Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 55 - First Date as Husband and Wife

Chapter 55 - First Date as Husband and Wife

Shanaia Aira's Point of View

PAKIRAMDAM ko pagod na pagod ako nung matapos ang unang araw ng klase namin. First day pa lang ng sem, tambak na ang mga gagawin namin, parang bumawi ng husto ang mga prof namin dahil sa mahabang bakasyon.

Halos wala pa naman akong tulog dahil sa kalandian ni Gelo. Doon kami sa condo umuwi kagabi pagkagaling ng Tagaytay. Siya ang tumawag kay daddy para ipagpaalam ako. As usual, pumayag si dad dahil nga na kay Gelo na raw ang karapatan dahil engaged na kami. Kung alam lang nila na pinakasalan na ako ng mokong na yun. Ano kaya magiging reaction nila?

" Besh mukhang may pinagkakaguluhan na naman dun sa may parking lot. Sino kaya yun?" tanong ni Charlotte. Pauwi na kami at makikisakay ako sa kanila dahil si Gelo ang naghatid sa akin kanina bago siya tumuloy sa office ng movie production para sa conference nila.

" Hindi kaya si Gelo na naman yun besh? " tanong naman ni Venice.

" Ewan ko lang. May conference si Gelo ngayon besh, hindi ko alam kung susunduin nga nya ako." sagot ko.

" Tara, dalian natin para malaman natin kung sino." untag ni Chalotte saka hinila na kami ni Venice patungong parking lot.

Pagdating namin ng parking lot ay hindi halos kami makaraan papunta sa kanilang mga sasakyan. Nakapalibot kasi ang mga babae at bading sa taong pumipirma ng autograph.

" Sabi ko na nga ba besh, ang boyfriend mong sikat ang nandyan." bulong ni Venice sa akin.

" Tapos na siguro yung conference nila kaya sinundo ako." sagot ko habang nakatingin kay Gelo na busy sa pagpirma ng autograph.

" Besh ang clingy ah. Araw-araw na kayong magkasama nung bakasyon tapos hinatid ka pa kanina, ngayon naman pati pagsundo. Wala akong masabi, haba ng hair mo besh. Ikaw na!" pang-aasar pa ni Charlotte.

" Bumabawi lang yan. Sobrang busy nya nung nakaraan na halos hindi na kami magkita tapos ngayon may bago na naman syang movie. Kung maka-clingy ka naman dyan akala mo hindi clingy yang fiance mong si Kevin. Kulang na lang dun pati sa CR samahan ka." balik asar ko sa kanya.

" Yun ang akala mo besh! " nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

" What? you mean sabay din kayong mag CR? " natawa naman sya sa naging reaction ko.

" Hahaha. patola ka namang masyado besh. Syempre dun lang sya sa pinto ng CR. Maka-react ka dyan, wagas! "

" Hi girls! " sabay-sabay pa kaming napalingon dun sa nagsalita. Malinis na ang paligid, wala na yung mga nakapaligid sa kanya kanina.

" Ubos na? " tanong ni Venice.

" Wala na. Sumakit kamay ko dun ah. " sabi nya habang hinihimas ang kamay nya.

" Iba na talaga ang sikat. Daming fans." sabi ni Charlotte.

" Uy hindi naman. Kumusta na kayo? Si Kevin at Clyde?" tanong ni Gelo sa dalawa.

" Hay naku! May project sila ngayon na magkasama kaya hindi kami nasundo. Sana pag hindi tayo pare-parehong busy, bonding naman tayo. " si Venice.

" Oo ba. Sige after nitong movie ko, out of town tayo, sagot namin ni Aira." sang-ayon ni Gelo.

" Sure yan ha? Sasabihin na namin dun sa dalawa. " si Charlotte.

" Sure nga. O paano mauna na kami sa inyo nitong baby ko. Regards na lang kay Kevin at Clyde. " paalam nya sa kanila. Lumapit naman ako sa dalawa at hinalikan ko sila sa pisngi gaya ng nakagawian na namin mula pa nung high school.

" Okay. Ingat kayo ni besh. " sabay pa nilang banggit.

Kumaway na kami sa kanila bilang pamamaalam at sila naman ay tumungo na sa kanya-kanyang sasakyan.

" Bakit sinundo mo ako? Don't tell me sa condo na naman ako uuwi ngayon?" tanong ko sa kanya nung palabas na kami ng school.Tumingin lang sya sa akin at hindi nagsalita. Ngumiti lang sya ng makahulugan. Hmm. Parang may binabalak na naman.

" Mr. Montero yang mga ngiti mong ganyan, mukhang may binabalak ka na naman. "

" Bakit Mrs. Montero ano sa tingin mo ang binabalak ko?" tanong nya, yung ngisi nya hindi mawala-wala.

" Aba malay ko sayo! Kumusta nga pala yung conference nyo kanina?" pag-iiba ko ng topic.

" Okay naman. Maganda yung role ko, maganda yung story, gusto ko yung director, si Direk Cathy, at baguhan yung leading lady ko na kanina ko lang talaga na-meet." kwento nya.

" Baguhan? Sino? Ano name nya? " tanong ko.

" Actually, kilala naman sya pero ngayon lang kami nag-meet, si Gwyneth Faelnar."

" Gwyneth Faelnar bhi? As in yung beauty queen na nanalo ng first runner up sa Miss Universe last year? Yung only daughter ni Senator Gaston Faelnar? OMG! bhi favorite ko yun di ba? "

" Yup! mismo! Ako rin nagulat eh. Pero baby mas maganda ka kaysa sa kanya. Kung tinanggap mo lang yung offer ni Madam S last year, di sana ikaw na ang nanalo. " turan nya. Naalala ko tuloy yung offer sa akin last year. Si Madam S ang mismong nag-alok kay mommy na isali ako sa Binibini. Dati kasi nyang alaga si mommy noon. Si mommy ang nag-uwi ng korona ng Miss International noong kapanahunan nya. Gusto akong isali kasi carbon copy nga raw ako ni mommy, malaki ang chance ko pero tinanggihan ko. Ayaw ko sa kahit anong may kaugnayan sa larangang pinasok ng pamilya ko.

