya?" Tinaasan niya ito ng kilay nang kumunot ang noo nito. As if she was shocked by what she said. "I mean male hormones."
"Guwapo naman siya," sabi nito. At least hindi naman pala ganoon kamanhid ang pinsan niya. Nakaka-recognize pa rin pala ito ng gorgeous male species.
Dumapa siya sa kama at nakapangulambaba itong pinanood sa pag-iimpake ng gamit na dadalhin nito sa charity mission sa Cordillera. "Parang hindi siya naa-attract sa babae. Hindi kaya miyembro siya ng pederasyon?" mahina niyang tanong.
Kahit kailan kasi ay wala pa siyang nabalitaang babaeng pinatulan nito kahit na marami ang naghahabol dito. Hindi niya alam kung pihikan nga ito o ang masama, baka hindi babae ang tipo nito.
"Ash!" she uttered in shock. Hindi ito sanay na ganoon siyang magsalita.
Bumangon siya at niyakap ang unan. "Sorry. Pero hindi ko ma-imagine ang sarili ko magpapakasal sa katulad niya. Wala yatang tumakbo sa isip niya kundi gumawa ng pera at ang mga plataporma niya. Matagagalan mo ba siya?"
"Magkasundo kami," sagot nito. Just because of the rules.
Nag-compromise ang mga ito. Na walang pakialamaman sa gagawin nang isa't isa hangga't hindi iyon nakakasira sa political career ni Kurt. That's just it. And Kimberly agreed to a loveless marriage. Wala naman kasing mahalaga dito kundi ang medical practice nito at ang alaala ni Rohann.
"You don't love him," paalala niya dito.
"So what? Hindi ko naman siya pakakasalan kung buhay si Rohann."
Napabuntong-hininga siya. "Rohann na naman. Kung bakit kasi ayaw mo siyang tanggalin diyan sa isip mo. Bakit mo nililimitahan ang kaligayahan mo sa isang taong patay na? Makulay pa ang mundo. Stop wallowing in pain."
"Ito siguro ang parusa sa akin dahil ipinahamak ko si Rohann," malungkot nitong sabi. Sinisisi na naman nito ang sarili sa pagkamatay ng dating nobyo.
Lumapit siya dito at tiningnan ang malungkot nitong repleksiyon sa salamin. Her cousin loved helping other people but she couldn't help herself. Everyday, she lived in nightmare because of Rohann. Alam niya kung paano mawalan ng minamahal tulad nang pagkawala nang mga magulang niya. But it was more painful to blame oneself for the loss of a love one.
"Pero mahal mo si Rohann. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Try to love Kurt. Malay mo, mag-work out ang marriage ninyo."
Hindi na niya hinihingi na mapigil ang kasal. Naghihintay na lang siya nang isang himala. Wala namang bagay nang hindi nalulutas nang dahil sa pag-ibig. Iyon ay kung matututong magmahal si Kurt.
"I can't. I love Rohann."
"Hindi na babalik si Rohann. He is dead!"
Humarap ito sa kanya. "And I am also as good as dead."
"Ate Kim," malungkot niyang usal subalit wala namang siyang iba pang masabi para pagaanin ang pakiramdam nito.
She wished she wouldn't go through the pain of falling in love.