Chapter 3 - Chapter 3

Pabagsak na inilapag ni Atasha ang mga baso sa tray. "Kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon!" gigil niyang usal. "Akala niya natutuwa ako sa kanya."

"Señorita, may kaaway po kayo?" tanong ni Aling Selva, ang katulong nilang nakatalaga sa kusina.

Pilit siyang ngumiti. "Wala po. Ako na rin po ang magtitimpla ng juice."

"Huwag na, Señorita. Baka kasi mabasag pa ninyo ang pitsel. Kami na po ang mag-aasikaso dito. Bumalik na lang po kayo sa mga bisita ninyo."

"Mamaya na lang po." After all, hindi naman mapapansin ng mga ito na wala siya doon. Maybe, all of them had set their eyes on Kurt. Baka tuluyan na ring kalimutan ng mga ito ang agenda ng meeting nila.

"Good morning!" bati ni Kurt at pumasok ng kusina.

"Good morning po, Sir Kurt!" tuwang-tuwang bati ni Aling Selva. Kilala na nito si Kurt dahil sa dalas nitong dumalaw sa bahay. "Dito po ba kayo manananghalian?"

"Kung iimbitahan ako ni Atasha."

Tumikhim siya para ibahin ang usapan. "Mukhang naliligaw ka yata."

"Ipinasusundo ka nila Ruth. Baka ma-miss mo ang meeting."

"I'm sure hindi nila ako mami-miss dahil nandoon ka naman," maasido niyang sabi. Dahil karamihan naman ay dumalo sa meeting para dito.

"Nakita ko sa sala ang bulaklak. I'm glad you like them."

Gulat niya itong hinarap. "I-Ikaw ang nagpadala?"

Nang tumango ito ay nasira ang ilusyon nila. Ito ang kahuli-hulihang tao na aasahan niyang magbibigay sa kanya ng bulaklak. Malayo sa character nito.

"Tinanong ko si Ruth kung ano ang paborito mong bulaklak."

Ang taksil niyang kaibigan! At ang kapalit ay a-attend si Kurt sa meeting para makahatak ng iba pang miyembro. How could she?

"Nakakakilig naman ang ginawa ninyo, Sir Kurt," sabi ni Aling Selva. "Gustong-gusto po talaga ni Señorita Atasha. Ngayon ko lang siya nakitang natuwa na may nagbigay sa kanya ng bulaklak." Lalong sumakit ang ulo niya. Isa pang sulsulera. Kaya lumalakas ang loob ni Kurt. Baka akala niya ay natutuwa siya dito.

Pinanlakihan niya ng mata si Kurt. "Mag-usap tayo," mariin niyang sabi at inutusan itong sundan siya sa library. Hindi maipinta ang mukha niya nang dalawa na lang sila sa silid.

"Anong problema?" tanong nito. "I thought you like the flowers."

"I like the flowers. But I don't like the one who gave them. Bakit mo ba ako pinadalhan ng bulaklak?"

"Dapat lang sigurong bigyan ko bulaklak ang babaeng pakakasalan ko."

Sarkastiko siyang ngumiti. "Are you courting me? Dahil kung liligawan mo ako, I can assure you na hindi kita sasagutin. It is just a big joke, right? Kurt Rieza courting a girl," aniya at humalakhak nang nakaka-insulto. Hindi niya ito ma-imagine na manliligaw ng babae. Not in a million years.

"Then stop laughing because I am not going to court you," seryoso nitong sabi. He looked a bit mad. Pero natural lang iyon dito dahil hindi ito palangiti.

"Bakit binigyan mo ako ng bulaklak?"

Lumapit ito sa kanya. His nearness made her breathless. Then he held her chin. "I want to ask you out on a date."

Iyon lang ba ang gusto nito? Nagpapatawa ito kung iniisip nitong sasama siya dito dahil lang binigyan siya nito ng paborito niyang bulaklak. And he was not fit to be romantic. Hindi ganoon kadaling baguhin ang impression niya dito.

Inirapan niya ito at lumayo dito. "Ayoko nga, no? Baka isipin pa ng mga tao na boyfriend kita."

"That is the main purpose, Atasha. Para isipin ng mga tao na boyfriend mo ako. Para hindi na sila magtaka kapag nag-decide na tayong magpakasal."

Sumilip siya sa bintana kung saan tanaw ang mga kagrupo niya na nagmi-meeting. Some of them are slacking off. Mga nakatingin sa bahay at hinihintay ang pagbabalik ni Kurt. "Let me give you a piece of advice. Bakit hindi na lang isa sa mga babaeng nasa labas ang I-date at pakasalan mo? Some of them would be perfect as politician's wife."

Umiling si Kurt. "No. They would only make things complicated."

She knew the answer. Malabo itong ma-in love. Isa iyong bagay na kahit sa ilusyon niya ay hindi nito kayang ibigay. At kung in love dito ang babaeng pakakasalan, mahihirapan na itong idispatsa ang babae kapag hindi na nito kailangan. Too much emotional involvement would make it harder for him.