" Bhi ang ganda kaya ni Gwyneth. Kaya nga first runner up sya sa Miss U di ba?"

" Hay ayan na naman sya. Mas maganda ka dun, hindi ko sinasabi ito dahil asawa kita kundi yun ang totoo. Hindi ka naman aalukin mismo ni Madam S kung wala siyang nakita sayo di ba? Maganda ka, matalino at talented but it seems you're not aware of it. "

" Hay naku bhi, pagtatalunan na naman ba natin yan? Alam mo naman ang reasons ko di ba? "

" Sabagay hindi ka magiging Mrs. Montero ngayon kung tinanggap mo yung offer last year. Mabuti na rin pala. "

" Bhi nasa plano talaga ng Diyos na magiging asawa mo ako kaya ano man ang maging desisyon ko noon dito pa rin tayo babagsak. We are destined to be together as husband and wife. "

" Yeah right. Oh were here. " anunsyo niya. Nagulat ako dahil hindi kami sa bahay nakahimpil kundi sa isang sikat na restaurant na paborito naming kainan sa Greenhills. Hindi ko napansin kanina ang dinadaanan namin dahil nag-uusap kami.

" Bhi bakit tayo nandito? Grabe ka naman tingnan mo nga ang suot ko oh, hindi bagay dyan." turan ko. Naka-uniform kasi ako na pang-doktor.

" Hey don't worry, umuwi ako sa condo. I brought you clothes." sabi nya sabay kuha dun sa paper bag na nasa back seat ng kotse.

" Bakit ba kasi nandito tayo? Anong meron? "

" Gusto lang kitang i-date. This is our first date as husband and wife. Remember, dito rin tayo nag date nung first monthsary natin noon? "

" Ang romantic talaga ng hubby ko. Thank you bhi, love mo ko talaga. "

" Oo naman, super love kita wifey. Gusto ko kasing magkasama tayo palagi habang hindi pa nag-uumpisa yung shooting namin. Medyo malalayo kasi ang location kaya siguradong hindi ako makaka-uwi sayo. " medyo nalungkot naman ako sa sinabi nya. Siguradong matatagalan na naman bago kami magkita. Usually, isa hanggang dalawang buwan inaabot ang shooting. Tapos nun may dubbing pa at promotion. Radio and tv guestings.

Sinimulan kong tanggalin ang suot kong uniform para makapagpalit na ng damit. Tinted naman ang kotse kaya walang makakakita sa akin.

" Uy baby, mamaya na sa bahay, kain muna tayo." sambit nya. Nung una hindi ko na-gets ang sinabi nya pero later on nakuha ko naman.

" Sira! dinalhan mo ako ng bihisan kaya magpapalit ako. Mamaya na sa bahay yang sinasabi mo, you will have me bhi, as much as you want. "

" Talaga? Uwi na kaya tayo baby, wag na tayong kumain?"

" Heh! Kanina lang ang romantic mo ah!"

" Hahaha.joke lang baby. Bilisan mo dyan magbihis baka magwala si junjun dito, mahirap na.Nakakita kasi ng sexy. " sabay sumipol pa. Natatawang naiiling na lang ako sa sinabi nya. Simula nung ikasal kami wala na talagang filter ang bibig nya.

Binilisan ko ang pagbibihis. Naglagay lang ako ng powder sa mukha at lip tint saka nagsuklay. Inalalayan nya akong bumaba ng kotse at hawak kamay kaming pumasok ng resto. Kaunti lang ang tao kaya malakas ang loob ng isang to na dito kumain.

May reservation pala siya kaya naman dun na kami iginiya ng staff. Nang makaupo na kami ay sinimulan ng i-serve ang pagkain. Magana kaming kumakain habang nag-uusap lang ng tungkol sa up coming movie nya. Isang OFW daw ang role nya kaya may scene sila sa ibang bansa kukunan. Sa Paris. Pero sandali lang naman daw sila, mga one week daw. Dun din kasi nya mami-meet ang ka-partner nya dahil model ito dun na gagampanan nga ni Gwyneth. Nakakalungkot lang kasi yung first day ng shooting nila, sa Paris na agad. Pero may Skype naman daw kaya huwag na daw akong malungkot.

Nung matapos ang main course ay yung dessert na ang inihain. Yung favorite kong blue berry cheesecake at banana split ang nakahain sa table. Sa tabi non ay may isang bouquet ng roses at red velvet box.

Nagtatanong na tingin ang iginawad ko kay Gelo.

" Bhi bakit may ganito pa? Anong meron?" tanong ko. Sobra naman kasi ito kung first date lang namin as husband and wife.

" Alright. Bukod sa first date natin ito as husband and wife, importante rin kasi itong araw na ito sa akin. Alam kong hindi mo na natatandaan pero ako tandang-tanda ko. "

" Anong date ba ngayon bhi?" tanong ko. Iniisip ko kasi kung ano talaga ang meron.

" November 13. Birthday ni ate Arienne. " sagot nya. Awtomatikong namula ang mukha ko ng maalala ko.

" Kainis ka bhi! Bakit pati yon sine-celebrate natin? "

" Hahaha. Bakit hindi? Yun lang naman ang date na nakuha mo ang first kiss ko."

Jusko rudy! ibang klase talaga tong si Gelo.