"But I can't give you what you want either, Kurt. I don't want to go through this psuedo-courtship. I don't want to give people the illusion of romance. I don't want to marry you. Kahit pa siguro bigyan mo ako ng isanlibong bulaklak."

"You'll be my wife and you can't do anything about it."

Ngumiti siya. Hanga talaga siya sa kompiyansa nito. "Pretty confident, huh! Let's see who will win, Kurt."

"ATASHA, saglit lang akong nawala, kung anu-ano nang kalokohan ang ginagawa mo," sermon agad ni Horacio pagdating nito sa ancestral house sa Davao. May inaasikaso itong negosyo sa Manila kaya minsan sa isang linggo lang itong dumalaw sa kanya. Kaya nagtaka siya kung bakit bigla itong napasugod.

Nagtataka siyang tumigil sa pagbabasa ng libro at tumayo. "Ano po ang problema, Tito?" Kadarating lang nito ay high blood na agad ito.

"Horacio, mamaya na iyan," mahinahong saway ni Bettina dito.

"Hindi! Mabuti nang magkalinawan kami." Ibinalik muli nito ang atensiyon sa kanya. "Nalaman ko na tinanggihan mong makipag-date kay Kurt. Gumagawa na siya ng paraan para mapalapit sa iyo pero itinataboy mo pa rin siya."

"Ayoko sa kanya, Tito," angal niya. Hindi niya naisip na magsusumbong si Kurt sa Tito Horacio niya. Humanap pa ito ng kakampi.

"Si Denzel ba ang gusto mo, hija?" tanong ni Bettina. "Mukha namang mabait siyang bata. Maiintindihan ko kung gusto mo siya."

"Hindi sapat ang kayamanan ni Denzel para bayaran ang pagkakautang ng pamilya natin kay Kurt. Isa lang siyang pipitsuging vice mayor," kontra ni Horacio.

"Huwag ninyong pagsalitaan nang ganyan si Denzel," babala niya.

"Gusto mo ba siya?"

"You are missing the point, Tito. Hindi ko ipagbibili ang sarili ko kahit kanino. Lalo ka kay Kurt. At kahit na magustuhan ko man si Denzel at magdesisyon akong magpakasal sa kanya, hindi iyon para pabayaran sa kanya ang utang natin."

"She means it," anang Tita Bettina niya. "And when she says 'no', you can't force her to say otherwise."

"At papayag kang pulutin din sa kalye?" tanong ni Horacio.

Napailing si Bettina. "We have no choice. We have to ask Kim to come back. Sa palagay ko, siya lang ang makakatulong sa atin."

"No! Mas gusto ko pang doon na lang siya sa Africa kaysa bumalik siya dito sa Pilipinas," mariing tutol ni Horacio sa pagbabalik ng nag-iisa nitong anak na si Kim.

"It has been years. Matagal nang patay si Rohann Madrigal. It is about time that she comes back here. Wala na tayong dapat ikatakot."

Matanda ng tatlong taon sa kanya ang pinsang si Kim. Isa itong volunteer doctor sa mga fourth world countries tulad ng mga bansa sa Africa at Latin America. Ngayon ay nasa Kenya ito upang tulungan ang mga biktima ng AIDS.

Labindalawang taon na ang nakakaraan nang mangyari ang isang malagim na trahedya. Namatay ang nag-iisang kapatid ni Kim na si Luigi. But she fell in love with the brother of the man who killed Luigi. Si Rohann ang pinaghigantihan ng mga kaibigan ni Luigi. But Kim blamed herself for Rohann's death. Rohann died hating her. At hanggang ngayon, hindi pa rin nakaka-recover si Kim.

"You are right, Bettina," patango-tangong sabi ni Horacio. "Sa wakas, maari nang maging normal ang buhay ni Kimberly. Mabuting tao si Kurt. Makakalimutan na rin ni Kim ang kapatid ng mamamatay tao na iyon."

Naalarma siya sa pinatutunguhan ng usapan. "Wait, pauuwiin ninyo si Ate Kim para ipakasal kay Kurt?"

"That is the only way, hija," sabi ni Bettina. Parang hindi ito natatakot sa maaring kabagsakan ni Kimberly. "Gusto kong magkaroon ng bagong direksiyon ang buhay ng anak ko."

"At panahon na rin para gampanan ni Kimberly ang responsibilidad niya sa pamilya," paliwanag ni Horacio. "Mas bata ka kay Kimberly. Dapat siya muna ang kinausap namin tungkol dito at hindi ikaw."

Lalo siyang natakot. Mas masama pa ang naging sitwasyon dahil sa pagtutol niya. Napahamak ang pinsan niya. "Tito, I take back what I said a while ago."

"What?" nagtataka nitong tanong.

"Ako na lang ang ipakasal ninyo kay Kurt."

She could handle Kurt better. Kimberly was still fragile. And she was malleable. Mula nang mamatay ang dati nitong nobyo, naging sunud-sunuran na ito sa gusto ng ibang tao. Daig pa nito ng manikang de susi. Parang wala na itong dahilang mabuhay. Miserable na nga ito, magiging impyerno pa ang buhay nito kay Kurt. Kailangan nito ng isang lalaking magmamahal dito at hindi isang manggagamit.

"Too late, Atasha. You are way too late," Horacio said with a grave face. "You gave me a good idea. I don't have any intentions to take it back. Thanks for refusing a while ago. I really appreciate it."

"Tito, you can't allow this to happen to your own daughter!" tutol niya.

"This is for the best," giit naman ni Bettina. Na parang wala na rin itong pakialam kung ano ang maaring sapitin ng nag-iisang anak. Parang sasabog ang dibdib niya sa galit nang umalis sa sala at nagkulong sa sariling kuwarto. Lalong nagulo ang pamilya niya dahil sa kapritso ng Kurt na iyon.

ALAS singko pa lang ng hapon ay inaantok na si Atasha. Dalawang araw na siyang walang tulog dahil galing siya sa Davao. Inaayos nila ang details ng livelihood program para sa mga kababaihan ng Davao. Sila kasi ng mommy niya ang nag-suggest ng project na iyon at tumulong na rin ang ibang kababaihang pulitiko at ang asawa at anak ng iba pang mga nanunungkulan sa lalawigan. Kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil kailangan niyang humanap ng trabaho. She had a Diploma in Social Work and a degree in Political Science na pareho niyang kinuha sa UP. With a little patience, she could land a job.

Nagtaka siya nang mapansing maraming nakakalat na bagahe sa sala. "Manang Kakay, kanino po ang mga ito?" tanong niya sa isa sa mga katulong na nagbubuhat ng maleta upang iakyat sa hagdan.

"Hindi po ba ninyo alam, Ma'am? Dumating na po si Señorita Kimberly kagabi," kwento nito.

"Ha? Nasaan siya?"

"Nasa kuwarto po niya at nagpapahinga. Gusto po ba ninyong magmiryenda?"

"Paki-akyat na lang po sa kuwarto ni Ate Kim! Salamat!" aniya at dali-daling umakyat ng hagdan. Sunud-sunod ang ginawa niyang katok sa pinto.

Kinukusot pa ni Kimberly ang mata nang buksan ang pinto. "Ano iyon?"

"Ate Kim!" tuwang-tuwa niyang sabi at niyakap ito.

Nawala ang antok nito. "Ash! Dalagang-dalaga ka na!" puna nito.

Kumunot ang noo niya. "Twenty five na kaya ako. Parang hindi mo nakikita sa mga pictures na ipinapadala ko sa email mo."

Palibhasa ay fifteen lang siya nang huli silang magkita. Dumalaw siya sa States noon at nagsisimula na itong mag-take up ng Medicine. Kahit na madalang magkita ay may komunikasyon naman silang dalawa.

"Iba ang nasa picture at iba sa personal. So, may boyfriend ka na ba? Kumusta iyong ikinu-kwento mo sa aking manliligaw mo? What's his name again?" Saglit itong nag-isip. "Ah, Denzel!"

"He is just a friend. Wala pa akong balak mag-boyfriend. How about you? Bakit bigla kang umuwi ng Pilipinas?"

"Pinauwi ako ni Papa. I am getting married."

Nawala ang ngiti niya sa labi. "Oh, no! Don't tell me you will marry that pathetic jerk?" tukoy niya kay Kurt.

Malungkot itong tumango. "Kinausap na ako ni Papa at pumayag na ako."

Nag-aalala niyang hinawakan ang kamay nito. "Bakit ka pumayag? Do you have a death wish? Marrying him is worse than suicide."

Pilit itong ngumiti. "I already have a death wish for twelve years now."

"You still love Rohann, right?" tukoy niya sa namatay nitong nobyo. Mula nang mamatay si Rohann, parang wala na itong ganang mabuhay.

"Hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sa kanya."

"Then don't marry Kurt if you are not up to it," pangungumbinsi niya dito. "Go back to Africa. Iyon naman ang gusto mo, hindi ba?"

"Our family needs me. I already gave my parents enough heartache. Hindi pa rin sila nakaka-recover sa pagkamatay ni Lolo Edmundo, ng parents mo at maging kay Kuya Luigi. Tapos, mawawala pa sa atin ang kayamanan ng pamilya."

"Pwede tayong umisip ng ibang paraan."

"Kung may iba pa sanang paraan," kaswal nitong sabi na parang hindi natatakot sa maaring mangyari bukas.

"I care for you, Ate Kim. You don't have to sacrifice yourself."

Tumawa ito nang pagak. "You know what I want? I want to die. Wala na akong rason para mabuhay mula nang mawala si Rohann. Kaya mas mabuti pang magkaroon ako ng silbi."

Niyakap niya ito. "I'm sorry. Kung may magagawa lang ako para sa iyo."

Pero nakatali rin ang kamay niya. Tama siya ng hinala. Walang lakas si Kimberly para tumutol. Parang isa lang itong dahon na tinatangay ng hangin. Pero hindi siya papayag na magdusa ito kay Kurt.